Hinaplos ni Aleisha ang tiyan niya at matapang na hinarap ang nagngangalit na tingin ni Raphael sa kanya. "W-Wala akong planong buhayin ang bata." Isang patak ng luha ang tumakas sa mata ni Aleisha. Pero kaagad niyang pinahid iyon. "Mabuti naman." Kaagad na tinawag ni Raphael ang doktor at ipinali
Sa totoo lang ay natatakot si Aleisha. Sa edad niyang ito ay mararanasan niya ang isang kahindik-hindik na kasalanan. Kung kanina ay matapang niyang nasabi kay Raphael na wala siyang planong ipagpatuloy ang pagbubuntis, ngayon ay naduduwag na siya. Hindi pa siya handa. "Ano bang nangyayari?" Halat
Dahil na rin sa pagbubuntis ay walang ganang kumilos si Aleisha. Matapos ang pangyayaring iyon sa hospital ay parang naging priority niya na ang pag-iisip na siya ay buntis. Hindi tulad noong mga unang linggo na halos makalimutan niyang buntis pala siya. Pero kahit na walang sa hwisyo ay hindi siya
Kaagad namang nilapitan ni Patrick si Daniel at umupo sa katabi nitong upuan, pero ang mga tingin nito ay na kay Aleisha. "Hindi ba at nagde-date kayo nitong si Danie noon, Aleisha? Bakit parang hindi ninyo kilala ang isa't isa ngayon at hindi kayo nag-uusap?" Hindi iyon pinansin ni Aleisha at naka
Nang makalabas na ang dalawa sa restaurant na iyon ay kaagad hinila ni Michelle sa nakahilerang mga street food si Aleisha. Hindi naman pa umangal ang huli dahil nagugutom pa talaga siya. "Kasalanan ng Patrick na iyon kung bakit nagugutom pa ako!" naiinis na turan ni Michelle habang namimili na kun
Kasalukuyang nasa hot search ang pangalan ni Raphael. Buong araw kasing abala si Aleisha kaya ngayon niya lang din nabuksan ang kanyang telepono. Wala pang trenta minutos mula ng maganap ang insidenteng iyon pero ganito na kalawak ang inabot ng balita. Naghintay pa ng ilang sandali si Aleisha dahil
Mahigpit pa rin ang pagkakahawak ni Raphael sa kamay ni Aleisha habang nagtataka itong nakatingin sa kanya. "S-Saan ka pupunta k-kung ooperahan mo ako?" Napahinga naman nang malalim si Aleisha. "Hindi ako pwedeng mag-operate sa iyo. Intern pa lang ako at pagiging assistant surgeon lang ang kaya kon
Ilang oras ding nakapagpahinga si Aleisha matapos ang operasyon niya kay Raphael. Halos magbente-kwatro oras din siyang nasa hospital. Madaling araw na kaya naghanda na si Aleisha para sa huling rounds niya dahil malapit nang matapos ang kanyang shift. Huli niyang pinuntahan ang kakaopera pa lang n
"Raphael..." "B-Bakit?" mabilis na sagot ni Raphael na may halong pagkataranta pa sa boses niya. Para bang naghihintay lang siya na magsalita si Aleisha. "Pwede na ba natin ipawalang-bisa ang kasal natin?" mahina pero seryosong tanong ni Aleisha . Bigla niya na lang naramdaman ang matinding pagod
Napahimbing ang tulog ni Aleisha kaya naman ay nanaginip siya nang matagal. O mas tamang sabihin na isa iyong panaginip pagkatapos ay nasundan pa ng isa pa hanggang sa naging bangungot iyon. Parang pinipigilan siyang huminga. "Ah!" Nagising si Aleisha habang napasigaw. Pawis na pawis ang kanyang ul
"Ah!" Biglang napahawak si Aleisha sa ibabang bahagi ng kanyang tiyan. Namumutla na ang kanyang mukha at namumuo na rin ang mga butil-butil ng pawis mula sa kanyang noo at sentido. "Aleisha!" Nagulat at nataranta na si Raphael dahil sa nakikitang kalagayan ni Aleisha. Kaagad niya itong binuhat. "P
Natigilan saglit si Daniel nang mabasa ang pangalan ni Daniel at nanlaki ang kanyang mga mata. Naniningkit ang mga matang nakatingin sa mga sulat. Dahil sa bugso ng damdamin ay binuksan niya pa lalo ang bag at hinalungkat iyon. Nang maisa-isa iyon lahat ay puro pangalan ni Daniel at Aleisha ang nab
Pumasok ang mga gwardiya at kaagad na pinalibutan si Aleisha. Dalawa sa kanila ang lumapit sa kanya at para bang handang makipaglaban. "Huwag ninyo akong hahawakan!" Pinatigil sila ni Aleisha at sinusuportahan ang kanyang brasong duguan habang dahan-dahang tumayo nang nanginginig. "Huwag mong subu
"Bitiwan mo sabi ako!" Sa wakas ay nakawala si Sophia mula sa pagkakahawak ni Aleisha sa kanya. Bigla siyang tumayo na para bang walang nangyaro at dinuro ito nang may pang-uuyam. "Syempre alam ko kung gaano kahalaga sa iyo ang letter of notice na iyon! At dahil alam ko kaya ko iyon pinunit!" "Ano!
"Anong nangyayari?" Dumadagundong na boses ni Arnold ang pumuno sa kabuuan ng kwarto ni Sophia. Nakita niya ang kalat sa loob ng kwarto ni Sophia at kaagad namang umiyak ito. "Papa!" sigaw ni Sophia. "Tingnan mo kung anong ginawa ng magaling mong anak! Tumawag ka ng pulis, papa!" Sa pagkakataon iy
Kulang na lang ay umusok ang tainga ni Michelle dahil sa galit na nararamdaman para kay Sophia. "Sumusobra na ang babaeng iyon, Aleisha!" Sa pagkakataong iyon ay hindi pa rin makapaniwala si Aleisha sa nangyari. Hindi niya sukat akalain na aabot sa ganoon ang kasamaan ni Sophia. Inakala niya talag
Naguguluhan namang napatingin sa isa't isa sina Jacob at Jerome. Hindi sila makapaniwala na umalis nang ganoon na lang si Raphael. Hindi man lang hinintay ang pagdating ni Aleisha para ipanglandakan dito ang ginawa niyang pagligtas sa kapatid nito. Peor bago pa man tuluyang makalayo si Raphael ay n