Share

CHAPTER 30

last update Last Updated: 2022-12-28 16:49:12

CHAPTER 30

HINDI ako makatulog!

Malalim na ang gabi ngunit nanatili pa rin akong nakatambay sa labas ng veranda sa second floor. Nakatitig sa malinis na kalangitan habang nakapahalumbaba sa railings ng balkonahe.

Maliwanag ang bilog na buwan. Sa makalawa siguro ay full moon na. Konti na lang kasi ay bilog na bilog na ito. 'Yong mga ganitong view ang tipong masarap titigan kapag gusto mo ng kapayapaan, maliban na lang sa crush mo, ofcourse. Puno rin ng mga bituin ang langit at sobrang linis. Idagdag mo pa na tahimik ang paligid at sumisimoy ang sariwang hangin.

Pagkatapos kumain ng dinner ay dito na ako dumiretso. Hindi sumabay sa akin na maghapunan ang magpinsan, sa hindi ko alam na kadahilanan.

Nag-iwan na lang ako ng note sa labas ng pintuan ng kanilang kwarto. Para kapag lumabas sila ay makikita nila iyon at mababasa. Hindi na rin naman ako naglakas ng loob na katukin sila dahil baka mabulyawan pa ako bigla. Hahayaan ko na lang muna sila.

Habang nakatitig ako sa malawak na lupain s
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • Contract with the Young Master   CHAPTER 31

    CHAPTER 31PAGSAPIT ng kinabukasan, sobrang tamlay ng gising ko. Para akong pinagpasan ng isandaang kilo ng bigas dahil ang bigat ng pakiramdam ko. Feeling ko, lalagnatin pa ako.Napagpasyahan kong iligo na lang ang masamang pakiramdam, baka sakaling maibsan no'n ang matamlay kong diwa.Pagkatapos kong maligo at magpalit ng simpleng maong short na pinaresan ko na lang ng puting t-shirt, ay lumabas na ako ng kwarto. Dumiretso ako sa kusina. Naabutan ko pang nakatayo sa harap ng kitchen counter ang boss ko. Nakatitig ito sa mga kasangkapang nasa harapan n'ya.Natawa ako ng mapansing hindi nito alam kung ano ba ang unang gagawin.Samantalang naka-upo naman si Tyron sa high stool malapit sa kinaroroonan ng aligagang pinsan. Nakahalumbaba ito sa mesa with his usual bored look. Tamad na nakatingin sa gagawin ng pinsan."You should do something now, 'couz. Tanghali na oh! Maya-maya lang ay bababa na si Dollface. Isang oras ka ng nakatayo d'yan pero wala ka pang naluluto." Bakas ang pang-aasa

    Last Updated : 2022-12-28
  • Contract with the Young Master   CHAPTER 32

    CHAPTER 32AKALA ko ay sisitahin ako ni Travis about sa sinabi ko, pero iniwan lang n'ya ako sa kusina pagkatapos no'n.Wala akong nagawa kundi tapusin ang aking pagkain. Hinugasan ko rin ang pinagkainan ko at ang ilang ginamit ni Travis sa pagluluto. Pagkatapos ay umakyat muna ako saglit sa kwarto para kunin ang phone ko, bago ako lumabas ng mansion. Dumiretso ako sa likod-bahay para pumunta sa garden ng hacienda. May shortcut sa likod papunta roon. Hindi naman na siguro ako maliligaw dahil maliwanag naman. Kita ko na ang tamang daan.Ilang saglit pa ay natatanaw ko na ang naka-arkong kahoy sa bukana ng hardin. May halamang baging na nakapukupot sa kahoy na nagsisilbing gate niyon. Napalilibutan ang baging ng iba't ibang kulay ng bulaklak. Feeling ko tuloy papasok ako sa isang mahiwagang hardin. Kulang na lang ng kumikinang na mga paruparong nagsisiliparan sa paligid nito, para maging isang mahiwagang paraiso na talaga ito.Pumasok ako sa loob at bumungad sa aking mga mata ang isan

