Instead of home, Zayne took Ezaiyah to his office.
Matatagpuan iyon sa gusaling pag-aari rin ng pamilya nito. He works there as the acting CEO. But to set the record straight, hindi niya inagaw ang posisyon na iyon kay Ezaiyah o sa kahit kanino. Sure, she is the one who supposed to be in his position. Iyon nga lang ay hindi naman ito nagbibigay ng maski katiting na atensiyon sa negosyong naiwan ng mga magulang nito.
Kung hindi kasi busy sa shooting o taping, nasa photoshoot ito. At kung magkaka-break time naman ay pawang mga kaibigan lang din nito ang hinaharap nito. He barely sees her in their house. Bagay na gustung-gusto niya mang itanong sa dalaga ay mas pinili na lang din niyang huwag alamin. Ayaw kasi niyang isipin nito na masyado siyang pakialamero. Besides, he already turned her down several times. Hindi dahil sa hindi niya ito gusto o kung ano pa man. Of course, he loves her! Hindi nga lang sa paraan na gusto nito.
He was ten years old when he met Ezaiyah for the first time. Matanda lang siya rito ng dalawang taon. Nakilala niya ito nang pormal na silang lumipat sa bahay ng mga Collins matapos maikasal ng Tita Haydie niya sa ama nito. At first, Ezaiyah seems to be the sweetest girl he would ever meet in his entire life. Hanggang sa napasok ito sa showbiz. Nakilala at umangat, pero kasabay din noon ay ang pagdating ng pinakamalaking dagok sa buhay nito. And yes, that was when his father leave the world unexpectedly. Namatay ito na maski siya ay hindi alam kung ano ang dahilan. And from then, Ezaiyah seemed to change.
Kung noon ay pinipilit nito na makipaglapit sa Tita Haydie niya, mula nang mawala ang ama ito ay naging ilag na ito kahit sa kanya. Good thing, it wasn't as bad as how she treats his aunt. Pero kahit na nanatili silang close kahit papaano ni Ezaiyah ay hindi pa rin niya maiwasang maramdaman at mapansin ang napakalaking pagbabago nito. Lalo na ang unti-unti nitong pagrerebelde. She's becoming wild. Malayung-malayo sa sweet, soft-hearted, at well-tamed na Ezaiyah na nakilala niya noon.
Back to him dragging Ezaiyah into his office.
Kapapasok pa lang niya at kalalagay niya pa lang sa dalaga sa couch na nasa loob lang din ng office niya, nang mabulahaw siya ng maingay na tunog ng telepono. He cussed as he immediately went to pick up the phone. Baka maging dahilan pa iyon ng pagkagising ng dalaga ng wala sa oras. Baka doon pa ito sa opisina niya magwala.
"Hello, who's this?" nakakunot ang noong sabi niya agad pagkasagot na pagkasagot niya sa tawag.
"U-Uhm, hello sir? This is Maya. I called because—"
"Come on, Maya. Don't beat around the bush, will you? I don't have all day kaya sabihin mo na kung ano lang ang kailangan mong sabihin." walang emosyon na saad niya rito.
"Ay, kayo naman, sir! Ang aga-aga, ang sungit-sungit niyo na—"
"Maya..." saad niya ulit sa nagbabanta nang tinig. "I didn't hire you to give comments about me. Now, sabihin mo na kung ano ang kailangan mong sabihin, or else... I'll fire you."
Narinig pa niya ang bahagyang pagtawa nito sa tila sarkastikong tinig bago ito muling nagsalita.
"Tumawag po si Mr. Cortez kanina. He's requesting kung pwede raw pong i-resched ang meeting niya with us." balita nito.
Napakunot-noo siya.
"Re-sched? Anong re-sched daw ang gusto niya?"
"Gusto niya raw po sanang mapaaga ang meeting niyo, sir."
"And what did you say?"
"Sinabi ko na itatawag ko muna po sa inyo ang tungkol sa bagay na iyon. At kung papayag kayo, tatawagan ko siya ulit para—"
"Then call him. Itanong mo kung kailan ang gusto niyang meeting. Tell him that I am available anytime—"
"Ay, sana all. Available anytime. Sana, sa akin din."
Hindi alam ni Zayne kung narinig niya ba ng tama ang mga sinabing iyon ng sekretarya. "What are you mumbling about?"
