ILANG MINUTO na silang tahimik sa loob ng sasakyan. Maya't maya ang pagsulyap ni Luke rito habang nagmamaneho.Hanggang sa nagkalakas loob na siyang magsalita, "May gusto ka bang daanan bago tayo umuwi? O, baka gusto mong kumain muna tayo bago kita ihatid sa apartment?""Sa ospital tayo," saad ni Katherine nang hindi lumilingon at nasa labas lang ng sasakyan ang tingin."Bakit, nasaktan ka ba kanina ni Cain? Patingin nga," ani Luke saka dahan-dahang itinatabi ang kotse para matingnan ito."Hindi, ayos lang ako. Ikaw ang dapat matingnan dahil nasuntok ka niya kanina," ani Katherine na iniiwasang banggitin ang pangalan ng dating asawa.Napangiti naman si Luke ng siya pala ang inaalala nito. "Ayos lang naman ako. Galos lang naman ang natamo ko. Ilang araw lang din at mawawala na 'tong nasa mukha ko.""Kahit na, nasaktan ka pa rin ng dahil sa'kin," walang kabuhay-buhay na saad ni Katherine.Ang ngiti sa labi ni Luke ay unti-unting naglaho nang mahimigan ang kawalang sigla sa boses nito. "
INALALAYAN ni Katherine ang kaibigan na umupo sa sofa. "Sandali lang at maghahanap ako ng gamot." Akmang aalis nang hawakan nito sa kamay. Lumingon siya at tumingin kay Luke, medyo nagtataka. "Bakit?"Nakatitig si Luke at hindi mapigilan ang sariling mabighani sa ganda nito. Lumunok siya at sinabi, "Pakikuha na rin ako ng tubig na maiinom." Dahil ang bilis ng pintig ng kanyang puso.Tumango si Katherine, pagkatapos maghanap ng gamot para sa sakit sa tiyan ay kumuha rin siya ng maligamgam na tubig para sa kaibigan. Kumuha rin siya ng kumot para makahiga ito sa sofa at makapagpahinga.Pagkatapos ay inabala naman ang sarili sa trabaho. Kailangan niyang gumawa ng teaching plan at mag-uumpisa na siya sa Lunes.Mga dalawampung minuto ang lumipas nang tumayo si Luke at nagpaalam ng aalis. Sinamahan naman ito ni Katherine palabas. Pagkatapos ay pinanood itong magmaneho palayo bago bumalik sa apartment upang balikan ang ginagawa.Habang nagmamaneho naman si Luke ay napansin niya ang isang it
MABILIS ang lakad ni Cain pabalik sa sariling opisina, na umiigting ang panga at mariing nakakuyom ang kamay. Mukha man natural ang ekspresyon ngunit sa loob-loob ay gusto na niyang magwala. Pabagsak pa nga niyang binuksan at sara ang pinto. Pagkatapos ay walang ingat na naupo sa swivel chair sabay dukot sa bulsa at hagis ng ring box sa office table dahil sa iritasyong nararamdaman. Nagagalit siya ngayon dahil sa nobya-- dating nobya matapos nitong iwan siya at makipaghiwalay sa text. Plano pa man din niyang mag-propose ngayon pero ito, halata namang hindi na matutuloy. Problema niya ngayon ang Abuelo na inaapura na siyang magpakasal bago man lamang ito mawala sa mundo. Kapag hindi niya naibigay ang hiling nito ay paniguradong matatanggalan siya ng mana at babawiin sa kanya ang posisyon sa kompanya. "Hindi pwede 'to," aniya saka tinawagan si Margaret. "Sagutin mo, ano ba!" May kumatok sa pinto sabay bukas. Papasok sana ang sekretarya'ng si Katherine nang sigawan ni Cain, "Labas!
