“Are you sure that you will be fine here?” Adelaide smiled at Daniel when he asked her that question the nth time already. Kanina pa ito hindi mapakali at tanong nang tanong sa kanya kung magiging ayos lang ba siya dahil may kailangan asikasuhin ang lalaki ngayong araw. She already told him that it’s fine and there’s nothing to worry about. Secured naman ang bahay ni Daniel kaya alam niyang wala namang mangyayaring masama sa kanya. Also, he will be out for just a day. Sabi ni Daniel sa kanya ay pinaka late na uwi na nito ay bukas ng umaga kaya naman may chance na makakauwi ito ng gabi. “Yes, I am fine. I have food here, I have plants to take care of, and…” she almost rolled her eyes. “Julianna is here to accompany me,” halos labas sa ilong na sabi ni Adelaide sa lalaki. Kahit na inis siya sa babae, pinipilit pa rin niyang pakisamahan ito dahil na rin kapatid ito ni Bea, hindi naman pwedeng mawala ang respeto ni Adelaide sa babae. Daniel looked at her and frowned a little. “I can
“Just fucking get the CCTV copies, okay?” malakas ang boses ni Daniel habang may kausap ito sa telepono. Gaya nga ng sabi nito, umuwi ito ngayong gabi at naabutan siya nitong umiiyak sa kama nila kanina. Hindi mawala sa isipan niya ang nangyari. Alam ni Fernando kung nasaan siya at kung siya ang tatanungin, gusto niyang umalis sila ni Daniel sa lalong madaling panahon! Alam niya ang kapasidad ng amain niya dahil na rin nasaksihan niya naman iyon noong nasa Davao pa siya. Alam niya na balewala ang batas sa lalaking iyon dahil alam nitong malulusutan lang nito iyon. “Daniel…” tawag niya sa lalaking kanina pa palakad-lakad habang may kausap ito sa cellphone nito. Lumingon naman ito agad sa kanya at ibinaba ang hawak. “What is it, baby?” he asked her. Hinawakan niya ang kamay nito at pinisil iyon ng marahan. “Calm down…” mahinang sabi niya rito dahil nakikita niya na mainit ang ulo nito. Alam naman niya na hindi ito ang inaasahan nitong sasalubong rito sa pag-uwi nito. Pero naisip
“Yes, yes. We’re fine. Just be careful, too, okay? I am still working on knowing how to fucking stop him.”Kumunot ang noo Adelaide nang marinig ang boses ni Daniel. Agad niyang niyakap ang lalaki pero napadilat siya nang hindi niya maramdaman ang lalaki. Napalingon siya kaagad sa paligid at nakita niyang nakaupo si Daniel at may kung anong ginagawa sa may study table na naroon.Nakatalikod din ito sa kanya kaya marahil ay hindi siya nakita nito nang magising siya. Marahan siyang bumangon at ibinalot ang kumot sa hubad pa rin niyang katawan. Base sa orasan na nakasabit sa pader ng kwarto ni Daniel, halos alas onse na ng umaga.Hindi na rin siya nagtaka na tanghali na siya nagising dahil na rin sa sobrang pagod nang nagdaan na gabi at sa ginawa nila ni Daniel. She walked towards Daniel and put her hand on his shoulder. Hinawakan naman agad iyon ni Daniel at nilingon siya. “I’ll just call you later, Thunder,” Daniel said and ended the call. “What is it?” tanong niya sa lalaki na aga
Nanakit ang ulo na nagmulat ng mga mata si Adelaide. Sobrang sakit ng ulo niya na tila ba’y may pumupukpok roon kaya naman sapo niya ang noo nang bumangon siya. Halos ayaw niya ring imulat ang mga mata dahil sa nararamdamang sakit ng ulo. She stayed still for a moment and immediately opened her eyes. Agad siyang natigilan nang naalala ang nangyari kaya mabilis niyang inilibot ang paningin sa kwartong kinaroroon niya. “No… no… no…” she’s in her room… in their house!Tinignan niya ang damit niya at nakita niyang napalitan na iyon ng isa sa mga damit niyang alam niyang iniwan niya sa bahay nilang iyon. Mabilis siyang nagtungo sa pinto at binuksan iyon pero bigo siya nang mapagtanto na nakakandado iyon mula sa labas. Bumibilis ang tibok ng puso niya dahil sa takot na nararamdaman habang pilit na binubuksan iyon. Malakas niyang kinatok ang pinto habang pilit na binubuksan ito at itinutulak. “Hello? May tao ba diyan? Palabasin niyo ako rito!” malakas na sigaw niya, umaasang may tao sa