"Ha? Ah, wala po, sir. Ang sabi ko lang po, mamayang before lunch na lang daw po ang meeting niyo kung pwede. Sa... Italian resto few meters away from our building. Treat niya na rin daw po kayo ng lunch—"
"Well then, tell him that it's set—"
"N-nasaan ako? Gusto ko nang umuwi..." singit ng isa pang boses ng babae sa usapan nila ng sekretarya.
Awtomatiko siyang napalingon sa couch na pinaglapagan niya kanina kay Ezaiyah. And yes, there she is. Gising na gising na ito bagama't halatang inaantok pa rin at may tama pa rin ng alak. She's now sitting on his couch.
He was about to speak to her but then realizes that his secretary is still on the phone.
"Maya, I'll be hanging this call sooner. Tawagan mo na si Mr. Cortez at i-confirm mo na ang meeting natin sa kanya late before lunch. Tatawagan na lang kita ulit."
Nahimigan niyang magsasalita pa ang babae kaya inunahan niya na ito. Tinapos niya na ang tawag.
Pagkatapos noon ay hinarap niya na si Ezaiyah. Nakatingin ito sa kanya. Isang masamang tingin.
"Why did you hung up? 'Tapos na kayong mag-usap ng girlfriend mo?" walang emosyong saad nito.
Bahagya siyang umiling.
"I'm not. The one I'm talking to isn't my girlfriend. And will never be. That was Maya, my secretary."
"Who cares?"
Napapikit siya ng mariin kasabay ng dahan-dahang paglitaw ng inis niya sa dalaga.
"Matulog ka na ulit. I'll ask one of the staff to check on you as often as possible. Magpapa-deliver na lang ako ng pagkain para sa iyo. I'll be going out for a meeting with an important client and—"
"And I want to go home."
Hindi makapaniwalang tiningnan niya ang dalaga.
"Go where? Nababaliw ka na ba? You're drunk. Nasa bahay si Tita Haydie. Gusto mo bang masermunan ka na naman at mag-away na naman kayo—"
"She can do whatever she wants. Bahay ko iyon at uuwi ako roon kung kailan ko gusto. Now, I'm leaving— aray..."
Hindi umimik si Zayne at nanatili lang siyang tahimik habang nakatingin sa kawawang si Ezaiyah na ngayon ay nakahandusay na sa sahig. Tumumba lang naman ito dahil sa pagpipilit na makatayo.
"Masyado kang makulit. Sinabihan ka na nga na matulog ka na lang—"
"Eh, gusto ko ngang umuwi sabi! Bakit ba?!" singhal sa kanya ng dalaga na kahit nasa sahig na at halatang hindi kaya ang sarili ay sige pa rin sa pagsusungit.
Napabuntung-hininga na lang tuloy ang binata saka umupo sa swivel chair.
"Alright. Ikaw ang bahala. Just don't expect me to bring you home. At ipapaalala ko lang, na sa oras na lumabas ka ng opisinang ito ay wala na akong sagutin sa iyo."
Kahit pa pinipigilan ni Zayne ay hindi pa rin nagpaawat si Ezaiyah sa kagustuhan niyang umuwi na lang sa kanila. She's still a bit tipsy, at alam niyang tama ang lalaki na sa oras na makita siya ng madrasta sa ganoong kalagayan ay paniguradong abut-abot na sermon na naman ang matatanggap niya mula rito.
But well, kailan ba hindi? Saad sa isip ng dalaga. Lagi naman. Ano pa'ng kailangan kong ipagtaka? She hardly sees anything good on my doings. Hindi na ako takot sa kung ano pang sasabihin o gagawin niya sa akin. I'm used to it.
Hanggang makalabas na siya sa gusaling pag-aari ng yumaong mga magulang niya ay habul-habol pa rin siya ni Zayne. It is as if mapilit siya nitong huwag ituloy ang binabalak niyang pag-uwi.
Batid ng dalaga na sinusundan sila ng tingin ng bawat taong madaanan nila. Pero gaya ng dati, wala siyang pakialam. Nakafocus lang siya sa goal— ang makatakas sa makulit na si Zayne at ang makauwi na sa bahay nila para magpahinga sa malaki at maaliwalas niyang silid.
