Nang sumapit ang lunchbreak ay sa cafeteria ng hosptil na lang kumain ng pananghalian niya si Aleisha. May kailangan pa kasi siyang gawin at wala na siyang oras kung sa labas pa siya kakain. Pagkatapos niyang kumain ay kaagad na siyang bumalik sa nurse station.Nakasalubong niya si Raphael na naglalakad-lakad sa may pasilyo habang nasa likuran naman nito si Joaquin at nakahandang umalalay."Mabuti naman at naisipan mong maglakad-lakad," puna ni Aleisha kay Raphael. "Malakas ang immune system mo kaya hindi na nakapagtataka kung mabilis ang paggaling mo. Pero huwag mo lang masyadong pwersahin ang sarili mo at magdahan-dahan lang sa lahat ng bagay.""Masusunod po, dok." Si Joaquin na ang sumagot dahil mukhang walang planong magsalita si Raphael.Nagtaka naman si Aleisha kay Joaquin. Kanina lang ay tinatawag siya nito sa pangalan niya. Pero ngayon ay naging pormal na ulit ito sa kanya."Mauna na ako sa inyo," paalam ni Aleisha at handa na sanang maglakad papalayo sa kanila nang bigla siya
Makalipas ang ilang araw...Kaka-out lang ni Aleisha mula sa shift niya sa hospital nang makatanggap siya ng tawag mula kay Pia."Bruhaaa!"Kaagad na nailayo ni Aleisha ang telepono mula sa tainga niya. Nang hindi niya na marinig ang mala-speaker na boses ni Pia ang ibinalik niya sa tainga ang telepono. "Anong problema mo, hoy? Abot hanggang kalawakan iyang boses mo!"Natigilan naman si Aleisha nang marinig ang pag-iyak ng kaibigan. Mukhang alam niya na kung anong nangyayari.Nagsalita naman si Pia matapos niyang umiyak. "May sinet-up na naman silang blind date sa akin!"Napamasahe naman sa ulo niya si Aleisha. Tama nga ang kanyang hinala. "Oh? Hindi ba at ako ang pumunta noong nakaraan? Si Michelle naman, oy!""Hindi ko siya makontak," sagot naman ni Pia na paiyak na naman. "Ikaw na lang ang inaasahan ko... puntahan mo na ako rito. Maghihintay ako!"Binabaan na ng tawag ni Pia si Aleisha bago pa man siya makapagsalita. "Hoy, bruha! Hays! Paano na ito ngayon?"Ilang saglit pa ay nakat
"Hindi na kayo nahiya!" sigaw pa ng lalake.Napapiksi naman si Aleisha sa muling pagsigaw ng lalake. Gusto niya na lang lamunin siya ng sahig o hindi naman kaya mawala na lang bigla. Kahit nakayuko siya ay nararamdaman niyang nasa kanila na ang lahat ng atensyon."Ano namang pakialam mo!" sigaw naman ni Pia. Nagulat pa si Aleisha nang inakbayan siya ni Pia.Ngayon lang yata siya nailang kay Pia nang ganito. Binulungan niya naman ito. "Kailangan talaga may pag-akbay?""Panindigan mo itong ginawa mong kwento, taena mo," bulong naman pabalik ni Pia at nagkunwaring sweet sila sa isa't isa. "Huwag ka ng umiyak, babe...""Jusko..." naibulong ni Aleisha sa sarili. Hinayaan niya na lamang si Pia ang tumapos nito. Tutal ito naman ang haharap sa papa nito at sa buong media."Nagsayang lang ako ng oras!" sabi pa ng lalake. "Ito ang tandaan mo, Sarmiento! Walang aasahan ang kumpanya ninyo sa amin!""Hoy, excuse me! Hindi ko kailangan ang tulong mo!" matapang na sigaw ni Pia. "Kapal naman ng mukha
