"Nakailang salita lang ako. Pero ikaw, ang dami mong sinabi," malamig na sabi ni Raphael. Pero ang totoo niyan ay kinakabahan lang siya na baka tanggihan na naman siya ni Aleisha. "Sabihin mo nga sa akin. Gusto mo bang kumain o hindi?" "Syempre naman, oo! Sino bang ayaw kumain?" kaswal na sabi ni A
Bago pa man may masabi si Raphael ay napansin na ni Sophia ang hapag-kainan. May nakahandang dalawang set ng plato roon. "May iba ka bang kasama rito?" Hindi naman pwedeng sabihin ni Raphael na para kay Sophia iyon dahil hindi naman ito nagsabing pupunta siya rito. Sa hindi malamang dahilan ay naka
Ginalaw-galaw ni Aleisha ang kanyang kamay para bigyan ng hudyat si Raphael na bitiwan na siya nito. "Pwede na ba akong umalis?" "Saan ka pupunta?" balik na tanong ni Raphael na halatang galit pa rin base sa kanyang pananalita. Hindi pa rin binibitiwan ni Raphael si Aleisha kaya naman ay ito na na
Pakiramdam ni Aleisha ay binuhusan siya nang malamig na tubig sa mukha. Nakaramdam siya ng hiya dahil sa mga sinabi ni Raphael. Tahimik lang siyang nakatingin kay Raphael. Mukhang natauhan naman si Raphael dahil sa nakitang reaksyon sa mukha ni Aleisha. Parang gusto niya tuloy sampalin ang sarili d
Minabuting ipinaliwanag ni Aleisha ang lahat kay Don Raul ang tungkol kay Raphael nang sa gayon ay hindi na ito mag-alala pa at kumalma ang kalooban nito. "Lolo, nasa mabuti na pong kalagayan si Raphael. Alam ko po ang kondisyon ng sugat niya dahil ako po ang doktor niya at ako mismo ang nag-opera s
Nanlalaki naman ang mga mata ni Aleisha habang nagpalipat-lipat ang tingin kay Raphael at sa kamay nito. Umiling-iling siya at iwinagayway pa ang kamay niya bilang pagtanggi sa gustong mangyari ni Raphael. Sino siya para sumuka sa kamay nito? "Bilis na!" pagpupumilit pa rin ni Raphael. At dahil hi
"Anong klaseng tao ba ang tatay ng batang dinadala mo?" walang ano-ano ay biglang natanong ni Raphael. Natigilan naman si Aleisha. Naisip niyang baka nagsisimula na naman sa pang-aaway si Raphael at kung ano-ano na naman ang sabihin nito sa kanya. Isa pa ay natataranta rin siya sa kung anong dapat
"Masaya naman talaga sa pakiramdam kapag may taong nagkakagusto sa iyo," dagdag na saad ni Aleisha. "Pero, Vincent. huwag mong sayangin ang oras mo sa akin." Marahil ay walang preno ang pagkakasabi ni Aleisha pero mas mabuti na iyong ganoon. Isa pa ay nagpakita pa rin naman siya ng kabutihan sa pam
Naikuyom ni Raphael ang mga palad. Talaga bang hindi mapili si Aleisha? Ganoong klaseng babae ba siya? Ang Romulo Sandoval na iyon ay kasing edad lang ng tatay niya! Habang lalo siyang nagagalit ay lalong nagiging kalmado ang hitsura niya. Pagak siyang napatawa at mahinahong nagsalita. "Magmaneho k
Sinubukan ni Raphael na makipag-usap nang maayos kay Sophia, ngunit hindi ito nakikinig at pinipilit pa rin ang sarili nito sa kanya. Wala nang nagawa si Raphael kung hindi ang gumamit ng lakas. Bigla siyang tumayo kahit nanghihina ang kanyang mga tuhod at itinaas ang kanyang mga braso kaya naman ay
"O-Oo..." Wala sa sariling tumango si Raphael habang niluluwagan pa ang kanyang suot na polo. "Kung ganoon ay alisin mo na lang ang coat mo," malumanay na saad naman ni Sophia. Tumayo siya at lumapit kay Raphael saka inilagay ang mga kamay sa kwelyo nito— handa nang hubarin iyon. Ngunit biglang hi
Maagang dumating si Raphael sa opisina nang makatanggap siya ng tawag mula kay Sophia. "Raphael..." Mahinahon ang boses ni Sophia na aakalain mong hindi makabasag pinggan. "Gusto kang imbitahin ng mama ko sa bahay para maghapunan mamaya. Pwede ka bang pumunta?" Natakot si Sophia na baka tumanggi s
Kaunti na lang ang natitirang klase ngayong buwan bilang pagiging intern ni Aleisha. Naisip niya na isaayos ang operasyon ni Don Raul habang naroroon pa siya. Binigyan din ni Doktor Rivera ng sapat na pagpapahalaga si Don Raul at hinayaan si Aleisha na pumili ng petsa kung kailan ito ooperahan. "
Pagkababa ni Aleisha ng kanyang telepono ay hindi niya namalayang may isang taong nakatayo na sa harapan niya— isang pamilyar na suit na pati ang pigura ng tindig nito ay kilalang-kilala niya. Nang itaas niya ang kanyang tingin ay tama nga siya ng hula— si Raphael na magkasalubong ang kilay ang nak
Isang araw ng sana ay pahinga, ngunit abala pa rin si Aleisha. Tinapos niya kasi ang mga manuscript na tinanggap niya noong isang araw at ngayon ay makikipagkita siya sa editor-in-chief. Dahil gusto niya itong makausap sa persona. Magpapaalam na at magre-resign na rin sa trabaho niyang ito. Sa kad
Ayon sa nais ni Raphael ay balak na niyang umalis sa mansyon at ayaw na niyang manatili sa parehong silid kasama si Aleisha kahit isang segundo pa! Gayunpaman ay gabi na at patuloy pa rin ang ulan sa labas. Isa pa, bukas ng umaga ay kailangan niyang kumain ng almusal kasama ang kanyang lolo. Irita
"Anong ginagawa mo?" gulat na tanong ni Aleisha habang hawak pa rin ang ice pack sa pisngi niya. Matigas at malamig ang ekspresyon sa mukha ni Raphael at sa malalim na tinig ay nagsalita siya. "Huwag kang tumanggap ng pera mula sa iba! Hindi ba at binigyan kita ng card? Wala ka na bang perang magam