Naglibot pa ako sa loob at sa ibang parte nitong conservatory area ay napapalibutan ng iba't-ibang mga halaman na nakalagay sa mga pasong gawa sa putik. Narinig ko ang mga yapak nito sa aking likuran. Pansamantala kong nakalimutan ang lahat ng mga problema at panganib na kinakaharap naming dalawa. Nalulunod ako sa ganda nito at hindi ko namalayang sumilay na pala ang aking mga ngiti habang gumagala ang aking mga mata sa paligid. Sa 'di kalayuan ay salaming lamesa na naman at may dalawang itim na upuan. May chandelier na nakasabit sa gitna na nagsisilbing liwanag kapag madilim na ang kalangitan. Samantalang sa likod ko naman ay may dalawa pang mga upuan. Pakiramdam ko ay may sarili akong mundo sa mga oras na 'to. "Do you love the place?" Ronald queried when he noticed my eyes continuously wondering. "Yes, I am." Hindi ko siya binalingan at nanatiling nakatuon ang aking atensyon sa paligid. Kahit ngayon ko lang huwag isipin ang bawat problemang kinahaharap namin ngayon. Gusto ko
Pagkagising ko sa umaga ay may naramdaman akong kamay na nakahawak sa baywang ko kaya iminulat ko ang aking mga mata at tiningnan nito. Napagtanto kong kay Ronald lang pala ito habang mahimbing itong natutulog.Napangiti ako habang pinagmamasdan siyang natutulog. Medyo naksubsob ang mukha nito sa unan habang payapang natutulog. Hindi maalis ang mga tingin ko sa kaniyang mukha.How could a devil come to resemble the face of an angel in this dangerous world?Napabalikwas ako sa aking kinauupuan nang mapansing gumalaw siya. Kanina pa kasi hindi maalis ang tingin ko sa kaniya at pinagmamasdan siya habang nakangiti. Nag-iba ito ng posisyon at humarap sa kisame, napansin ko rin inalis na nito ang kaniyang kamay mula sa baywang ko."Hmm," ungol niya sa antok na tono."Hindi pa naman siya gising, hintayin ko na lang siya sa ibaba." Pagkausap ko sa sarili ko kaya inalis ko na ang kumot at ibinaba ang aking mga paa sa sala.Parang may nagtutulak sa'kin para bumalik sa kama, sa mismong tabi niya
Nanatiling tahimik ang underboss at hindi niya rin maipaliwanag ang nararamdaman niya. Parang siyang nahihilo ma hindi niya maintindihan at hindi niya rin lubos iisipin na makakaramdam siya ng takot sa kahit na sinuman."Bakit naman ako matatakot sa kaniya?" Sagi nito sa isipan nito habang pinagmamasdan sila.Nilingon siya ni Ronald dahil kanina niya pa ito nakikita sa gilid ng mga mata niya. "Anong problema?" kalmadong tanong sa kaniya ni Ronald.Dahan-dahan niya iniangat ang mga tingin nito habang naglalakad si Ronald patungo sa direksyon niya. "Wala, huwag mo na lang akong pansinin." Nag-iiwas ito ng tingin habang nakaupo sa isang maliit na kayumangging upuan. Walang emosyon siyang tiningnan ni Ronald. "Magpahinga ka muna kung wala ka sa kondisyon."Tinanguan niya ito. "Sigurado ka ba?" nag-aalangan nitong tanong.Bahagyang tumawa si Ronald rito habang paunti-unting lumalamig ang ulo nito. "Siguradong-sigurado."Naglakad na palayo ang underboss patungo sa pintuan at pinihit sa pai
"Nagkamali kayo ng mga iniisip," seryoso namang tugon ni Ronald."So, ano ba talaga ginagawa niyo?" inis na nitong tanong at itinaas pa nito pahalang ang kamay niya sa hangin.Tiningnan ako ni Ronald. "Nag-uusap lang," diretso kong tugon.Mabuti na lang at hindi na muling nagtanong ang anak naming si Niccoló. Sinulyapan pa kami nito ng isang beses bago siya tuluyang maglakad maglayo habang nakapamulsa ang kaniyang mga kamay.Napalingon naman ako kay Ronald ngunit tila wala itong reaksyon habang sinusundan ng tingin ang anak naming si Niccoló. Napansin kong nakikinig kanina ang mga tauhan niya pero nagkibit-balikat lang sila. Nanatili silang walang emosyon habang nakatayo sa bawat sulok ng bahay.Saktong tatalikod na sana ako ng bigla akong may narinig na boses. Paunti-unti akong umikot para lingunin ito, nakita ko ang tumatakbong tauhan ni Ronald papunta dito sa direksyon naming dalawa. Parang may sasabihin itong importante kay Ronald base sa kaniyang ekspresyon sa mukha. Nang makala
