Vote, comment, and rate guys <3 Enjoy reading
Kunot ang noo ni Athalia nang makita si Austin na pumasok sa bahay niya. Hindi naman siya nagtataka na nakapasok ito dahil may spare key siyang binigay sa binata. Ang pinagtataka niya lang ay kung bakit ito narito lalo pa’t weekdays pa lang. Nakasuot pa ito ng suit, mukhang kakagaling lang nito sa trabaho. Kahit ganoon ay presko pa rin itong tignan, maliban na lamang sa parati itong nakakunot. Nang magtama ang mga mata nila ay agad na ngumiti ang lalaki.“Baby,” mahinang ani nito saka ibinuka ang braso, nag-uudyok ito na yakapin niya.“Why are you here?” kunwaring galit na tanong niya.“I missed you, okay? It’s been three days since the last time I saw you,” malungkot na sambit ng lalaki.Bahagya siyang natawa, “Sira ka ba? Ang layo-layo pa ng binyahe mo. Saka magkasama lang tayo three days ago. Huwag kang OA.”“Of course, I missed you! How can I not missed my favorite human on earth?” nakangising sambit nito, tinawid na ang pagitan nila at mahigpit siyang niyakap. Natawa siya nang mas
“Baby,” usal ni Austin.Nag-aalala ang reaksyo nito. Wariy ‘di alam kung magsasalita ba ito o hindi. Pero dahil mas matigas ang bungo ni Athalia, hindi siya mapipirmi kung ano ang tinatago nito sa kanya. Pinagkrus niya pa ang mga braso, tila isang ina na nahuli ang anak na may ginagawang kalokohan.“Tell. Me. Everything.”Bawat salita ay binigbigyan niya ng diin. Napakamot sa ulo si Austin, huminga ito ng malalim bago sinalubong ulit ang mga tingin niya.“Baby,” malambing na usal nito.“Stop calling me baby, Kuya!” pagalit niyang sambit.Oo, kapatid niya si Austin. Matanda sa kanya ito ng dalawang taon, kagaya ng kakambal nitong Archer. Nakilala niya ang mga ito ilang taon na ang nakakaraan.“Dad had a minor accident,” paliwanag nito, mas tinitigan niya ang kapatid. “Fine. Major accident, he car crashed. Archer is the one taking care of Dad. I went here because I was stressed with issues going on with the business. And I missed you, that is why I came here.”Napabuga siya ng hangin sa
“You sure about this?” tanong ng kapatid niyang si Austin. “Oo, nga. Why do you keep asking ba?” asik niya. Nagkibit-balikat ito, “Calm down, baby. I am just asking, okay?” Inismidan niya ang kapatid at naunang maglakad, iniwanan niya ang kapatid niyang hila-hila ang maleta nilang dalawa. Nagplano siyang mag-resign, ngunit tumutol ang dalawang kapatid niya, pati mismo ang Daddy niya ay hindi pumayag. Halos limang taon na rin nang huling tumuntong siya sa Metro, ganun na katagal siyang nagpakalayo-layo. Hindi niya maiwasang maalala ang mga dating katrabaho, lalo na ang mga malalapit sa kanya. Si Max lang ang bukod tanging nakakaalam kung nasaan siya at kung ano ang kalagayan niya. However, Max migrated to London, kasal na ito ngayon sa asawa nitong British, na nakilala nito sa online dating app. “Baby!” rinig niyang sigaw ng kuya niya, saglit pa ay naramdaman na niya ito sa tabi niya, nakaakbay sa kanya. “You should’ve waited for me.” “Ang bagal mo,” ismid niya. Buong durasyon n
