Nang gabi ngang iyon ay natuloy ang planong pagtitipon-tipon ng magkakaibigan. And as planned, si Chase nga ang naging in-charge sa mga iinumin nila. Hindi naman nagpatalo si Ezaiyah dahil siniguro niya at ng mga kaibigan niya na may masarap silang kakainin at pupulutanin na lalo pang makakadagdag sa enjoyment at pagsasaya nila. It was still half an hour before the clock hit seven in the evening, pero kumpleto na silang magkakaibigan sa tabing dagat kung saan nila isasagawa ang maliit na pagtitipon. Patapos na rin sina Waky at Ody sa paglalagay ng mga dekorasyon na ayon sa mga ito ay makatutulong din para lalo nilang ma-enjoy ang gabi. Para na rin daw sa aesthetic vibes. Para raw feel na feel. Ezaiyah on the other hand, couldn’t help herself not to smile while staring at her new found friends. Habang nakatitig siya sa mga ito, hanggang ngayon ay tila hindi pa rin nagsi-sink in sa kanya ang lahat sa bilis ng mga pangyayari. Once, she was a drunkard model and actress who used to make
The party went wild and happy still even after the slight argument that took place between Chase and Ezaiyah.Kumain muna sila ng hapunan at nagpahinga saglit. Of course, it was because of Warren’s presence. May doktor silang kasama kaya naging health concious tuloy sila ng biglaan bago nila gawin ang pagsasaya.And as for Ezaiyah, their party is so far, so good. Wala siyang masabi.She could just feel the sincere and genuine happiness she bet she doesn’t felt in her entire life of living together with that brat Haydie and her jerk nephew Zayne. Maraming beses na rin naman siyang nag party noong nasa Maynila pa siya. Halos araw araw pa nga kasama ang mga kaibigan niya at maging ang mga estrangherong ni hindi niya alam ang pangalan at nakikilala niya lang sa iba’t ibang bar at club na pinupuntahan niya.But this time with Chase and their newly found friends? Alam niyang hindi basta bastang kasiyahan lang ang nararamdaman niya ngayon. It was.. indeed beyond that.“O, siya. O, siya. Bago
The entire place was filled with sudden noise after every one of them— well aside from Waky, Warren, and Chase, burst out laughing.Sino ba naman kasing hindi matatawa sa tanong na iyon ni Paopao?“Grabeng tanong iyan, ha? Baka isipin ng dalawang fafable na ito na minamanyak ko sila at pinagnanasaan.” tila nahihiyang saad ni Waky. “Baka ma jombag pa ako ng wala sa oras. Mahirap na. Marami pa akong pangarap at ayoko pang masira ang beauty ko!”Sukat doon ay bigla na namang napahagalpak ng tawa ang magkakaibigan. Only this time, it was louder. Imbis na intindihin at tigilan na lang ang ginagawang pambubuyo kay Waky ay tila lalo lang silang nagkaroon ng gana na gatungan pa ang asarang sinimulan ni Paopao.“You’re all crazy as hell.” walang emosyong saad ni Warren. Panandaliang natahimik si Ezaiyah maging ang mga kasama niya. But that silence didn’t last for long dahil halos segundo lang ang lumipas ay muli na naman silang nagkatawanan at nagkasigawan pa nga. And it was because of Chase.
Hindi na alam ni Chase ang mararamdaman dahil sa nangyayari ngayon sa paligid niya.Kung hindi siya nagkakamali ay mag alas tres na ng madaling araw. They're still on the sea side. Wala silang ginagawa dahil karamihan sa kanila ay tulog na rin at ang iba naman ay gising nga pero nag aagaw naman na nag kamalayan bunga ng sobrang pagkalasing.Even Chase felt the same. Gustung gusto na ring pumikit ng mga mata niyang namimigat na. He's trying his best to keep himself awake for the sake of… Ezaiyah.Yeah, the crazy woman Ezaiyah. The bigmouth Ezaiyah. Si Ezaiyah na nahihirapan na nga siya sa kalagayan niya ay lalo pa siyang pinapahirapan. Mahimbing na mahimbing nang natutulog ito habang ang ulo ay nakasandal sa balikat niya. Halos dalawang oras na rin mula nang makatulog ang dalaga at sa simula pa lang ay sa kanya na ito nakasandig.Walang pinagkaiba sa nangyari noong nasa isla sila at tumaob ang sinasakyan nilang bangka. She was unconscious and he had no choice but to save her despite o
