Hello, asking for a favor please do leave a rating. Also, vote and comment! Happy readings guys, kapit lang tayo para sa mga sumunod na mangyayari.
Mugto ang mga mata niya sa kakaiyak. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Nakasakay lang siya sa kotse niya at nakatulala. Nag-drive lang siya kung saan siya dalhin ng mga paa niya. Mabuti na lang talaga at wala siyang schedule surgery ngayong araw. Hindi niya kayang magtrabaho sa lagay na ‘to. Baka imbes gumaling ang pasyente ay lumalala pa ito.She texted her secretary and Max, hindi muna siya papasok. Baka nga masesante na siya, panay ang absent at leave niya. She loves her job but she can’t afford to work right now, wala siya sa tamang huwisyo.Dinala siya ng mga paa niya sa isang hotel, hindi pagmamay-ari ng mga Yapchengco kundi ng isa ring prominenting pamilya sa bansa. Nag-check in siya agad, gusto niya munang magpahinga pagod na pagod siya sa kaiiyak.Bandang hapon nang magising siya, naligo muna siya at nagbihis. Lumabas siya sa suite niya at napagpasyahang kumain sa baba, kasi kapag sa silid lang siya kumain, pakiramdam niya ay mas malulungkot siya.Nang makababa siya ay
Kunot ang noo ni Athalia nang makita si Austin na pumasok sa bahay niya. Hindi naman siya nagtataka na nakapasok ito dahil may spare key siyang binigay sa binata. Ang pinagtataka niya lang ay kung bakit ito narito lalo pa’t weekdays pa lang. Nakasuot pa ito ng suit, mukhang kakagaling lang nito sa trabaho. Kahit ganoon ay presko pa rin itong tignan, maliban na lamang sa parati itong nakakunot. Nang magtama ang mga mata nila ay agad na ngumiti ang lalaki.“Baby,” mahinang ani nito saka ibinuka ang braso, nag-uudyok ito na yakapin niya.“Why are you here?” kunwaring galit na tanong niya.“I missed you, okay? It’s been three days since the last time I saw you,” malungkot na sambit ng lalaki.Bahagya siyang natawa, “Sira ka ba? Ang layo-layo pa ng binyahe mo. Saka magkasama lang tayo three days ago. Huwag kang OA.”“Of course, I missed you! How can I not missed my favorite human on earth?” nakangising sambit nito, tinawid na ang pagitan nila at mahigpit siyang niyakap. Natawa siya nang mas
“Baby,” usal ni Austin.Nag-aalala ang reaksyo nito. Wariy ‘di alam kung magsasalita ba ito o hindi. Pero dahil mas matigas ang bungo ni Athalia, hindi siya mapipirmi kung ano ang tinatago nito sa kanya. Pinagkrus niya pa ang mga braso, tila isang ina na nahuli ang anak na may ginagawang kalokohan.“Tell. Me. Everything.”Bawat salita ay binigbigyan niya ng diin. Napakamot sa ulo si Austin, huminga ito ng malalim bago sinalubong ulit ang mga tingin niya.“Baby,” malambing na usal nito.“Stop calling me baby, Kuya!” pagalit niyang sambit.Oo, kapatid niya si Austin. Matanda sa kanya ito ng dalawang taon, kagaya ng kakambal nitong Archer. Nakilala niya ang mga ito ilang taon na ang nakakaraan.“Dad had a minor accident,” paliwanag nito, mas tinitigan niya ang kapatid. “Fine. Major accident, he car crashed. Archer is the one taking care of Dad. I went here because I was stressed with issues going on with the business. And I missed you, that is why I came here.”Napabuga siya ng hangin sa