    Last Updated : 2022-12-29
  • Contract with the Young Master   CHAPTER 33

    CHAPTER 33"ANO KA ngayon, ha?! Anong napala mo? Edi ayan, sakit ng katawan. Pinagsabihan ka na nga, sumuway ka pa rin. TSK! Sa susunod kasi ikadena mo 'yang curiousity mo."Malakas na paninermon ni Father Tyron kay Night. Halos marinig na sa buong mansion hanggang sa labas ang boses nito.Nandito kaming apat ngayon sa living room ng mansion. Nakaupo si Night sa single sofa habang namimilipit pa rin sa sakit ng katawan. Hindi naman na katulad kanina na halos hinfi na ito makahinga at makagulapay sa sakit.Si Tyron naman ay nakatayo sa harap ng kawawang si Night at walang habas na sinisermonan ang lalaki. Isang oras bago kami makita ni Tyron ay wala na itong ginawa kundi sermunan si Night.Kawawang Night.Hindi naman makaangal ang isa dahil nanghihina talaga ito.Si Travis naman ay sitting pretty sa mahabang sofa na nasa harapan ng kinauupuan ni Night. Nakasandal ang magkabilang braso sa sandalan habang naka-cross ang mga binti. Masama ang tingin na ipinupukol nito sa kawawang si Night

    Last Updated : 2022-12-29
  • Contract with the Young Master   CHAPTER 34

    CHAPTER 34"AY KABAYONG PALAKANG NAHULOG—SIR BOSS!?"Mabilis na lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. Naabutan kong nakatayo habang nakasandal sa pintuan si Travis. Nakapamulsa ang dalawang kamay at kunot-noong nakatitig sa akin."Yeah, ako nga. So, let me ask you again. What are you doing here, Arissa? Hmm?"Hindi ito galit. Wala ring mababakas na inis o kung ano mang galit na emosyon sa boses nito ng kausapin ako. Kalmado lang itong nakatingin sa akin. Para bang expected na nyang makikita ako rito sa ika'tlong palapag, ang floor na ipinagbabawal na puntahan."Ah, eh, ano kasi..." Agad kong binaba ang ilaw ng aking cellphone bago nag-aalangang humarap sa kanya. "Nag-sleep walk ako Sir Boss, tapos nalaman ko na lang na dito pala ako napunta. S-sorry po!"Hindi s'ya nagsalita. Bagkus ay napunta ang kanyang tingin sa aking likuran, kung nasaan nakasabit ang painting ni Ianna. Hinintay kong makita ang reaksyon n'ya, ngunit hindi ako nagtagumpay. Saglit lang ang nilagi ng kanyang mga

    Last Updated : 2022-12-29
  • Contract with the Young Master   CHAPTER 35

    CHAPTER 35HINDI ko alam kung ilang oras na ba ako nakatitig sa painting ni Ianna. Dalawang oras? O mas higit pa?I don't know! Basta ang alam ko pagkagising ko ay naabutan ko na lang ang sarili kong papunta sa third floor—specifically, sa dulong kwarto malapit sa veranda. Kung saan hindi ko inaasahang makikita ko ang painting ng isang magandang babae, which is Ianna.And I don't even know why I'm actually here.Its really weird, right?"Ianna, sino ka nga ba? Anong connection mo sa pamilyang ito?"Sobrang daming tanong. Tanong na hindi ko alam kung saan ko hahanapan ng sagot.Sino si Ianna? Sino s'ya sa buhay ni Travis? At anong ibig sabihin noong sulat na nabasa ko? Bakit iniwan ni Ianna si Travis? At nasaan na ito?Sobrang dami. Sa sobrang dami, parang mababaliw na ako.Kung hindi tao, anong klaseng nilalang sina Travis? Bakit may mga hindi pangkaraniwang kakayahan sila na kaya nilang gawin?And... who even are they?And why I'm here? In these place? Why I'm being summoned here? A

