Share

Chapter 30

Author: Diena
last update Huling Na-update: 2023-09-13 20:21:24

"Paano mo pala nalaman ang nangyari sa akin? " Tanong ko makaraan ang ilang minuto na pagpapatahan niya. Pinahiga niya ako ng maayos at inayos ang buhok ko na nagulo. Bumalik na sa pormal ang kanyang mukha.

He let out a heavy sighed before he spoke. "Pagkatapos naming mag-usap ni mama, pupuntahan sana kita sa kwarto. Ang sabi niya, wag raw kitang distorbuhin kasi nadatnan ka niyang naglilinis baka pagod ka at nagpapahinga. Kaya dinala ko nalang siya sa farm para makita niya rin kung ano ang sitwasyon doon."

"Madilim na ng maka uwi ako kasi biglang umulan nang hapon na iyon. Nagtataka ako kung bakit walang ilaw sa loob ng bahay. Akala ko napahaba lang ang tulog mo. Hindi mo namalayan ang oras. Pero hindi kita nadatnan sa kwarto. Naiwan pa ang cellphone mo hindi kita matawagan. "

"Bumalik ako sa farm kasi baka pumunta ka doon para sunduin ako. Pero walang may nakakita sayo doon. Bumalik ako sa bahay, baka nandoon ka lang at hindi kita nakita. Pero hinalughog ko na ang buong bahay hindi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • Contract Marriage To Mr. Billionaire   Chapter 31

    Mabilis na pinahid ko ang luhang kumawala sa aking mata. Malakas ako kaya hindi ako pwedeng umiyak. At simula ngayon ipapangako ko sa aking sarili na hindi na ako magpapaapekto sa nararamdaman ko kapag uunahin ni Razen si Chloe. Maingat na tumayo ako upang ligpitin ang pinagkainan. Hindi ko iyon kayang hugasan kaya inilagay ko nalang sa dishwasher. Ang mga natirang pagkain pinagkasya ko sa ref. Ilang minuto na ang lumipas hindi parin bumabalik si Razen. Kaya nagpasyahan ko na lang na umakyat at doon sa kwarto siya hintayin. Kung kanina madali lang sa akin ang makababa, ngayon nahihirapan na akong humakbang paakyat. Tiniis ko. Kinaya ko. Kasi sarili ko lang ang mayroon ako. Mahigit isang buwan na akong inaalagaan ni Razen at nakadepende sa kanya, tama na siguro iyon para tumayo naman ako sa sarili kong mga paa. Kaya ko naman na gumalaw na walang siya na naka alalay. I felt relief nang makarating ako sa kwarto. Nagawa ko. Tuwang-tuwa ako kasi nagawa ko ang bagay na iyon. Humiga kaa

    Huling Na-update : 2023-09-16
  • Contract Marriage To Mr. Billionaire   Chapter 32

    Chloe point of view:I heard Razen got married last month. Kaya umuwi ako ng Pilipinas na hindi alam ng mga parents ko. It hurts, knowing that my love is married to someone else. Buong biyahe dilat ako. Hindi ako mapakali gusto ko ng makarating kaagad at makita siya. Sampung taon mahigit na noong huli ko siyang nakita at nakasama para i-pursue ang modeling career ko sa US. At ito ang muling pagkikita naming dalawa. Kahit pagod at puyat sa biyahe, nagawa kong magmaneho papunta sa Isla kung saan sila naninirahan ngayon ng asawa niya. As usual, hindi naka lock ang kanyang bahay. Hindi parin siya nagbabago. Noon kasi bigla nalang ako susulpot sa mansyon nila tapos natataon na wala siya, ang nangyari madalas niya akong naaabutan na tulog sa kanilang sala o di kaya sa gasebo habang hinihintay siya. So he decided na hindi nalang i-lock ang kanyang kwarto para kapag napadalaw ako at wala siya, doon ako sa kwarto niya maghihintay. Napangiti na nilibot ko ng tingin ang buong bahay. This ho