Ezaiyah woke up the next morning feeling swollen all over. Which for her is just understandable.Hindi naman kasi lingid sa kaalaman niya ang nangyari noong nakaraang araw. She had fun together with her friends. Hindi rin lingin sa kanya na naparami ang inom niya nang araw na iyon kaya inaasahan na rin niya ang matinding pananakit ng katawan na maaari niyang maramdaman kinabukasan.At hindi nga siya nagkamali.Bahagya niya pa lang na naididilat ang mga mata niya ay naramdaman niya na agad ang pagguhit ng kirot sa ulo niya. Masakit din ang katawan niya na para ba siyang pagod na pagod at bugbog na bugbog. Maging ang dibdib niya ay may kakaiba ring sakit. And when she said chest, it meant more than just the chest itself. She meant the… well, her pair of mountain with cherries on top. Basta. Maging ang maselang parte niya na nasa pagitan ng mga hita niya ay may kung anong kirot din na— wait. Bakit masakit ang mga dibdib ko at ang… ang… oh, my gosh!Kung kanina ay bahagya lang na dilat an
It's been hours since Ezaiyah drove Chase out of the main bedroom.Mula roon ay sa music room na siya nagtungo at hindi na muli pang lumabas doon. He stayed there— thinking about everything that just happened.Batid niya na lasing siya nang nagdaang gabi, pero hindi rin niya maipagkakaila na natatandaan niya lahat ng nangyari bago, habang, at pagkatapos nilang magawa ang bagay na iyon.He was about to leave and go back to his designated room which is the music room, when Ezaiyah suddenly pulled him in. Kaya imbis na mapatayo at makalayo ay lalo pa siyang napalapit dito. He even fell straight on top of her.Pagkatapos noon, pinilit niya pa ring makalayo ulit. But he was caught off guard when she hugged her tight.“A-Am I not enough? H-Hindi ba ako kamahal mahal? B-Bakit lagi na lang nila akong iniiwan? I-I… I tried my best naman to love and trust them full. P-Pero parang hindi pa rin sapat. N-Nandito pa ako pero parang wala naman na ako kung ituring nila. T-They only love me for what I
The following days, Chase didn't stop initiating a talk with Ezaiyah.Lahat na lang ng paraan ay sinubukan niya na. Naroong sinundan niya ang babae kahit hanggang sa kwarto pa nito. He literally begged for her to talk to him. Maging ang pasasalita ng mag isa sa labas ng kwarto nito ay ginawa na rin niya kahit pa batid naman niyang hindi ito nakikinig sa kung anumang pinagsasasabi niya.Iyon nga lang, sa kabila ng lahat ng pagkukusa niyang iyon ay wala pa ring nangyari. He still didn't get Ezaiyah to have a word with him again. Ayaw pa rin siya nitong harapin. There were times that they are about to be in one place. Pero nahahalata niya na ito na mismo ang umiiwas sa kanya. Bagay na wala naman siyang magawa upang pigilan dahil kitang kita sa dalaga ang determinasyon nitong iwasan siya. She's like willing to give and do everything. Anything except from talking to him again and facing him like before.Kaya bago pa man siya tuluyang mawalan ng dignidad ay napagpasiyahan niyang tigilan na
It took days before Ezaiyah finally made up her mind--- siya na ang magkukusang makipag usap ulit kay Chase.It was her who drove the man away, anyway. Maraming beses na rin naman itong lumapit sa kanya to initiate a conversation. Siya lang talaga ang umiiwas at aware naman siya na kamalian niya iyon. But she will going to correct that some sort of mistake she did. Siya naman ang lalapit sa sa binata. At gagawin niya na iyon ngayon mismo.She went first to the music room but sadly, Chase is not there. Katatapos lang ng may kalakasang ulan at may kalaliman na rin ang gabi ng mga oras na iyon. Ezaiyah also knew that it was freezing cold outside. Pero hindi siya nagpahadlang doon. Bumaba pa rin siya para lang tingnan at malaman ang kinaroroonan ng lalaki. Hindi siya makakatulog kung hindi niya pa ito makakausap ngayon at kung hindi pa sila magiging malinaw sa isa't isa.So, with her wearing nothing but a thin night gown, she went off. Paglabas niya pa lang ay dumampi na agad sa balat ni
