HINDI naman agad nakapagsalita si Jared. Bigla siyang nakaramdam ng hiya. Dahil sa kabila ng mga nangyari sa kanila noon ay nanatili ang respeto niya sa Ginang kahit na makailang-beses niya itong ginamit upang mapasunod si Lian.Samantalang hindi na naghintay ng sagot si Marilyn at nagtungo na sa kwarto ng anak, nang makitang wala na roon si Lian ay agad niyang sinundan ang dumaan na dalawang Nurse na may tulak-tulak na hospital bed.“S-Sandali lang po.” Pigil naman ni Jared dahil natatakot siyang baka mag-collapse ito sa oras na malaman kung anong ginawa ni Lian sa sarili.“A-Anong nangyayari, ba’t may dugo sa katawan ng anak ko?” naiiyak na tanong ni Marilyn habang sapo-sapo ang dibdib, nahihirapan huminga.Nabahala naman si Jared dahil hindi niya gustong maapektuhan ang kondisyon nito. “’Wag na po kayong masiyadong mag-alala. Aalamin ko kung anong nangyari.” Saka hinaplos-haplos ang balikat nito.Tumango si Marilyn saka hinawakan ang kamay nito. “Maraming salamat.”Nagbaba ng tingi
NAMUTLA si Sheena sa narinig at takot na takot habang nakatingin sa fiancé. “J-Jared, please help me.” Saka inangat ang kamay, tila gusto itong abutin.“’Wag kang gumalaw kung ayaw mong is*ksak ko ‘to sa leeg mo!” babala ni Lian na mas lalo pa inilapit ang basag na piraso ng baso. Matapos ay tiningnan si Jared. “Anong ginagawa ko rito?”“Inilipat kita rito.”“At bakit?!” Malapit na ang operasyon niya kaya sa paanong paraan napapayag ni Jared ang Doctor na mailabas sa ospital?Hindi naman sinagot ni Jared ang tanong dahil abala siya sa pag-iisip kung paano mapapakiusapan itong pakawalan si Sheena, na lumuluha na ng mga sandaling iyon at nanginginig sa takot.“Humingi ka ng tulong kay Levi?” tanong muli ni Lian.Dumilim pang lalo ang aura ni Jared sa tanong. “Pakawalan mo na siya.”“Hindi!” hiyaw ni Lian saka napatingin kay Sheena dahil ramdam niya ang takot nito. “Ibalik mo ‘ko ngayon din sa ospital!”“Hindi ka makakaalis—““Jared!” tili ni Sheena. “Gawin mo na lang ang gusto niya!”Ti
MULING inutusan ni Lian ang dalaga na damputin ang phone sa sahig. “I-play mo ang record, gusto kong marinig,” utos niya pa.Sumunod naman ang Sheena habang nanginginig ang kamay.Pinakinggan ni Lian ang recording at nang makuntento ay hinablot niya ang phone. Pagkatapos ay naglakad, hinihila si Sheena patungo sa pinto. “Umalis ka riyan,” aniya kay Jared.Tumabi naman ito nang hindi inaalis ang tingin sa dalawa. Kapag nagkaroon ng pagkakataon ay susugod siya at ililigtas ang fiancée.“Sa’n mo ba ako dadalhin?” ani Sheena, ingat na ingat na huwag ma-trigger si Lian at baka saktan pa siyang muli.Nakalabas ng kwarto sina Lian at ang hostage nito. “Ikaw ang nakakaalam ng pasikot-sikot sa bahay na ‘to, sa’n ang pinto palabas?”Nanginginig pa rin ang kamay na tumuro si Sheena sa direksyon ng pinto. Pagkatapos ay naglakad muli sila patungo roon. Nang malapit na sila ay narinig niya ang pagdaing ni Lian, maging ang braso nitong nakapalibot sa leeg niya ay hindi na ganoon ka higpit.Doon ay n