"Zai, please. Don't be a kid. Makinig ka sa akin—"
"Don't be a kid, 'tapos dinidiktahan mo ako na makinig sa iyo? Listening to someone is nothing but a kid's doing, Zayne. At saka, 'di ba sinabi mo na kanina na umuwi na ako kung gusto ko as long as hindi mo na ako magiging sagutin once na lumabas ako ng office mo?"
Tuluy-tuloy lang ang dalaga sa paglakad habang sinasabi ang mga katagang iyon. Ni hindi siya huminto para man lang lingunin ang binata.
Nang matanaw ang parking area ay mas binilisan niya pa. She immediately scan the whole place to see if the car she brought earlier was there. Pero wala ito roon.
Hindi niya mapigilan na makaramdam ng pagkadismaya. And right at that very moment, she wanted to scream. But seeing Zayne wearing some naughty smirk made her realize that she must not act fool in front of him. So, off she went.
Naglakad siya pabalik sa daang binaybay niya kanina. Wala ring lingun-lingon na nilampasan niya lang si Zayne sa kinatatayuan nito.
Diretso siyang nagtungo sa sidewalk para mag-abang ng taxi o ng kahit anong masasakyan. While on her peripheral vision, she's seeing how shocked Zayne is seeing that behavior of hers.
"Ezaiyah, look. You don't have to do all these. Bakit kasi hindi ka na lang mag-stay sa office ko at—"
"At ano? Magsunud-sunuran doon sa kung ano'ng gusto at hindi mo gustong gawin ko? For Pete's sake, Zayne. You know how much I don't want to be dictated." putol niya ulit sa kung anumang sasabihin nito.
Matapos iyon ay itinuon niya na ang tingin niya sa kalsada, naghihintay ng kahit anong pampasaherong sasakyan na pwede niyang magamit pauwi sa kanila.
"You're crazy. Sigurado ka ba'ng sasakay ka sa ganiyang public transport? Paano kung pagkaluguhan ka at—"
"It's finer than being jailed in your office as you keep on telling me what to do."
Nang mapansin niyang may paparating na taxi sa direksiyon nila ay sumenyas agad siya para parahin iyon. She may be as wealthy as all brats are, pero hindi siya mangmang para hindi malaman ang simpleng pagtawag lang ng pampublikong sasakyan. Besides, she already did that on her series and movies, too, several times.
Pagkasakay niya ay agad niyang isinara ang pinto ng taxi. Tsaka niya lang binalingan ng tingin si Zayne na nakatingin pa rin sa kanya, tila hindi makapaniwala sa mga ikinikilos niya.
"Sa Casa Collina po tayo, Kuya." saad ni Ezaiyah nang magsimula nang umandar ang sasakyan.
Nagkataon na nakatingin siya sa salamin kung saan kitang-kita niya ang repleksiyon ng mukha ng driver. At nang sabihin niya ang paroroonan niya ay hindi rin nakalampas sa paningin niya ang pagkabigla na rumehistro sa mukha nito. He even looked at her as if she's someone that is unbelievable to exist.
"M-Mawalang-galang na po. A-Ano'ng pakay niyo sa Casa Collina?"
Hindi agad nagawang magsalita ng dalaga dahil pakiramdam niya ay nagha-hallucinate lang siya nang marinig ang pagtatanong na iyon ng driver.
"Excuse me?" saad niya muna para siguruhin kung may sinabi nga ba talaga ito o baka guni-guni lang niya iyon. It isn't far to happen, anyway. Aminado siyang may tama pa rin ng alak ang sistema niya.
"A-Ano pong pakay ninyo sa Casa Collina?" ulit naman nito, kaya ngayon ay nakatitiyak na ang dalaga na totoong may sinabi nga ito.
"Why? I mean---"
"Ah, huwag niyo na pong sagutin. P-Pasensiya na. Bago lang po kasi ako rito, galing pa ho ako sa probinsiya." Now, that explains kung bakit gumagamit pa siya ng waze ganoong isa sa mga kilalang lugar ang Casa Collina na siyang tirahan namin. "Pero narinig ko sa mga kapwa ko driver ang Casa Collina raw ay isa sa mga pinakatanyag at kilalang destinasyon dito. Mayaman daw ang may-ari noon at ultimo mga kasambahay, eh, may mga sariling drayber kaya imposible raw na may maisakay kaming tagaroon. K-Kaya nagtataka rin ako sa inyo kung ano'ng pakay niyo roon at kung bakit kayo nakasakay dito."
