Napansin ko ang pag-igting ng kaniyang mga panga at sa kaniyang ekspresyon ay masasabi kong may binabalak siyang hindi maganda. Pakiramdam ko ay kapag nalaman niya kung sino ang traydor sa organisasyong ito ay hindi ito magdadalawang-isip na patayin ito ng wala sa oras. Tumayo ito bigla at naglakad palayo sa akin. Nararamdaman ko ang bigat ng presensya nito at halos hindi mapakali.Naiinis niyang sinulyapan ang cellphone niya ng marinig na may tumatawag at ini-slide na lang ito sa green button bago inilagay malapit sa kaniyang tainga."May balita ka na ba?" Mahahalata sa boses nito na gusto niya na agad ng bagong impormasyon.Tumikhim naman ang tauhan niya. "Meron na boss," panimula ng kausap nito. "Hindi nga tayo nagkamali dahil matagal ng may espiya sa organisasyon at ang dahilan ng pagsapi nito sa kasamahan ay upang malaman ang bawat galaw natin lalo na ang mga planong gagawin natin." Pagpapaliwanag ng tauhan niya mula sa kabilang linya."Sabihin mo sa akin," matigas niyang sambit
Tatlong araw na ang nakalilipas pero hindi pa rin nila nahuhuli ang Mr. Dayron na 'yon ngunit ayon sa aking asawang si Ronald ay malapit na nilang malaman kung sino ang espiya. Medyo nahihirapan pa rin silang tukuyin ito dahil madalas ay nakasuot ng kalahating maskara at ang isang mata lang nito ang nakikita.Masyado itong misteryoso at natapos man ang barilan sa pagitan ng dalawang panig pero nagpatuloy pa rin sila sa paghahanap sa Mr. Dayron na 'yon kasama ang mga tauhan nito pati ang mga tumutulong sa kaniya. Hindi na gano'n kalawak ang impluwensiya nito at pinagtatawanan na rin siya ng mga ibang organisasyon dahil nalaman nila na kailangan niyang ibenta ang sarili niyang anak para lang maisalba ang negosyo niyang matagal nang baon sa utang.Tuwing magkadikit ang mga balat namin ni Ronald ay nararamdaman ko ang mga pangamba nito kahit na alam kong matapang niyang hinaharap ang lahat. Ang tingin sa kaniya ng lahat ay walang kinatatakutan. Well, in this criminal and dangerous world
Naipit na sa sitwasyon ang lalaking nakasuot ng kalahating maskara at napatingin ito sa paligid habang naghahanap ng butas para makatakas. Napansin namin na kinakabahan na ito at tumulo na ang mga pawis nito sa kaniyang noo. Parang nag-pa-panic na rin 'to lalo na no'ng tinutukan siya ng baril ni Ronald at naglabas na rin ako ng baril sabay tutok sa kaniya. Kinakapa nito ang kaniyang bulsa pero ang nakapa lang nitong armas ay kutsilyo lang hanggang sa bigla nitong naalala na wala pala itong dalang baril. Habang nakatutok sa kaniya ang baril ay dahan-dahang naglalakad palapit sa kaniya si Ronald. Huminga ng malalim ang lalaki at bumubuwelo habang nakatingin sa aming dalawa. Nakita ko ring naglabas pa ito ng isang kutsilyo at pinaikot ito ng sabay. Nanatili itong alerto at parang balak niyang saksakin kami o kaya ibato sa aming dalawa ang mga hawak niyang kutsilyo. Nagkatinginan kaming dalawa ni Ronald habang tila inoobserbahan pa rin kami ng lalaking nasa gitna namin. Kung hindi man
Dalawang araw na ang nakalilipas pero hindi pa rin namin sila mahanap at mahagilap kahit na anino nila. Maaaring sinusubukan nila kaming linlangin pero gagawa kami ng paraan para mahanap sila at hindi kami magpapadala sa mga panlilinlang na maaari nilang gawin. Kung sinuman ang tumutulong sa kaniya na maaari ring may kaugnayan sa organisasyon ng asawa ko ay mag-ingat siya at siguraduhin niya lang na hindi ito matutuklasan ni Ronald dahil once na malaman niya kung sino ito ay paniguradong sa impiyerno ang bagsak niya.Nakita ko ang gusali kung saan nangyari ang barilan noon at punong-puno ng tumalsik na mga dugo ang bawat pader lalo na ang sahig. Sobrang tahimik ng lugar na ito at walang ibang maririnig kung hindi ang mga nililipad na yero sa paligid. A fresh and cold breeze brushed against my skin and this made me questioned myself why do I feel like my knees weakened. There's something in this place that I can't tell and probably, I really sensed a danger in the surroundings.Tumikh