    Last Updated : 2022-12-29
  • Contract with the Young Master   CHAPTER 36

    CHAPTER 36"MAGANDANG uamaga Sir Boss! How's the trip in England, Sir Boss? Sana sinama n'yo na lang ako roon para may kasama kayo. Pero... happy po ako na nakabalik kayo ng safe."Matamlay na tinapunan ako ng tingin ni Travis.I don't know but I feel different with his stares. Mula sa vibes at awra n'ya simula ng makabalik s'ya from England, kaninang madaling araw. Hanggang sa tingin at pagtrato n'ya sa akin.Malamig at walang kabuhay buhay.Ayokong bigyan ng ibang kahulugan dahil baka ako lang naman ang nakakapansin. Pero kasi... iba eh.Iyong tipong kalmado, pero mabigat ang hatid no'ng pakiramdam sa'yo.Feeling ko tuloy galit s'ya sa akin, sa hindi ko malamang kadahilanan. Pero bakit naman s'ya magagalit sa akin samantalang wala naman akong ginagawang masama sa kanya?FYI! Two days kaming hindi magkasama, kaya bakit s'ya magagalit sa akin?"Let me rest for a while, Ms. Montecarlos. Kararating ko lang kanina, right?"Napaawang ang labi ko sa narinig.Ms. Montecarlos?Bago s'ya uma

    Last Updated : 2022-12-30
  • Contract with the Young Master   CHAPTER 37

    CHAPTER 37THIRD PERSON'S P.O.VMAAGA pa lang ay handa na ang ilang gamit na dadalhin ni Arissa sa pag-alis. Sinadya rin talaga n'ya na gumising ng maaga para makapagluto pa ng breakfast ng kanyang boss at dalawa nitong pinsan. At bago nga s'ya tuluyang lumabas ng mansion, sinigurado muna n'ya nakahanda na ang umagahan nila. Sa susunod na tatlong araw ay ang mga katulong na lang sa mansion ang bahalang magluluto ng kakainin ng tatlo habang wala si Arissa.Ngayon kasi ang day-off n'ya sa trabaho.Uuwi muna si Arissa sa kanilang tahanan dahil miss na miss na rin kasi n'ya ang dalawang nakababatang kapatid. Maghahanap din si Arissa ng trabahador para sa pag-aayos ng bahay nila habang wala pa s'yang trabaho.Sa loob ng ilang buwan ay nakapag-ipon naman na s'ya ng pera para sa pagpapagawa ng kanilang tahanan, na pinaglumaan na yata ng panahon. Hindi na sila bumili ng bagong bahay dahil ayaw nilang umalis sa lugar na binuo ng kanilang mga magulang. Ipaparenovate na lang n'ya ito at padada

    Last Updated : 2022-12-30
  • Contract with the Young Master   CHAPTER 37

    CHAPTER 37THIRD PERSON'S P.O.VMAAGA pa lang ay handa na ang ilang gamit na dadalhin ni Arissa sa pag-alis. Sinadya rin talaga n'ya na gumising ng maaga para makapagluto pa ng breakfast ng kanyang boss at dalawa nitong pinsan. At bago nga s'ya tuluyang lumabas ng mansion, sinigurado muna n'ya nakahanda na ang umagahan nila. Sa susunod na tatlong araw ay ang mga katulong na lang sa mansion ang bahalang magluluto ng kakainin ng tatlo habang wala si Arissa.Ngayon kasi ang day-off n'ya sa trabaho.Uuwi muna si Arissa sa kanilang tahanan dahil miss na miss na rin kasi n'ya ang dalawang nakababatang kapatid. Maghahanap din si Arissa ng trabahador para sa pag-aayos ng bahay nila habang wala pa s'yang trabaho.Sa loob ng ilang buwan ay nakapag-ipon naman na s'ya ng pera para sa pagpapagawa ng kanilang tahanan, na pinaglumaan na yata ng panahon. Hindi na sila bumili ng bagong bahay dahil ayaw nilang umalis sa lugar na binuo ng kanilang mga magulang. Ipaparenovate na lang n'ya ito at padada