17 years ago..."So, doon pala kayo nag meet ni Dad. How romantic. Parang iyong nababasa ko lang sa mga romance novels."Hindi na napigilan ni Ezaiyah ang mapahalakhak dahil sa naging reaksyon ng anak matapos nilang ikwento rito ang naging simula ng kwentong pag ibig nila.They named their daughter "Haliya", anyway. In Philippine mythology, her name means the "Goddess of the Moon"."For real. Kaya nga isa ang Isla Amore de Esperanza sa mga itinuturing namin na pinakamahalagang lugar para sa amin ng dad mo. If only we could bring you there." nakangiting sabi niya."You could bring me there anytime. Magpa sched tayo ng visit!" excited na turan ng anak.Nagkatinginan na lang sina Chase at Ezaiyah. Hindi kasi nila nabanggit sa anak ang tungkol sa 'dark side' ng islang iyon. Iyong tungkol sa 'sumpa' diumano na bumabalot sa isla."Alam mo anak, kahit gusto namin ng mommy mo na bumalik doon, sad to say wala kaming magawa. Wala tayong magagawa. Ikaw, you can visit that place soon someday, kap
6 months later...Pagkatapos ng maraming pagsubok, heto at nakakatayo pa rin kami.We're still at our best. We continue to live life. At sa ngayon, masasabi ko na lahat kami ay masaya na. Si Mama Haydie? She finally found her peace. At iyon ay ang magpaka ina ng todo sa kanila ng Kuya Zayne niya. She really did her best to keep up with everything that has lost to them within years. Tuluyan na rin nitong hindi na pinabalik pa ang mga kasambahay nila na dating sa kanila pa nananatili. Ito na kasi ang nag aasikaso sa kanila ng full time. There condition is still up, though. Na minsan sa isang linggo o buwan ay may pupunta pa ring mga trabahador sa bahay nila para kahit papaano ay pagaanin ang mga gawain doon.At ang Kuya Zayne niya, iyon at nakahanap na rin ng babae na nakatapat nito. 'Shane' ang pangalan. Nakakatawa lang dahil tugmang tugma ang pangalan ng dalawa. Zayne at Shane. Madalas nga niyang binibiro ang kapatid na marahil ay itinadhana talaga ito at ang babaeng naging nobya nito
"S-Si Chase pala. N-Nasaan si Chase? D-Did he... Did he come to see me? O-O tuluyan na niya akong tinalikuran?" Segundo na ang lumilipas ay hindi pa rin siya sinasagot ni Haydie. Maging si Zayne ay tahimik lang din.Dahil doon ay napaisip na siya na siguro nga ay iniwan na talaga siya ng tuluyan ni Chase.Gaga. Bakit ka naman niya iiwan? Eh, simula pa lang hindi naman na siya nag stay sa iyo? Napakagat siya sa ibabang labi niya.Bigla ay gusto na naman niyang umiyak. Hanggang ngayon ay hindi niya lubos maisip kung ano ba ang nagawa niyang mali sa lalaki at maging ang harapin man lang siya ay hindi nito makaya.She felt her tears near to burst. Suddenly, the door swung open. Nalipat doon ang atensyon hindi lang ni Ezaiyah, kundi maging sina Haydie at Zayne.Mula roon ay pumasok ang isang matangkad na lalaki. Nakaputing polo ito at slacks--- masyadong pormal para isang bibisita lang sa ospital. Pero hindi rin naman doktor.May dala itong malaking bouquet ng bulaklak na tumatakip s
Kahit gulung gulo na at kahit tila sobrang hirap na paniwalaan ng mga sinasabi ni Haydie ay pinili pa rin niya na makinig dito."The truth is... your dad and I... mas nauna naming makilala ang isa't isa. We're first, too, in having relationships. He was just eighteen back then and I was sixteen. Masyado kaming mapusok, maraming gustong subukan. At that time, we loved each other so much that we gave in to temptation. At the very young age of seventeen, I already got pregnant. I-Iyon ay kahit hindi pa kami kasal ng daddy mo." pagkwe kwento nito.Napakurap siya."W-Walang nasabi si Daddy sa akin na tungkol doon." aniya.Ngumiti ng tipid ang mama niya tsaka ito marahang tumango. "I know and I understand. Noong ipinagbubuntis ko ang unang anak namin, masaya naman kami. He was very happy that an angel came to bless our relationship. Kahit hindi pa kami kasal noon at kahit hindi rin alam ng mga magulang niya ang tungkol sa dinadala ko. They didn't even know our relationship. Hamak lang nama
Sa ikalawang pagkakataon ay muling nagising si Ezaiyah. At gaya ng nauna ay parang galing na naman sa malalim na pagkatulog ang pakiramdam niya.Pero imbis na sa malaparaisong lugar ay natagpuan niya na ang sarili niya sa isang puting puting silid na may apat na sulok. Maraming aparato ang nakakabit sa kanya. At higit sa lahat ay wala na roon ang mga magulang niya.Tuyung tuyo rin ang lalamunan niya na tila ba hindi siya nakainom o nakakain ng mga may ilang araw na.Then it her--- naaksidente nga pala siya. Malamang ay bunga ng pagkakaaksidente niya kaya siya nakatulog. Baka nga na coma pa siya.Kamusta kaya ang baby ko?Sa naisip niyang iyon ay agad siyang nakaramdam ng panic. Sinubukan niya ring abutin ang tiyan niya. Pero nang dahil sa mga nakakabit na aparato sa kanya ay hindi niya magawa iyon.Out of frustration, she cried.Doon naman ay biglang bumukas ang pinto ng kwarto kung nasaan siya.At dahil ayaw niyang mahuli siya ng kung sino mang bagong dating na umiiyak ay mabilis niy