Sa apat na sulok ng gusali ay may namataan ang mga tauhan namin na mga kalalakihan. Nagtangka silang tumakas pero tinutukan nila ito ng baril kaya dahan-dahan nilang itinaas ang mga kamay nila at ibinaba sa sahig ang mga baril nila. Halos manlambot ang mga tuhod nila at tila hindi makagalaw sa kinatatayuan nila. Hindi nila inaakaalang mahuhuli sila sa pagkakataong ito.Ang isa sa kanila ay sinipa ang baril ng tauhan ni Ronald pero mabilis naman niya itong binawian at sinipa ng malakas sa tiyan na dahilan para manghina ito at tumupi ang katawan niya sa sakit. Halos tumalsik pa ang dugo nito mula sa kaniyang bibig bago paunti-unting napaluhod sa lupa habang ang kaniyang mga kamay nakahawak sa tiyan niya.Mabilis namang binunot ng tauhan ni Ronald ang baril at itinutok sa lalaki. Sa pagpasok ko sa lugar ay nadatnan kong tinatalihan na nila ang mga kamay ng mga nahuli nilang kalalakihan. Ang ibang mga tauhan ay binunot ang mga baril nila habang ang iba naman ay nakatutok ang nguso ng mga
NAVARRA'S ESTATEFebruary 8, 2024Nang makarating na kami sa mansiyon ay agad nilang binuksan ang malaking gate at ipinaandar pataas ang sasakyan papasok sa loob. Sumunod naman ang dalawa pang mga sasakyan sa pagpasok sa loob ng malaking gate at nang makapasok na lahat ay may pinindot silang button pata automatic na magsara ang gate.Ipinarada muna nila sa gilid ng mansiyon at halos sabay-sabay kaming lumabas sa loob ng mga sasakyan. Wala pa ring malay ang mga tauhan ng kalaban na nahuli namin kaya dalawang tauhan ang magkabilang humahawak rito. Nagtaka ako at tumigil sa paglalakad ng makitang dinala ito malapit sa garahe pero laking gulat ko ng paunti-unting bumababa ang semento sa mga paanan nila.Tiningnan sila ni Ronald sabay tango sa kanila na ang ibig sabihin ay sila nang bahala sa mga kalalakihang iyon. Binalingan ako ni Ronald at hinawakan ang kamay ko habang magkadikit ang bawat daliri naming dalawa. Gusto kong ibuka ang bibig ko pero mas pinili ko na lang panatilihin itong s
Binalot ng takot ang buong paligid lalo na't pinapanood nila ang mga kasama nila habang dahan-dahang tumatarak pababa sa paa ng mga kasama nila ang patalim. Bumigat ang bawat pagdapo ng hangin mula sa aking balat. The blood on the man's thing streamed down and fell on the floor. Ronald's eyes darkened and his gaze sharpened as his jaw ticked. He brushed both jaws with his thumb and index finger. "Let them feel the pain now, and I'll leave them to you." Kumilos naman agad ang mga tauhan niya at naglakad papunta sa mga kalalakihang nakatali sa may upuan. Napansin niyang hindi man lang ako gumalaw kaya sumulyap ito sa akin. "Wife, let's get going now." Sambit niya kaya napakurap-kurap naman ako at hindi ko namalayang nakatulala na pala ako. He stretched his hand as I walked toward him, and when I was beside him, I placed my palm in his before we headed out of the underground area. After we headed out of the underground area, everyone seemed to be waiting for us, and I was puzz
Apat na araw na ang nakalilipas nang simulan nila ang paghahanap sa kanila. Bagama't nahihirapan sila sa paghahanap ay nagawa pa rin nila itong mahanap. Sinundan nila ang sasakyang nakita nila kung saan ay namataan nilang nakasakay sila doon. Base sa impormasyon na ibinigay nila ay pumunta sila sa supplier ng mga baril at ayon rin sa impormasyong ibinigay nila ay tila tinutulungan nila ang Dayron Organization na makabangon sa tagal na pagkakabankrupt nito.Ang organisasyong iyon kasi ay matagal ng pabagsak at wala na talaga silang magagawa para isalba ito. Hindi ko sigurado kung talagang parte ng organisasyon ng aking asawa ang tumutulong rito na isang mataas na opisyal pero may kutob akong maaaring gano'n ang nangyayari. Napapaisip rin ako kung ang gobernador iyon pero malinaw naman sa sinabi ng tauhan ng aking asawa na wala itong ginagawang mali.Ayon sa mga nasasagap kont impormasyon ay hindi na daw ito madalas dumalaw sa kapitolyo. Lumalabas pa rin naman ito, pumupunta sa iba't-i