“You sure about this?” tanong ng kapatid niyang si Austin. “Oo, nga. Why do you keep asking ba?” asik niya. Nagkibit-balikat ito, “Calm down, baby. I am just asking, okay?” Inismidan niya ang kapatid at naunang maglakad, iniwanan niya ang kapatid niyang hila-hila ang maleta nilang dalawa. Nagplano siyang mag-resign, ngunit tumutol ang dalawang kapatid niya, pati mismo ang Daddy niya ay hindi pumayag. Halos limang taon na rin nang huling tumuntong siya sa Metro, ganun na katagal siyang nagpakalayo-layo. Hindi niya maiwasang maalala ang mga dating katrabaho, lalo na ang mga malalapit sa kanya. Si Max lang ang bukod tanging nakakaalam kung nasaan siya at kung ano ang kalagayan niya. However, Max migrated to London, kasal na ito ngayon sa asawa nitong British, na nakilala nito sa online dating app. “Baby!” rinig niyang sigaw ng kuya niya, saglit pa ay naramdaman na niya ito sa tabi niya, nakaakbay sa kanya. “You should’ve waited for me.” “Ang bagal mo,” ismid niya. Buong durasyon n
“Doktora!”Kumaway siya sa mga dating katrabaho na ngayon ay papalapit sa kanya. Si ZD, Mimi at Jean lang ang nagpasyang pumunta, ang iba kasi katrabaho nila ay nasa ibang shift kaya hindi makasama. Si Jean ang sumakay sa harapan, habang ang dalawa naman ay nasa likuran.“Saan tayo, Doc?” tanong ni ZD.Ngumiti siya, “Just call me Tati. Hindi niyo na naman ako katrabaho. So no need to call me formally.”Pinaandar niya ang makina ng kotse at nag-umpisang magmaneho. Nagkukwentuhan lang sila patungkol sa mga experiences nila sa trabaho. Si ZD, as usual madaldal, hindi nauubusan ng kwento. Napuno ng halakhakan ang sasakyan dahil sa mga kwento nito.“Kumusta naman kayo ng asawa mo, Tati?” tanong ni Jean, napalunok siya sa gulat.Nanuyo ang lalamunan niya, nanatiling nasa daan ang mga mata niya. “Hiwalay na kami. Matagal na.”“Kaya pala ibang babae ang kasama niya,” ismid ni Jean.“Ah. Good for him,” kibit-balikat niyang saad.Kung totoo man na nakahanap na ang asawa niya ng babaeng mamahalin
Kahit pa nakasuot ito ng sumbrero at mask, at mga mata lang ang nakikita niya ay alam niyang si Raphael iyon. Binabaa niya ang tingin sa mga paa niya. Pinapakiramdaman niya ang sarili niya. Sumara ang pinto ng elevator at ramdam niya ang presensya nito. Pasimpleng sumulyap siya rito, mukhang hindi siya nito napansin sa dami ng taong kasabayan nila. Hindi na gaya ng dati ang nararamdaman niya para sa dating asawa. It was more like, she loves him as a friend. Not the same intense love she had for him back then… Hindi niya mapigilang mapangiti. She can’t face him right now. She has a lot of things to say to him. Siguro sa mga susunod na araw. May ilang araw pa naman siya rito sa Metro. She want to finally close the book with him. Tumunog ang elevator, bumukas ang pinto at huminto na siya sa floor kung saan sila bababa. Akay-akay niya si Jean, mabuti na lamang at sa ilang taong lumipas ay nasasanay siyang magbuhat kay nakaya niya ang bigat ng kaibigan niya. “Tati. Umiikot mundo ko,”
Hindi siya mahilig sa mga parties or any other events. Kahit noon pa man na nasa puder siya ng mga Yapchengco. Ngunit lahat ng pagtitipon ay dinadaluhan niya. Dinaig pa ang escuela, dahil kailangang complete attendance siya sa mga pagtitipon na ginaganap ng pamilyang Yapchengco. Kahit pa may mahalagang siyang gagawin kinabukasan ay kinailangan niya pa ring dumali. Sa huli ay nag-aaral siya habang dumadalo sa party, she can’t just stay still.“You looked good,” komento ng kapatid niya habang nakalahad ang palad nito. Inaalalayan siyang bumaba sa sasakyan.Pinatong niya ang kamay niya sa palad ni Austin. Nginitian niya ang kapatid na gwapong-gwapo sa suot nitong tuxedo. Hindi na siya nagtataka kung bakit maraming nahuhulog rito kahit pa ang sungit-sungit nito.“Thanks to Dad’s genes,” biro niya pa. Nagtungo sila sa hall kung saan gaganapin ang auction. Sinalubong sila ng isang tauhan, giniya sila sa mesa. Inalalayan siya ni Austin na makaupo. Nag-umpisa na ang auction, tutok na tutok an
