TINAWAGAN ni Katherine si Joan, ang nagbigay sa kanya ng chance na makapasok sa H'Ours, ang pangarap niyang trabaho."Hello, Miss Garcia," bungad ni Joan sa kabilang linya."Hello po, Ma'am.""Nabalitaan ko nga pala na naospital ka, kumusta ka naman ngayon?""Ayos na po ako," tugon ni Katherine na nakakunot-noo, iniisip kung sino kaya ang nagsabi na naospital siya? "Tumawag nga po pala ako para humingi ng paumanhin at hindi ko nagagampanan nang maayos ang trabaho ko. Ayos lang po sa'kin kung tatanggalin niyo na 'ko.""Matanong nga kita, Katherine... binasa mo ba ang rules at contract na pinadala namin sa'yo?""Ahm... hindi pa po lahat.""Kaya naman pala. Hindi namin nire-required ang mga empleyado na pumasok araw-araw. Pwede kayong mag-work-from-home kung diyan kayo komportable basta magsasabi lang kayo. Sa case mo ay na-inform mo naman kami rito.""Iyon na nga po, Ma'am. Pero up until now ay wala pa akong nagagawang trabaho, ni nasisimulan... kaya gusto ko po sanang mag-resign," pali
NABASTOS si Lian sa sinabi at sa ginawang paghalik kaya tinulak niya ito sa may dibdib. Saka binuksan ang pinto ng kotse upang makaalis nang hilahin siya sa braso."At sa'n ka pupunta?!" saad ni Jared habang idinidiin ang katawan nito sa upuan."A-Ano ba, nasasaktan ako!" singhal ni Lian."Sagutin mo muna ang tanong ko!""Saklolo, tulungan--" hindi na natapos ni Lian ang sasabihin nang mabilis nitong tinakpan ang kanyang bibig."Subukan mong sumigaw ulit at hindi lang 'to ang aabutin mo," babala ni Jared.Kaya hindi na nagpumiglas si Lian. "B-Bitawan mo muna ako."At iyon naman ang ginawa ni Jared. Pinakawalan niya ito saka bumalik sa puwesto, sa driver seat. "Uulitin ko, sa'n ka nila hinawakan o nagpagalaw ka?""Hindi nila ako hinawakan, okay?! Lalong-lalo na 'yang ibinibintang mo. Nag-usap lang kami para kahit papaano ay magawa ko pang maayos ang kompanya ni Dadddy.""Kaya nga, para maisalba ang palugi niyong negosyo ay gabi-gabi kang nagpapagala--" Sampal sa pisngi ang nagpatigil k
SINASADYA niyang i-provoke si Jared para magalit nang husto. Mas gusto niyang kamuhian siya nito, tratuhin nang gaya lang din ng pagtrato nito sa kanya noong umuwi ito nang bansa.Hindi niya gustong bumalik ang dating Jared na minahal niya nang husto. Kapag patuloy itong magiging mabait sa kanya ay baka umasa lang siya at masaktan bandang huli."I-delete mo 'yan ngayon din.""Ayoko nga, ise-send ko 'to kay Sheena. Gusto kong makita niya kung anong ginagawa natin ngayon, makaganti man lang sa ginawa niya sa'kin."Tumayo si Jared, lumapit saka inagaw ang cellphone na akma pang itatago ni Lian pero agad na niyang nakuha. Pagkatapos ay binura niya ang picture saka ibinalik sa kamay nito ang gamit.Ngunit si Lian ng mga sandaling iyon ay tumulala na sa mukha nito. Sa hindi malamang dahilan ay naging emosyonal siya. Namimiss niya ang dating Jared, iyong lalake na nangakong mamahalin siya at hinding-hindi sasaktan."Mahal mo pa ba ako?" wala sa sariling tanong niya.Kumunot-noo si Jared. "An
MABILIS ang lakad ni Cain pabalik sa sariling opisina, na umiigting ang panga at mariing nakakuyom ang kamay. Mukha man natural ang ekspresyon ngunit sa loob-loob ay gusto na niyang magwala. Pabagsak pa nga niyang binuksan at sara ang pinto. Pagkatapos ay walang ingat na naupo sa swivel chair sabay dukot sa bulsa at hagis ng ring box sa office table dahil sa iritasyong nararamdaman. Nagagalit siya ngayon dahil sa nobya-- dating nobya matapos nitong iwan siya at makipaghiwalay sa text. Plano pa man din niyang mag-propose ngayon pero ito, halata namang hindi na matutuloy. Problema niya ngayon ang Abuelo na inaapura na siyang magpakasal bago man lamang ito mawala sa mundo. Kapag hindi niya naibigay ang hiling nito ay paniguradong matatanggalan siya ng mana at babawiin sa kanya ang posisyon sa kompanya. "Hindi pwede 'to," aniya saka tinawagan si Margaret. "Sagutin mo, ano ba!" May kumatok sa pinto sabay bukas. Papasok sana ang sekretarya'ng si Katherine nang sigawan ni Cain, "Labas!