“Doktora!”Kumaway siya sa mga dating katrabaho na ngayon ay papalapit sa kanya. Si ZD, Mimi at Jean lang ang nagpasyang pumunta, ang iba kasi katrabaho nila ay nasa ibang shift kaya hindi makasama. Si Jean ang sumakay sa harapan, habang ang dalawa naman ay nasa likuran.“Saan tayo, Doc?” tanong ni ZD.Ngumiti siya, “Just call me Tati. Hindi niyo na naman ako katrabaho. So no need to call me formally.”Pinaandar niya ang makina ng kotse at nag-umpisang magmaneho. Nagkukwentuhan lang sila patungkol sa mga experiences nila sa trabaho. Si ZD, as usual madaldal, hindi nauubusan ng kwento. Napuno ng halakhakan ang sasakyan dahil sa mga kwento nito.“Kumusta naman kayo ng asawa mo, Tati?” tanong ni Jean, napalunok siya sa gulat.Nanuyo ang lalamunan niya, nanatiling nasa daan ang mga mata niya. “Hiwalay na kami. Matagal na.”“Kaya pala ibang babae ang kasama niya,” ismid ni Jean.“Ah. Good for him,” kibit-balikat niyang saad.Kung totoo man na nakahanap na ang asawa niya ng babaeng mamahalin
Kahit pa nakasuot ito ng sumbrero at mask, at mga mata lang ang nakikita niya ay alam niyang si Raphael iyon. Binabaa niya ang tingin sa mga paa niya. Pinapakiramdaman niya ang sarili niya. Sumara ang pinto ng elevator at ramdam niya ang presensya nito. Pasimpleng sumulyap siya rito, mukhang hindi siya nito napansin sa dami ng taong kasabayan nila. Hindi na gaya ng dati ang nararamdaman niya para sa dating asawa. It was more like, she loves him as a friend. Not the same intense love she had for him back then… Hindi niya mapigilang mapangiti. She can’t face him right now. She has a lot of things to say to him. Siguro sa mga susunod na araw. May ilang araw pa naman siya rito sa Metro. She want to finally close the book with him. Tumunog ang elevator, bumukas ang pinto at huminto na siya sa floor kung saan sila bababa. Akay-akay niya si Jean, mabuti na lamang at sa ilang taong lumipas ay nasasanay siyang magbuhat kay nakaya niya ang bigat ng kaibigan niya. “Tati. Umiikot mundo ko,”
Hindi siya mahilig sa mga parties or any other events. Kahit noon pa man na nasa puder siya ng mga Yapchengco. Ngunit lahat ng pagtitipon ay dinadaluhan niya. Dinaig pa ang escuela, dahil kailangang complete attendance siya sa mga pagtitipon na ginaganap ng pamilyang Yapchengco. Kahit pa may mahalagang siyang gagawin kinabukasan ay kinailangan niya pa ring dumali. Sa huli ay nag-aaral siya habang dumadalo sa party, she can’t just stay still.“You looked good,” komento ng kapatid niya habang nakalahad ang palad nito. Inaalalayan siyang bumaba sa sasakyan.Pinatong niya ang kamay niya sa palad ni Austin. Nginitian niya ang kapatid na gwapong-gwapo sa suot nitong tuxedo. Hindi na siya nagtataka kung bakit maraming nahuhulog rito kahit pa ang sungit-sungit nito.“Thanks to Dad’s genes,” biro niya pa. Nagtungo sila sa hall kung saan gaganapin ang auction. Sinalubong sila ng isang tauhan, giniya sila sa mesa. Inalalayan siya ni Austin na makaupo. Nag-umpisa na ang auction, tutok na tutok an
“Really? Lagdameo?” sarkastiko nitong turan. “What the hell is your problem?!” hindi niya mapigilang mapatayo dahil sa inis. Hindi niya maintindihan ang pinuputok ng butse nito. Sa inis niya ay malakas niya itong tinulak ngunit hindi man lang ito natinag. Sinuntok niya ang dibdib nito, sa huli ay siya rin itong napangiwi sa sakit.“We are still fucking married, Athalia. How the hell you are a Lagdameo now!” hinawakan nito ang kamay niya, mariin ang pagkakahawak nito. Nakadikit ang kamay niya sa dibdib ng dating asawa.“Eh, ‘di maghiwalay tayo ng legal. Is that what you want? Kaya ba galit na galit ka?!” “And what? Hayaan kayong magsama ng lalaki mo? No fucking way!” marahas siya nitong hinila papalapit, hinawakan nito ang bewang niya. “You are still my wife, Athalia. You are still Athalia Rielle Yapchengco. Not Rielle Lagdameo!”“Ano ba! Bitawan mo ako,” pilit siyang nagpupumiglas sa pagkakahawak sa kanya ng dating asawa.“In the eyes of the law you are still mine. Akin ka pa rin,”
