Sorry for not updating these past few days hehe pero back to five chapters na ulit per day bukas.
Walang kasalanan ang bata sa kasalanan ng mga magulang. Iyon ang paulit-ulit na tumatak sa isipan ni Athalia. Simula nang makabalik siya mula sa medical mission ay mas inabala niya pa ang sarili sa pagtatrabaho, iniiwasan niya ang asawa at ang makita ang bata. Gusto ng asawa niya na ampunin nila ang bata pero sa palagay niya ay hindi niya gusto. Raphael’s idea was absurd. Hindi sa galit siya sa bata pero hindi niya maatim na akuin ang bata. Sa tuwing iisipin niya palang ay nasasaktan na siya. Naaalala niya ang madilim na pahina ng pagsasama nilang mag-asawa dahil sa bata. “How are you?” tanong ni Max sa kanya, kasalukuyan silang nasa cafeteria, nagtatanghalian. Nginitian niya ang kaibigan niya, Max had always been a good friend to her. Kahit noon pa, ni hindi siya nagkukwento sa mga problema niya noon pero nakaalalay sa lahat ng bagay si Max sa kanya at mataas ang pasensya nito pagdating sa kanya. At malaki ang pasasalamat niya rito. “I’m good?” “Bakit patanong?” Nagkibit-balikat
“Angkong,” tawag ni Raphael sa lolo niya.“What?” inis na wika ng matanda.“We already talked about it. Kaming dalawa lang ni Athalia ang magbabasa ng results--”“Anak,” saway ni Mrs. Yapchengco.“Kami ang mag-asawa dito, Mom. Kaming dalawa ni Athalia ang magdedesisyon!” iritadong sambit nito kaya pumalahaw ang bata, sinayaw-sayaw pa nito ang bata sa bisig niya.Naninikip ang dibdib ni Athalia sa tagpong iyon, nag-iwas siya ng tingin. Raphael wants a child, iyon ang nakikita niya sa kinikilos nito. Hindi niya naibigay iyon sa asawa dahil naaksidente siya noon at nakunan. Ngayon ay may batang pumapasok sa buhay nila.“Let’s just read the result, Raphael. Para matapos na ‘to,” malamig na sambit niya at sinalubong ang mata ng asawa.Bakas sa mukha ni Raphael ang gulat. Gusto niyang sigawan ito para sabihin na manhid ito at hindi nito nakikita na nasasaktan na siya. Iniwas niya ang tingin at bumaling sa patriyarka, inutusan ni Raphael ang isa sa mga kasambahay na kunin ang sobre na nakatag
“Did you fucking tricked me again?” mariing tanong ng asawa niya.Nakatitig si Athalia sa asawa niya. Hindi mawari kung ano ang isasagot sa naging katanungan nito. She got caught… Napalunok siya sa kaba, nakikita na naman niya ang nakakatakot na reaksyon ng asawa niya. The same reaction he had when he found out she was pregnant.“Answer me!” sigaw nito, nanatili pa rin ito sa kinatatayuan nito.“What do you want me to say?” seryoso niyang wika. Kasi kahit naman anong paliwanag niya ay magagalit si Raphael sa kanya.“You fucking tricked me again. Tell me, did you lie? Kasinungalingan lang ba ang lahat?” bakas sa boses ni Raphael ang galit.“I didn’t lie,” she said… almost a whisper.Napa-hilamos sa mukha si Raphael. Namumula ang buong mukha nito sa galit.“What do you mean?”“Nawalan talaga ako ng alaala. I didn’t remember anything when I woke up. I recently remembered…” lumunok siya sa kaba. “Everything.”“Ginagago mo ba ako?” mapaklang wika nito. “Kuhang-kuha mo na naman ako. You fuc
