SA LOOB nang kotse ay hindi mapakali si Katherine, nanginginig at nanlalamig ang kanyang kamay dahil sa kaba.Habang panaka-naka naman ang lingon ni Cain dahil nababahala sa reaksyon nito. “Kumalma ka lang, kailangan mong magpakatatag.” Sabay abot sa kamay nito, marahang hinahaplos.Huminga naman nang malalim si Katherine, hinayaan na hawakan siya nito. “Wala na bang ibibilis ‘tong sasakyan mo?”“Baby naman, hindi ko na pwedeng bilisan ang pagpapatakbo nitong kotse dahil lalagpas na ‘ko sa speed limit. It’s either mahuli tayo ng traffic enforcer or maaksidente.”Kumunot-noo si Katherine dahil napapadalas na ang pagtawag nito sa ganoon na endearment pero hinayaan na lang niya kay sa magtalo pa sila habang nagmamaneho ito.Ilang sandali pa ay binagalan ni Cain ang pagmamaneho dahil umilaw ang pula sa traffic light. Habang naghihintay na magberde ang ilaw ay nagsalita siya, “Alam ko na kung anong gusto kong kapalit ng pagtulong na mahanap si Lian.”Napalingon si Katherine, kinukutuban ng
PAGDATING sa ospital ay nagtungo agad sila sa intensive care unit kung saan kasalukuyang inilagay si Lian matapos ang operasyon.Malapit doon ay may mga nakahilera na bench, naroon si Jared nakaupo habang nakatanaw. Makikita kasi mula sa puwesto niya si Lian. Nang mabilis na dumaan si Katherine at huminto sa tapat ng glass door, kasunod nito si Cain kaya medyo nagtaka siya kung bakit magkasama ang dalawa. “Cain,” tawag niya sa kaibigan at napalingon naman ito.Pero bago makalapit ay inunahan na ni Katherine, na halata ang galit sa mga mata. Namumula pa nga at tila papaiyak. “Anong ginawa mo sa kaibigan ko?!” Hindi pa siya nakontento at tinulak-tulak ito sa may balikat.“Huminahon ka muna, baby,” awat naman ni Cain.“Pa’no ako hihinahon matapos nang nangyari sa kaibigan ko? Gusto mo ba talagang makita siyang isang malamig na bangkay na lang?”Umiling-iling si Jared. “Hindi ‘yun gano’n. Oo, galit ako sa kanya. Kinamumuhian ko siya pero hindi ko kailanman hihilingin na mamat*y siya. Mins
PUMAPALAKPAK si Marc matapos panuorin ang pinagsaluhang halik ng dalawang bagong kasal. Maging si Joey ay masaya rin kahit pa medyo naguguluhan sa pabigla-biglang desisyon ng mga ito.Kagabi, nang tumawag si Cain ay halos lumuwa ang mata niya nang utusan siyang humanap agad ng Judge na magkakasal. Sinabihan niya pa nga ang amo na magdahan-dahan pero ang sagot...?"Pat*y ka talaga sa'kin 'pag nagbago ang isip ni Katherine."Kaya wala na rin siyang nagawa kundi sundin ang gusto nito. Pinili na lamang niyang maging masaya para sa dalawa. Well, masaya naman talaga siya, iyon nga lang ay napeperwisyo siya ng husto. Sandamakmak na nga ang ginagawa niya sa kompanya tapos nadagdagan pa ang trabaho niya."Ba't parang hindi ka ata masaya?" puna ni Cain nang makita ang reaksyon ng assistant.Awtomatikong ngumiti si Joey. "Masaya ako, Sir. Medyo puyat lang." Kahit ang totoo ay wala naman talaga siyang tulog."Good job, dodoblehin ko ang sweldo mo sa araw na 'to. Pwede ka na rin magpahinga at alam