“Mama!” sabay-sabay na sigaw ng tatlo niyang anak na lalaki- oo tatlong lalaki ang anak niya, identical triplets.Halos matumba siya nang dambahin siya ng mga ito. Kasunod ng mga ito si Archer na gulong-gulo ang buhok. Maitim ang ilalim ng mata nito, gusot-gusot ang suot na damit. Bumaling siya sa tatlong batang nakayakap sa mga binti niya. Pinanliitan niya ito ng mga mata.“Naging mabait ba kayo sa Papa Archer niyo? Kahit kay Ate Tess at Marie?” tukoy niya sa dalawang kasambahay na hinire ng kapatid niya.Nagkatinginan ang tatlong bubwit saka bumungisngis, bumaling ang tingin nito sa kanya. Malapad ang ngisi ng tatlo sa kanya kaya inilingan niya.“Alam niyo naman na may punishment kapag naging bad, hindi ba?”May chart kasi siyang ginawa, sa tuwing may mabait na ginagawa ang isa sa kanila ay nilalagyan niya ng stars. Kapag may mali namang ginawa ay binabawasan niya ang stars sa chart at may parusa siyang ibibigay. Pero kapag napuno naman nila ang charts ay may isang hiling siya tinu
“Athalia’s not pregnant, okay?” Pagtatama ni Raphael. Nakahinga naman ng maluwag si Tati nang marinig iyon. Tila ba nabunutan siya ng tinik sa lalamunan. “What? Why?” Dismayadong sambit ni Gabriella. Pilit ngumiti si Tati, “Hindi ako buntis, Mommy. Iba lang ang pagkakaintindi ng mga bata sa sinabi ng mga kapatid.” “Yes, Mrs. Yapchengco. Iba lang ang pagkakaintindi ng mga bata. Akala nila ay buntis ang ibig sabihin ng sunabi ko," Austin said. “Owwww!” magkapanabay na sambit ng mga bata, dismayado rin ang mga ito. Akala nila ay magkakaroon na rin sila ng kapatid. “Why Daddy? I thought when Papa Austin said Mommy has alaga in her tummy. Does it mean that we have a baby sister now? Why Mommy is not pregnant?” Biglang tanong ni Ryker sa ama. Napaawang naman ang labi ni Raphael sa gulat. Tumikhim siya, “Baby, it doesn’t work that way.” Tumingin si Raphael kay Tati at humingi ng tulong. Hindi alam ni Raphael kung paano sagutin ang bunsong anak. “Jusko,” wala sa sariling usal ni T
“Kuya,” Tawag ni Tati sa kapatid niyang si Austin. “What is it?” “How’s Dad?” She asked. Simula kasi nang maaksidente si Rapahel ay hindi niya pa nakakausap ang Daddy niya. Ang sabi ng mga kapatid niya ay nasa isla ang Daddy nila. Nag-iwas ng tingin si Austin, “Dad’s fine. He’s doing well.” Umirap si Tati, “How come alam mo? Hindi man lang ako tinatawagan ni Daddy. Nakakatampo na. The kids are looking for him. Panay sabi lang ako na busy siya.”Austin smiled and kissed Tati’s hair, “Soon, Baby. Kapag okay na ang lahat–”“What do you mean by that?” Umiling si Austin, “Bakit ba hindi ka sa sumama sa asawa mo? Bakit ako ang napili mong tabihan?”Patungo sila sa hotel na binook ni Gabriella. Kakalapag lang ng eroplano nila at agad silang sinundo ng mga tauhan mula sa hotel. Mahigit Apat na sasakyan ang sumundo sa kanila. Dahil ang dami nilang lahat. “Masama bang samahan ko ang mga kapatid ko?” Si Archer na tulog na tulog sa passengear seat, kasama nila sa Van si Mimi, ZD, ang anak