“Doc, kalmahan mo naman!” ani ni ZD, hawak-hawak niya ang charts ng mga pasyente sa area nila.“Ano na naman,” natatawang wika niya.Inilapag niya ang hawak na chart sa ibabaw ng counter.“Ikaw yata ang employee of the month. Halos hindi ka na umuuwi, Doc! Sana all,” biro pa nito.Isang linggo na ang nakalipas simula noong komprontasyon na namagitan sa kanilang mag-asawa. Balik na naman sila sa umpisa, hindi na naman umuuwi ng asawa niya sa kanya. She was left in that huge mansion, the patriarch of the family left and went back to the US to continue his medication.Isang linggo na rin siyang hindi na halos umuuwi sa kanila. She was practically living in the hospital. Kung hindi siya sa ospital natutulog ay sa mansyon pero agad rin siyang umaalis. Ni hindi na nga siya roon kumakain, umuuwi lang talaga siya para matulog.Tanggap lang rin siya nang tanggap ng mga operasyon kaya siya ang mas matagal na namamalagi sa ospital. Ayaw niya kasing bigyan ang sarili niya ng mas maraming oras, m
Alas seis na ng gabi, kakatapos lang ng shift niya. Hindi na muna siya mangna-night shift. Kanina lang rin nakaalis sila Lali, dala ang bata. Normal na lagnat lang raw iyon ayon sa doctor, ni resitahan lang ang bata ng mga vitamins at i-tone down ang milk intake nito. Masyado na raw kasi mabigat si baby kahit two weeks pa lamang.“Himala at kasabay ka naming mag-out, Doktora!” sambit ni ZD, kasabay na naman niya ang dalawang mag bestfriend.“No, night shift for today muna. Hindi naman ako superhero para araw-araw ang dalawang shift.”“Naks naman!” kantyaw ni Mimi.Malapit siya sa dalawa, dahil ito ang mas madalas niyang makahalubilo sa area nila. Mabait at bibo ang dalawa kaya kasundo niya.“‘Di ka na yata sinusundo ng asawa mo, Doc?” si ZD.Pabirong inirapan niya ito, “Busy sa kompanya nila.”Kahit pa ang totoo ay hindi sila maayos ulit. At mukhang malabo na rin na magkaayos sila. Sa palagay nga niya ay bumabalik na naman ito sa bisyo nitong pambababae, hindi na kasi siya nito inuuwi
Nagising si Raphael na masakit ang ulo niya. Nang imulat ang mga mata ay pamilyar na silid ang sumalubong sa kanya. Luminga-linga siya, hindi niya makita ang asawa niya. Hinanap niya si Athalia, halos halughugin na niya lahat ng silid ngunit hindi niya pa rin makita ang asawa niya. Until he stumbled on the last room. Binuksan niya ang pinto at ang bumungad sa kanya ay ang tulog na si Athalia, nasa bisig nito ang sanggol.Sa tagpong iyon ay may kung anong humaplos sa puso ni Raphael. Aminado siyang gago siya, hindi siya perpektong tao. Nagkakamali siya at mas pinapairal niya ang emosyon niya kaysa sa utak… Nagtiwala siyang muli kay Athalia ngunit nasaktan na naman siya. Alam niyang mali na saktan niya rin ito pabalik. Kaya umiwas siya, ayaw niyang masaktan at mapagsalitaan na naman niya ito ng masama. Isang linggo siyang lulong sa alak, araw-araw pumapasok siya sa trabaho na lasing. Gusto niya munang kalimutan ang problema, hindi niya alam kung paano haharapin ang asawa niya.Naglakad
Mugto ang mga mata niya sa kakaiyak. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Nakasakay lang siya sa kotse niya at nakatulala. Nag-drive lang siya kung saan siya dalhin ng mga paa niya. Mabuti na lang talaga at wala siyang schedule surgery ngayong araw. Hindi niya kayang magtrabaho sa lagay na ‘to. Baka imbes gumaling ang pasyente ay lumalala pa ito.She texted her secretary and Max, hindi muna siya papasok. Baka nga masesante na siya, panay ang absent at leave niya. She loves her job but she can’t afford to work right now, wala siya sa tamang huwisyo.Dinala siya ng mga paa niya sa isang hotel, hindi pagmamay-ari ng mga Yapchengco kundi ng isa ring prominenting pamilya sa bansa. Nag-check in siya agad, gusto niya munang magpahinga pagod na pagod siya sa kaiiyak.Bandang hapon nang magising siya, naligo muna siya at nagbihis. Lumabas siya sa suite niya at napagpasyahang kumain sa baba, kasi kapag sa silid lang siya kumain, pakiramdam niya ay mas malulungkot siya.Nang makababa siya ay