MAHINANG pisil sa balikat ang nagpabalik kay Katherine sa kamalayan. Matapos ay nilingon ang katabing si Cain."Kanina ka pa tulala," anito.Bago pa makapagsalita ay agad na siyang hinalikan sa labi sabay bangon nito sa kama at nagtungo sa banyo na hubo't hubad.Sinundan lang ito ng tingin ni Katherine saka muling sumagi sa isip ang sinabi sa kanya ng doctor kahapon matapos magtungo sa ospital."Congratulations, Ms. Garcia... you're pregnant."Maganda mang balita at tunay na masaya si Katherine sa pagbubuntis ay hindi niya maiwasang mabahala.Sa loob ng dalawang taon. Simula ng magpresenta siyang contractual wife ni Cain ay hindi sila nagmintis na maging maingat at laging gumagamit ng proteksyon.Isang beses lang hindi gumamit si Cain at noong nakaraang buwan iyon matapos dumalo sa isang selebrasyon na may kinalaman sa kompanya.Hindi niya akalaing ang isang gabing iyon ay agad na magbubunga. Ngayon ay pinag-iisipan ni Katherine kung sasabihin niya ba sa asawa o hindi ang pagdadalang-
ASIWA ang ngiti ni Katherine ng mga sandaling iyon. "H-Hello po, Mr. Dominguez," bati pa niya. Nanliit naman ang tingin ni Levi sa sekretarya at asawa ng kaibigan. Halata niyang may narinig ito sa pinag-uusapan nilang dalawa ni Cain. "Kanina ka pa ba rito?" aniyang naniniguro. Umiling si Katherine. "N-Ngayon lang, ibibigay ko sana 'tong dokumento kay Mr. President." Bago pa magisa ng tanong ay nilampasan na niya ito para harapin si Cain. "Good morning, Mr. President. May kailangan po kayong pirmahan," aniya. Nag-angat naman ng tingin si Cain. Narinig niya ang pinag-usapan nito at ni Levi sa may pinto pero wala siyang balak magtanong. Kung alam na ni Katherine ang article ay wala na siyang magagawa pa roon. Wala rin siyang balak magpaliwanag pero hindi niya nais na magtampo ito. Dahil kahit contractual ang kasal nila ay asawa niya pa rin ito. "Nakatulog ka ba nang maayos kagabi?" Tumango lang si Katherine. "N-Nasa trabaho tayo ngayon," paalala niya. Sekreto at ilang piling tao la
MAYA'T MAYA ang tingin ni Katherine sa oras ng suot na relos. Kanina niya pa hinihintay na matapos si Cain sa pakikipag-usap sa isang excutive ng kompanya.Ngayon ang napag-usapang araw na dadalawin nila ang kanyang Lola sa ospital matapos itong magka-inflammation sa pancreas. Inaalala niyang baka matapos ang visiting hour. Kaya napagpasiyahan niyang i-text si Cain na mauuna na siya sa kotse at bilisan nito ang pakikipag-usap.Ngunit habang naghihintay ay hindi ang asawa niya ang dumating kundi si Joey. "Pinapasabi ni Mr. President na sasamahan ko na lamang kayo sa ospital.""Hindi pa ba siya tapos makipag-usap?"Umiling lang ito bilang sagot kaya walang nagawa si Katherine kung hindi umalis na hindi ito kasama.Pagdating sa ospital ay bakas ang saya sa mukha ni Lucinda nang makita ang apo. "Mabuti at napadalaw ka, Katherine.""Kamusta po kayo rito, 'La?" aniya sabay yakap sa matanda."Mabuti naman, pakiramdam ko'y pwede na 'kong bumalik sa probinsiya, apo.""Hindi pa po pwede, 'La. H