NAPANGANGA si Katherine habang nakatitig. “S-Seryoso ka? Hindi ‘yun magagawa ni Lian.”“Kahit ako rin naman pero pinakita sa’kin ni Jared ang sugat sa leeg ni Sheena. Teka, sa susunod na lang natin ‘to pag-usapan dahil kailangan ko na silang puntahan.”“Sa’n munang estasyon nila dinala ang kaibigan ko?”“Hindi ko rin alam. Sige na, kailangan ko na talagang umalis.”Bago pa man ito mapigilan ni Katherine ay nakailang hakbang na palayo si Levi. Kaya gulong-gulo na siya ng mga sandaling iyon. Hindi niya naman pwedeng sabihin sa magulang ni Lian ang nangyari dahil baka samahan na ni Marilyn ang asawa sa kama kapag nalaman na nasa police station ang anak.Kinuha niya sa bag ang phone saka nag-scroll, pinag-iisipan na tawagan si Cain pero sa huli ay hindi niya magawa. Naaalala niya ang mga sinabi sa dating asawa at sa tingin niya ay hindi na siya nito kakausapin pa.Hanggang sa makatanggap ng message mula kay Yohan, kaya naisip niyang ito na lang ang pakiusapan na magtanong-tanong kung nasa
NATIGILAN si Lian saka nilingon ang kaibigan. Pagkatapos ay niyakap ito nang mahigpit, hindi na naman mapigilan na maging emosyonal. “Salamat talaga, Sissy. Nawawalan na ako ng pag-asa pero mabuti na lang at nandito ka.”Marahan din itong niyakap ni Katherine upang hindi masaktan. “Kaya ‘wag ka nang masiyadong mag-alala. Mailalabas kita rito,” paniniguro niya ngunit nag-iisip din kung paano niya iyon magagawa. Kailangan niya ang malaking halaga para mapiyansahan ito pero paano kung magsampa ulit si Jared o hindi kaya ang fiancée nito ng kaso laban kay Lian? Walang-wala silang pera para sa piyansa.Kaya bago pa magtanong ang kaibigan kung paanong paraan ang gagawin ay d-in-istract niya ito sa pagtulong na magbihis, matapos magamot ang likod nito.Ilang sandali pa ay kumakatok na ang pulis sa labas. “Ma’am, tapos na po ba kayo riyan?”“Oo, sandali lang,” ani Katherine.Mayamaya pa ay lumabas sila sa banyo na namumula ang mga mata dahil nag-iyakan pa sila sa loob. Pagkatapos ay ibinalik
NAGTAKA si Katherine kung bakit humarang si Joey pero hindi na niya iyon pinansin at muling hinarap si Cain. “Wala akong balak na manggulo pero kailangan ko lang ang tulong mo… Si Lian.”Walang kaalam-alam si Cain sa sinasabi nito kaya tinanong niya ang assistant. Binulong naman ni Joey ang nangyayari kay Jared at Lian. Napatiim-bagang siya saka matalim itong tiningnan sa mga mata. Kung ano man ang problema ng kaibigan ay hindi niya panghihimasukan dahil labas siya roon. “Busy ako,” iyon na lamang ang sinabi niya at naglakad na palayo. Ang babae naman na kasama ay agad na sumunod matapos tingnan nang masama si Katherine.Nawalan ng sigla si Katherine nang lagpasan siya ng dating asawa. Sa isang iglap ay parang gumuho ang mundo niya nang makitang wala ng kalambing-lambing kung paano ito tumingin sa kanya.Parang gusto na lang niyang mapaupo sa kalsada lalo na nang nagsisialisan na ang mga taong naroon na nakiki-osyuso. Si Joey naman ay humingi lang ng paumanhin at naiintindihan naman n
NAPAKURAP si Cain sa alok nito at nakuha pang tingnan si Joey na tila nakamasid sa magiging reaksyon niya. “H-Hindi,” tanggi niya kahit may parte sa kanya nan a-excite sa sinabi nito.“Sandali lang naman,” pagpupumilit pa ni Katherine, ayaw sumuko hangga’t hindi siya napagbibigyan.Muling napatingin si Cain sa assistant na tumatango-tango na sa kanya, nagpapahiwatig ng pag-oo nito. Kulang na nga lang ay sabihin na sumama na siya sa loob.“Sandali lang?” pag-uulit niya sa sinabi ni Katherine.Tumango ito. “Saglit lang talaga.”Napahinga naman si Cain saka lumabas sa kotse at sinundan ito. Pero nang nasa tapat na ng unit ay nakatanggap siya ang message mula sa assistant.Joey: Sir, umalis na po ako at lumalalim na ang gabi.Napailing na lamang si Cain saka nag-reply.Cain: Humanda ka sa’kin bukas.Joey: Joke lang, Sir. Nandito pa ‘ko sa labas. Hintayin ko po kayong matapos.“Pasok ka.”Nag-angat siya ng tingin matapos marinig ang boses ni Katherine na nasa loob na ng tirahan nito.Itina