Kunot ang noo ni Athalia nang makita si Austin na pumasok sa bahay niya. Hindi naman siya nagtataka na nakapasok ito dahil may spare key siyang binigay sa binata. Ang pinagtataka niya lang ay kung bakit ito narito lalo pa’t weekdays pa lang. Nakasuot pa ito ng suit, mukhang kakagaling lang nito sa trabaho. Kahit ganoon ay presko pa rin itong tignan, maliban na lamang sa parati itong nakakunot. Nang magtama ang mga mata nila ay agad na ngumiti ang lalaki.“Baby,” mahinang ani nito saka ibinuka ang braso, nag-uudyok ito na yakapin niya.“Why are you here?” kunwaring galit na tanong niya.“I missed you, okay? It’s been three days since the last time I saw you,” malungkot na sambit ng lalaki.Bahagya siyang natawa, “Sira ka ba? Ang layo-layo pa ng binyahe mo. Saka magkasama lang tayo three days ago. Huwag kang OA.”“Of course, I missed you! How can I not missed my favorite human on earth?” nakangising sambit nito, tinawid na ang pagitan nila at mahigpit siyang niyakap. Natawa siya nang mas
“Athalia’s not pregnant, okay?” Pagtatama ni Raphael. Nakahinga naman ng maluwag si Tati nang marinig iyon. Tila ba nabunutan siya ng tinik sa lalamunan. “What? Why?” Dismayadong sambit ni Gabriella. Pilit ngumiti si Tati, “Hindi ako buntis, Mommy. Iba lang ang pagkakaintindi ng mga bata sa sinabi ng mga kapatid.” “Yes, Mrs. Yapchengco. Iba lang ang pagkakaintindi ng mga bata. Akala nila ay buntis ang ibig sabihin ng sunabi ko," Austin said. “Owwww!” magkapanabay na sambit ng mga bata, dismayado rin ang mga ito. Akala nila ay magkakaroon na rin sila ng kapatid. “Why Daddy? I thought when Papa Austin said Mommy has alaga in her tummy. Does it mean that we have a baby sister now? Why Mommy is not pregnant?” Biglang tanong ni Ryker sa ama. Napaawang naman ang labi ni Raphael sa gulat. Tumikhim siya, “Baby, it doesn’t work that way.” Tumingin si Raphael kay Tati at humingi ng tulong. Hindi alam ni Raphael kung paano sagutin ang bunsong anak. “Jusko,” wala sa sariling usal ni T
“Kuya,” Tawag ni Tati sa kapatid niyang si Austin. “What is it?” “How’s Dad?” She asked. Simula kasi nang maaksidente si Rapahel ay hindi niya pa nakakausap ang Daddy niya. Ang sabi ng mga kapatid niya ay nasa isla ang Daddy nila. Nag-iwas ng tingin si Austin, “Dad’s fine. He’s doing well.” Umirap si Tati, “How come alam mo? Hindi man lang ako tinatawagan ni Daddy. Nakakatampo na. The kids are looking for him. Panay sabi lang ako na busy siya.”Austin smiled and kissed Tati’s hair, “Soon, Baby. Kapag okay na ang lahat–”“What do you mean by that?” Umiling si Austin, “Bakit ba hindi ka sa sumama sa asawa mo? Bakit ako ang napili mong tabihan?”Patungo sila sa hotel na binook ni Gabriella. Kakalapag lang ng eroplano nila at agad silang sinundo ng mga tauhan mula sa hotel. Mahigit Apat na sasakyan ang sumundo sa kanila. Dahil ang dami nilang lahat. “Masama bang samahan ko ang mga kapatid ko?” Si Archer na tulog na tulog sa passengear seat, kasama nila sa Van si Mimi, ZD, ang anak