Hindi siya makapaniwala na may ganoong reputasyon na pala ang tirahan niya. Yes, of course, she knew that even their maids have their designated driver to drive for them during errands. Pero ni minsan ay hindi sumagi sa isip niya na magiging usapin pala iyon na konektado sa tahanang kinalakihan niya.
"A-Ahm... T-Tagalabas po talaga ako. Pamangkin ako ng isa sa mga kasambahay doon. B-Bibisitahin ko lang siya kaya---" Oh, heck. Bakit nga ba ako nagpapaliwanag?
Itinikom na lang niya ang bibig at hindi na nagsalita pa. Ganoon din ang ginawa ng driver kaya sa buong biyahe ay tanging tunog na lang na nagmumula sa radyo ang naririnig nila.
Hanggang sa ibinaba na nga siya nito ilang hakbang pa ang layo sa malaki at mataas na gate ng mansiyon nila.
"Pasensiya na po, Ma'am. Hanggang dito ko na lang po kayo pwedeng ihatid. Baka bawal kasing pumarada ang mga sasakyang hamak tulad ng sa akin doon mismo sa harap—"
"No need to explain, Kuya." marahang saad ng dalaga tsaka humugot ng pera sa pouch niya. Walang tingin-tingin na iniabot niya iyon.
She was about to go out when the confused driver called her attention.
"M-Ma'am, sobra po ang bayad niyo."
Doon lang niya nilingon ang driver, sa kamay nito ay may isang libo na marahil ay siyang naiabot niya rito.
"Just keep the change, Kuya. Thank you for bringing me safe in here."
Hindi na muli pang nagsalita si Ezaiyah at nginitian na lang ang driver na tila hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyari.
Lumabas na siya sa taxi nito tsaka diretsong naglakad palapit sa gate ng mansiyon.
Nang nasa mismong harapan na siya ay saglit siyang huminto. Huminga siya ng malalim, inihahanda ang sarili sa kung anumang nakatakdang mangyari sa pagitan nila ng madrasta. Sa pagkakataong iyon ay isa lang din ang sigurado niya— malinaw na gulo na naman ang naghihintay sa kanya sa loob ng malaking bahay na iyon.
After conditioning herself, Ezaiyah managed to enter the house without anyone seeing her.Mukhang wala rin doon ang madrasta niya dahil kadalasan ay sa porch ng garden house na nasa harap lang din ng main house ang tambayan nito. At kahit kataka-taka na nasa receiving area na siya pero hindi pa rin niya namamataan si Haydie, ay lihim na lang siyang nagdiwang sa loob-loob niya.Mukhang wala nga ang bruha. Well, at least, matatahimik ang buhay ko kahit ngayon lang---"Kung iniisip mo na magagawa mong pumasok ng kwarto mo nang hindi ako hinaharap, nagkakamali ka. What took you so early?"Napapikit ng mariin ang dalaga nang marinig ang tinig na iyon ng kanyang madrasta. She's more than sure that it's Haydie's. Siya lang naman kasi ang may nakakairitang boses dito at wala nang iba.Dahan-dahan siyang pumihit patalikod, sa direksiyon kung saan nagmula ang boses nito. Hindi nga siya nagkamali dahil pagkaharap na pagkaharap niya ay bumungad agad sa kanya ang madrasta niya na salubong na naman
One week after she had that talk with a stranger, Ezaiyah is now fixing her luggage for tomorrow's trip. Dahil oo, buo na ang pasya niya na sundin ang suhestiyon ng estranghero.Upon surfing on the internet, she found this intriguing place— an island to be exact, which according to its description is an infamous and ultra-exclusive when it comes to entertaining guests. Isa lang sa kada booking ang pinapayagang makapagbakasyon sa isla na iyon. Weird, isn't it? Pero kabaliktaran ang naramdaman ni Ezaiyah nang malaman niya ang tungkol sa bagay na iyon. She felt the sudden rush of excitement. Pakiramdam niya ay isa muli siyang teenager na susubok lumabas sa comfort zone sa pinakaunang pagkakataon.The place's name is 'Isla Amore de Esperanza'. It is found somewhere in Visayas. At dahil nga 'exclusive' at 'isolated' ang nasabing area ay hindi pinapayagan ang pag-landing ng kahit ano'ng uri ng sasakyang panghimpapawid. Meaning, ang tanging paraan lang para makapunta sa islang iyon ay ang pa