NATIGILAN si Katherine sa narinig, bigla siyang nakakita ng pag-asa para sa kaibigan. Ngunit sa pagkakasabi nito ay tila lumalabas na tutulong lang si Luke dahil sa kanya at hindi dahil sa kaibigan din nito si Lian.Magkaganoon man ay hindi na niya iyon pinagtuonan ng pansin kahit pa may hindi sila pagkakaunawaan. Ang mahalaga sa kanya ay mailabas ang kaibigan sa selda bago pa ito mapatawan nang mas mabigat na kaso.“Talaga bang matutulungan mo si Lian?”“Oo naman, punta ka rito nang mapag-usapan natin ang detalye—“ saka sinabi ang address kung nasaan ito ngayon.Nagtaka naman si Katherine dahil hindi address ng ospital ang sinasabi nito. “Na-discharge ka na ba?”“Ang boring kasi sa ospital kaya nag-decide na ‘kong umuwi na lang at doon magpahinga tutal wala naman ng rason para mag-stay ako roon kung wala naman problema sa’kin.”“Okay, pupunta na ‘ko riyan.”Pagkatapos ng pag-uusap nila ay naligo na siya at nag-ayos. Mga ilang minuto lang din ay narating na niya ang sinasabi nitong lu
ANG NAKAMASID na si Jared sa malapit ay bigla na lang napatakbo patungo sa dalawang babae. Hinawi si Sheena saka dinaluhan si Lian na nakasalampak sa sahig. "Ayos ka lang?" Pagkatapos ay tiningnan nang masama si Sheena. "Anong ginawa mo sa kanya?"Hawak ng dalaga ang balikat na natamaan nito. Nasasaktan siya na mas matimbang si Lian kaysa sa kanya. "Wala akong ginawa sa kanya, sinabi ko lang ang totoo.""Ang alin?" naguguluhang tanong ni Jared hanggang sa maramdaman ang paghawak ni Lian sa kanyang braso.Nagtagpo ang tingin nilang dalawa pero ang dalaga ay maluha-luha na."S-Sabihin mo sa'kin ang totoo, anong nangyari kay Mommy?" ani Lian.Napatiim-bagang si Jared saka tiningnan nang masama si Sheena."O, ba't ganyan ka makatingin sa'kin? Tinatanong ka niya kaya sagutin mo," hamon ng dalaga. "O, baka gusto mong ako na ang magsalita?""Anong nangyari kay Mommy!" biglang sumigaw si Lian. Hindi na napigilan ang frustration. Bumabalik sa alaala niya ang scenario kung saan nasaksihan niya
PAGDATING sa ospital ay dumiretso ang mag-asawa sa opisina ni Levi, nag-usap ang magkaibigan habang si Katherine naman ay gusto ng puntahan si Lian."Hindi ko siya makontak," aniya na nasi-stress na rin sa paulit-ulit na pagtawag."Marahil ay nando'n siya sa morgue," ani Levi.Tumango naman si Katherine at naglakad na palabas. Akmang susunod si Cain nang pigilan ng kaibigan."May pag-uusapan pa tayo," ani Levi."Importante ba?" tanong ni Cain, tingin ay nasa asawa. Hindi niya gustong malayo at may sakit pa naman ito.Napapailing na lang si Levi saka tumayo sa kinauupuan. "Tara, sundan na natin."Naabutan ng dalawang lalake si Katherine na naghihintay ng elevator."Sabay-sabay na tayong pumunta ro'n," ani Levi.Saktong bumukas ang elevator at bumungad sa harap nilang tatlo si Jared.Sa halip na humakbang papasok ay natigilan si Katherine. "Umamin ka nga, may kinalaman ka ba sa nangyari kay Tito?"Napatingin lang si Jared at hindi na nagkomento. "May importante akong sasabihin," aniya s