Kinabukasan ay nakita ko silang dalawa na magkausap na naman at halos araw-araw ko silang nakikitang nagpaplano. Ang iba naman ay binabalot na mga bagay at iniisip kong droga na naman ang mga laman nito.Tumatakbo palagi ang mga pangyayari dito sa bahay sa mga operasyong gagawin nila. Ang mga kasambahay naman ay tahimik lang silang nagpupunas ng mga lamesa, bintana, at ang iba naman ay nagluluto na naman ng umagahan sa kusina. Pasulyap-sulyap ang mga ito sa mga ginagawa ng napakaraming tauhan dito sa loob.Nag-iiwas naman sila ng tingin tuwing nahuhuli ko silang matagal na nakatitig sa mga binabalot nilang bagay. Napansin kong napalunok ang kasambahay na may edad habanh pinupunasan nito ang malaking vase sa gilid.My footsteps echoed in the floor and she's obviously panicking and thinking what tricks she will use against me.Napansin ko ang malalim na paglunok ng babaeng may edad na rin at natigilan rin ito sa kaniyang ginagawa. Dahan-dahan niya akong nilingon at agad kong nakita ang
NOTE: Bonus Scenes are for the readers and I hope you enjoy story and let me know your reactions in the comments. Nasa personal office niya si Ronald kaya naglakad ako papunta doon at sumilip sa pintuan. Napansin kong may tinitingnan itong mga dokumento at naisipan kong kumatok na lang sa pintuan kaya nabaling bigla ang atensyon niya sa direksyon ko. His face lit up and he lifted himself up before he walked over towards me. "Come in, my queen." He gestured his hand inside as he placed his hand around my waist. "What are these papers?" I asked, when I noticed them cluttering in his table." He pinched the bridge of his nose. "It's just about business operations and about the deal." Ipinaupo niya sa harap ng mesa niya bago siya naglakad pabalik sa loob ng mesa at umupo. Hindi ko mabasa ang iniisip niya dahil nakatitig lang naman ito sa akin. "Okay ka lang ba?" Pagbasag ko sa katahimikan sa pagitan naming dalawa. Napakurap-kurap naman ito bago nag-angat ng tingin. "Oo, nama
AIRAH JHOANNE NAVARRA'S P.O.V. Isinama nila ako sa operasyon nila para kung skating magkaroon ng foul play sa loob ay magkakaroon agad ng ideya ang mga tauhan namin dito sa labas kung anong gagawin. Medyo delikado ang operasyon na 'to dahil ang taong pagbibigayan nila ng droga ay isang malaking personalidad. "Kapag hindi kami nakalabas ng within 1 hour, alam niyo na ang gagawin." Mahigpit na bilin ni Ronald sa mga tauhan. Sinulyapan naman niya ako sabay yakap at dinampi ang mainit niyang labi sa aking noo. Sumulyap ng huling beses bago pumasok sa loob kasama ang aming anak at ibang mga tauhan. Bakit parang ang lungkot? Ano na naman bang nangyayari sa akin? Pilit kong iwinaksi ang mga negatibong naiisip ko sa aking utak. Nasa labas kami ng kinakalawang nang gate habang nakaparada ang itim naming mga sasakyan. Hindi kami puwedeng pumasok sa loob katulad ng napag-usapan nila. Parang akong nilulunod ng mga inisip ko at hindi ko rin malaman ang dahilan kung bakit ganito ang mga t
BUSINESS OPERATIONS NICCOLÓ NAVARRA'S P.O.V. When I was a kid, I used to dream of being like my father, and even though they're afraid that I would find out they were actually engaged in malicious activities such as murder, robbery, money laundering, and many more. They have no idea that I was actually aware of why they kept me engrossed in playing with my toys and why they mentioned I was not allowed to go out because of the threats looming over us. I am as smart as my father, and they didn't know how clever I am when it comes to thinking. Let's imagine a puzzle; I can easily come up with a solution and resolve it. My mind proposes a solution that strikes like thunder and is as sharp as a knife—it can run like a bullet inside a gun. So, tell me, do I look that stupid for not getting the hints? The clue is in front of me! And I only need to confirm it and show them what's wrong. The point is, the moment I stepped in, the guy felt so superior over others. Not to degrade his fam
RONALD NAVARRA'S P.O.V. Kinabukasan ay naghanda kami para sa panibagong operasyon ng grupo. Hinapit ko sa baywang ang aking asawa at hinalikan sa labi bago umalis. Maiiwan siya dito sa bahay kasama ang ibang mga tauhan at kasambahay. She waved us goodbye. "Mag-iingat kayo." Paalala niya sa amin bago sumakay ng sasakyan. Binuksan na nila ang malaking gate, pinaandar na rin ng driver paharap ang sasakyan hanggang sa tuluyan na kaming umalis makaalis. Sumulyap ako sa huling pagkakataon at nakita kong isinara na nila ang gate. This deal is everything to me. We meet the supplier—drugs, weapons—in the abandoned warehouse. Let's just say there'll be consequences if things don't go exactly as planned. My son said, "Dad, this is serious—life or death." I looked at him. "You dont have to worry." I assured him. "And you're ready for this. I'll be right here to guide you." Nagpatuloy kami sa pagbiyahe hanggang sa makarating kami sa pinakamahabang tulay. Ilang oras ang naging biyahe
