Minabuting ipinaliwanag ni Aleisha ang lahat kay Don Raul ang tungkol kay Raphael nang sa gayon ay hindi na ito mag-alala pa at kumalma ang kalooban nito. "Lolo, nasa mabuti na pong kalagayan si Raphael. Alam ko po ang kondisyon ng sugat niya dahil ako po ang doktor niya at ako mismo ang nag-opera s
Nanlalaki naman ang mga mata ni Aleisha habang nagpalipat-lipat ang tingin kay Raphael at sa kamay nito. Umiling-iling siya at iwinagayway pa ang kamay niya bilang pagtanggi sa gustong mangyari ni Raphael. Sino siya para sumuka sa kamay nito? "Bilis na!" pagpupumilit pa rin ni Raphael. At dahil hi
"Anong klaseng tao ba ang tatay ng batang dinadala mo?" walang ano-ano ay biglang natanong ni Raphael. Natigilan naman si Aleisha. Naisip niyang baka nagsisimula na naman sa pang-aaway si Raphael at kung ano-ano na naman ang sabihin nito sa kanya. Isa pa ay natataranta rin siya sa kung anong dapat
"Masaya naman talaga sa pakiramdam kapag may taong nagkakagusto sa iyo," dagdag na saad ni Aleisha. "Pero, Vincent. huwag mong sayangin ang oras mo sa akin." Marahil ay walang preno ang pagkakasabi ni Aleisha pero mas mabuti na iyong ganoon. Isa pa ay nagpakita pa rin naman siya ng kabutihan sa pam
Dalawang araw nang nasa Dela Merced Hotel si Aleisha. Rito kasi ginanap ang isang surgical seminar at ang kanyang gurong si Doctor Rivera ang siyang pangunahing tagapagsalita sa nasabing event. Bilang estudyante ni Doctor Rivera ay narito siya para maging assistant nito. Ngayon ang huling araw para
Umupo naman si Daniel sa sofa na nasa sala ng kanilang bahay. Dinukot ang telepono na nasa bulsa ng kanyang pantalon. Tumambad kaagad sa kanyang mga mata ang litratong in-upload ni Aleisha sa isang social media na tinatawag na FriendyApp. Noong unang beses niyang in-add si Aleisha sa FriendyApp ay
Hindi nagtagal ay nakahanda na ang mga in-order nilang pagkain sa hapag-kainan. Habang si Aleisha ay hawak na ang tinidor at kutsara at takam na takam sa paghihintay sa special lomi na in-order niya. Nakatuon ang mga mata ni Aleisha sa isang katamtamang laki ng mangkok na nilapag ng waiter. Medyo m
Umiling-iling si Aleisha habang nakatingin pa rin kay Sophia. "Alam kong sinadya mo iyon!" Hindi na makapagsalita pa si Sophia dahil una at higit sa lahat ay ayaw niyang malaman ni Raphael ang tunay na ugaling mayroon siya. Kanina niya pa kagat-kagat ang kanyang ibabang labi para mapigilan ang sar
"Raphael..." "B-Bakit?" mabilis na sagot ni Raphael na may halong pagkataranta pa sa boses niya. Para bang naghihintay lang siya na magsalita si Aleisha. "Pwede na ba natin ipawalang-bisa ang kasal natin?" mahina pero seryosong tanong ni Aleisha . Bigla niya na lang naramdaman ang matinding pagod
Napahimbing ang tulog ni Aleisha kaya naman ay nanaginip siya nang matagal. O mas tamang sabihin na isa iyong panaginip pagkatapos ay nasundan pa ng isa pa hanggang sa naging bangungot iyon. Parang pinipigilan siyang huminga. "Ah!" Nagising si Aleisha habang napasigaw. Pawis na pawis ang kanyang ul
"Ah!" Biglang napahawak si Aleisha sa ibabang bahagi ng kanyang tiyan. Namumutla na ang kanyang mukha at namumuo na rin ang mga butil-butil ng pawis mula sa kanyang noo at sentido. "Aleisha!" Nagulat at nataranta na si Raphael dahil sa nakikitang kalagayan ni Aleisha. Kaagad niya itong binuhat. "P
Natigilan saglit si Daniel nang mabasa ang pangalan ni Daniel at nanlaki ang kanyang mga mata. Naniningkit ang mga matang nakatingin sa mga sulat. Dahil sa bugso ng damdamin ay binuksan niya pa lalo ang bag at hinalungkat iyon. Nang maisa-isa iyon lahat ay puro pangalan ni Daniel at Aleisha ang nab
Pumasok ang mga gwardiya at kaagad na pinalibutan si Aleisha. Dalawa sa kanila ang lumapit sa kanya at para bang handang makipaglaban. "Huwag ninyo akong hahawakan!" Pinatigil sila ni Aleisha at sinusuportahan ang kanyang brasong duguan habang dahan-dahang tumayo nang nanginginig. "Huwag mong subu
"Bitiwan mo sabi ako!" Sa wakas ay nakawala si Sophia mula sa pagkakahawak ni Aleisha sa kanya. Bigla siyang tumayo na para bang walang nangyaro at dinuro ito nang may pang-uuyam. "Syempre alam ko kung gaano kahalaga sa iyo ang letter of notice na iyon! At dahil alam ko kaya ko iyon pinunit!" "Ano!
"Anong nangyayari?" Dumadagundong na boses ni Arnold ang pumuno sa kabuuan ng kwarto ni Sophia. Nakita niya ang kalat sa loob ng kwarto ni Sophia at kaagad namang umiyak ito. "Papa!" sigaw ni Sophia. "Tingnan mo kung anong ginawa ng magaling mong anak! Tumawag ka ng pulis, papa!" Sa pagkakataon iy
Kulang na lang ay umusok ang tainga ni Michelle dahil sa galit na nararamdaman para kay Sophia. "Sumusobra na ang babaeng iyon, Aleisha!" Sa pagkakataong iyon ay hindi pa rin makapaniwala si Aleisha sa nangyari. Hindi niya sukat akalain na aabot sa ganoon ang kasamaan ni Sophia. Inakala niya talag
Naguguluhan namang napatingin sa isa't isa sina Jacob at Jerome. Hindi sila makapaniwala na umalis nang ganoon na lang si Raphael. Hindi man lang hinintay ang pagdating ni Aleisha para ipanglandakan dito ang ginawa niyang pagligtas sa kapatid nito. Peor bago pa man tuluyang makalayo si Raphael ay n