Kinabukasan. Gaya ng inaasahan ay maagang nagising si Ezaiyah.Alas tres ang is-in-et niyang alarm, pero alas dos y medya pa lang ng madaling araw ay gising na siya. Well, she always have that 'advanced body clock'. Laging mas nauuna pa siyang magising kaysa sa pagtunog ng naka-set niya nang alarm. Lalo na kapag may importante siyang pupuntahan o alam niyang may masayang mangyayari sa kanya kinabukasan niyon.Pagkatapos ng ilang minuto ng pagmumuni-muni ay bumangon na siya. Kailangan niya nang magsimulang kumilos nang sa ganoon ay makaalis na siya habang tulog pa ang lahat.Bago maligo ay naisipan niyang bumaba sa kitchen para gumawa ng kape. Medyo malamig kasi ang panahon, idagdag na naka-airconditioned pa ang buong kwarto niya.Habang naglalakad pababa ay sinisiguro niyang hindi siya nakagagawa ng kahit anong ingay. She better not wake anybody. Dahil kung hindi ay malaki ang magiging tsansa na masira lahat ng pinaplano niya—"What are you doing here this late?""Ay, kabayo!"Pagkata
Pasado alas tres y medya na nang sa wakas ay magawa ni Ezaiyah na lumabas ng bahay. It is a good thing that she is so good at sneaking. Nagawa niyang makalabas nang hindi nakakalikha ng kahit ano'ng ingay na posibleng ikagising ng mga kasama niya sa bahay. Lalung-lalo na si Haydie na may sixth sense yata o kung anong radar na mabilis itong makarinig at makahalata ng mga bagay-bagay.Hindi na siya nagdala ng kahit ano pang sasakyan. She just walked away from their huge mansion and went straight to the road proper. Doon siya mag-aabang ng masasakyan. Hindi naman na siya nangangamba na baka may makakilala sa kanya dahil una sa lahat ay normal at kaswal na damit lang ang suot niya— plain hoodie na pinaresan niya ng leggings at rubber shoes. Isa pa, she has her mask on. Idagdag pa na gumawa siya ng kaunting disguise sa sarili niya para kahit papaano ay makadagdag sa kanya ng assurance na hindi talaga siya makikilala ng kahit sino.Alas singko pa naman ang nakatakdang pag-alis ng bangka na
Pasado alas singko na ng umaga nang mamataan niya ang pagdating ng isang may-katandaan nang lalaki. Sa tingin niya at kung hindi siya nagkakamali ay isa itong bangkero. Iyon nga lang, imbis na sa mga bangka ay sa kanila ito unang lumapit. Oo, sa kanila.Kanina kasi, wala pa halos sampung minuto pagkaupo niya sa waiting area ay may isa pang dumating na gaya niya ay mukhang may pupuntahan din. She easily sensed it because... nevermind. Lalaki iyon at matangkad, dahilan para pakiramdam niya ay biglang sumikip sa maliit na ngang waiting area na kinaroroonan niya. Idagdag pa na may dala rin itong malaking travelling bag."Kayo ho ba iyong bibiyahe pa- Isla Amore de Esperanza?" nakangiting usisa agad nang may-katandaang lalaki paglapit pa lang sa kanila.Kayo? Hindi niya na lang pinansin ang parte ng sinabing iyon ng lalaki at tumango na lang. She even smiled back at him, even a bit."Uhm, opo. I am heading to Isla Amore de Esperanza. Kayo po ba ang magdadala sa akin doon?" pagkumpirma at
Wala pang isang oras mula nang sumakay si Chase sa bangka pero ramdam na ramdam niya na ang pagkasagad ng pasensiya niya.At oo, ang babaeng kasama niya sa biyahe ang dahilan niyon.Wala naman talaga siyang balak na pansinin ito o tingnan man lang. Pero nang magsimula ito kanina sa pamamagitan ng pagtusok sa hita niya, hindi niya na alam kung paano pa aalisin sa utak niya ang imahe ng babaeng iyon. And every glimpse of her made his patience gradually disappear.Sinabayan pa ito ng bangkero na napagkamalan silang mag-asawa. Damn. What the heck with these two?!Sa kabila ng pangungulit ng nakakairitang babae ay pinanindigan niya pa rin ang hindi pagpansin dito. Well, not until she went beyond his tolerance."Isa pang hindi mo pagpansin sa akin, itatapon ko na talaga itong mga gamit mo. Plus, I'm gonna push you off to the waters!"Inis na binalingan niya ang babae. Hindi dahil sa natatakot na siya sa pagbabanta nito, kundi gusto niya lang na tumigil na ito sa pangungulit sa kanya. At kun