MAHINANG pisil sa balikat ang nagpabalik kay Katherine sa kamalayan. Matapos ay nilingon ang katabing si Cain."Kanina ka pa tulala," anito.Bago pa makapagsalita ay agad na siyang hinalikan sa labi sabay bangon nito sa kama at nagtungo sa banyo na hubo't hubad.Sinundan lang ito ng tingin ni Katherine saka muling sumagi sa isip ang sinabi sa kanya ng doctor kahapon matapos magtungo sa ospital."Congratulations, Ms. Garcia... you're pregnant."Maganda mang balita at tunay na masaya si Katherine sa pagbubuntis ay hindi niya maiwasang mabahala.Sa loob ng dalawang taon. Simula ng magpresenta siyang contractual wife ni Cain ay hindi sila nagmintis na maging maingat at laging gumagamit ng proteksyon.Isang beses lang hindi gumamit si Cain at noong nakaraang buwan iyon matapos dumalo sa isang selebrasyon na may kinalaman sa kompanya.Hindi niya akalaing ang isang gabing iyon ay agad na magbubunga. Ngayon ay pinag-iisipan ni Katherine kung sasabihin niya ba sa asawa o hindi ang pagdadalang-
ASIWA ang ngiti ni Katherine ng mga sandaling iyon. "H-Hello po, Mr. Dominguez," bati pa niya. Nanliit naman ang tingin ni Levi sa sekretarya at asawa ng kaibigan. Halata niyang may narinig ito sa pinag-uusapan nilang dalawa ni Cain. "Kanina ka pa ba rito?" aniyang naniniguro. Umiling si Katherine. "N-Ngayon lang, ibibigay ko sana 'tong dokumento kay Mr. President." Bago pa magisa ng tanong ay nilampasan na niya ito para harapin si Cain. "Good morning, Mr. President. May kailangan po kayong pirmahan," aniya. Nag-angat naman ng tingin si Cain. Narinig niya ang pinag-usapan nito at ni Levi sa may pinto pero wala siyang balak magtanong. Kung alam na ni Katherine ang article ay wala na siyang magagawa pa roon. Wala rin siyang balak magpaliwanag pero hindi niya nais na magtampo ito. Dahil kahit contractual ang kasal nila ay asawa niya pa rin ito. "Nakatulog ka ba nang maayos kagabi?" Tumango lang si Katherine. "N-Nasa trabaho tayo ngayon," paalala niya. Sekreto at ilang piling tao la
MAYA'T MAYA ang tingin ni Katherine sa oras ng suot na relos. Kanina niya pa hinihintay na matapos si Cain sa pakikipag-usap sa isang excutive ng kompanya.Ngayon ang napag-usapang araw na dadalawin nila ang kanyang Lola sa ospital matapos itong magka-inflammation sa pancreas. Inaalala niyang baka matapos ang visiting hour. Kaya napagpasiyahan niyang i-text si Cain na mauuna na siya sa kotse at bilisan nito ang pakikipag-usap.Ngunit habang naghihintay ay hindi ang asawa niya ang dumating kundi si Joey. "Pinapasabi ni Mr. President na sasamahan ko na lamang kayo sa ospital.""Hindi pa ba siya tapos makipag-usap?"Umiling lang ito bilang sagot kaya walang nagawa si Katherine kung hindi umalis na hindi ito kasama.Pagdating sa ospital ay bakas ang saya sa mukha ni Lucinda nang makita ang apo. "Mabuti at napadalaw ka, Katherine.""Kamusta po kayo rito, 'La?" aniya sabay yakap sa matanda."Mabuti naman, pakiramdam ko'y pwede na 'kong bumalik sa probinsiya, apo.""Hindi pa po pwede, 'La. H