BAGO pa tuluyang lumalim ang ginagawa ay agad na silang nagambala ng pagtunog ng cellphone ni Cain.Sa isang iglap ay bigla itong bumangon at sinagot ang tawag. Ang exposed na katawan ni Katherine ay agad niyang binalutan ng kumot.Ilang sandali pa matapos ang tawag ay humarap si Cain. "May pupuntahan lang ako, matulog ka na.""Saan?"Hindi sinagot ni Cain at basta na lamang nagpalit ng damit. Sa hindi nito pagsagot ay nakumpirma ni Katherine na si Margaret na naman ang dahilan ng pag-alis.Ang dalaga na naman ang pinipili nito... At heto siya, parang tangang umaasa na mapapahalagahan din, kahit hindi naman talaga.Pagkaalis ni Cain ay saka lang hinayaan ni Katherine na bumuhos ang kanina pa pinipigilang luha. Bumangon siya sa kama at nagbihis. Nandidiri at hiyang-hiya para sa sarili. Para siyang isang mababang uri ng babae na pagkatapos magamit ay basta na lamang iiwan para sa babaeng tunay nitong minamahal. Matapos ay kinuha niya ang sonogram sa drawer at pinagpupupunit. Nagpasiyang
BAGO pa makapagsalita si Katherine ay naunahan na siya ni Sam, "Hindi ko rin alam kung anong nanyari sa kanya, Lian. Bigla na lang niya 'kong sinigawan nang kausapin ko siya.""Sinungaling!" ani Katherine saka binalingan ang kaibigan. "Narinig ko siyang may masamang balak sa'yo ngayong gabi.""Pwede ba, 'wag mo 'kong pagmukhaing masama sa harap ng girlfriend ko. Dahil lang sa hindi ko binigay ang number ko sa'yo kaya ka nagi-imbento ng kuwento?"Nagtaas-baba ang dibdib ni Katherine sa labis na emosyong nararamdaman. Nanginginig siya sa galit dahil sa pinagsasasabi ni Sam.Si Lian na naguguluhan ay nagpalipat-lipat ng tingin sa dalawa. "Sam... linawin mo nga'ng sinasabi mo. Ba't gustong hingin ni Katherine ang number mo?"Napangisi si Sam habang may kakaibang tinging ipinupukol kay Katherine. "Hindi ko rin alam. Palabas na nga sana ako sa restroom ng bigla siyang sumulpot at balak hawakan ang katawan ko. Type niya yata ako, e."Hindi makapaniwala si Katherine. Nanginginig ang nakakuyom
INALALAYAN ni Katherine ang kaibigan na umupo sa sofa. "Sandali lang at maghahanap ako ng gamot." Akmang aalis nang hawakan nito sa kamay. Lumingon siya at tumingin kay Luke, medyo nagtataka. "Bakit?"Nakatitig si Luke at hindi mapigilan ang sariling mabighani sa ganda nito. Lumunok siya at sinabi, "Pakikuha na rin ako ng tubig na maiinom." Dahil ang bilis ng pintig ng kanyang puso.Tumango si Katherine, pagkatapos maghanap ng gamot para sa sakit sa tiyan ay kumuha rin siya ng maligamgam na tubig para sa kaibigan. Kumuha rin siya ng kumot para makahiga ito sa sofa at makapagpahinga.Pagkatapos ay inabala naman ang sarili sa trabaho. Kailangan niyang gumawa ng teaching plan at mag-uumpisa na siya sa Lunes.Mga dalawampung minuto ang lumipas nang tumayo si Luke at nagpaalam ng aalis. Sinamahan naman ito ni Katherine palabas. Pagkatapos ay pinanood itong magmaneho palayo bago bumalik sa apartment upang balikan ang ginagawa.Habang nagmamaneho naman si Luke ay napansin niya ang isang it
ILANG MINUTO na silang tahimik sa loob ng sasakyan. Maya't maya ang pagsulyap ni Luke rito habang nagmamaneho.Hanggang sa nagkalakas loob na siyang magsalita, "May gusto ka bang daanan bago tayo umuwi? O, baka gusto mong kumain muna tayo bago kita ihatid sa apartment?""Sa ospital tayo," saad ni Katherine nang hindi lumilingon at nasa labas lang ng sasakyan ang tingin."Bakit, nasaktan ka ba kanina ni Cain? Patingin nga," ani Luke saka dahan-dahang itinatabi ang kotse para matingnan ito."Hindi, ayos lang ako. Ikaw ang dapat matingnan dahil nasuntok ka niya kanina," ani Katherine na iniiwasang banggitin ang pangalan ng dating asawa.Napangiti naman si Luke ng siya pala ang inaalala nito. "Ayos lang naman ako. Galos lang naman ang natamo ko. Ilang araw lang din at mawawala na 'tong nasa mukha ko.""Kahit na, nasaktan ka pa rin ng dahil sa'kin," walang kabuhay-buhay na saad ni Katherine.Ang ngiti sa labi ni Luke ay unti-unting naglaho nang mahimigan ang kawalang sigla sa boses nito. "