NAPAIGTAD sa gulat si Sheena at biglang naglaho ang tapang nang sumigaw ito. Nakaramdam siya ng panlalamig siya sa paraan ng pagtitig nito."Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo?!" singhal ni Jared. "Iyang magaling mong kapatid, pinapapat*y si Lian!""E, ano naman ngayon? Mahalaga pa rin ba sa'yo ang babaeng 'yun para magalit ka ng ganito?" Kahit may kabang nararamdaman ay sinagot-sagot pa rin ito ni Sheena.Nagngitngit ang bagang ni Jared sa galit at hindi na nga nakapagpigil, hinawakan nang mahigpit ang braso nito."A-Aray! Ano ba, nasasaktan ako!" ani Sheena na nagpupumiglas."'Di ba, ilang beses ko nang sinabi na 'wag na 'wag mong pakikialaman si Lian? Ba't ang tigas ng ulo mo?!" Habang nanlilisik ang mga mata ni Jared.Naluha si Sheena dahil nasasaktan na siya sa paraan ng paghawak nito. "Pakawalan mo na 'ko, Jared. Masakit na," pakiusap niya pa.Marahas naman na binitawan ni Jared ang braso nito sabay talikod. Dahil maiinis lang siya nang husto kung makikita niya itong umiiyak.Hin
PAUWI na si Katherine ng mga sandaling iyon matapos ang panghapon na klase. May mangilan-ngilan pang estudiyante ang nasa eskuwelahan na nakakasabayan niya sa pag-alis."Goodbye, Ma'am~" sabi pa ng ilang mag-aaral habang kinakawayan siya."Ingat kayo sa pag-uwi," tugon naman ni Katherine habang palabas na ng gate.Sakto naman na tumunog ang phone niya sa bag kaya tumigil muna siya at sinagot ang tawag mula kay Cain, "Hello?""Tapos na klase mo, baby?" malambing na sabi ni Cain sa kabilang linya.Kumibot ang kilay ni Katherine, hindi pa rin sanay na tinatawag na siyang ganoon ni-- Asawa na nga pala niya ito kaya hindi na siya dapat pang magreklamo."Hmm, tapos na," aniya saka nagbaba ng tingin."Sige, hintayin mo lang ako sandali riyan."Huminga nang malalim si Katherine saka nag-angat ng tingin. "Pero nasa sakayan na 'ko ngayon-- May bus ng parating," pagsisinungaling niya pa. Kung kinakailangan ay iiwasan niya ito sa abot ng makakaya.Dahil hindi naman niya kailangan na magpaka-asawa
NAGLAHO bigla ang ngiti sa labi ni Luke. Hindi niya gustong iniiwasan na siya ngayon ni Katherine."Ihahatid na nga--" hindi na niya natapos ang sasabihin nang bigla na lang itong naglakad palayo.Hindi na siya nag-isip pa at agad lumabas sa kotse upang habulin ito.Lakad-takbo ang ginawa ni Katherine makalayo lang, ngunit nagawa pa rin siyang mahabol nito at maharangan sa daraanan. Humigpit ang kapit niya sa bag at nanlalamig na sa kaba. Pakiramdam niya ay may gagawin itong hindi maganda kahit pa maraming tao sa paligid."A-Alis, sisigaw ako," babala niya.Ngunit balewala iyon kay Luke na bumuntong-hininga lang. "Katherine, hindi naman kita sasaktan. Hindi ako tulad ni Cain, kaya sumama ka na sa'kin, pwede ba?"Nagpalinga-linga sa paligid si Katherine, naghahanap ng daan para makatakas nang walang ano-ano, sa isang hakbang ni Luke ay napasinghap siya nang maramdaman sa tagiliran ang kakaiba at matulis na bagay. Akmang titingnan niya kung ano iyon nang akapin na siya nito at igiya pab
NANG mapansin ni Luke na tinutumbok sila ng pamilyar na sasakyan ay hindi na agad siya nagpatumpik-tumpik pa at mabilis na minaneho paatras ang kotse."A-Anong ginagawa mo?!" hiyaw ni Katherine habang ang kamay ay nasa magkabilang tenga. Naiingayan sa malakas na busina ng paparating na sasakyan."Bw*sit ka, Cain!" sigaw ni Luke saka inilikong bigla ang kotse upang maayos siyang makapagmaneho.Nag-angat ng tingin si Katherine nang marinig iyon. Hindi akalaing ang sumusunod sa kanilang sasakyan ay si Cain ang nagmamaneho.Gusto niyang titigan nang mabuti upang makasiguro pero hindi siya makapag-focus gawa ng nasisilaw sa ilaw ng head light."Pa'no niya nalaman na nandito tayo?!" ani Luke saka nilingon ang katabi. "Ikaw?!"Umiwas lang ng tingin si Katherine saka binalik ang atensyon sa kotse ng asawa. Malinaw na niyang nakikita na si Cain nga ang nagmamaneho matapos nitong patayin ang ilaw at nakakabinging busina."Hindi ako makakapayag, hindi ka niya makukuha sa'kin!" makaputol-litid na