Nagsimula na ngang kumilos ang mga tauhan namin na may kaniya-kaniyang hawak na baril. May iniwan kaming ilang mga tauhan para magbantay sa loob ng mansiyon. Halos sabay-sabay kaming pumasok sa mga itim na sasakyan at iniatras ang sasakyan para makapag-u turn. Agad namang binuksan ang gate ng mga bagong nagbabantay.Nang makapag-u turn na ang mga sasakyan namin ay isa-isang lumabas patungong gate. Lumiko kami sa kanang direksyon na sinundan naman ng apat na mga itim na sasakyan. Nauna kami sa daanan habang si Ronald ang nagmamaneho sa kotse habang ako naman ay patingin-tingin sa side mirror para siguraduhing nanatili silang nakasunod.Lahat kami ay may mga earpiece para kahit magkahiwa-hiwalay kami ay makakausap pa rin namin ang isa't-isa. Nagliliyab ang galit ni Ronald at mas lalo pang binilisan ang pagmamaneho. Nagpupuyos ang kaniyang mga mata at ulo na dahilan para maging agresibo ito sa pagmamaneho. Ramdam ko ang tensyon sa loob niya, napatingin naman ako sa side mirror at napansi
"Wala ng atrasan 'to." Sambit ni Ronald na nanatiling agresibo sa galaw niya."Sinimulan nila ito at tayo ang tatapos." Mariin ko namang turan habang nasa ilalim ng bar counter."Our love will remain even in the midst of danger."I glanced at Ronald while the mobsters were preoccupied fighting with our adversaries. "Our love will stay stronger even in the middle of death and no one can take that away from us." I responded in a hushed voice while my mind was still occupied with the thoughts of killing these bastards.Maraming mga kalaban pero sapat naman ang bilang namin para tapatan sila. Nilabas namin ang kalahati naming katawan at itinutok ang baril sila bago pinupatukan ng baril. Ang sniper ng grupo ay nakaabang na sa paligid at nasa taas lang ito ng gusali. May bala kaming nakita galing sa taas at nakita ko na tumango na lang ito bago binuhat ang kaniyang baril.Nag-thumbs up sa kaniya si Ronald bago naglakad palayo ang sniper at naghanap ng ibang puwesto. Sa kaniyang puwesto nga
Naglakad palapit si Ronald sa kaniya habang gumagapang ito sa ilalim ng kaniyang sariling dugo. Sa bawat paggalaw nito ay siyang pagkalat ng dugo sa sahig at hindi rin matigil sa pag-agos ng dugo ang parteng nabaril sa kaniya. Naglakad papunta sa harapan niya si Ronald kaya natigilan siya at paunti-unting nag-angat ng tingin."Please, spare my life." He begged, raising both of his hands in the air and putting his palms together.Ronald scoffs. "Stop making jokes, dude.""But I am not joking, and I still want to leave." He insisted, pleading and even reaching for my husband's feet."Sorry, I am not a saint to grant your request." Ronald replied in a hushed voice before slowly pointing the gun at him and pulling the trigger.Isang malakas na tunog ng baril ang kumawala hanggang sa paunti-unti nang isinara nito ang kaniyang mga talukap. Tiningnan ito ng seryoso saglit ni Ronald at tinalikuran na ito.He had been shot in the head and his chin harshly fell on the ground. Ronald left him wit