“Really? Lagdameo?” sarkastiko nitong turan. “What the hell is your problem?!” hindi niya mapigilang mapatayo dahil sa inis. Hindi niya maintindihan ang pinuputok ng butse nito. Sa inis niya ay malakas niya itong tinulak ngunit hindi man lang ito natinag. Sinuntok niya ang dibdib nito, sa huli ay siya rin itong napangiwi sa sakit.“We are still fucking married, Athalia. How the hell you are a Lagdameo now!” hinawakan nito ang kamay niya, mariin ang pagkakahawak nito. Nakadikit ang kamay niya sa dibdib ng dating asawa.“Eh, ‘di maghiwalay tayo ng legal. Is that what you want? Kaya ba galit na galit ka?!” “And what? Hayaan kayong magsama ng lalaki mo? No fucking way!” marahas siya nitong hinila papalapit, hinawakan nito ang bewang niya. “You are still my wife, Athalia. You are still Athalia Rielle Yapchengco. Not Rielle Lagdameo!”“Ano ba! Bitawan mo ako,” pilit siyang nagpupumiglas sa pagkakahawak sa kanya ng dating asawa.“In the eyes of the law you are still mine. Akin ka pa rin,”
Tulala lang si Tati habang pinagmamasdan ang karagatan, nakatambay sila sa restaurant, magkasama silang lahat sa isang mahabang mesa. Hindi mga pagkain ang nasa mesa kundi mga alak. Ang mga bata naman ay nasa mga magulang ni Raphael kaya kampante lang si Tati. “Huy!” “What the!” gulat na sigaw ni Tati, napaigtad pa siya sa gulat. Bigla kasi sinundot ni ZD si Tati sa tagiliran. Sinamaan ni Tati ng tingin ang kaibigan niya. Nakangisi lang si XD, halatang inaasar siya nito. “What is your problem?” asik ni Tati. “Tulala ka kasi, Teh! Kanina pa kita tinatanong ‘di ka naman sumasagot. Saan na naman ba lumilipad ang utak mo, Aber?” tinaasan pa ni ZD ng kilay si Tati. Umirap si Tati, “Wala. Namimiss ko lang magtrabaho.” “Kung iba pa ‘yan! Ayaw na magtrabaho. Hindi ko sinasabing si ZD ‘yan ha,” pabirong sambit ni Jean.“Teh, sino naman ang gustong mapagod? Nakakapagod kayang magtrabaho. Pero kailangan kumayod para sa pamilya,” saad pa ni ZD. “Itong si Tati naman, iba ang hulma! Workahol
“Kids! Careful!”Paalala ni Gabriella sa mga bata na nakapila sa kiddie slide. Nakaupo lang sila sa pool lounge chair. Tinatanaw ang apat na bata na naglalaro sa kiddie pool. Mababaw lang naman ang tubig kaya ‘di sila natatakot na malunod ang mga bata. At mayroon ring lifeguard ngunit hindi maiwasan ni Gabriella na mag-alala lalo pa’t mga apo niya iyon. “We’re okay Lola!” Sigaw ni Ryder habang kumakaway nasa dulo ito ng pila. Humahagikgik naman si Laura, Ryker at Ryler. Nagkakasundo ang mga ito sa kalokohan habang si Ryder naman ang designated leader ng tatlo. Ang siyang taga saway sa mga ito. “Ready?” Tanong noong taga-bantay sa gilid ng slide kay Ryler.Ngunit bago pa makasagot si Ryler ay tinulak na siya nang tumatawang si Ryker. Hindi naman umiyak si Ryler kundi bumungisngis lang rin. Hindi naman mahaba ang slide, maiksi lang iyon kaya kampante rin ang guide na nakatayo sa gilid. Tanaw na tanaw ng mag-asawang Yapchengco ang mga bata. Namutla si Gabriella sa nangyari, hinawakan