MAY PUNTO man ang sinasabi ni Cain ay hindi pa rin maatim ng konsensiya ni Katherine na hayaan na lamang ang dating kaibigan. "Hindi ba natin siya pwedeng tulungan, kailangan niyang madala sa ospital."Tiningnan ni Cain ang side mirror. "Kaya niyang makatayo nang maayos, it means, kaya niyang pumunta roon ng mag-isa."Nagbaba ng tingin si Katherine. Gusto niya talagang tulungan si Luke dahil sa kabila ng masama nitong ginawa ay may kabutihan pa rin itong ipinakita."Iyang awa mong 'yan talaga ang magpapahamak sa'yo," ani Cain saka ito inabot sa passenger seat.Awtomatiko naman na lumayo si Katherine nang biglang sumagi sa isip niya ang ginawang pananakit ni Luke. Hanggang sa mga sandaling iyon kasi ay ramdam niya pa rin ang ginawa nitong pagsak*l.Napakunot-noo naman si Cain sa naging reaksyon nito. "Bakit, may problema ba?"Umiling-iling lang si Katherine, saka inayos ang collar ng suot na teacher's uniform. Hindi niya gustong makita nito ang kanyang leeg."Patingin ako," pangungulit
MABUTI na lang at nakahawak si Fernando sa railings kaya hindi siya nahulog. Pero dahil sa nangyari ay hindi nakayanan ni Marilyn ang kaba at biglang nahimatay."Mommy!" sigaw ni Lian saka ito niyakap.Nang marinig iyon ni Fernando ay napalingon siya. "Marilyn!""'Wag kayong gumalaw, Sir! Baka mahulog kayo!" sigaw ng security personnel.Tuloy ang mga naroon ay nahati sa dalawang direksyon dahil kailangan nilang asikasuhin ang nahimatay. Binuhat naman ng lalakeng Nurse si Marilyn para madala sa emergency room.Habang si Lian ay hindi malaman ang gagawin. Kung mananatili ba o magpapaiwan para sa Ama."Kami na po ang bahala sa kanya, Ma'am. Kausapin niyo po ang pasiyente, delikado ang buhay niya kapag bumitaw siya sa railings," saad ng babaeng Nurse saka sinundan ang kasamahan na kumarga kay Marilyn.Umiiyak na tumango si Lian saka binalingan ng tingin ang Ama at dahan-dahan na humakbang palapit."Daddy, ano ba 'tong ginagawa niyo? Umalis na kayo riyan," aniya nang may pumigil sa kanyang
MAAGANG NAGISING si Lian, pagbangon sa kama ay pansamantala siyang tumulala sa kawalan. Matapos ay huminga nang malalim saka ngumiti.Iyong tunay dahil sa halip na malungkot at magmukmok sa araw ng kasal ni Jared ay mas mainam na abalahin na lamang niya ang sarili sa ibang bagay.Kaya nagluto siya at pagkatapos kumain ay naligo naman. Magtutungo siya sa kompanya at pagkatapos ay bibisitahin naman ang magulang sa ospital.Pagdating sa building ay pansin niya ang pananahimik ng mga empleyado. At sa halip na magtrabaho ay nagliligpit ang mga ito ng gamit.Ang bigat ng atmosphere sa lugar at naaapektuhan si Lian sa nakikita.Pakiramdam niya ay wala siyang silbi at binigo ang mga ito.Bago umalis para magtungo sa ospital ay siniguro muna niyang naibigay na ang suweldo ng mga ito para kahit papaano ay maging maayos ang pag-alis ng mga ito sa trabaho."Natanggap na po nami, Ma'am."Nang marinig iyon ni Lian ay bahagyang humupa ang guilt na nararamdaman. "Pasensiya na kayo, hindi ko napanindi