    Last Updated : 2022-12-30

Latest chapter

  • Contract with the Young Master   EPILOGUE

    EPILOGUETRAVIS' P.O.VVAMPIRES?Vampires are the most dangerous and heartless creatures that fictional books and movies had. Para sa mga tao, vampires didn't exist in this world. Dahil sa mga kwento at palabas lang nabubuhay ang mga ito.Pero ang totoo, matagal na panahon nang may nabubuhay na bampira sa mundong kanilang ginagalawan. Nakakubli sa mata ng mga tao, nagbabalat-kayo.At isa ang pamilya namin sa mga bampirang nakikisalamuha sa mga tao.Our great great great grandfather teach us to live in this world like a real human. Natuto kaming hindi pumatay ng mga inosenteng tao upang punan ang aming uhaw sa dugo. Mula sa mga ligaw na hayop sa gubat ang dugo at karneng aming iniinom at kinakain. Ang alam ng maraming tao ay walang puso ang mga katulad namin, ngunit nagkakamali sila. Patay man kami kung titingnan, ngunit tumitibok pa rin ang puso namin. We're still know how to care about other people. We also use to save people who needed our help when it comes to danger.Sinanay kam

  • Contract with the Young Master   CHAPTER 60

    CHAPTER 60"MOMMY, where are we going po? Bakit po may mga dala tayong maleta? Aalis po ba tayo? Kasama po ba natin sina Tita at Tito?"Bakas ang pagtataka sa mga mata ni Zion habang paulit-ulit na tinatanong iyon sa akin."Baby dadaan muna tayo sa doktor ni Mommy dahil may iko-consult lang po ako. Then after that pupunta tayo sa restaurant para magpaalam saglit kina Tita at Tito mo, okay po ba?"Kahit naguguluhan sa biglaan naming pag-alis ay tumango pa rin si Zion.Ilang saglit na lang ay malalaman mo na rin, baby."Saan po tayo pupunta, Mommy?""Sa lugar kung saan mo makikilala ang Daddy mo, baby."Ang sinabi ko'y naging dahilan upang manlaki ang mga mata ng aking anak. Bilog na bilog rin ang pagkakabuka ng bibig nito sa gulat."D-daddy po, Mommy ko? Makikilala ko na po ang Daddy ko?"Gusto kong maiyak sa mga sandaling ito.Pasensya ka na baby ah, ngayon lang naalala ni Mommy. Pero siaiguraduhin kong hindi na tayo malalayo pa sa Daddy mo, baby ko.Wala akong pake kung ipagtabuyan p

  • Contract with the Young Master   CHAPTER 59

    CHAPTER 59NAGISING si Arissa sa isang hindi pamilyar na lugar. Wala s'ya sa kwarto o sa kama, kundi nakahiga s'ya sa gitna ng isang malawak na damuhan. Dahan-dahang bumangon si Arissa at saka inilibot ang paningin sa paligid.Marami s'yang nakikitang malalaking punong kahoy sa paligid. Sana isang gubat s'ya kung ganoon. Ngunit anong ginagawa n'ya sa lugar na iyon? At papaano s'ya napunta sa gubat?Maraming gubat sa San Roque. Pero iisang gubat lang ang alam n'yang may ganito kalaking espasyo. At iyon ay ang gubat sa kabilang bayan, ang San Isidro. Ilang beses na rin kasing nabalita sa radyo at television ang tungkol sa gubat. Maraming nagsasabi na kakaiba raw ang gubat na iyon kaysa sa mga normal na gubat sa San Roque. Ayon kasi sa ilang kabataan na nagtangkang pumasok sa gubat, tila nababalot daw ng kakaibang enerhiya ang lugar. Maraming nagtataasang puno sa paligid at malalagong damo. Ang mga baging na nakakabit sa bawat sanga ng mga punong kahoy ay nagbibigay ng mabigat na vibes

