Pakiramdam ni Aleisha ay binuhusan siya nang malamig na tubig sa mukha. Nakaramdam siya ng hiya dahil sa mga sinabi ni Raphael. Tahimik lang siyang nakatingin kay Raphael. Mukhang natauhan naman si Raphael dahil sa nakitang reaksyon sa mukha ni Aleisha. Parang gusto niya tuloy sampalin ang sarili d
Minabuting ipinaliwanag ni Aleisha ang lahat kay Don Raul ang tungkol kay Raphael nang sa gayon ay hindi na ito mag-alala pa at kumalma ang kalooban nito. "Lolo, nasa mabuti na pong kalagayan si Raphael. Alam ko po ang kondisyon ng sugat niya dahil ako po ang doktor niya at ako mismo ang nag-opera s
Nanlalaki naman ang mga mata ni Aleisha habang nagpalipat-lipat ang tingin kay Raphael at sa kamay nito. Umiling-iling siya at iwinagayway pa ang kamay niya bilang pagtanggi sa gustong mangyari ni Raphael. Sino siya para sumuka sa kamay nito? "Bilis na!" pagpupumilit pa rin ni Raphael. At dahil hi
"Anong klaseng tao ba ang tatay ng batang dinadala mo?" walang ano-ano ay biglang natanong ni Raphael. Natigilan naman si Aleisha. Naisip niyang baka nagsisimula na naman sa pang-aaway si Raphael at kung ano-ano na naman ang sabihin nito sa kanya. Isa pa ay natataranta rin siya sa kung anong dapat
"Masaya naman talaga sa pakiramdam kapag may taong nagkakagusto sa iyo," dagdag na saad ni Aleisha. "Pero, Vincent. huwag mong sayangin ang oras mo sa akin." Marahil ay walang preno ang pagkakasabi ni Aleisha pero mas mabuti na iyong ganoon. Isa pa ay nagpakita pa rin naman siya ng kabutihan sa pam
Dalawang araw nang nasa Dela Merced Hotel si Aleisha. Rito kasi ginanap ang isang surgical seminar at ang kanyang gurong si Doctor Rivera ang siyang pangunahing tagapagsalita sa nasabing event. Bilang estudyante ni Doctor Rivera ay narito siya para maging assistant nito. Ngayon ang huling araw para
Umupo naman si Daniel sa sofa na nasa sala ng kanilang bahay. Dinukot ang telepono na nasa bulsa ng kanyang pantalon. Tumambad kaagad sa kanyang mga mata ang litratong in-upload ni Aleisha sa isang social media na tinatawag na FriendyApp. Noong unang beses niyang in-add si Aleisha sa FriendyApp ay
Hindi nagtagal ay nakahanda na ang mga in-order nilang pagkain sa hapag-kainan. Habang si Aleisha ay hawak na ang tinidor at kutsara at takam na takam sa paghihintay sa special lomi na in-order niya. Nakatuon ang mga mata ni Aleisha sa isang katamtamang laki ng mangkok na nilapag ng waiter. Medyo m
Naisip pa ni Raphael na dahil lamang sa nanay ni Daniel kaya sila naghiwalay ni Aleisha. Marahil ay nagdadalawang-isip pa siya noon na makipaghiwalay kay Daniel. Ganoon din noong inutos niya na ipalaglag ang bata. Kaya marahil ay hindi ito pumayag na ipalaglag ang batang nasa sinapupunan nito dahil
Walang pag-alinlangang nilingon ni Raphael ang kinaroroonan ni Aleisha. At tama nga si Apollo, umiiyak ito! Kaagad ni nilingon ni Raphael si Jacob na nasa tabi lang. "Puntahan mo at alamin kung anong nangyari." "Opo, sir!" Kaagad na tumalima si Jacob. "Nakakabwisit!" inis na saad ni Raphael sa ka
Matapos niyon ay kaagad nang tinalikuran ni Aleisha si Raphael. Pagkatalikod niya ay kaagad na pumatak ang isang butil ng luha sa kanyang mata— kanina pa siya nagpipigil pero hindi niya na kinaya. Nalawayan na ng iba? Paano niya ba nakalimutan na marumi pala ang tingin ni Raphael sa kanya! Mabut
Sa mga sandaling hawak ni Aleisha ang kamay ni Raphael, napansin niyang kumikislap ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Pero iwinaksi niya iyon sa kanyang isipan at umiwas ng tingin— maaaring nag-iilusyon lang siya o baka naman ay guni-guni niya lamang iyon. Ganoon pa man, kung mayroon ng
Ilang sandali pa ay tumatawag na si Joaquin. Kaagad naman niya iyong sinagot. "Na-check ko na po, Sir Raphael," bungad na saad ni Joaquin. "Dalawang kwarto po ang kinuha ni Daniel Montenegro. Ang isa ay para kay Miss Aleisha at ang isa naman ay para sa kanya at sa kapatid ni Miss Aleisha." "Sige,"
Hindi katulad nila Aleisha ay maagang nakadating sa La Esperanza Resort sina Raphael at Marco. Samantalang papunta pa lang sina Apollo at RJ. Napansin ni Marco na walang kurap-kurap na nakatingin si Raphael kay Aleisha. Kaya naman ay pilyo siyang napangisi. "Akala ko talaga ay pumunta tayo rito par
Makalipas ang ilang araw ay pumunta sa Arizcon Corporation si Daniel. Naipasa nang maayos ng Montenegro Technologies ang mga hinihinging requirements ng ArCo ayon na rin sa prosesong ginawa nila. Ngayon ay narito siya para personal na makausap si Raphael. Hinatid siya ng isa sa mga sekretarya ni Ra
"Tang ina!" Napatayo naman sa pagkabigla si RJ. "Anong buhay pag-ibig? Nakakasuka namang salita iyan! Mga kalaro ko lang silang lahat!" Sabay pang napairap sina Apollo at Marco sa tinurang iyon ni RJ. Habang sinamaan naman siya ng tingin ni Raphael. Napakamot naman kaagad sa ulo niya si RJ. "W-Wal
Sa kabilang banda ay nabigla naman si Raphael sa naging tanong ni Aleisha. Naisip niya ay baka magalit ito dahil sa ginawa niyang iyon. Pero hindi niya iyon pinahalata at malamig itong tinitigan. "Oo, ako nga. Bakit? May problema ba?" "Kung ganoon..." seryosong saad ni Aleisha na mas lalo pang nagp