Mahigpit pa rin ang pagkakahawak ni Raphael sa kamay ni Aleisha habang nagtataka itong nakatingin sa kanya. "S-Saan ka pupunta k-kung ooperahan mo ako?" Napahinga naman nang malalim si Aleisha. "Hindi ako pwedeng mag-operate sa iyo. Intern pa lang ako at pagiging assistant surgeon lang ang kaya kon
Ilang oras ding nakapagpahinga si Aleisha matapos ang operasyon niya kay Raphael. Halos magbente-kwatro oras din siyang nasa hospital. Madaling araw na kaya naghanda na si Aleisha para sa huling rounds niya dahil malapit nang matapos ang kanyang shift. Huli niyang pinuntahan ang kakaopera pa lang n
"Paano nangyari ito sa iyo?" tanong pa ni Sophia na tonong nag-aalala. "May hinala ka ba kung sino ang may gawa nito sa iyo?" "Hindi ko alam." Naging seryoso bigla ang reaksyon ni Raphael. Biglang umahon sa puso niya ang galit. Ilang araw na ring may nangyayari sa kanyang kakaiba at ngayon nga ay n
Sino ba namang hindi mapapaisip ng malisyoso? Halos mahubad na ang suot na hospital gown ni Raphael habang nakayakap kay Sophia. Sa unang tingin ay masasabing nakaparomantiko ng ayos nila. Kaya naman ay nagkanya-kanyang iwas ng tingin ang team ng susunod na shift na kunwari ay wala silang nakita k
Hindi malaman ni Raphael kung ano na naman itong nararamdaman niya. Pero ang alam niya lang ay hindi siya natutuwa nang marinig na tinawag lamang ni Joaquin si Aleisha sa pangalan nito. Hindi naman siya galit. Bago sa para sa kanya ang ganitong pakiramdam. Nakatuon naman ang atensyon ni Aleisha sa
Nang sumapit ang lunchbreak ay sa cafeteria ng hosptil na lang kumain ng pananghalian niya si Aleisha. May kailangan pa kasi siyang gawin at wala na siyang oras kung sa labas pa siya kakain. Pagkatapos niyang kumain ay kaagad na siyang bumalik sa nurse station. Nakasalubong niya si Raphael na nagla
Makalipas ang ilang araw... Kaka-out lang ni Aleisha mula sa shift niya sa hospital nang makatanggap siya ng tawag mula kay Pia. "Bruhaaa!" Kaagad na nailayo ni Aleisha ang telepono mula sa tainga niya. Nang hindi niya na marinig ang mala-speaker na boses ni Pia ang ibinalik niya sa tainga ang te
"Hindi na kayo nahiya!" sigaw pa ng lalake. Napapiksi naman si Aleisha sa muling pagsigaw ng lalake. Gusto niya na lang lamunin siya ng sahig o hindi naman kaya mawala na lang bigla. Kahit nakayuko siya ay nararamdaman niyang nasa kanila na ang lahat ng atensyon. "Ano namang pakialam mo!" sigaw na
"Raphael..." "B-Bakit?" mabilis na sagot ni Raphael na may halong pagkataranta pa sa boses niya. Para bang naghihintay lang siya na magsalita si Aleisha. "Pwede na ba natin ipawalang-bisa ang kasal natin?" mahina pero seryosong tanong ni Aleisha . Bigla niya na lang naramdaman ang matinding pagod
Napahimbing ang tulog ni Aleisha kaya naman ay nanaginip siya nang matagal. O mas tamang sabihin na isa iyong panaginip pagkatapos ay nasundan pa ng isa pa hanggang sa naging bangungot iyon. Parang pinipigilan siyang huminga. "Ah!" Nagising si Aleisha habang napasigaw. Pawis na pawis ang kanyang ul
"Ah!" Biglang napahawak si Aleisha sa ibabang bahagi ng kanyang tiyan. Namumutla na ang kanyang mukha at namumuo na rin ang mga butil-butil ng pawis mula sa kanyang noo at sentido. "Aleisha!" Nagulat at nataranta na si Raphael dahil sa nakikitang kalagayan ni Aleisha. Kaagad niya itong binuhat. "P
Natigilan saglit si Daniel nang mabasa ang pangalan ni Daniel at nanlaki ang kanyang mga mata. Naniningkit ang mga matang nakatingin sa mga sulat. Dahil sa bugso ng damdamin ay binuksan niya pa lalo ang bag at hinalungkat iyon. Nang maisa-isa iyon lahat ay puro pangalan ni Daniel at Aleisha ang nab
Pumasok ang mga gwardiya at kaagad na pinalibutan si Aleisha. Dalawa sa kanila ang lumapit sa kanya at para bang handang makipaglaban. "Huwag ninyo akong hahawakan!" Pinatigil sila ni Aleisha at sinusuportahan ang kanyang brasong duguan habang dahan-dahang tumayo nang nanginginig. "Huwag mong subu
"Bitiwan mo sabi ako!" Sa wakas ay nakawala si Sophia mula sa pagkakahawak ni Aleisha sa kanya. Bigla siyang tumayo na para bang walang nangyaro at dinuro ito nang may pang-uuyam. "Syempre alam ko kung gaano kahalaga sa iyo ang letter of notice na iyon! At dahil alam ko kaya ko iyon pinunit!" "Ano!
"Anong nangyayari?" Dumadagundong na boses ni Arnold ang pumuno sa kabuuan ng kwarto ni Sophia. Nakita niya ang kalat sa loob ng kwarto ni Sophia at kaagad namang umiyak ito. "Papa!" sigaw ni Sophia. "Tingnan mo kung anong ginawa ng magaling mong anak! Tumawag ka ng pulis, papa!" Sa pagkakataon iy
Kulang na lang ay umusok ang tainga ni Michelle dahil sa galit na nararamdaman para kay Sophia. "Sumusobra na ang babaeng iyon, Aleisha!" Sa pagkakataong iyon ay hindi pa rin makapaniwala si Aleisha sa nangyari. Hindi niya sukat akalain na aabot sa ganoon ang kasamaan ni Sophia. Inakala niya talag
Naguguluhan namang napatingin sa isa't isa sina Jacob at Jerome. Hindi sila makapaniwala na umalis nang ganoon na lang si Raphael. Hindi man lang hinintay ang pagdating ni Aleisha para ipanglandakan dito ang ginawa niyang pagligtas sa kapatid nito. Peor bago pa man tuluyang makalayo si Raphael ay n