    Huling Na-update : 2023-09-19
  • Contract Marriage To Mr. Billionaire   Chapter 33

    Chloe pov:Papasok na sana ako sa loob ng bahay ng marinig ko muli ang boses ni Tita. Nang silipin ko, umawang ang aking labi nang makita kung paano niya marahas na hawakan ang buhok ni Gueene. Natapon pa ang tubig sa baso na hawak nito. Ngunit wala man lang siyang reaksyon sa ginawa ni Tita. Para malaman kung ano ahg dahilan kung bakit ganito ang trato niya kay Gueene, pumasok na ako ng tuluyan. "Tita?!" You're here, " doon lang siya bumitaw sa buhok ni Gueene at hinarap ako. "Oh, my god. I missed you", niyakap ko siya. " It's been a long time since we see each other. ""Chloe? Oh god, dear. I didn't recognize you. You've changed a lot. Your so beautiful. " Nangingislap ang mga mata nito sa paghanga habang sinusuyod ng tingin ang kabuoan ko. Ang kanyang matamis na ngiti ay agad na nabura ng balingan niya ng tingin si Gueene na nakatayo parin sa kanyang kinatayuan bitbit ang baso. "Go! Prepare us a snack. Nang magkasilbi ka. Hindi iyong tumunganga ka na lang riyan! "Parang aso na s

    Huling Na-update : 2023-09-20
  • Contract Marriage To Mr. Billionaire   Chapter 34

    Gueene pov:Ramdam ko ang pamumutla ko. Bakit niya alam ang tungkol sa bagay na iyon? Paano niya nalaman? At bakit niya binabantaan ang buhay ko? Hindi ko naman nanakawan si Razen. At kung gagawin ko naman iyon, anong pakialam niya? Hindi niya naman iyon pera. Pinatigas ko ang aking mukha at taas-noo na hinarap siya. "Alam ni Razen ang bagay na iyon. Bago niya ako pinakasalan, inalam niya muna ang buong pagkatao ko" lumagitgit ang ngipin niya, naasar sa sagot ko. "At saka, hindi ko kailangan pang nakawan si Razen... Nasa akin ang black card niya. Binigay niya sa akin. " Tinalikuran ko siya at dumiretso sa kusina. Hindi ako natatakot o nasisindak sa kanya, ayaw ko lang ng gulo sa pagitan naming dalawa dahil alam ko, siya ang kakampihan ni Razen at hindi ako. May special treatment si Razen sa kanya bagay na hindi ko iyon naramdaman sa lalaki. Pero ayos lang, alam ko naman ang lugar ko sa buhay ni Razen. Nakaraang araw pa ako naka uwi dito. Hindi niya siguro nabasa ang mensahe ko ka

    Huling Na-update : 2023-09-25
  • Contract Marriage To Mr. Billionaire   Chapter 35

    Akala ko tulad ng iba huhusgahan niya rin ako sa pagiging disgrasyada ko, sa mga pagkamali ko, pero hindi iyon ang narinig ko mula sa kanya. Malaki ang epekto sa akin ang sinabi niya dahil isa siya sa mga taong nagsabi na proud siya sa kabila ng mga maling ginawa ko noon. "And also, thank you for saving my business earlier. Naikwento sa akin ng mga tauhan doon ang ginawa mo kanina," napanguso ako ng guluhin niya ang buhok ko "kung nagkataon na wala ka doon, kawawa ang mga small businesses na umaasa at nagtitiwala sa akin. "Ako na naman ang nakikinig ngayon sa kanya. Mukhang nawalan siya ng gana kumain nang maalala ang mga problema niya. Panay ang pagbuntonghininga niya at malalim ang iniisip. "Ayaw ni dad magpa heart surgery, " he took a deep sigh. " And about our wedding... May nakaalam. At gusto nilang malaman kung totoo ba iyon. Kaya hindi ako tumuloy sa Spain kahapon. ""P-Paanong may naka alam? " tigagal na usal ko. "Hindi ko pa nalaman kung sino ang nagbigay ng impormasyon n