ILANG BUWAN itong hindi nakita ni Katherine, walang balita tapos bigla na lamang susulpot at malaki na ang tiyan?!Ang sabi ay nasa mental hospital ito, nagpapagaling pero ano itong nangyayari?Gulong-gulo siya pero si Margaret, mukhang natutuwa pa sa nakikitang reaksyon. Ang lakas ng loob na lumapit at makipag-beso."Kamusta ka na? Hindi ko alam na nandito ka pala."Hindi nakasagot si Katherine dahil ang mga mata ay nanatili sa tiyan nito. "A-Anong ginagawa mo rito?" tanong niya saka napatingin kay Cain na papalapit na sa kanila."Nandito ako para humingi sa'yo ng sorry," ani Margaret.'Sorry?!' sigaw ng isip ni Katherine. Gustong isumbat na hanggang sorry lang pala ang buhay ng anak?!Muling nabuhay ang galit na matagal na niyang kinikimkim at hindi na nga napigilan ang sariling saktan ito. Dumapo ang palad niya sa pisngi ni Margaret."Katherine!" react ni Cain sa ginawa ng asawa saka ito nilapitan, pinapalayo sa dalaga."Iyan lang ang sasabihin mo sa lahat ng kasalanang ginawa mo s
NATIGILAN si Jared matapos iyong marinig sa kabilang linya. "Hello, Tita? Naririnig niyo ba ako?" Ngunit wala ng sumasagot at masiyadong magulo, samo't saring boses ang kanyang naririnig. May sumisigaw at meron humihingi ng saklolo."Hello?!" sigaw niya pa hanggang sa binilisan na niya ang pagmamaneho. Kailangan niyang makarating sa ospital, nagbabaka-sakaling nasa malapit lang si Marilyn.Hindi nagtagal ay nakarinig siya ng hindi pamilyar na boses sa kabilang linya."Hello, sino 'to?" boses ng isang babae."Hello, ako si Jared. Kakilala ko ang may-ari ng phone, anong nangyari sa kanya?""Gano'n ba? Ito kasing babae, nahulog sa hagdan dito sa overpass malapit sa Dominguez Hospital.""Tumawag na ba kayo ng ambulansiya?" ani Jared."Oo, may tumawag na.""Okay, salamat." Pagkatapos ay iniliko na niya ang kotse patungo sa sinasabi nitong overpass bridge.Ilang minuto lang din ay nakarating na siya pero wala ng naabutan kaya dumiretso na siya sa ospital. Ngunit hindi siya pinayagan na puma
NAPABUGA NG HANGIN si Jared, hindi malaman kung paano pakakalmahin ang dalaga. "Wala rin kaming ideya, ispekulasyon lang 'tong pinag-uusapan namin," paliwanag niya saka humakbang palapit."'Wag kang..." Nakataas ang kamay ni Lian at malikot ang mga mata, halatang naguguluhan. Hanggang sa may mapagtanto. "Kung gano'n... Ikaw na naman ang dahilan kaya nangyayari 'to?"Bumukas-sara ang bibig ni Jared habang nag-iisip ng paliwanag pero naunahan siya ng kaibigan."Kumalma ka muna. Hindi pa naman natin alam ang totoo," ani Levi."Makinig ka, Lian," segunda pa ni Jared. "Gagawin ko ang lahat para pagbayarin ang kahit na sinong--""Pa'no kung totoo nga? Na nagpakam*tay si Daddy dahil sa'yo?"Napatiim-bagang si Jared, pagkatapos ay inutusan ang assistant, "Alamin mo ang nangyayari. Kung posible, gusto ko ng kasagutan ngayong araw na mismo."Nagpalipat-lipat muna ang tingin ni Ulysses sa dalawa saka tumango. "Masusunod po, Sir." Saka naglakad palabas ng opisina.Ang naiwan na si Lian ay tiningn
NAKAAKAP ang dalaga sa bewang ni Jared habang hinahaplos niya ang likod nito. Masakit marinig ang hikbi ni Lian, hindi niya rin mapigilan na maapektuhan.Hindi niya alam kung anong dapat maramdaman ng sandaling iyon. Malulungkot ba siya?Pero hindi...Sa hindi malaman na dahilan ay napanatag siya at gumaan ang pakiramdam.Tila nakamit niya ang matagal ng inaasam. Ang makapaghiganti... Iyon nga lang ay hindi sa ganoong paraan niya gustong mawala si Fernando.Ang nais niya ay mahirapan pa ito pero kung--"Ba't ganyan ang ekspresyon mo?" tanong ni Lian matapos mag-angat ng tingin. Kitang-kita niya ang tuwa sa mga mata nito. Parang natutuwa ito na patay na ang kanyang Ama?Napakurap si Jared, naging normal ang ekspresyon saka tiningnan ang dalaga. "Ano?"Sa isang iglap ay tinulak ito ni Lian. "Natutuwa kang namatay si Daddy?" akusa niya pa matapos mabasa ang ekspresyon nito.Umiling si Jared. "Hindi 'yun, gano'n. Nagkakamali--""Ako pa ngayon ang mali? E, kitang-kita ko na masaya ka!"An