SA ISANG IGLAP ay biglang tinulak ni Cain ang assistant at sinugod si Luke.Nawalang bigla ang rason niya upang makapag-isip nang mabuti matapos marinig ang sinabi nito. Hindi siya makakapayag na mapunta sa iba si Katherine. Sa kanya lang ang asawa niya.Isang suntok ang dumapo sa mukha ni Luke at gumanti rin naman agad ito."Tama na!" sigaw ni Katherine na akmang gigitna sa dalawa pero mabilis na siyang hinila ni Joey upang hindi mataman ng suntok. "Please, tumigil na kayong dalawa!"Dahil sa ingay at gulo ay nabulabog ang mga kapitbahay at nagsilabasan sa kanya-kanyang tahanan.Nang makitang may nag-aaway ay agad na umawat ang mga kalalakihan."Tumawag kayo ng tanod, dali!" sigaw pa ng isang babae.Saka lang napaglayo sa isa't isa sina Luke at Cain."Katherine, kilala mo ba 'tong dalawang 'to?" tanong ng isang matandang lalake."Pasensya na po sa gulo," iyon na lamang ang nasabi niya saka tiningnan ang dalawa. "Tama na ang away, please.""Ayos lang ako, hindi niyo na ako kailangan p
HANGGANG ang nanginginig na katawan ni Cain maging ang halik ay unti-unting huminahon. Naging banayad na nagdudulot kay Katherine ng kakaibang pakiramdam.Ibang-iba sa tumatakbong ideya sa kanyang isip. Hinahalikan niya pa lang ang dating asawa ay marami na siyang gustong gawin. Gusto niya itong buhatin at ihiga sa kama. Angkinin ang labi nito at katawan.Ang dami-daming gustong gawin ni Cain na hindi niya malaman kung alin sa mga ito ang uumpisahan.Para siyang mababaliw sa pagkasabik kay Katherine ngunit hindi naman niya gustong umaktong hayok na hayok sa laman.Nilasap at kulang na lamang ay lamutakin niya ang leeg ng dating asawa. Namiss niya ang amoy nito, na kahit halata namang galing sa arawan at pinagpawisan ay mabango pa rin para sa kanya."C-Cain..." sambit ni Katherine nang umabot na sa kanyang dibdib ang halik nito. Kapag hinayaan niya itong magpatuloy ay paniguradong pagsisisihan niya ang mangyayari.Umungot si Cain, halatang nainis sa pagpupumiglas nito. "Kahit ngayon la
NGUNIT ilang sandali lang iyon dahil muling nag-ingay at kung ano-anong masasakit na salita ang sinabi ng mas matandang babae, "Hindi mo 'ko madadaan sa paiyak-iyak mo! Lumang tugtugin na 'yan! Iharap mo sa'kin ang Tiyuhin mo saka ako maniniwala!""Excuse lang po, hindi namin alam kung nasa'n si Dado," ani Tess. "Matagal na 'yung hindi bumabalik dito at nagtatago."Pero mas lalong nagalit ang matanda. "Wala akong pakialam! Buti na lang talaga at nasa ilalim na ng lupa ang Lola mo dahil kung hindi ay siya ang susugurin ko!"Nabigla si Katherine sa narinig. Hindi niya akalaing napakasama pala nito. Hanggang sa mapansin niya ang mantsa ng pintura sa damit nito.Natigilan siya at nagtaka saka may napagtanto... agad nanginig ang katawan niya sa galit at nagtanong, "Pinakialaman mo ba ang libingan ng Lola ko?!"Hindi naman mababakasan ng kahit anong pagsisisi sa mga mata ang matanda at taas noo na sinabi ang, "Ano naman ngayon? Naagrabyado ako kaya karapatan kong gumanti. Kaya kung ayaw mon