After Chase snapped at the girl, he can't help himself not to feel guilty even a bit.He didn't mean to be harsh on her. Iyon nga lang ay naiinis siya rito na imbis na mag-isip ito ng paraan kung paano makakatulong sa survival nila ay gumagawa pa ito ng rason para lalo pang pabigatin ang sitwasyon. And for him, that insane girl is big already and old for a crybaby.Lumipas pa ang ilang minuto at pinilit na lang niya na ituon ang pansin niya sa paglilimas ng tubig palabas sa bangka. Kahit pa alam niya na imposible namang maalis niya pa ang mga tubig at bumalik ulit sa normal ang paglalayag nila. It's just that... iyon na lang ang naiisip niyang paraan kahit papaano para mapabagal ang paglubog nila at ng bangka.Maging ang babae ay napansin niyang tumutulong na rin sa paglilimas. Bagaman umiiyak pa rin ito at nanginginig, kahit papaano ay nakikitaan niya na rin ito ng pagiging kalmado at tahimik. And that state of her touches his heart somehow.Shit. Am I really the one talking about 'h
Sa muling paggising ni Ezaiyah ay ramdam pa rin niya ang kakaibang sakit ng ulo na gaya ng kanina ay hindi niya pa rin alam kung paano niya natamo.Pero ipinagpapasalamat niya na kahit papaano ay hindi na iyon kasingtindi ng kanina noong unang gising niya pa lang. And yes, she can remember it. Pero ang lahat ng mga nangyari bago siya napunta sa kung saan mang lugar na iyon ay hindi niya pa rin alam.Ilang minuto matapos niyang magising ay pinanatili niya lang muna ang sarili niya sa pagkakahiga. Kinalma niya muna ang isipan niya, inalis doon ang mga bagay na hindi niya pa dapat isipin, kasabay ng pagsubok niya na i-relax kahit papaano ang ulo at katawan niya nang sa ganoon ay mabawasan ang pamimigat at pananakit ng mga iyon.Nang sa tingin niya ay makakaya niya nang makabangon ay dahan-dahan na siyang umupo sa kinahihigaan niyang malambot na kama. Sumandal muna siya sa headboard para siguraduhing hindi mabibigla ang katawan niya, lalung-lalo na ang ulo niya. Oh, heck. I already got dr
17 years ago..."So, doon pala kayo nag meet ni Dad. How romantic. Parang iyong nababasa ko lang sa mga romance novels."Hindi na napigilan ni Ezaiyah ang mapahalakhak dahil sa naging reaksyon ng anak matapos nilang ikwento rito ang naging simula ng kwentong pag ibig nila.They named their daughter "Haliya", anyway. In Philippine mythology, her name means the "Goddess of the Moon"."For real. Kaya nga isa ang Isla Amore de Esperanza sa mga itinuturing namin na pinakamahalagang lugar para sa amin ng dad mo. If only we could bring you there." nakangiting sabi niya."You could bring me there anytime. Magpa sched tayo ng visit!" excited na turan ng anak.Nagkatinginan na lang sina Chase at Ezaiyah. Hindi kasi nila nabanggit sa anak ang tungkol sa 'dark side' ng islang iyon. Iyong tungkol sa 'sumpa' diumano na bumabalot sa isla."Alam mo anak, kahit gusto namin ng mommy mo na bumalik doon, sad to say wala kaming magawa. Wala tayong magagawa. Ikaw, you can visit that place soon someday, kap