  • Contract with the Young Master   CHAPTER 58

    CHAPTER 58MAY PALUNDAG-LUNDAG pang nalalaman si baby Zion nang hawakan nito ang kamay ng ina, pagkababa nila ng sasakyan. "Mommy where we'll go first?""Saan ba gusto ng baby ko? Gusto mo bang kumain muna? Then after nating kumain mag-grocery na tayo?""Mommy gusto ko ng chicken po. Iyong may malaking bubuyog."Arissa laugh at what her son said.Napakainosente nito. Pero pagdating sa mga seryosong bagay ay aakalain mong mas matanda ito sa iyon."Ah, gusto mo ng chicken sa Jollibee?""Yes po, Mommy!""Okay! We will eat in Jollibee.""Yehey!"Tuwang tuwa si Zion. Ito pa nga ang naunang maglakad kaysa sa ina, na akala mo'y alam kung saan ba pupunta. Hila-hila ng tuwang tuwang bata ang kamay ng ina papunta sa fastfood chain na nais nitong kainan.May ilang naglalakad sa loob ng mall na napapatingin sa dalawa, especially kay Zion. Cute na cute kasi ito sa suot na long sleeve blue polo at black jeans, na pinaresan din ng itin na sneakers. Parang binatang binata na talaga ito kung pumustur

  • Contract with the Young Master   CHAPTER 57

    CHAPTER 57NAKATITIG lamang ako sa anak ko at hindi alam kung ano ba ang dapat na isagot sa tanong nito. At nang matauhan ay doon lang ako nakapag-isip ng sasabihin."Alam mo baby, pareho kayong pogi kaya napaghahalataang magkamukha kayo," nag-aalangang sagot ko."Ganoon po ba 'yon, Mommy?""Oo po baby. Tingnan mo kayo ng Tito Ranz mo, pareho kayong pogi kaya magkamukha kayo.""Hindi po ba dahil sa magkadugo kami ni Tito Ranz kaya kami magkamukha?"Natameme ako sa sinabi ng aking anak."Ah, ano kasi baby, syempre isa rin iyon sa rason. Pero hindi naman natin kilala 'yang nasa picture kaya bakit natin s'ya magiging kadugo 'di ba? Pareho lang talaga kayong pogi kaya nagkakahawig kayo.""So, pogi po si Mr. Cordova para sa'yo, Mommy?"Napakunot ang noo ko."Mr. Cordova?""Sikat po s'ya Mommy. Kilala po ang family nila dito sa atin. Hindi mo po alam?"Naningkit ang aking mga mata bago dahan-dahang umiling.Sobra ba akong busy sa work at wala akong kaalam-alam sa mga nangyayari dito sa baya

  • Contract with the Young Master   CHAPTER 56

    CHAPTER 56MAKARAAN ANG TATLONG TAON...Sa tatlong taong lumipas, napakarami nang nagbago. Sa buhay naming magkakapatid hanggang sa sarili ko. Nakapagpatayo na kami ng maayos at malaking bahay, buo at tumatakbo na rin ng maayos ang negosyo ko na restaurant. Nakapagtapos na rin ako ng kolehiyo at ngayon naman ay ang dalawa ko namang kapatid ng ga-graduate ng college.Ngunit kahit na maganda na ang pamumuhay namin kaysa noon, pakiramdam ko'y may malaking kulang pa rin sa buhay ko. Sobrang daming tanong na hindi ko alam kung paano ko hahanapan ng kasagutan. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Sobrang dami kong tanong dahil wala akong matandaan sa mga nakalipas na taon. Basta ang natatandaan ko na lang ay umalis ako sa trabaho ko sa probinsya. Hindi ko alam kung bakit ko iyon ginawa. Alam ko na maayos at maganda ang trabaho ko, dahil kung hindi, wala sana kaming malaking bahay at sariling negosyo ngayon. Nagising na lang ako na nakabalik na ako dito sa bahay nang walang kahit anong