Kagagaling lang namin sa bahay ng city governor at tulad ng inaasahan ay sinalubong agad kami ng anak naming si Niccoló kasama ang ibang mga tauhang narito sa bahay. "Kamusta naman ang operasyon?" agad na tanong niya. "Okay naman po, Dad." "You should lead them properly," he uttered sternly. "You are allowed to violence againts the members who can't keep their loyalty." He stated, grinding his teeth emphasizing his words. "Ginagawa ko naman lahat ng sinasabi mo, Dad." Magalang niyang tugon kaya tinguan na lang siya ni Ronald. Nilagpasan na namin ito at binigyan ko siya ng huling sulyap bago kami nagtungo sa hagdan. Umakyat kami ng hagdan at dumiretso agad sa kwarto naming dalawa. He twisted the doorknob and pushed in, he went inside first and I followed him. Pagkapasok ay agad niyang ibinababa lahat ng mga hawak niyang gamit sa sahig at nagtanggal ng coat na suot niya sabay sukbit sa brown ns stick na nasa gilid niya. Sobrang seryoso ng ekspresyon niya at hindi ko mabasa ku
Even though, Ronald is no longer the mafia boss he still lead the organization and teaching our son how to lead well. Leading an organization is not an easy obligation and responsible. Sometimes the thugs would not listen to you if you have no idea to lead them. You should show dominance and sometimes violence in front of the thugs or mafia members. Nagsimula si Ronald sa obserbasyon kung saan ang aming anak na si Niccoló ay titingnan kung paano siya nakikipag-ugnayan, gumawa ng desisyon at ang kanyang istilo ng pamumuno na kinabibilangan ng pagdalo sa mga pulong ng mafia, pagsaksi sa mga negosasyon at pagmamasid kung paano niya nilulutas ang gulo. "You should have a discipline," Ronald muttered in firm voice. "I am guiding you to take a new step, son and I want you to continue my legacy and control over our criminal organization." He included as he observed him. "I know, Dad." "Niccoló you're a man now. It's time." Niccolò nodd and his eyes fixed on his father. "I'm ready, D
Nang maipasa na ni Ronald ang kaniyang posisyon sa aming anak ay mas nagkakaroon na ito ng oras para sa akin. Kahit hindi na siya ang mafia boss ng organisasyon ay tinitingala, kinatatakutan, at nirerespeto pa rin siya. Pagkatapos ng lahat ng mga pinagdaanan namin noon ay naisip naming dalawa na lumagay muna sa tahimik. Marami nang nangyari at halos hindi na rin namin mabilang ang pagkakataong nalagay kami parehas sa panganib sa nakaraan. May kaunting pagbabagong nangyari pero gano'n pa rin ang takbo ng buhay na mayroon kami. Ang organisasyon ay nakakasagupa minsan ng mga matataas na personalidad sa siyudad at hindi ito maiiwasan. Malungkot na tumingin sa akin si Ronald. "I miss the old days," panimula niya. "I miss being a mafia boss." "I know but you're still the dominant mafia boss I have met." He wrapped his arm into my waist. "And you're still the lost queen who has found her king in the darkness," he murmured softly, his voice sending shivers down my spine. He b
Pagkatapos ng mangyari sa amin kahapon ay nagdesisyon kaming dalawa ni Ronald na ituloy ang pagsasanay ng anak naming si Niccoló. Dinala namin siya sa training ground para ituloy ang naudlot niyang pagsasanay para sa pagbaril. Sa kalagitnaan ng pagsasanay niya ay tinuruan rin siya ng basic combat skills buong araw hanggang sa matutunan niya ito. Pinagpawisan siya ng husto at sobrang napagod ang katawan niya kaya pinagpahinga muna namin siya. "You did a great job, son." Pagbibigay papuri nito sa aming anak sabay tapik sa likod niya. "Thank you, Dad." "Soon enough, you will see your hard work." Nakangiting tumingin si Niccoló sa kaniya habang nakaupo ito sa sofa. Iniwan na namin ito doon at naglakad papunta sa foyer nang saktong dumating ang underboss ng grupo. Naglakad kami papunta sa kanilang kinarooonan para salubungin sila. "Did you get the information I asked you for?" tanong ng aking asawa kaya nag-angat tingin ito. He bobbed his head and handed him the black tape. "T