6 months later...Pagkatapos ng maraming pagsubok, heto at nakakatayo pa rin kami.We're still at our best. We continue to live life. At sa ngayon, masasabi ko na lahat kami ay masaya na. Si Mama Haydie? She finally found her peace. At iyon ay ang magpaka ina ng todo sa kanila ng Kuya Zayne niya. She really did her best to keep up with everything that has lost to them within years. Tuluyan na rin nitong hindi na pinabalik pa ang mga kasambahay nila na dating sa kanila pa nananatili. Ito na kasi ang nag aasikaso sa kanila ng full time. There condition is still up, though. Na minsan sa isang linggo o buwan ay may pupunta pa ring mga trabahador sa bahay nila para kahit papaano ay pagaanin ang mga gawain doon.At ang Kuya Zayne niya, iyon at nakahanap na rin ng babae na nakatapat nito. 'Shane' ang pangalan. Nakakatawa lang dahil tugmang tugma ang pangalan ng dalawa. Zayne at Shane. Madalas nga niyang binibiro ang kapatid na marahil ay itinadhana talaga ito at ang babaeng naging nobya nito
"S-Si Chase pala. N-Nasaan si Chase? D-Did he... Did he come to see me? O-O tuluyan na niya akong tinalikuran?" Segundo na ang lumilipas ay hindi pa rin siya sinasagot ni Haydie. Maging si Zayne ay tahimik lang din.Dahil doon ay napaisip na siya na siguro nga ay iniwan na talaga siya ng tuluyan ni Chase.Gaga. Bakit ka naman niya iiwan? Eh, simula pa lang hindi naman na siya nag stay sa iyo? Napakagat siya sa ibabang labi niya.Bigla ay gusto na naman niyang umiyak. Hanggang ngayon ay hindi niya lubos maisip kung ano ba ang nagawa niyang mali sa lalaki at maging ang harapin man lang siya ay hindi nito makaya.She felt her tears near to burst. Suddenly, the door swung open. Nalipat doon ang atensyon hindi lang ni Ezaiyah, kundi maging sina Haydie at Zayne.Mula roon ay pumasok ang isang matangkad na lalaki. Nakaputing polo ito at slacks--- masyadong pormal para isang bibisita lang sa ospital. Pero hindi rin naman doktor.May dala itong malaking bouquet ng bulaklak na tumatakip s
Kahit gulung gulo na at kahit tila sobrang hirap na paniwalaan ng mga sinasabi ni Haydie ay pinili pa rin niya na makinig dito."The truth is... your dad and I... mas nauna naming makilala ang isa't isa. We're first, too, in having relationships. He was just eighteen back then and I was sixteen. Masyado kaming mapusok, maraming gustong subukan. At that time, we loved each other so much that we gave in to temptation. At the very young age of seventeen, I already got pregnant. I-Iyon ay kahit hindi pa kami kasal ng daddy mo." pagkwe kwento nito.Napakurap siya."W-Walang nasabi si Daddy sa akin na tungkol doon." aniya.Ngumiti ng tipid ang mama niya tsaka ito marahang tumango. "I know and I understand. Noong ipinagbubuntis ko ang unang anak namin, masaya naman kami. He was very happy that an angel came to bless our relationship. Kahit hindi pa kami kasal noon at kahit hindi rin alam ng mga magulang niya ang tungkol sa dinadala ko. They didn't even know our relationship. Hamak lang nama
Sa ikalawang pagkakataon ay muling nagising si Ezaiyah. At gaya ng nauna ay parang galing na naman sa malalim na pagkatulog ang pakiramdam niya.Pero imbis na sa malaparaisong lugar ay natagpuan niya na ang sarili niya sa isang puting puting silid na may apat na sulok. Maraming aparato ang nakakabit sa kanya. At higit sa lahat ay wala na roon ang mga magulang niya.Tuyung tuyo rin ang lalamunan niya na tila ba hindi siya nakainom o nakakain ng mga may ilang araw na.Then it her--- naaksidente nga pala siya. Malamang ay bunga ng pagkakaaksidente niya kaya siya nakatulog. Baka nga na coma pa siya.Kamusta kaya ang baby ko?Sa naisip niyang iyon ay agad siyang nakaramdam ng panic. Sinubukan niya ring abutin ang tiyan niya. Pero nang dahil sa mga nakakabit na aparato sa kanya ay hindi niya magawa iyon.Out of frustration, she cried.Doon naman ay biglang bumukas ang pinto ng kwarto kung nasaan siya.At dahil ayaw niyang mahuli siya ng kung sino mang bagong dating na umiiyak ay mabilis niy