  • Contract with the Young Master   CHAPTER 55

    CHAPTER 55DAHAN-DAHANG nagmulat ng mga mata si Arissa. Puting kwarto. Puti ang kwarto na s'yang bumungad sa kanyang mga mata. "Nasaan ako?" Pinilit n'yang bumangon ngunit muli pa rin s'yang napahiga dahil hindi pa kaya ng kanyang katawan. Nakaramdam din s'ya ng matinding hapdi sa iba't ibang parte ng kanyang katawan.Napatingin si Arissa nang bumukas ang pintuan ng kwarto at pumasok ang isang lalaking nakasuot ng pang-doctor na coat. Kasunod nito sina Tyron at Sage. Tila may malalim at seryosong pinag-uusapan ang mga ito ngunit ng mapatingin sa kanya ay para bang isang taon din silang hindi nagkita-kita."Ty? Sage? Nasaan ako? Anong nangyari?"Nagkatinginan ang dalawa. Nang hindi makasagot ang mga ito, ang doctor na ang nagsalita."Mabuti naman at nagising ka na iha. I'm Doc. Ken and I'm your personal doctor. Ako ang inatasan ng Young Master na tumingin sa kalagayan mo. Wala ka bang nararamdaman? Masakit pa ba ang mga sugat mo sa katawan?""Ahmm... medyo mahapdi lang po ang mga sug

  • Contract with the Young Master   CHAPTER 54

    CHAPTER 54THIRD PERSON'S P.O.VNAPAPIKIT si Arissa nang makaranig ng malakas na ingay mula sa loob ng kwarto. Tila nagwawala ang taong nasa loob niyon at nagpupumilit na makawala sa kadenang nakagapos dito.Inabot din ng ilang minuto ang tinagal ng malakas at marahas na kaguluhan sa loob ng kwarto, bago ito nawala na parang hanging dumaan lang.Dahan-dahang naglakad si Arissa palapit pa sa pintuan."T-travis?"Walang ingay na maririnig maliban sa mga yabag ng paghakbang n'ya papalapit. Nakapagtataka.Sobrang nakakabinging katahimikan ang bumabalot sa ika'tlong palapag ng mansion. Sa sobrang tahimik ay tila nakakabahala at nakakatakot. Katahimikan na para bang nagsasabing pagkalipas nitong isang hindi pangkaraniwang ingay na naman ang magaganap.Natatakot man si Arissa, tinatagan n'ya ang loob para sa dalawang taong pinakamamahal n'ya. Ang lalaking nahihirapan ang sitwasyon na nasa loob ng kwarto, maging ang munting anghel na nasa loob ng kanyang sinapupunan na walang kamuwang-muwang

  • Contract with the Young Master   CHAPTER 53

    CHAPTER 53NAAALALA ko pa kung bakit ako napunta sa lugar na ito, kung bakit kahit hindi ko pa lubos na kilala ang mga Cordova na pagtatrabahuhan ko, nagbakasakali pa rin ako na baka matanggap ako. At natanggap nga ako sa trabahong ito. Pumasok ako sa kontratang ito, para sa mga kapatid ko, at para sa kinabukasan naming tatalo.Hindi ko aakalain na sa loob ng ilang taong pagtatrabaho bilang sekretarya ng Young Master, mapapalapit ang loob ko sa kanila—mas lalo na sa kanya. Hindi ko rin napaghandaan ang pagkahulog ko sa masungit na lalaking 'yo. Kaya nga kahit ang utos n'ya na ipinagbabawal, ay nasuway ko dahil makulit nga ang puso ko, 'di ba?Sa sobrang kulit, hindi ko rin napaghandaan na mangyayari ang bagay na'to.Paulit-ulit na nagpi-play sa utak ko ang mga impormasyong sinabi sa akin ni Tyron. Kaya pala. Kaya pala sa ilang araw na nagdaan, mag weird na pagbabago sa kilos, pananalita, pag-uugali at mga usual na ginagawa ko. Iyong mga weird na cravings at pagduduwal sa umaga. Ang pa

DMCA.com Protection Status