    Huling Na-update : 2023-09-27
  • Contract Marriage To Mr. Billionaire   Chapter 36

    Gueene pov:Piniling ko ang aking ulo sa mga haka-hakang naisip. Narinig ko lang ang pangalan na yun nag-assume kaagad ako na si Razen iyon."Hey, you! Nasaan si Razen? "Hindi ko pinansin si Chloe at nagtuloy sa pagbaba at nilagpasan. Natigil ako sa paghakbang nang may tumama sa likod ko. "Kinakausap kita, " mariing wika niya. Blangko ang tingin na hinarap ko siya. Ang throw pillow na nasa aking paanan na binato niya sa akin ay sinipa ko pabalik sa kanya. Malakas siyang napasinghap nanlaki ang mga mata. "Hindi 'hey you' ang pangalan ko. At malay ko ba na ako pala ang kinakausap mo, " I answered coldly. "Can you please answer my question? " pagalit na singhal niya. "Bakit mo sa akin tinatanong kayo ang palaging magkasama ng asawa ko, " tumaas rin ang boses. She crossed her arm looked at me intently. "Alam ba ni Razen na masama ang ugali mo? Na nagbait baitan ka lang kapag kasama mo siya pero ang totoo isa kang tuso?."Aba, at binaliktad pa ang sitwasyon naming dalawa. Baka kamo

    Huling Na-update : 2023-09-28
  • Contract Marriage To Mr. Billionaire   Chapter 37

    Gueene pov. Kailan ko pa siya minahal? Tulong lang. Hindi dapat masali dito ang pagmamahal. Pero sarili ko mismo ang tinalo ko dahil minahal ko siya higit pa sa kaibigan na nangangailangan lang ng tulong ko. Siguro ganoon ko nalang siya ka bilis minahal dahil sa kabutihan at kabaitan na pinapakita niya sa akin. Na sa kanya ko lang nakikita at naramdaman ang hinahanap ko sa isang lalaki. O baka ang dali ko lang talaga mahulog kahit alam kong wala naman akong mapapala. Pagkatapos ng kontrata, wala na rin akong halaga sa kanya. Napapikit ako ng gumuhit sa aking lalamunan ang pait na lasa ng alak nang tunggain ko ito sa bote. Pabagsak na inilapag ko iyon sa mesa ng makaramdam ng hilo. Umikot ang paningin ko pagkamulat ko. Kaunti palang ang nainom ko pero tinamaan na ako.Dinampot ko ang cellphone ko ng tumunog iyon. Tumatawag si Inay. As usual, pagkasagot ko boses ni Azane ang narinig ko. "Mama, nandiyan ba si Mister--ay si Sir Razen pala. "Nagsusumigaw na saya na wika niya. Tumat

    Huling Na-update : 2023-09-28
  • Contract Marriage To Mr. Billionaire   Chapter 38

    Gueene pov:Nagising ako na masakit ang aking ulo at parang binugbog ang buong katawan ko. Mariin akong napapikit sapo ang aking ulo nang maalala ang nangyari kagabi. Hindi ako makapaniwala sa ginawa ko. Pakiramdam ko panaginip lang ang nangyari sa amin ni Razen. Pero hindi. Totoo talaga na Razen and I had sex last night. Alas-onse na. Kaya pala kumakalam ang sikmura ko. Wala si Razen sa tabi ko. Ngunit may suot na akong damit. Siguro binihisan niya ako kagabi. Napagiwi ako ng maramdaman ang hapdi sa ibaba ko. Nag init ang magkabilang pisngi ko ng maalala kung gaano ako ka wild kagabi sa ibabaw ni Razen. Napatingin ako sa terrace. Naroon siya nakatayo. Walang pang itaas na damit at tanging pajama lang ang suot. Napasinghap ako kasabay ang pag-awang ng aking labi ng makita ang mga pulang marka sa likod niya. Para masiguro kung ano iyon nagmadali na bumaba ako sa kama at tinungo ang banyo para maghilamos at magsipilyo. "Oh my god! " bulalas ko ng makita ang maliit na pulang marka s