BAGO pa tuluyang lumalim ang ginagawa ay agad na silang nagambala ng pagtunog ng cellphone ni Cain.Sa isang iglap ay bigla itong bumangon at sinagot ang tawag. Ang exposed na katawan ni Katherine ay agad niyang binalutan ng kumot.Ilang sandali pa matapos ang tawag ay humarap si Cain. "May pupuntahan lang ako, matulog ka na.""Saan?"Hindi sinagot ni Cain at basta na lamang nagpalit ng damit. Sa hindi nito pagsagot ay nakumpirma ni Katherine na si Margaret na naman ang dahilan ng pag-alis.Ang dalaga na naman ang pinipili nito... At heto siya, parang tangang umaasa na mapapahalagahan din, kahit hindi naman talaga.Pagkaalis ni Cain ay saka lang hinayaan ni Katherine na bumuhos ang kanina pa pinipigilang luha. Bumangon siya sa kama at nagbihis. Nandidiri at hiyang-hiya para sa sarili. Para siyang isang mababang uri ng babae na pagkatapos magamit ay basta na lamang iiwan para sa babaeng tunay nitong minamahal. Matapos ay kinuha niya ang sonogram sa drawer at pinagpupupunit. Nagpasiyang
SINASADYA niyang i-provoke si Jared para magalit nang husto. Mas gusto niyang kamuhian siya nito, tratuhin nang gaya lang din ng pagtrato nito sa kanya noong umuwi ito nang bansa.Hindi niya gustong bumalik ang dating Jared na minahal niya nang husto. Kapag patuloy itong magiging mabait sa kanya ay baka umasa lang siya at masaktan bandang huli."I-delete mo 'yan ngayon din.""Ayoko nga, ise-send ko 'to kay Sheena. Gusto kong makita niya kung anong ginagawa natin ngayon, makaganti man lang sa ginawa niya sa'kin."Tumayo si Jared, lumapit saka inagaw ang cellphone na akma pang itatago ni Lian pero agad na niyang nakuha. Pagkatapos ay binura niya ang picture saka ibinalik sa kamay nito ang gamit.Ngunit si Lian ng mga sandaling iyon ay tumulala na sa mukha nito. Sa hindi malamang dahilan ay naging emosyonal siya. Namimiss niya ang dating Jared, iyong lalake na nangakong mamahalin siya at hinding-hindi sasaktan."Mahal mo pa ba ako?" wala sa sariling tanong niya.Kumunot-noo si Jared. "An
NABASTOS si Lian sa sinabi at sa ginawang paghalik kaya tinulak niya ito sa may dibdib. Saka binuksan ang pinto ng kotse upang makaalis nang hilahin siya sa braso."At sa'n ka pupunta?!" saad ni Jared habang idinidiin ang katawan nito sa upuan."A-Ano ba, nasasaktan ako!" singhal ni Lian."Sagutin mo muna ang tanong ko!""Saklolo, tulungan--" hindi na natapos ni Lian ang sasabihin nang mabilis nitong tinakpan ang kanyang bibig."Subukan mong sumigaw ulit at hindi lang 'to ang aabutin mo," babala ni Jared.Kaya hindi na nagpumiglas si Lian. "B-Bitawan mo muna ako."At iyon naman ang ginawa ni Jared. Pinakawalan niya ito saka bumalik sa puwesto, sa driver seat. "Uulitin ko, sa'n ka nila hinawakan o nagpagalaw ka?""Hindi nila ako hinawakan, okay?! Lalong-lalo na 'yang ibinibintang mo. Nag-usap lang kami para kahit papaano ay magawa ko pang maayos ang kompanya ni Dadddy.""Kaya nga, para maisalba ang palugi niyong negosyo ay gabi-gabi kang nagpapagala--" Sampal sa pisngi ang nagpatigil k
TINAWAGAN ni Katherine si Joan, ang nagbigay sa kanya ng chance na makapasok sa H'Ours, ang pangarap niyang trabaho."Hello, Miss Garcia," bungad ni Joan sa kabilang linya."Hello po, Ma'am.""Nabalitaan ko nga pala na naospital ka, kumusta ka naman ngayon?""Ayos na po ako," tugon ni Katherine na nakakunot-noo, iniisip kung sino kaya ang nagsabi na naospital siya? "Tumawag nga po pala ako para humingi ng paumanhin at hindi ko nagagampanan nang maayos ang trabaho ko. Ayos lang po sa'kin kung