Dahan-dahan kaming naglakad habang nakahawak pa rin ng baril at mula sa loob ay tila nagkakaroon ng mga transaksiyon habang abala sila sa tapat ng mga computer. Gusto na naming pasukin ang loob nh kuwarto para matapos na ang lahat."Boss, marami na silang mga nagkalat na tauhan dito!" Sigaw ng isang tauhan ni Ronald malapit sa hagdanan."Iwanan niyo na sa amin 'to at kami na ang bahala." Suhestiyon naman ng tauhan na nasa gilid ko lang.Nagsalita naman ang isa kong tauhan. "Dadalhin namin siya sa 'yo ng buhay," paninigurado nito.Hindi nagpapigil si Ronald at sinipa agad ang pintuan kaya nabigla silang lahat. Tumunog bigla ang red alarm sa buong paligid at halos lahat na ng mga tauhan nila ay nagsikalat na. Pinaputukan rin nila ng baril ang direksyon namin kaya mabilis kaming tumakbo papunta sa gilid ng pintuan para umiwas sa bala.Nang sumilip kami ay tumataka na ang mga ito sa underground sa sahig. May bilog na butas doon sa gitna, bagama't mukhang normal lang kung pagmamasdan ang s
Napansin ko ang pag-igting ng kaniyang mga panga at sa kaniyang ekspresyon ay masasabi kong may binabalak siyang hindi maganda. Pakiramdam ko ay kapag nalaman niya kung sino ang traydor sa organisasyong ito ay hindi ito magdadalawang-isip na patayin ito ng wala sa oras. Tumayo ito bigla at naglakad palayo sa akin. Nararamdaman ko ang bigat ng presensya nito at halos hindi mapakali.Naiinis niyang sinulyapan ang cellphone niya ng marinig na may tumatawag at ini-slide na lang ito sa green button bago inilagay malapit sa kaniyang tainga."May balita ka na ba?" Mahahalata sa boses nito na gusto niya na agad ng bagong impormasyon.Tumikhim naman ang tauhan niya. "Meron na boss," panimula ng kausap nito. "Hindi nga tayo nagkamali dahil matagal ng may espiya sa organisasyon at ang dahilan ng pagsapi nito sa kasamahan ay upang malaman ang bawat galaw natin lalo na ang mga planong gagawin natin." Pagpapaliwanag ng tauhan niya mula sa kabilang linya."Sabihin mo sa akin," matigas niyang sambit
Mula sa balita ng tauhan ni Ronald ay marami na ring nalagas sa aming grupo. Hindi pa rin nila mahuli-huli ang sakim na Mr. Dayron na 'yon dahil maaaring may malaking tao ang tumutulong sa kaniyang makatakas mula sa siyudad. Hindi nila ito matukoy-tukoy kung sino pero tila opisyal ito sa gobyerno na may mataas na posisyon.Napaisip rin bigla ang aking asawa sa narinig lalo na't kamakailan lang ay humina ang kaniyang alyansa. Maaaring dating tauhan ito ng aking ama at halos matulala ako ng maisip kung sino ito. Ayaw ko munang sabihin kung sino ito dahil wala pa naman akong hawak na ebidensya na nagpapatunay na siya ang tumutulong. Alam kong maraming posibleng traydor sa grupong ito at ano pa bang aasahan ko? Grupo ito ng mga kriminal at para sa kanila ay kapangyarihan ang pera. Ang pera ay isa sa malaking pundasyon ng impluwensiya at kapangyarihan. Iniisip rin ng karamihan na kapag marami silang pera ay mas superior na sila sa ibang grupo. Maraming mga pagkakataon na sila-sila rin nam