    Huling Na-update : 2023-09-30

Pinakabagong kabanata

  • Contract Marriage To Mr. Billionaire   Epilogue

    Gueene pov. Tama ba iyong narinig ko? Did he say those words? Natigilan na napatitig ako sa kanyang mukha. "Mahal kita... "He said it again in second time. Natuon ang aking paningin sa kanyang malamlam na mga mata na may maraming emosyon na nakabalot doon at isa na ang... pain. "Mahirap man paniwalaan ngunit... Maari mo na ba akong pakinggan? Pwede na ba ako magpaliwanag at sabihin sayo lahat ang katotohanan?" Malumanay na wika niya. Wala akong sagot. Tahimik lang ako na nakatunghay sa kanya. Hindi parin ako maka get over sa narinig. Ang kataga na iyon ang matagal ko ng gusto na marinig mula sa kanya. Ngunit hindi ako kumbinsido. Hindi parin sapat iyong narinig ko. Ito na ba ang tamang panahon para pakinggan siya? Ito na ba ang tamang oras para pagbigyan ang hiling niya? Tss, magmatigas pa ba ako e miss na miss ko na siya. Aminin ko, mahal ko parin siya. Ay mali. Dahil hindi naman nawala ang pagmamahal ko sa kanya. Nabalutan lang iyon ng galit at hinanakit ngunit nalusaw rin nang

  • Contract Marriage To Mr. Billionaire   Chapter 52

    Gueene pov. "Gueene..." His eyes widened when he saw me. Tears shimmered in his eyes. Binitawan niya ang mga prutas na bitbit at lumapit sa akin. "Wag ka muna bumangon, " pigil niya sa akin nang akma akong babangon. Hindi na ako nagmatigas dahil bigla akong nahilo. "Nasaan ako? " nanghihina na tanong ko. "In the hospital. You gave birth yesterday," a genuine smile appeared on his lips. Napakurap ako ng ilang beses. "A-Anong sabi mo? " Nauutal na tanong ko sa pagkabigla. Dahan-dahan kung ibinaba ang tingin sa akin tiyan, hindi na nga iyon malaki. Wala nang bakas doon na isa akong buntis. "Nawalan ka ng malay sa bahay niyo. Nang dalhin kita rito pumutok ang panubigan mo. Kaya nagdesisyon si Dok to make you a CS operation. Don't worry, healthy si baby. She is waiting at you to awake. Nasa nursery room siya. "Naluha ako sa kanyang sinabi. Mabuti naman at maayos ang anak ko. Kahit wala akong malay-tao, isinilang ko parin siya ng maayos. May ngiti sa labi na pinunasan niya ang pis

  • Contract Marriage To Mr. Billionaire   Chapter 51

    Gueene pov:Alas-sais palang bumangon na ako. Kanina pa ng madaling araw ako ginigising ng bata sa sinapupunan ko. Hindi naman ako gutom. Nakapagtataka lang kasi hindi naman ganito ang oras ng gising ko. Wala akong choice kundi ang bumangon na dahil ayaw mawala ang paninigas niya. Tulog pa si Azane kaya nilagyan ko ng unan ang bawat gilid niya at inayos ang kumot bago lumabas. Sabado ngayon kaya hinayaan ko siyang matulog hanggat gusto niya. Kapag ganitong sabado sana palengke si Inay. Naghahatid siya ng paninda niyang gulay doon sa suki niya nasa amin kumukuha. Paglabas ko, ang mabango na ulam kaagad ang nasinghot ko. Bigla akong natakam at nagutom. Nangunot ang noo ko nang makitang bukas ang kalan at may niluluto doon. Nakabalik na ba si Inay? Ang bilis naman yata. Kadalasan kasi ang balik niyon ay alas-syete. Nagkagulatan kami ni Razen nang pumasok siya mula doon sa pinto papuntang likod bahay na nakakonekta dito sa kusina. Saglit siyang natigilan ngunit kaagad ring nahimasmasa