Ezaiyah woke up from what seemed to be a very deep sleep.Nang imulat niya ang mga mata niya ay sinalubong siya ng napakagandang paligid. It was nature. Maraming malalagong puno sa paligid--- hitik sa bunga at mga bulaklak. Napakabango. Banayad din ang simoy ng hangin na tila ba ipinaghehele siya para makatulog ulit. Sobra rin ang liwanag doon, pero sa kabila noon ay hindi siya nasisilaw.Bunga ng kuryosidad ay nabangon siya. Tsaka niya lang napagtanto na nakaupo lang siyang nakatulog at ang tanging nagsilbing unan niya ay ang magkapatong niyang mga kamay na nasa ibabaw ng isang napakalinis at kumikinang pa na bato.Nasaan ba ako?Kung titingnan ang lugar, maihahalintulad niya iyon sa perpektong deskripsyon ng paraiso. Iyon nga lamang ay walang dagat. Ang meron lang doon ay batis na napakalinis kung saan matatagpuan ang ilang mumunting hayop na nagliliwaliw.Napangiti siya.Kung saan man siya naroroon ngayon ay isa lang ang tiyak niya--- masaya siya.Pero bakit ako napunta rito? What
"We're very sorry to let you know that she's in the emergency room right now. She had a car accident and we need someone related to her to come immediately." It's been an hour since Chase got that call. At isang oras na rin halos mula nang makarating siya sa ospital na iyon. Pero hanggang ngayon ay wala pa ring balita kung ano na ba ang lagay ni Ezaiyah. Nasa emergency room pa rin ito.Naiinis siya sa sarili niya na wala man lang siyang magawa para kahit papaano ay bumuti ang kalagayan nito. Nandoon lang siya, sa labas ng emergency room at naiinis sa sarili. Sinisisi niya ang sarili niya sa lahat ng nangyayari ngayon. Lalo na ang pagkasangkot ni Ezaiyah sa aksidente."Hello, excuse me. Do you know the woman inside by chance? Ikaw ba ang nagdala sa kanya rito sa ospital?"Napaangat ang tingin niya sa babaeng nagsalita. The woman even put her hand right on his shoulder.Maganda ang babae at halatang mayaman. Though she looks like in her late fourties. May kasama rin itong matangkad
Upon thinking, everything he had said to Ezaiyah earlier came running back to his mind.At ngayon na nahismasmasan na siya kahit papaano, parang bigla ay pinagsisisihan niya na ang mga sinabi niya rito kanina. Pero para saan pa nga ba? Huli na ang lahat.And you should thank yourself, anyway. Binakuran mo lang ang sarili mo. By that, hindi ka na masasaktan ulit ng malala. And so is she.Tama.Napagpasyahan niya na kalimutan na lang pansamantala ang ukol sa bagay na iyon. Kahit anong tungkol kay Ezaiyah. He has his own life to live, anyway. Mas makabubuti kung iyon na lang ang asikasuhin niya kaysa ang kung anu ano pang bagay. Muli niyang ibinaling ang atensyon niya sa kung anong ginagawa niya. That was when he realized that everything is almost done. Napatingin siya sa orasan at doon niya lang din napagtanto na halos sampung minuto na lang pala at uwian na rin.He immediately thinks of abrupt plans to kill his remaining time in the office.Inilibot niya ang paningin niya sa kabuuan
Just as when Ezaiyah thought that Chase would hit his head hard on a rock and suddenly felt even a bit of concern towards her once again, her expectations fell into nothingness. Again.Kaya matapos ang huling katagang binitiwan nito ay hindi na siya nagtangka na sumagot pa. Umalis na lang siya sa opisina ni Chase, mabigat ang loob.At hanggang ngayon na nagmamaneho na siya pabalik sa kanila ay halos paulit ulit pa ring bumabalik sa isip niya ang lahat ng naganap kanina. At lahat ng salitang binitawan sa kanya ng lalaki... paulit ulit din na tila naririnig niya iyon at paulit ulit din na pakiramdam niya ay sinasaksak siya.She came to his place with a happy and hopeful heart. Pero ngayon, wala na iyon. Ang tanging nararamdaman niya na lang ang bigat ng loob. And that happy and hopeful heart of hers before? Ayun, halos mapulbos na sa sobrang pagkadurog bunga ng ginawa ni Chase.Napahinga siya ng malalim.Hindi niya lubos maisip na magiging ganoon ang pakikitungo nito sa kanya. Oo, alam