TUMITIG lang si Jared sa halip na sagutin ang tanong. Humakbang pa siya papasok nang niliitan ni Lian ang pagkakabukas ng pinto, akma siyang iipitin.Nabigla siya sa ginawa nito saka iniharang ang isang kamay sa hamba ng pintuan. "Hindi ba kita pwedeng makita?"Tinulak ni Lian ang pinto para sumara. "Umalis ka na lang." Ngunit walang kahirap-hirap nitong binuksan ang pinto saka pumasok sa loob. "Ano ba!"Para naman walang naririnig si Jared at tuloy-tuloy lang patungo sa kwarto. Mabilisang hinubad ang damit pang-itaas saka nahiga sa kama."Anong ginagawa mo, Jared?!" react ni Lian sabay hila sa braso nito. "Umalis ka sa kama ko!"Ngunit sa halip ay si Lian ang nahila at sumubsob sa hubad nitong katawan. Akmang tatayo pa nga lang nang yakapin siya nito nang mahigpit. "Ano ba, bitawan mo nga ako! Ano ba 'tong ginagawa mo? Ikakasal ka na!""Ganito lang muna tayo sandali," request ni Jared saka ito inamoy-amoy sa buhok."Tama na," saway pa ni Lian.Ngunit ayaw pa siyang pakawalan ng datin
MABILIS lumipas ang mga linggo hanggang sa namalayan na lamang ni Jared na isang araw na lang ay ikakasal na siya.Old fashion man pakinggan pero naniniwala ang magulang ni Sheena sa pamahiin ng matatanda na bawal magkita ang bride at groom bago ang kasal. Kaya halos isang linggo na rin niya itong hindi nakikita.Gaya ni Lian na simula ng gabing nalaman nito na itutuloy niya ang kasal ay hindi na siya kinausap. Palagi niya itong pinupuntahan sa apartment at tinatawagan pero ayaw talaga siyang harapin o kausapin.Habang nasa malalim na pag-iisip ay biglang tumunog ang phone, tumatawag si Sheena."Hello?" aniya saka natigilan dahil maingay sa kabilang linya. "Anong nangyayari?"Sa halip na magsalita ay tumawa lang ng malakas si Sheena. Pagkatapos ay kung ano-ano ang sinasabi."Lasing ka ba?" tanong ni Jared saka lang napagtanto na malamang ay nag-celebrate ito kasama ng mga kaibigan, may bridal shower. Habang siya ay hindi na nag-abala dahil marami pa siyang ginagawa.Saka... ano naman
ISANG SALITA lang ang paulit-ulit na isinisigaw ng utak ni Katherine matapos sabihin ng abogado na nasa ilalim na ng pangalan niya ang ibang property ni Luke....Bakit?!Hindi niya maintindihan kung bakit iyon ang ginawa nito.Nang mahimasmasan ay binalik niya ang dokumento saka umiling-iling. "Nasa'n ngayon si Luke? Gusto ko siyang makausap, hindi ko matatanggap 'tong ibinibigay niya.""Pero pirmado na niya ito at naproseso na," saad nito."Kahit na, hindi ko pa rin tatanggapin. Saka, hindi na 'ko, Miss Garcia ngayon. Nagpakasal na 'ko kaya legally ay hindi 'yan pwedeng mapunta sa'kin ang property.""Kung gano'n ay pwede naman i-revise--""Sir," pigil ni Katherine. "Ayoko talagang tanggapin kahit ga'no pa kaliit o kalaki ang ibibigay niya. Basta hindi, ibalik niyo na lang sa kanya 'yan."Marahan tumango-tango ang abogado saka ibinalik sa briefcase bag ang dokumento. "Naiintindihan ko, sa oras na magising si Mr. Clemente ay sasabihin ko sa kanya ang desisyon mo.""S-Sa oras na magisin
ILANG ARAW nang lumipas simula ng tumira ulit si Katherine sa bahay ni Cain. At masasabi niyang sa loob ng mga araw na iyon ay naging payapa ang buhay niya. Dahil hindi na siya ginugulo ni Luke, ni tawag o text ay wala rin.Parang bulang naglaho kaya kahit papaano ay napanatag siya. Tapos ay ilang araw na rin wala ang asawa dahil sa business trip nito. May panaka-nakang messages siyang natatanggap pero madalas ay tawag. Magkaganoon man ay hindi siya naiirita, lahat ng tawag ni Cain ay sinasagot niya bilang ganti na rin dahil napapansin naman niyang nagiging mabuti na itong tao. Maayos na ang pakikitungo sa kanya gaya ng ipinangako nito.Ngunit kahit nagbago na si Cain ay walang magbabago sa desisyon niya. Hindi siya aasa na magkakaroon pa sila ng pangalawang pagkakataon..."Welcome back po, Ma'am," saad ng katulong isang araw pagkauwi niya sa trabaho.Tipid na pagtango lang ang iginawad ni Katherine saka nagtuloy-tuloy paakyat ng hagdan. Pagpasok sa kwarto ay agad niyang napansin ang