tatanggalin niyo na 'ko.""Matanong nga kita, Katherine... binasa mo ba ang rules at contract na pinadala namin sa'yo?""Ahm... hindi pa po lahat.""Kaya naman pala. Hindi namin nire-required ang mga empleyado na pumasok araw-araw. Pwede kayong mag-work-from-home kung diyan kayo komportable basta magsasabi lang kayo. Sa case mo ay na-inform mo naman kami rito.""Iyon na nga po, Ma'am. Pero up until now ay wala pa akong nagagawang trabaho, ni nasisimulan... kaya gusto ko po sanang mag-resign," pali
ILANG SANDALI lang matapos na umalis ni Cain ay dumating si attorney Domingo."Good day, nandito ako para kay Mr. Vergara."Bakas ang pagtataka sa mukha ni Joey at napalingon pa sa daan na tinahak ng Presidente. "Kaaalis lang niya, ang sabi ay may pupuntahan siya."Tiningnan naman ni Domingo ang cellphone at wala siyang nakitang reply mula sa mensahe na pinadala. "Wala ba siyang ibang binanggit kung kailan siya babalik at may importante akong papipirmahan sa kanya."Napakunot-noo si Joey saka napagtanto kung bakit tila nagmamadaling umalis si Cain.Umiiwas ito."Sa tingin ko'y nasa parking lot pa siya ngayon, hindi pa tuluyang nakakaalis. Pwede ko naman sabihan ang driver."Sa pagtango ni Domingo ay agad na tinawagan ni Joey ang driver."Ha? Pero ang sabi ni Sir ay umalis--" saad nito sa kabilang linya na agad naputol nang agawin ni Cain."Joey, anong ginagawa mo?!" bakas ang iritasyon sa boses ni Cain."Nandito si attorney Domingo, Sir, may importanteng papipirmahan sa inyo.""Alam k
WALANG ano-ano ay mabilis na tumakbo si Cain patungo sa rooftop. Humabol naman si Joey na makailang beses tinatawag ang pangalan ng amo upang patigilin."Sir, sandali lang! Huminahon po muna kayo!" sigaw ng assistant na hindi man lang magawang makalapit kay Cain dahil sa bilis nitong tumakbo.Sa hina ng resistensya ay nalagpasan pa siya ng ilang security staff sa paghabol.Ngunit sadyang mabilis si Cain. Walang sino man ang nakapigil sa kanya hanggang sa makarating sa rooftop.Malawak ang lugar at malakas ang simoy ng hangin. Ang ihip ay halos bumibingi sa kanya. Pero tuloy lang sa paglalakad si Cain hinahanap sa paligid ang asawa.Hanggang sa likod na bahagi mula sa kaliwa ng entrance ay nakita niya itong nakatayo. Ang mahaba nitong buhok ay nililipad ng hangin. Suot ni Katherine ang asul na hospital gown na bahagya ring nililipad ng hangin.At dahil nakatalikod ito ay malayang nakalapit nang dahan-dahan si Cain. Nang ilang hakbang na lamang ang layo ay nag-ingay naman ang ilang secu
HINAWAKAN ni Cain ang kamay ng Ina na nakaturo sa pinto. "Sa tingin ko'y kayo ang dapat na lumabas." Saka ito marahang hinila."Bitawan mo 'ko! At ako pa talaga ang paaalisin mo? Bastos kang bata ka!" hiyaw ni Helen.Tila naman walang narinig si Cain at inakay na ang Ina palabas ng kwarto kung saan ay naghihintay ang dalawa nitong bodyguard. "Pakihatid na pauwi si Mommy at tapos na siyang bumisita.""Anong sinasabi mo? Kadarating ko lang!" sa pagtaas ng boses ay biglang naubo si Helen."Kita niyo na?! Baka atakihin pa kayo ng asthma rito. Kaya ang mas mabuti pa'y umuwi na kayo at magpahinga," ani Cain na nakakita ng pagkakataon upang maitaboy ang Ina."Ayos lang ako, dahil sa'yo kaya ako nasi-stress," saad naman ni Helen pero hindi na rin nagmatigas pa at nag-aalala rin na baka ma-triggered ang sakit.Beso sa pisngi ang itinugon ni Cain bilang pamamaalam. "Ingat kayo sa pag-uwi."Inis pa rin si Helen kaya hinampas niya ito sa braso. "Kung kailan ka tumanda ay saka ka naman naging pasa