“Athalia’s not pregnant, okay?” Pagtatama ni Raphael. Nakahinga naman ng maluwag si Tati nang marinig iyon. Tila ba nabunutan siya ng tinik sa lalamunan. “What? Why?” Dismayadong sambit ni Gabriella. Pilit ngumiti si Tati, “Hindi ako buntis, Mommy. Iba lang ang pagkakaintindi ng mga bata sa sinabi ng mga kapatid.” “Yes, Mrs. Yapchengco. Iba lang ang pagkakaintindi ng mga bata. Akala nila ay buntis ang ibig sabihin ng sunabi ko," Austin said. “Owwww!” magkapanabay na sambit ng mga bata, dismayado rin ang mga ito. Akala nila ay magkakaroon na rin sila ng kapatid. “Why Daddy? I thought when Papa Austin said Mommy has alaga in her tummy. Does it mean that we have a baby sister now? Why Mommy is not pregnant?” Biglang tanong ni Ryker sa ama. Napaawang naman ang labi ni Raphael sa gulat. Tumikhim siya, “Baby, it doesn’t work that way.” Tumingin si Raphael kay Tati at humingi ng tulong. Hindi alam ni Raphael kung paano sagutin ang bunsong anak. “Jusko,” wala sa sariling usal ni T
“Kuya,” Tawag ni Tati sa kapatid niyang si Austin. “What is it?” “How’s Dad?” She asked. Simula kasi nang maaksidente si Rapahel ay hindi niya pa nakakausap ang Daddy niya. Ang sabi ng mga kapatid niya ay nasa isla ang Daddy nila. Nag-iwas ng tingin si Austin, “Dad’s fine. He’s doing well.” Umirap si Tati, “How come alam mo? Hindi man lang ako tinatawagan ni Daddy. Nakakatampo na. The kids are looking for him. Panay sabi lang ako na busy siya.”Austin smiled and kissed Tati’s hair, “Soon, Baby. Kapag okay na ang lahat–”“What do you mean by that?” Umiling si Austin, “Bakit ba hindi ka sa sumama sa asawa mo? Bakit ako ang napili mong tabihan?”Patungo sila sa hotel na binook ni Gabriella. Kakalapag lang ng eroplano nila at agad silang sinundo ng mga tauhan mula sa hotel. Mahigit Apat na sasakyan ang sumundo sa kanila. Dahil ang dami nilang lahat. “Masama bang samahan ko ang mga kapatid ko?” Si Archer na tulog na tulog sa passengear seat, kasama nila sa Van si Mimi, ZD, ang anak
May mga multo ng kahapon na kapag lumitaw ay mayayanig ang mundo mo. Lalo na kung hindi pa na isasara ang librong iyon. Kaya hindi mapakali si Tati nang makitang muli si Kristal. They never had the chance to talk again, to say how sorry she was when she coveted Raphael. Na dahilan nang pagkaleche-leche ng mga buhay nila.Ngunit hindi pa rin maipagkakaila ni Tati na kung walang nangyari sa kanila noon ni Raphael na dahilan upang maipit sila sa isang kasal na walang kasiguraduhan. Ay wala rin sana ngayon ang triplets. She had made a lot of mistakes in her life… Ngunit hindi pa niya naitatama ang pagkakamali niya kay Kristal. She never had the chance to tell her how sorry she was. And Kristal reminded her of the stupid things she had done and what she had lost. “Baby?” tawag ni Raphael kay Tati ngunit hindi man lang ito tumalima. “Tati?” sinubukan niyang muli ngunit tulala pa rin ito. Hinawakan ni Raphael ang kamay ni Tati at pinisil, doon lang nito nakuha ang atensyon ni Tati. “Is ther
“Raphael!” tawag ni Tati sa ama ng mga anak niya. Hindi niya mapigil ang mapairap sa inis, umagang-umaga ay pinipika na naman siya nito. Ngayong araw kasi tatanggalin ang cast nito. Patuloy na kumatok si Tati sa pinto ngunit walang Raphael na sumagot. “Kapag hindi ka lalabas r’yan gigibain ko ang pinto!” banta pa niya. Kailangan kasi nilang magmadali dahil mamayang tanghali ay may flight pa sila pa-Mindanao. Ngayong araw rin kasi ang byahe nila sa pangakong sinabi ni Gabriella Yapchengco noong nakaraan, to celebrate her birthday they will be spending a week vacation in an island.Wala ang mga bata, kasama ng mga magulang ni Raphael para mag-shopping kaya wala siyang choice kundi samahan ang hilaw niyang asawa sa hospital. “Raphael? We have to hurry, Raphael! Bubuksan ko ‘to—”Bumukas ang pinto bago pa man matapos ni Tati ang sasabihin niya. Sumalubong sa kanya ang bagong ligo na si Raphael. Pinasadahan ni Tati ng tingin si Raphael, nakasuot ito ng puting V-ne