SA HALIP na takot ang maramdaman ni Lian ay bigla siyang napanatag nang makita si Jared. Pakiramdam niya ay ligtas na siya dahil sa pagdating nito."M-Mabuti naman at nandi--" bago pa niya matapos ang sasabihin ay nagdilim bigla ang paningin at tuluyang nahimatay.Hinigpitan naman ni Jared ang yakap sa bewang nito nang mawalan ng malay. Hanggang sa tuluyan na niyang niyakap ang katawan nitong mahina at nanlalamig. Mariin siyang pumikit at umusal ng pasasalamat na nakarating siya agad bago pa maging huli ang lahat.Pagkatapos ay maingat itong binuhat saka naglakad palabas ng bahay."S-Sandali lang, bayaw! Sa'n ka pupunta?" ani Jason na nasa sahig, nakataas ang isang kamay na animo ay kaya itong abutin.Napatiim-bagang si Jared sabay lingon. Sobrang sama ng tingin niya rito pero ng mga sandaling iyon ay si Lian ang main priority niya."A-Alis ka?! 'Wag mo 'kong iiwan dito!" hiyaw ni Jason nang tuloy-tuloy lang ito paalis sa lugar. "Ako ang nasaktan, ba't siya ang tinutulungan mo?!"Para
SA KABILANG DAKO naman, kasama ni Jared ang fiancee dahil dalawang linggo na lamang ay gaganapin na ang kasal. Nasa venue sila ng reception room at tinitingnan kung wala bang magiging aberya.Habang kinakausap ni Sheena ang organizer ay yakap niya sa bewang si Jared nang bigla na lang itong humakbang palayo. "Sa'n ka pupunta?""May kokontakin lang ako." Nang makalayo ay tinawagan niya si Lian ngunit panay ring lang at ayaw sumagot. Makailang-beses niya pa iyong inulit ngunit wala talaga kaya si Ulysses ang tinawagan niya, "Si Lian, nakuha na ba sa ospital?"Palapit naman ng sandaling iyon si Sheena at narinig ang sinabi nito kaya hinila niya sa braso. "Ba't ang babaeng 'yun pa rin ang inaalala mo? Malapit na tayong ikasal pero busy ka pa rin sa kanya."Napabuga ng hangin si Jared saka tinago sa bulsa ang phone. "Sorry.""Bumalik na tayo," inis na sabi ni Sheena saka ito hinila.Nagpatianod naman si Jared hanggang sa tumunog ang phone."'Wag mong sasagutin," agap agad ni Sheena."Baka
NAPAKUNOT-NOO si Lian dahil tila pamilyar sa kanya si Jason ngunit nasisiguro naman na ngayon niya lang ito nakita."B-Ba't mo 'ko dinala rito?" Halata ang pag-iingat sa kilos ni Lian at makailang ulit pang tiningnan ang pinto."Don't worry, you'll be safe here."Ngunit hindi iyon ang nararamdaman ni Lian. "Sino ka ba, hindi naman kita kilala para dalhin ako sa lugar na 'to."Umismid at natatawa pa nga si Jason sa narinig. "Hindi mo 'ko kilala kahit nagpakilala na 'ko sa'yo kanina?" Matapos ay humakbang palapit. "Uulitin ko, I'm Jason Enriquez. Kapatid ni Sheena."Biglang nanghina ang tuhod ni Lian sa narinig. Kung ganoon ay ito ang taong dahilan kung bakit muntik na siyang mamatay doon sa Nursing Home. Ang siyang dahilan kung bakit siya nakunan at nagdurusa ngayon."A-Ano pa bang kailangan mo sa'kin?!"Nagkibit-balikat si Jason. "Wala naman, gusto lang kitang makilala ng mabuti." Sabay lahad ng kamay.Ngunit tiningnan lang ito ni Lian. "Papatay*n mo ba ako? Dahil naging palpak ang pl