May mga multo ng kahapon na kapag lumitaw ay mayayanig ang mundo mo. Lalo na kung hindi pa na isasara ang librong iyon. Kaya hindi mapakali si Tati nang makitang muli si Kristal. They never had the chance to talk again, to say how sorry she was when she coveted Raphael. Na dahilan nang pagkaleche-leche ng mga buhay nila.Ngunit hindi pa rin maipagkakaila ni Tati na kung walang nangyari sa kanila noon ni Raphael na dahilan upang maipit sila sa isang kasal na walang kasiguraduhan. Ay wala rin sana ngayon ang triplets. She had made a lot of mistakes in her life… Ngunit hindi pa niya naitatama ang pagkakamali niya kay Kristal. She never had the chance to tell her how sorry she was. And Kristal reminded her of the stupid things she had done and what she had lost. “Baby?” tawag ni Raphael kay Tati ngunit hindi man lang ito tumalima. “Tati?” sinubukan niyang muli ngunit tulala pa rin ito. Hinawakan ni Raphael ang kamay ni Tati at pinisil, doon lang nito nakuha ang atensyon ni Tati. “Is ther
“Raphael!” tawag ni Tati sa ama ng mga anak niya. Hindi niya mapigil ang mapairap sa inis, umagang-umaga ay pinipika na naman siya nito. Ngayong araw kasi tatanggalin ang cast nito. Patuloy na kumatok si Tati sa pinto ngunit walang Raphael na sumagot. “Kapag hindi ka lalabas r’yan gigibain ko ang pinto!” banta pa niya. Kailangan kasi nilang magmadali dahil mamayang tanghali ay may flight pa sila pa-Mindanao. Ngayong araw rin kasi ang byahe nila sa pangakong sinabi ni Gabriella Yapchengco noong nakaraan, to celebrate her birthday they will be spending a week vacation in an island.Wala ang mga bata, kasama ng mga magulang ni Raphael para mag-shopping kaya wala siyang choice kundi samahan ang hilaw niyang asawa sa hospital. “Raphael? We have to hurry, Raphael! Bubuksan ko ‘to—”Bumukas ang pinto bago pa man matapos ni Tati ang sasabihin niya. Sumalubong sa kanya ang bagong ligo na si Raphael. Pinasadahan ni Tati ng tingin si Raphael, nakasuot ito ng puting V-ne
Sa mansyon ng mga Yapchengco… “Sa tingin niyo magkakabalikan na iyong dalawa?” wika ni Mimi. Umirap si Jean, “Heh! Maduga kayong mag-asawa. Matalo ang isa, may chance naman ang isang manalo.”Umakbay si ZD sa asawa, “Of course! Ang laki rin kaya ng mapapanalunan rito.” Nag-apir pa si Mimi as ZD. “Right, Babe?”“Argh! I hate you two!” pinagkrus pa ni Jean ang braso niya. “Hi guys!” bati ni Lali na kakalabas lang mula sa guest room sa ibaba. “Anong pinagchichismisan niyo r’yan?” bumaling ito kay Jean. “Sa’n ka natulog, Teh? Na-ilock ko pala ang pinto nakalimutan ko na tayo pala ang magtatabi.”“Ha?” Kasabay noon ay ang paglingon ng mga kaibigan ni Jean sa kanya at pagbaba naman ng iilang bisita, mga kaibigan ni Raphael na bumaba. Hindi rin papahuli ang mga magulang ni Raphael at ang mga kapatid ni Raphael. Ang tanging wala roon ay ang mga bata at ang mga-asawa–o mas tamang sabihin dating mag-asawa. Natitipon-tipon lahat sa salas, animo’y isang board meeting. Pumalakpak si ZD upang k
Madaling araw na nang matapos silang magkakaibigan na mag-inuman. Hinayaan ni Tati na sa guest room na matulog ang mga kaibigan niya. Habang ang mga bata naman ay katabi ng biyenan niya at ang mga kapatid naman niya ay hindi niya alam kung saan nagsusuot. Masaya si Tati na maayos ang takbo ng buhay niya ngayon. Masaya siyang nakabalik na si Raphael at unti-unti na itong bumabalik sa dati nitong sarili. Kahit pa man ay nawalan ito ng alaala ay hindi iba ang pinaramdam ni Raphael sa mga bata na estranghero ang mga ito sa kanya. Nakikita ni Tati sa mga kilos ni Raphael na mahal nito ang mga bata.And it made Tati happy… that they are finally having their peace. Bago humiga si Tati sa kama ay naglinis muna siya ng katawan. Kahit gaano pa siya kapagod mula sa trabao o kung ano man ay hindi talaga siya natutulog hanggat hindi naliligo muli. Solong-solo ni Tati ang buong higaan ngayon, walang mga batang nakasiksik sa kanya.Nang humiga si Tati ay agad siyang dinalaw ng antok, epekto na rin