NAGSUKATAN ng tingin ang dalawa pero ni isang salita ay walang nakuhang sagot si Cain."Hindi pa ba kayo aalis? Baka mahuli kayo sa pupuntahan niyo?" ani Katherine.Napatingin naman si Joey sa amo, hinihintay ang desisyon nito. "Sir?""Tara na."Sa hudyat ni Cain ay muling nagmaneho si Joey palayo. Pagkaliko sa isang gusali ay biglag pinahinto ni Cain ang sasakyan, "Iparada mo muna sa tabi.""Bakit po, Sir?"Hindi nagsalita si Cain pero lumabas sa kotse. "Maghintay ka lang dito." Saka naglakad pabalik sa pinanggalingan. Gusto niyang makita kung sino ang tinutukoy ni Katherine na susundo rito.Ilang sandali pa ay napansin niya ang paghinto ng isang pamilyar na sasakyan sa harap ni Katherine. Napatiim-bagang si Cain matapos makita ang plaka."Kahihiwalay pa lang natin pero may kinakatagpo ka na agad?" anas niya.Mas lalo siyang nanggalaiti nang sumakay ang nakangiting si Katherine sa passenger seat.Saka siya bumalik sa kotse bago pa siya madaanan ng mga ito. Ngunit kahit nakapagtago na
SINASADYA niyang i-provoke si Jared para magalit nang husto. Mas gusto niyang kamuhian siya nito, tratuhin nang gaya lang din ng pagtrato nito sa kanya noong umuwi ito nang bansa.Hindi niya gustong bumalik ang dating Jared na minahal niya nang husto. Kapag patuloy itong magiging mabait sa kanya ay baka umasa lang siya at masaktan bandang huli."I-delete mo 'yan ngayon din.""Ayoko nga, ise-send ko 'to kay Sheena. Gusto kong makita niya kung anong ginagawa natin ngayon, makaganti man lang sa ginawa niya sa'kin."Tumayo si Jared, lumapit saka inagaw ang cellphone na akma pang itatago ni Lian pero agad na niyang nakuha. Pagkatapos ay binura niya ang picture saka ibinalik sa kamay nito ang gamit.Ngunit si Lian ng mga sandaling iyon ay tumulala na sa mukha nito. Sa hindi malamang dahilan ay naging emosyonal siya. Namimiss niya ang dating Jared, iyong lalake na nangakong mamahalin siya at hinding-hindi sasaktan."Mahal mo pa ba ako?" wala sa sariling tanong niya.Kumunot-noo si Jared. "An
NABASTOS si Lian sa sinabi at sa ginawang paghalik kaya tinulak niya ito sa may dibdib. Saka binuksan ang pinto ng kotse upang makaalis nang hilahin siya sa braso."At sa'n ka pupunta?!" saad ni Jared habang idinidiin ang katawan nito sa upuan."A-Ano ba, nasasaktan ako!" singhal ni Lian."Sagutin mo muna ang tanong ko!""Saklolo, tulungan--" hindi na natapos ni Lian ang sasabihin nang mabilis nitong tinakpan ang kanyang bibig."Subukan mong sumigaw ulit at hindi lang 'to ang aabutin mo," babala ni Jared.Kaya hindi na nagpumiglas si Lian. "B-Bitawan mo muna ako."At iyon naman ang ginawa ni Jared. Pinakawalan niya ito saka bumalik sa puwesto, sa driver seat. "Uulitin ko, sa'n ka nila hinawakan o nagpagalaw ka?""Hindi nila ako hinawakan, okay?! Lalong-lalo na 'yang ibinibintang mo. Nag-usap lang kami para kahit papaano ay magawa ko pang maayos ang kompanya ni Dadddy.""Kaya nga, para maisalba ang palugi niyong negosyo ay gabi-gabi kang nagpapagala--" Sampal sa pisngi ang nagpatigil k
TINAWAGAN ni Katherine si Joan, ang nagbigay sa kanya ng chance na makapasok sa H'Ours, ang pangarap niyang trabaho."Hello, Miss Garcia," bungad ni Joan sa kabilang linya."Hello po, Ma'am.""Nabalitaan ko nga pala na naospital ka, kumusta ka naman ngayon?""Ayos na po ako," tugon ni Katherine na nakakunot-noo, iniisip kung sino kaya ang nagsabi na naospital siya? "Tumawag nga po pala ako para humingi ng paumanhin at hindi ko nagagampanan nang maayos ang trabaho ko. Ayos lang po sa'kin kung tatanggalin niyo na 'ko.""Matanong nga kita, Katherine... binasa mo ba ang rules at contract na pinadala namin sa'yo?""Ahm... hindi pa po lahat.""Kaya naman pala. Hindi namin nire-required ang mga empleyado na pumasok araw-araw. Pwede kayong mag-work-from-home kung diyan kayo komportable basta magsasabi lang kayo. Sa case mo ay na-inform mo naman kami rito.""Iyon na nga po, Ma'am. Pero up until now ay wala pa akong nagagawang trabaho, ni nasisimulan... kaya gusto ko po sanang mag-resign," pali