  • Contract Marriage To Mr. Billionaire   Chapter 50

    Gueene pov:"Everyday, he watching you and your son from afar. "Doon ko muling hinarap ang ginang. Nakatanaw ito sa mag ama na parehong nag-iiyakan. Sumisinghot si Razen. Si Azane naman humihikbi panay pahid sa kanyang pisngi na walang tigil ang pag agos ng luha doon. "Ikaw ang papa ko diba? Kamukha kita, " humihikbi na wika ng bata sa kanya. Pumalahaw na naman ito nang haplusin si Razen ang kanyang pisngi. Nabahala ako dahil baka nahihirapan na siyang huminga dahil sa pag iyak. "I'm sorry..." pumiyok ang kanyang boses dahil sa pag iyak. "I'm sorry, son. I understand kung magagalit ka kay papa--"Sunod-sunod na umiling si Azane. "Hin-hindi po ako galit. Mama explained to me everything. Subrang happy ko po kasi may papa pa pala ako."Umiwas ako ng tingin sabay pahid ng aking luha. Ang sakit sa dibdib ng tagpong ito. Gusto kong hilain ang anak ko doon palayo sa ama. Gusto kong tumakbo palayo bitbit ang anak ko palayo sa kanila. Pero tutol ang puso ko. Ang hirap ipagkait ang tagpong

  • Contract Marriage To Mr. Billionaire   Chapter 49

    Gueene pov:Narito kami ngayon sa Obgyne. Ika-apat na buwan na ngayon ng pagbubuntis ko at kasama ko si Inay at Azane. Kanina pa ito excited. Gusto na niyang malaman kung ano ang gender ng maging kapatid niya. Sana nga malaman namin ito ngayon, mukhang ito ang sadya ng anak ko at hindi pa pumasok sa school. Habang naghihintay, hindi ko mapigilan ang hindi makaramdam ng lungkot habang nakatingin sa mga mag-asawa na aming kasama. Hindi ko maiwasan na mag-isip na sana may asawa rin akong kasama ngayon at pareho kaming excited. Sana may humahaplos rin sa tiyan ko na nakangiti at masaya. Naka alalay sa akin. Taga bitbit ng gamit ko. Iyong mga ganoong bagay. Piniling ko ang aking ulo at sinuway ang sarili. Hormones nga naman. Hinaplos ko ang buhok ni Azane nang itapat niya ang kanyang tainga sa aking tiyan. "Sa tingin ko babae ang kapatid ko, mama. " maya-maya ay wika niya. "Bakit mo naman na sabi?""Ang behave niya po kasi. "Natawa ako. "Hindi pa talaga iyan maglilikot sa tiyan ko, n

  • Contract Marriage To Mr. Billionaire   Chapter 48

    Gueene pov. Hindi biro ang pinagdaanan ko. Nawala nga ako sa buhay nila ngunit ang trauma na ginawa nila sa akin ay dala-dala ko. Nang malaman kong buntis ako, hindi na ako nagdalawang isip na umalis sa bahay ni Razen. Hindi ko siya kayang harapin kaya iniwan ko nalang ang annulment paper at singsing ko doon. Hindi naman siya bobo para hindi malaman kung para saan iyon. Natulungan ko siya sa hiling niyang magpakasal kami ngunit sa kasamaang palad naging legal iyon. Hinanda ko ang sarili ko noon sa ganitong bagay, na kapag nakita na niya at handa na siya sa babaeng pakasalan niya doon kami gagawa ng issue na maghiwalay kaming dalawa. Ngunit hindi pala ganoon kadali sa reyalidad. Ang hirap pala tanggapin lalo na kapag minahal mo na siya. Kapag naging malalim na ang relasyon na binuo ninyong dalawa. Yung pinagsamahan niyo lalo na iyong paano ka niya itrato kaya ka nahulog sa kanya. Ngunit hindi ko mabago ang isang bagay. Ang pagmamahalan nilang dalawa ni Chloe. Maraming hadlang at is