“What’s your plan?” tanong ni Jean kay Tati, matagal-tagal nang kilala ni Jean si Tati bilang katrabaho ngunit ngayon lang siya naging malapit sa babae. Ilag kasi masyado si Tati, naiintindihan naman iyon ni Jean dahil napakaraming pinagdaanan ni Athalia. Ngunit nang makabalik ito matapos ang halos limang taon ay mas naging malapit si Jean at Athalia. At itinuturing na ni Jean si Tati na kapatid. At wala siyang ibang nais kundi ang maging masaya ito. “About what?” untag ni Tati. Nakaupo silang lahat sa may hardin sa isang sulok, sa kabilang banda naman ay ang mga kaibigan ng asawa ni Athalia na si Raphael. “Anong what ka d’yan, Teh! Anong score niyong dalawa ni Raphael?” singit ni ZD na nakaakbay sa asawang si Mimi na animo’y takot itong maagaw ng iba. Hindi mapigilang mainggit ni Jean sa mag-asawa dahil kitang-kita niya kung gaano kamahal ng mga ito ang isa’t isa. Hindi nga inaakala ni Jean na magkakatuluyan ang dalawa dahil akala nilang lahat ay pareho silang dalawa ng gusto.
Maliit pa lang si Archer, nakagisnan niya ang mga magulang na parating nagtatalo. Litong-lito siya kung bakit hindi halos nag-uusap ang mga magulang niya at madalas na magtalo. Nagtataka nga siya kung bakit iba ang pakikitungo ng mga magulang niya sa isa’t-isa habang ang magulang naman ng mga kaklase niya ay malalambing sa isa’t-isa. That’s when he wondered if his parents love each other. Ngunit mas tumatak sa batang isipan ni Archer, ano ba talaga ang pagmamahal?“Ano ba?! Hindi ka pa rin ba titigil sa kakahanap sa babae mo?!” sigaw ng ina niya mula sa opisina ng ama niya. Nakasilip si Archer sa siwang ng pinto kung saan nakikita niya ang ina niyang lumuluha habang ang ama naman niya ay nakatingin lang sa inang lumuluha. “Wala akong balak na balikan siya! Ilang ulit ko bang sasabihin sa ‘yo ‘yun?” sagot naman ng ama niya sa mababang boses. “Oh, please! H’wag na tayong maglokohan, alam naman nating hindi mo ako mahal at mahal mo ang babaeng iyon! No matter how hard I tried, I can’t
“Mommy Lola, Lolo!” sigaw ng mga anak ni Athalia nang makita ang biyenan na nakaupo sa sofa. Tumakbo papalapit ang mga bata sa Lolo at Lola nito. Mahigpit na niyapos naman ng mga magulang ni Raphael ang mga bata. Hinalikan isa-isa ng biyenan niya ang mga bata, tuwang-tuwa naman ang mga paslit. “How about me?” wika ni Rem, biglang sumulpot mula sa kusina. “Tito!” sigaw ng mga bata at kumaripas naman papunta kay Rem. Napangiti na lang siya nang magtitili ang mga anak niya. Tulak-tulak niya ang wheelchair ni Raphael. Ngayong araw na ito ay magkakaroon ng pagtitipon sa mansyon ng mga Yapchengco. Hindi kasali ang extended family ng mga ito. Kundi ang mga kaibigan lang ni Raphael, pamilya ni Athalia at mga iilang kaibigan niya. Pumayag naman si Raphael nang sabihin niyang nais niyang mag-imbita ng mga kaibigan niya. “Mom,” tawag ni Raphael sa ina.Tumayo si Gabriella Yapchengco at humalik sa pisngi ng anak, “Is your leg doing good?”“Yeah, my wife’s taking care of me.”Sumulyap si Gabr