Naghahanda na sa pag-alis ang ibang mga tauhan ni Ronald dahil ipapadala nila ito doon sa lugar na iyon. Kumuha sila ng sapat na mga armas at bala na dadalhin. Nagdala rin sila ng mga granada para mas mabilis nilang mapatay ang mga kalaban nila lalo na kapag palapit na sila sa direksyon nila.Lahat ng mga armas, bala, at granada ay inilagay nila sa likod ng sasakyan. Ang itinatalagang pansamantalang leader ng grupo ay nilingon ang aking asawa pagkatapos isara ang likod ng sasakyan. Tinanguan na lang siya ni Ronald pero tumango na lang ito at kumaway sa kaniya para magpaalam.Napakamulsa si Ronald habang pinapanood sila sa hindi kalayuan. Lahat sila ay naglakad na papunta sa pintuan ng sasakyan at halos sabay-sabay na sumakay.Pinaandar na agad nila ang mga sasakyan at nagsimula na itong tumunog. Binuksan muli ang malaking gate at magkakasunod na lumabas ang tatlong sasakyan.Naglakad papunta sa direksyon ng aking asawa ang anak naming si Niccoló. Binalingan naman siya ng atensyon ni
Kinabukasan ay nakatanggap kami ng tawag mula sa mga tauhang naiwan doon at sa background pa lang nila ay maririnig na ang malalakas na pagsabog pati mga putukan ng baril. Agad namang nagmadaling bumaba si Ronald at sinagot ang tawag."It's kind of dangerous now and we almost caught Mr. Dayron, but his mobsters were also after us." The mobster explained from another phone line."Just be careful and remember the goal is to capture him, not die for some unnecessary things." I overheard Ronald strictly reminding the mobster."Noted, boss."Kaagad na pinatay na ang tawag dahil mula sa background pa lang nila ay parang nasa gitna sila ng isang giyera. Naging seryoso bigla ang ekspresyon ni Ronald at tinawag ang underboss ng grupo na agad namang naglakad palapit sa kaniya. Nagsindi pa ito ng sigarilyo sa harapan ni Ronald. Ibinuga niya ang usok sa gilid niya bago muling hinarap si Ronald."Kung kinakailangan ay magpadala ka ng iba pang mga tauhan sa lugar na 'yon," mahigpit na utos ni Rona
Marami kasing naging atraso ito kay Ronald sa nakaraan kaya gano'n na lang din ang galit nito. Nakalayo na kami sa lugar ngunit napansin naming may mga nakasunod sa amin kaya nakailang beses kaming lumiko-liko ng daan para iligaw sila.Nabasag ang bintana sa likuran ng kotse ng barilin nila kami kaya ang isa sa tauhan namin sa likod ay inilabas ang kaniyang ulo at mga braso para paputukan rin sila ng baril. Nagkabasag-basag ang bintana nila sa harap at nakita naming yumuko sila para iwasan ang balang paparating sa direksyon nila.Halos maibangga na namin ang kotse dahil sa pagpapatakbo namin ng mabilis na kapasidad ang kotse. Nakikipagpalitan ng putok ng baril sa magkabilang bintana ang dalawang tauhan. Yumuyuko sila para iwasan ang bala lalo na't tumatagos na ito sa likod dahil basag na ang salamin."Bilisan niyo pa!" Sigaw ni Ronald sa nagmamanehong tauhan habang sinisilip sila sa likod."Malapit na nila tayong maabutan," nag-aalala ko ng sambit.Kunti na lang kasi ay matatapatan na
Pagkababa nila ay naghiwa-hiwalay sila para libutin ang gusali at mahanap ang pintuang palabas ng underground area nila. May nakita silang hindi kalakihang pintuan at parang isang trap door ito kung pagmamasdan. Naririnig nilang may ingay na nanggaling sa loob kaya umatras muna sila sandali para kumpirmahin kung sila nga ito. Hinintay nila itong lumabas at pagkabukas nga ng pintuang iyon ay una nilang nakita ang sakim na si Mr. Dayron kaya pinaputukan nila ito agad ng baril.Agad na isinara nito pababa ang pintuan at naririnig ang pagbaba nila sa hagdan sa loob. Sinubukan nila itong puwersahing buksan pero mukhang ikinandado ito sa loob. Labis ang inis na nararamdaman nila dahil doon kaya nag-iisip sila ng ibang paraan buksan ito."Ano? Pasabugan na lang natin siya ng granada?" tanong ng isang tauhan."Hindi, dapat buhay silang makuha." Sagot naman ng kasamahan nito."Umikot kayo doon dahil baka may iba pa silang daanan." Pagsenyas ng capo nila kaya agad silang tumango at pumunta ang