  • Contract Marriage To Mr. Billionaire   Chapter 47

    Razen pov: [chapter 45.3 continuation]I know everything. Bumalik sa aking alaala ang lahat. Kaya pala may kung ano kay Gueene na nagpapaalala sa akin ngunit hindi ko matukoy kung ano iyon. Ito pala ang dahilan. Nawala sa memorya ko ang bagong kaganapan bago ako maaksidente ng gabing iyon. At isa ni Gueene sa nakalimutan ko. I didn't tell anyone about this. Kahit kay mama at mas lalo na kay Chloe. Even Gueene I didn't tell her about my condition. Nagpanggap parin ako sa harap ni Chloe na wala akong maalala. Hindi ako takot sa maaring gawin niya sa akin kapag sinabi ko na naalala ko na ang lahat. Natatakot ako sa maaring gawin niya kay Gueene. She kissed me. And Gueene saw us. Gusto ko siyang itulak at sundan si Gueene ngunit baka makahalata si Chloe. Kahit gusto ko ng umuwi, pinagbigyan ko ang hiling niya na samahan siyang maghapunan dito sa farm bago siya uuwi ng apartment niya. Hindi ko na inalok si Chloe na ihatid siya pauwi. Atat na akong umuwi sa bahay at ipaliwanag kay Gue

  • Contract Marriage To Mr. Billionaire   Chapter 46

    Razen pov:[chapter 45.2 continuation]Nagising ako na masakit ang aking likod. Ilang oras na ba ang tulog ko at ganito ka sakit ang likod ko? Bigla akong nasilaw sa aking pagmulat kaya muli akong napapikit upang ipahinga saglit ang mata ko. Nang marinig ang pagbukas ng pinto, muli kong iminulat ang aking mata. "How many times do I have to tell na ayaw kong may ibang papasok dito, yaya? " Ngunit hindi si yaya ang nabungaran ko kundi ni mama. Oh! Here we go again. Mabilis siyang lumapit sa akin nang bumangon ako. Gulat na gulat siya. Ano ba ang bago para ganito siya magulat na para bang hindi sanay sa asal ko? Pinaka ayoko sa lahat, iyong basta-basta lang pumapasok sa kwarto ko na walang pahintulot kahit siya pa iyon. Sumandal ako sa headboard ng kama at yamot na hinarap siya. "Why are you here, ma? Para pagalitan na naman ako? Pangaralan dahil hindi ako nagpapigil na puntahan si Chloe, ganun ba? Don't worry, ma. Dahil iyong pagkita namin kagabi, huli na iyon. Iniwan na ako ng baba

  • Contract Marriage To Mr. Billionaire   Chapter 45

    Razen pov: Six years ago. "Chloe is my friend, ma! And I love her. Bakit ba gusto mo akong ilayo sa kanya!? And please... Wag niyo akong ipagtulakan sa kung sino-sinong babae para lang pakasalan ko. "She wants me to settle for good. Pero ayaw niyang si Chloe ang papakasalan ko. For what reason? Kilala naman niya si Chloe because she is my childhood friend. "I am your mother. I know what is the best for you."Hinarap ko siya. "At ang ipaglayo kami ni Chloe sa isa't isa ang rason? Ma, hindi na ako bata. May sarili na akong desisyon. Kaya ko nga magpalago ng isang negosyo tapos pagdating sa babaeng pipiliin ko didiktahan mo ako? Stop this nonsense, ma. Ayoko na ito ang dahilan upang lumayo ang loob ko sayo. "Pagkatapos kong sabihin iyon, umalis na ako. Araw-araw nalang ganito kami. Palaging nagtatalo sa ganitong bagay. Nakakasawa. "Razen, come back here! We are not done talking yet!"Pumasok ako sa loob ng sasakyan na hindi siya sinagot. Mabilis na pinaharurot ko iyon paalis. Gusto

DMCA.com Protection Status