May mga multo ng kahapon na kapag lumitaw ay mayayanig ang mundo mo. Lalo na kung hindi pa na isasara ang librong iyon. Kaya hindi mapakali si Tati nang makitang muli si Kristal. They never had the chance to talk again, to say how sorry she was when she coveted Raphael. Na dahilan nang pagkaleche-leche ng mga buhay nila.Ngunit hindi pa rin maipagkakaila ni Tati na kung walang nangyari sa kanila noon ni Raphael na dahilan upang maipit sila sa isang kasal na walang kasiguraduhan. Ay wala rin sana ngayon ang triplets. She had made a lot of mistakes in her life… Ngunit hindi pa niya naitatama ang pagkakamali niya kay Kristal. She never had the chance to tell her how sorry she was. And Kristal reminded her of the stupid things she had done and what she had lost. “Baby?” tawag ni Raphael kay Tati ngunit hindi man lang ito tumalima. “Tati?” sinubukan niyang muli ngunit tulala pa rin ito. Hinawakan ni Raphael ang kamay ni Tati at pinisil, doon lang nito nakuha ang atensyon ni Tati. “Is ther
“Raphael!” tawag ni Tati sa ama ng mga anak niya. Hindi niya mapigil ang mapairap sa inis, umagang-umaga ay pinipika na naman siya nito. Ngayong araw kasi tatanggalin ang cast nito. Patuloy na kumatok si Tati sa pinto ngunit walang Raphael na sumagot. “Kapag hindi ka lalabas r’yan gigibain ko ang pinto!” banta pa niya. Kailangan kasi nilang magmadali dahil mamayang tanghali ay may flight pa sila pa-Mindanao. Ngayong araw rin kasi ang byahe nila sa pangakong sinabi ni Gabriella Yapchengco noong nakaraan, to celebrate her birthday they will be spending a week vacation in an island.Wala ang mga bata, kasama ng mga magulang ni Raphael para mag-shopping kaya wala siyang choice kundi samahan ang hilaw niyang asawa sa hospital. “Raphael? We have to hurry, Raphael! Bubuksan ko ‘to—”Bumukas ang pinto bago pa man matapos ni Tati ang sasabihin niya. Sumalubong sa kanya ang bagong ligo na si Raphael. Pinasadahan ni Tati ng tingin si Raphael, nakasuot ito ng puting V-ne
Sa mansyon ng mga Yapchengco… “Sa tingin niyo magkakabalikan na iyong dalawa?” wika ni Mimi. Umirap si Jean, “Heh! Maduga kayong mag-asawa. Matalo ang isa, may chance naman ang isang manalo.”Umakbay si ZD sa asawa, “Of course! Ang laki rin kaya ng mapapanalunan rito.” Nag-apir pa si Mimi as ZD. “Right, Babe?”“Argh! I hate you two!” pinagkrus pa ni Jean ang braso niya. “Hi guys!” bati ni Lali na kakalabas lang mula sa guest room sa ibaba. “Anong pinagchichismisan niyo r’yan?” bumaling ito kay Jean. “Sa’n ka natulog, Teh? Na-ilock ko pala ang pinto nakalimutan ko na tayo pala ang magtatabi.”“Ha?” Kasabay noon ay ang paglingon ng mga kaibigan ni Jean sa kanya at pagbaba naman ng iilang bisita, mga kaibigan ni Raphael na bumaba. Hindi rin papahuli ang mga magulang ni Raphael at ang mga kapatid ni Raphael. Ang tanging wala roon ay ang mga bata at ang mga-asawa–o mas tamang sabihin dating mag-asawa. Natitipon-tipon lahat sa salas, animo’y isang board meeting. Pumalakpak si ZD upang k
Madaling araw na nang matapos silang magkakaibigan na mag-inuman. Hinayaan ni Tati na sa guest room na matulog ang mga kaibigan niya. Habang ang mga bata naman ay katabi ng biyenan niya at ang mga kapatid naman niya ay hindi niya alam kung saan nagsusuot. Masaya si Tati na maayos ang takbo ng buhay niya ngayon. Masaya siyang nakabalik na si Raphael at unti-unti na itong bumabalik sa dati nitong sarili. Kahit pa man ay nawalan ito ng alaala ay hindi iba ang pinaramdam ni Raphael sa mga bata na estranghero ang mga ito sa kanya. Nakikita ni Tati sa mga kilos ni Raphael na mahal nito ang mga bata.And it made Tati happy… that they are finally having their peace. Bago humiga si Tati sa kama ay naglinis muna siya ng katawan. Kahit gaano pa siya kapagod mula sa trabao o kung ano man ay hindi talaga siya natutulog hanggat hindi naliligo muli. Solong-solo ni Tati ang buong higaan ngayon, walang mga batang nakasiksik sa kanya.Nang humiga si Tati ay agad siyang dinalaw ng antok, epekto na rin