Ezaiyah woke up from what seemed to be a very deep sleep.Nang imulat niya ang mga mata niya ay sinalubong siya ng napakagandang paligid. It was nature. Maraming malalagong puno sa paligid--- hitik sa bunga at mga bulaklak. Napakabango. Banayad din ang simoy ng hangin na tila ba ipinaghehele siya para makatulog ulit. Sobra rin ang liwanag doon, pero sa kabila noon ay hindi siya nasisilaw.Bunga ng kuryosidad ay nabangon siya. Tsaka niya lang napagtanto na nakaupo lang siyang nakatulog at ang tanging nagsilbing unan niya ay ang magkapatong niyang mga kamay na nasa ibabaw ng isang napakalinis at kumikinang pa na bato.Nasaan ba ako?Kung titingnan ang lugar, maihahalintulad niya iyon sa perpektong deskripsyon ng paraiso. Iyon nga lamang ay walang dagat. Ang meron lang doon ay batis na napakalinis kung saan matatagpuan ang ilang mumunting hayop na nagliliwaliw.Napangiti siya.Kung saan man siya naroroon ngayon ay isa lang ang tiyak niya--- masaya siya.Pero bakit ako napunta rito? What
"We're very sorry to let you know that she's in the emergency room right now. She had a car accident and we need someone related to her to come immediately." It's been an hour since Chase got that call. At isang oras na rin halos mula nang makarating siya sa ospital na iyon. Pero hanggang ngayon ay wala pa ring balita kung ano na ba ang lagay ni Ezaiyah. Nasa emergency room pa rin ito.Naiinis siya sa sarili niya na wala man lang siyang magawa para kahit papaano ay bumuti ang kalagayan nito. Nandoon lang siya, sa labas ng emergency room at naiinis sa sarili. Sinisisi niya ang sarili niya sa lahat ng nangyayari ngayon. Lalo na ang pagkasangkot ni Ezaiyah sa aksidente."Hello, excuse me. Do you know the woman inside by chance? Ikaw ba ang nagdala sa kanya rito sa ospital?"Napaangat ang tingin niya sa babaeng nagsalita. The woman even put her hand right on his shoulder.Maganda ang babae at halatang mayaman. Though she looks like in her late fourties. May kasama rin itong matangkad
Upon thinking, everything he had said to Ezaiyah earlier came running back to his mind.At ngayon na nahismasmasan na siya kahit papaano, parang bigla ay pinagsisisihan niya na ang mga sinabi niya rito kanina. Pero para saan pa nga ba? Huli na ang lahat.And you should thank yourself, anyway. Binakuran mo lang ang sarili mo. By that, hindi ka na masasaktan ulit ng malala. And so is she.Tama.Napagpasyahan niya na kalimutan na lang pansamantala ang ukol sa bagay na iyon. Kahit anong tungkol kay Ezaiyah. He has his own life to live, anyway. Mas makabubuti kung iyon na lang ang asikasuhin niya kaysa ang kung anu ano pang bagay. Muli niyang ibinaling ang atensyon niya sa kung anong ginagawa niya. That was when he realized that everything is almost done. Napatingin siya sa orasan at doon niya lang din napagtanto na halos sampung minuto na lang pala at uwian na rin.He immediately thinks of abrupt plans to kill his remaining time in the office.Inilibot niya ang paningin niya sa kabuuan
Just as when Ezaiyah thought that Chase would hit his head hard on a rock and suddenly felt even a bit of concern towards her once again, her expectations fell into nothingness. Again.Kaya matapos ang huling katagang binitiwan nito ay hindi na siya nagtangka na sumagot pa. Umalis na lang siya sa opisina ni Chase, mabigat ang loob.At hanggang ngayon na nagmamaneho na siya pabalik sa kanila ay halos paulit ulit pa ring bumabalik sa isip niya ang lahat ng naganap kanina. At lahat ng salitang binitawan sa kanya ng lalaki... paulit ulit din na tila naririnig niya iyon at paulit ulit din na pakiramdam niya ay sinasaksak siya.She came to his place with a happy and hopeful heart. Pero ngayon, wala na iyon. Ang tanging nararamdaman niya na lang ang bigat ng loob. And that happy and hopeful heart of hers before? Ayun, halos mapulbos na sa sobrang pagkadurog bunga ng ginawa ni Chase.Napahinga siya ng malalim.Hindi niya lubos maisip na magiging ganoon ang pakikitungo nito sa kanya. Oo, alam