Hindi masikmura ni Adelaide na kumain kahit pa noong isang gabi pa siya huling kumain. Hindi pa rin siya hinahayaan na makalabas ng kwarto niya kahit anong pakiusap niya kay Fernando, he locked her up and the only person she sees is the maid who’s bringing her food. Pilit siyang humihingi ng tulong dito pero bakas din ang takot sa mukha nito kaya wala rin itong nagagawa para sa kanya. She felt like her head was being hammered. Masakit iyon na makirot kaya naman nananatili lang siya sa kama. Kaninang umaga pa rin siya nagsusuka na akala niya noon ay natapos na noong nasa Maynila pa siya. She often feels bad the past weeks. Hindi naman siya umiinom ng gamot dahil hindi niya rin tiyak kung ano ba ang dapat na inumin niya. Isang katok ang nagpamulat sa mga mata niya. Lumingon siya sa pinto at naghintay ng pagbukas nito at ilang sandali lamang, bumukas iyon at bumungad sa kanya ang ina. That was the second time she saw her… nagkakausap lang sila ng ina sa pagitan ng pinto niya hindi n
He could smell the familiar scent of alcohol all over the room. He tried moving his hand but he instantly felt the pain from it. Iminulat niya ang mga mata at hindi siya nagkamali nang iniisip. He’s in the hospital room, and he’s probably sedated with drugs since he’s still feeling groggy. Sumasakit din ang ulo niya at mas gusto niyang ipikit ang mga iyon. “Daniel?” He heard his cousin’s voice. Iminulat niyang muli ang mga mata at bumaling sa pinanggalingan ng boses na iyon. Nakita niyang naroon si Hunter habang nakatingin sa kanya. Nasa may likuran naman nito si Thunder na nakatingin sa labas at may kausap sa telepono nito. “Why are you here?” he asked them, his voice was rough and hoarse. Inabot naman ni Hunter ang tubig na nasa may gilid na lamesa bago inalalayan siya na makaupo para makainom. “Akala namin patay ka na, e. Tatlong araw ka ng hindi gumagalaw,” sabi ni Hunter sa kanya. Kumunot ang noo niya dahil doon. He was out for that long?Damn. Thunder looked at him and shov
Nagmamadali siyang nagpunta sa banyo nang maramdaman ulit ang pangangasim ng sikmura niya. Pakiramdam ni Adelaide ay lahat ng kaunting kinain niya ay isinusuka niya rin. Halos wala na siyang kinakain dahil sa kawalan niya ng gana ngunit hindi pa rin nawawala ang pagsusuka niya sa umaga, kung minsan ay kahit sa gabi. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya.She feels tired all the time, she’s dizzy and she feels like she’s getting heavy, too. Hindi niya rin sinasabi ang nangyayari sa kanya sa kahit na sinong pumapasok sa kwarto niya. Ayaw niyang malaman ni Fernando kung ano ang nangyayari sa kanya at alam niyang ikatutuwa lang ng lalaking iyon na makita siyang nahihirapan. Naupo siya sa malamig na tiles habang nakahawak sa may toilet bowl at pinapakiramdaman ang sarili. Hindi niya maalala na nangyari ang ganito sa kanya kahit noon pa. Kung nagkakasakit naman siya ay kahit na walang gamot ay gumagaling siya… pero iba ngayon. She looked down and sighed heavily. Marahan siyang tum
“Adelaide, there’s no time, baby. You have to come with me…” hinawakan ni Daniel ang magkabilang pisngi niya habang pilit siyang hinihila nito mula sa pagkakaupo. He’s stronger than her, that's why it was so easy for him to carry her. “Daniel, no…” humihikbi pa rin na sabi niya sa lalaki. Bakas ang pagtataka sa mukha nito kung bakit siya tumatanggi sa pagsama rito. Kung siya lang ang masusunod, sasama siya… sasama siya sa lalaki kahit saan pa sila magpunta. Aalis siya roon, hindi siya magdadalawang-isip… pero hindi maaari. “Baby… what’s going on?” Daniel asked her before looking at the door. Hindi niya rin alam kung ilang minuto pa ang mayroon siya para maitakas si Adelaide sa lugar na iyon. Natitiyak niyang babalik ang isang lalaki at malalaman nito na naroon siya sa loob ng kwarto ni Adelaide. Humihikbi si Adelaide habang nakatingin sa lalaki. Kanina ay iniisip niyang panaginip lang ang lahat nang makita niya ito. Iniisip niyang panaginip lang na muli niyang nahawakan ang lalaki