“What’s your plan?” tanong ni Jean kay Tati, matagal-tagal nang kilala ni Jean si Tati bilang katrabaho ngunit ngayon lang siya naging malapit sa babae. Ilag kasi masyado si Tati, naiintindihan naman iyon ni Jean dahil napakaraming pinagdaanan ni Athalia. Ngunit nang makabalik ito matapos ang halos limang taon ay mas naging malapit si Jean at Athalia. At itinuturing na ni Jean si Tati na kapatid. At wala siyang ibang nais kundi ang maging masaya ito. “About what?” untag ni Tati. Nakaupo silang lahat sa may hardin sa isang sulok, sa kabilang banda naman ay ang mga kaibigan ng asawa ni Athalia na si Raphael. “Anong what ka d’yan, Teh! Anong score niyong dalawa ni Raphael?” singit ni ZD na nakaakbay sa asawang si Mimi na animo’y takot itong maagaw ng iba. Hindi mapigilang mainggit ni Jean sa mag-asawa dahil kitang-kita niya kung gaano kamahal ng mga ito ang isa’t isa. Hindi nga inaakala ni Jean na magkakatuluyan ang dalawa dahil akala nilang lahat ay pareho silang dalawa ng gusto.
Maliit pa lang si Archer, nakagisnan niya ang mga magulang na parating nagtatalo. Litong-lito siya kung bakit hindi halos nag-uusap ang mga magulang niya at madalas na magtalo. Nagtataka nga siya kung bakit iba ang pakikitungo ng mga magulang niya sa isa’t-isa habang ang magulang naman ng mga kaklase niya ay malalambing sa isa’t-isa. That’s when he wondered if his parents love each other. Ngunit mas tumatak sa batang isipan ni Archer, ano ba talaga ang pagmamahal?“Ano ba?! Hindi ka pa rin ba titigil sa kakahanap sa babae mo?!” sigaw ng ina niya mula sa opisina ng ama niya. Nakasilip si Archer sa siwang ng pinto kung saan nakikita niya ang ina niyang lumuluha habang ang ama naman niya ay nakatingin lang sa inang lumuluha. “Wala akong balak na balikan siya! Ilang ulit ko bang sasabihin sa ‘yo ‘yun?” sagot naman ng ama niya sa mababang boses. “Oh, please! H’wag na tayong maglokohan, alam naman nating hindi mo ako mahal at mahal mo ang babaeng iyon! No matter how hard I tried, I can’t
“Mommy Lola, Lolo!” sigaw ng mga anak ni Athalia nang makita ang biyenan na nakaupo sa sofa. Tumakbo papalapit ang mga bata sa Lolo at Lola nito. Mahigpit na niyapos naman ng mga magulang ni Raphael ang mga bata. Hinalikan isa-isa ng biyenan niya ang mga bata, tuwang-tuwa naman ang mga paslit. “How about me?” wika ni Rem, biglang sumulpot mula sa kusina. “Tito!” sigaw ng mga bata at kumaripas naman papunta kay Rem. Napangiti na lang siya nang magtitili ang mga anak niya. Tulak-tulak niya ang wheelchair ni Raphael. Ngayong araw na ito ay magkakaroon ng pagtitipon sa mansyon ng mga Yapchengco. Hindi kasali ang extended family ng mga ito. Kundi ang mga kaibigan lang ni Raphael, pamilya ni Athalia at mga iilang kaibigan niya. Pumayag naman si Raphael nang sabihin niyang nais niyang mag-imbita ng mga kaibigan niya. “Mom,” tawag ni Raphael sa ina.Tumayo si Gabriella Yapchengco at humalik sa pisngi ng anak, “Is your leg doing good?”“Yeah, my wife’s taking care of me.”Sumulyap si Gabr