NANGINGINIG sa galit at hiya si Margaret. Hindi niya akalaing gagawin iyon ni Cain sa kanya.Para itong walang puso lalo na nang tingnan siya direkta sa mata habang papasara ang elevator.Paano pala kung may bala ang baril? Edi, bumulagta na siya sa harap ng mga taong naroon?Hiyang-hiya siya sa puntong gusto na lamang niyang magpalamon sa lupa dahil pinagmukha siyang katatawanan at tanga.Nang hawakan siya muli ng dalawang security staff ay hinablot naman niya ang kamay ni Joey. "T-Tulungan mo 'ko, please," naluluha niya pang saad.Ang isang gaya nito ay paniguradong maaawa. At alam niyang marupok ang mga lalake pagdating sa kanya tulad ng nangyari kay Ben. Hindi magtatagal ay makokontrol niya ito at mapapaikot.Ilang sandali pa ay lumapit si Joey at tinapik ang isang security staff. "Pwede na kayong bumalik sa trabaho niyo't ako nang bahala sa kanya."Hindi na rin kumontra ang mga ito at tahimik na umalis.Nang maiwan ang dalawa ay agad na sumandal si Margaret sa katawan nito. "M-Ma
MATAPOS iyong marinig ay bigla na lang kinabahan si Margaret. "P-Para kay Katherine, 'di ba? Kasi kailangan niyang magamot, tama?" aniyang naninigurado.Hindi pwedeng kaya nagpapahanap ito ng mental hospital ay para sa kanya. Hindi nito magagawa ang ganoong bagay.Isang matalim na tingin ang pinukol ni Cain. "Sa tingin ko'y ikaw ang mas higit na nangangailangan ng tulong at hindi ang asawa ko."Nahintakutan si Margaret at umiling-iling. "H-Hindi mo 'to magagawa sa'kin."In-denial ito sa nangyayari pero seryoso si Cain. Pinaghalong init dahil sa kaba at panlalamig ng katawan ang naramdaman ni Margaret ng mga sandaling iyon."Hindi ko alam kung magugustuhan ba ro'n ni Katherine kaya mas mabuting ipadala muna kita para may ideya naman siya kung anong magiging buhay ro'n," ani Cain.Tagaktak na ang pawis ni Margaret ng mga sandaling iyon. Parang gusto niyang maiyak, magmakaawa at kung ano-ano pa huwag lang nito ituloy ang binabalak. Ikababaliw niya talaga sa oras na mapunta sa ganoong kla
HABANG patungo si Lian sa kwarto ng kaibigan ay biglang humarang si Cain."Ano na naman? 'Wag mo sabihing pagsasabihan mo 'kong 'wag pagbabantaan ang babaeng 'yun?""Kung ano man ang nakita mo kanina, 'wag mo na lang sabihin kay Katherine at ayokong dagdagan ang sama ng loob niya."Nagtaas ng kilay si Lian. "Talaga? E, ba't mo ginawa? Kung ayaw mo naman palang sumama ang loob ng kaibigan ko dapat nagpaka-behave ka."Dumilim ang ekspersyon ni Cain. "Binabalaan kita, sa oras na may sabihin ka sa asawa ko'y hindi ako magdadalawang-isip na ipaalam 'to kay Jared."Si Lian naman ngayon ang hindi na maipinta ang ekspresyon. "Pinagbabantaan mo ba 'ko?""Hindi. Magiging banta lang 'yun kapag may sinabi ka.""Whatever. Magsalita man ako o hindi, wala pa ring magbabago. Paniguradong maghihiwalay kayo." Saka tuluyang umalis nang makitang papalapit si Margaret."Cain, ba't mo naman siya hinabol? Pina-delete mo ba ang record para sa'kin?" Alam niyang hindi siya pababayaan ni Cain. Kahit ano pang ka