MABUTI na lang at nakahawak si Fernando sa railings kaya hindi siya nahulog. Pero dahil sa nangyari ay hindi nakayanan ni Marilyn ang kaba at biglang nahimatay."Mommy!" sigaw ni Lian saka ito niyakap.Nang marinig iyon ni Fernando ay napalingon siya. "Marilyn!""'Wag kayong gumalaw, Sir! Baka mahulog kayo!" sigaw ng security personnel.Tuloy ang mga naroon ay nahati sa dalawang direksyon dahil kailangan nilang asikasuhin ang nahimatay. Binuhat naman ng lalakeng Nurse si Marilyn para madala sa emergency room.Habang si Lian ay hindi malaman ang gagawin. Kung mananatili ba o magpapaiwan para sa Ama."Kami na po ang bahala sa kanya, Ma'am. Kausapin niyo po ang pasiyente, delikado ang buhay niya kapag bumitaw siya sa railings," saad ng babaeng Nurse saka sinundan ang kasamahan na kumarga kay Marilyn.Umiiyak na tumango si Lian saka binalingan ng tingin ang Ama at dahan-dahan na humakbang palapit."Daddy, ano ba 'tong ginagawa niyo? Umalis na kayo riyan," aniya nang may pumigil sa kanyang
MAAGANG NAGISING si Lian, pagbangon sa kama ay pansamantala siyang tumulala sa kawalan. Matapos ay huminga nang malalim saka ngumiti.Iyong tunay dahil sa halip na malungkot at magmukmok sa araw ng kasal ni Jared ay mas mainam na abalahin na lamang niya ang sarili sa ibang bagay.Kaya nagluto siya at pagkatapos kumain ay naligo naman. Magtutungo siya sa kompanya at pagkatapos ay bibisitahin naman ang magulang sa ospital.Pagdating sa building ay pansin niya ang pananahimik ng mga empleyado. At sa halip na magtrabaho ay nagliligpit ang mga ito ng gamit.Ang bigat ng atmosphere sa lugar at naaapektuhan si Lian sa nakikita.Pakiramdam niya ay wala siyang silbi at binigo ang mga ito.Bago umalis para magtungo sa ospital ay siniguro muna niyang naibigay na ang suweldo ng mga ito para kahit papaano ay maging maayos ang pag-alis ng mga ito sa trabaho."Natanggap na po nami, Ma'am."Nang marinig iyon ni Lian ay bahagyang humupa ang guilt na nararamdaman. "Pasensiya na kayo, hindi ko napanindi
TUMITIG lang si Jared sa halip na sagutin ang tanong. Humakbang pa siya papasok nang niliitan ni Lian ang pagkakabukas ng pinto, akma siyang iipitin.Nabigla siya sa ginawa nito saka iniharang ang isang kamay sa hamba ng pintuan. "Hindi ba kita pwedeng makita?"Tinulak ni Lian ang pinto para sumara. "Umalis ka na lang." Ngunit walang kahirap-hirap nitong binuksan ang pinto saka pumasok sa loob. "Ano ba!"Para naman walang naririnig si Jared at tuloy-tuloy lang patungo sa kwarto. Mabilisang hinubad ang damit pang-itaas saka nahiga sa kama."Anong ginagawa mo, Jared?!" react ni Lian sabay hila sa braso nito. "Umalis ka sa kama ko!"Ngunit sa halip ay si Lian ang nahila at sumubsob sa hubad nitong katawan. Akmang tatayo pa nga lang nang yakapin siya nito nang mahigpit. "Ano ba, bitawan mo nga ako! Ano ba 'tong ginagawa mo? Ikakasal ka na!""Ganito lang muna tayo sandali," request ni Jared saka ito inamoy-amoy sa buhok."Tama na," saway pa ni Lian.Ngunit ayaw pa siyang pakawalan ng datin