Sa mansyon ng mga Yapchengco… “Sa tingin niyo magkakabalikan na iyong dalawa?” wika ni Mimi. Umirap si Jean, “Heh! Maduga kayong mag-asawa. Matalo ang isa, may chance naman ang isang manalo.”Umakbay si ZD sa asawa, “Of course! Ang laki rin kaya ng mapapanalunan rito.” Nag-apir pa si Mimi as ZD. “Right, Babe?”“Argh! I hate you two!” pinagkrus pa ni Jean ang braso niya. “Hi guys!” bati ni Lali na kakalabas lang mula sa guest room sa ibaba. “Anong pinagchichismisan niyo r’yan?” bumaling ito kay Jean. “Sa’n ka natulog, Teh? Na-ilock ko pala ang pinto nakalimutan ko na tayo pala ang magtatabi.”“Ha?” Kasabay noon ay ang paglingon ng mga kaibigan ni Jean sa kanya at pagbaba naman ng iilang bisita, mga kaibigan ni Raphael na bumaba. Hindi rin papahuli ang mga magulang ni Raphael at ang mga kapatid ni Raphael. Ang tanging wala roon ay ang mga bata at ang mga-asawa–o mas tamang sabihin dating mag-asawa. Natitipon-tipon lahat sa salas, animo’y isang board meeting. Pumalakpak si ZD upang k
Madaling araw na nang matapos silang magkakaibigan na mag-inuman. Hinayaan ni Tati na sa guest room na matulog ang mga kaibigan niya. Habang ang mga bata naman ay katabi ng biyenan niya at ang mga kapatid naman niya ay hindi niya alam kung saan nagsusuot. Masaya si Tati na maayos ang takbo ng buhay niya ngayon. Masaya siyang nakabalik na si Raphael at unti-unti na itong bumabalik sa dati nitong sarili. Kahit pa man ay nawalan ito ng alaala ay hindi iba ang pinaramdam ni Raphael sa mga bata na estranghero ang mga ito sa kanya. Nakikita ni Tati sa mga kilos ni Raphael na mahal nito ang mga bata.And it made Tati happy… that they are finally having their peace. Bago humiga si Tati sa kama ay naglinis muna siya ng katawan. Kahit gaano pa siya kapagod mula sa trabao o kung ano man ay hindi talaga siya natutulog hanggat hindi naliligo muli. Solong-solo ni Tati ang buong higaan ngayon, walang mga batang nakasiksik sa kanya.Nang humiga si Tati ay agad siyang dinalaw ng antok, epekto na rin
“What’s your plan?” tanong ni Jean kay Tati, matagal-tagal nang kilala ni Jean si Tati bilang katrabaho ngunit ngayon lang siya naging malapit sa babae. Ilag kasi masyado si Tati, naiintindihan naman iyon ni Jean dahil napakaraming pinagdaanan ni Athalia. Ngunit nang makabalik ito matapos ang halos limang taon ay mas naging malapit si Jean at Athalia. At itinuturing na ni Jean si Tati na kapatid. At wala siyang ibang nais kundi ang maging masaya ito. “About what?” untag ni Tati. Nakaupo silang lahat sa may hardin sa isang sulok, sa kabilang banda naman ay ang mga kaibigan ng asawa ni Athalia na si Raphael. “Anong what ka d’yan, Teh! Anong score niyong dalawa ni Raphael?” singit ni ZD na nakaakbay sa asawang si Mimi na animo’y takot itong maagaw ng iba. Hindi mapigilang mainggit ni Jean sa mag-asawa dahil kitang-kita niya kung gaano kamahal ng mga ito ang isa’t isa. Hindi nga inaakala ni Jean na magkakatuluyan ang dalawa dahil akala nilang lahat ay pareho silang dalawa ng gusto.