Hindi napigilan ni Aleisha na mapataas ang kanyang kilay nang makita si Sophia sa ganoong ayos. Narinig niya naman kanina na may tao sa banyo. Pero ang akala niya ay si Joaquin iyon. Ni wala sa hinagap niya na si Sophia pala ang nasa loob ng banyo."Kung dito siya naligo, ibig sabihin ay rito siya natulog kagabi," nasabi ni Aleisha sa isipan. Hindi niya alam kung ano itong nararamdaman niya pero alam niyang nawala na siya sa mood.Kaagad na naging malikot ang isipan ni Aleisha. Kung dito natulog si Sophia at nagkataon namang dumudugo ang sugat ni Raphael— hindi na mahirap hulaan kung anong mga naganap kagabi."P-Pasensya na..." mahinhin na sabi ni Sophia.Napataas pa lalo ang kilay ni Aleisha dahil sa tinuran ni Sophia na para bang hindi makabasag pinggan. Doon niya napagtanto na nagpapakitang-tao lamang ito sa harap ni Raphael. Ibig bang sabihin niyon ay hindi alam ni Raphael kung anong ugali mayroon ang girlfriend niya?Ngumisi naman si Aleisha. "Okay lang. Patapos na rin naman ito
"Siraulo ka ba!" hindi makapaniwalang sigaw ni Pia habang masamang nakatingin kay Raphael.Idagdag pang maikli lang pasensya ni Pia kaya walang mapaglagyan ang galit na nararamdaman ngayon. Wala na siyang pakialam kung si Raphael man ang kaharap niya ngayon. Kung hindi magandang ideya na kalabanin siya ay may ibubuga rin naman siya kung pangalan sa industriya ang pag-uusapan.Tumayo si Pia. Kahit pa sabihing babae siya ay hindi siya magpapatalo. Matapang niyang hinarap si Raphael. "Nakadroga ka ba! Wala akong matandaang may alitan tayong dalawa para itulak mo ako nang ganoon! Hindi ko alam na pumapatol ka pala sa babae!"Kaagad namang humarang sa harapan ni Raphael sina Jacob at Jerome. Lihim namang napalunok ng laway si Pia dahil kung katawan ang pagbabasehan ay wala siyang laban."Tatawag ako ng pulis! Hindi ka patas makipaglaban, Raphael!" sigaw pa ni Pia. "Irereklamo ko pa ang pananakit mo!""Pananakit?" nang-uuyam na tanong ni Raphael. "May mas lalala pa ba sa pananakit mo sa bab
"Ano na?" nakataas ang kilay na tanong ni Raphael. "Kung wala ka naman pa lang sasabihin ay aalis na ako."Natigilan si Raphael nang makitang ngumiti si Aleisha. Ngayon niya lang nakitang ngumiti ito sa kanya nang ganito katamis.Pero kinalma niya ang sarili. "Masaya ka sa mga nangyayari? Hanep, ah?""Salamat dahil may pakialam ka rin pala sa akin.""H-Ha?" nagtatakang tanong ni Raphael at biglang nahawakan ang sugat dahil kumirot iyon."Raphael!" Natataranta namang lumapit si Aleisha kay Raphael at kaagad na lumuhod para makita ang sugat nito.Ilang sandali pa ay inangat ni Aleisha ang tingin kay Raphael sa nag-aalala nitong mga mata. Nakaramdam naman ng init sa puso niya si Raphael. Hindi niya akalaing may ganitong bahagi ng pagkatao nito si Aleisha. Lagi na lang kasi itong galit kapag magkaharap sila. Ngayon niya lang nakita itong nagpapakita ng awa sa kanya.Pero...Parang gusto na lang bawiin ni Raphael ang mga positibong naisip tungkol kay Aleisha dahil salubong na naman ang kil
Kanina pa minumura ni Aleisha ang sarili sa isipan. Bakit ba kasi nagtagal ang tingin niya doon sa alaga ni Raphael? Para kasing napako ang tingin niya roon at kahit anong gawin niyang pag-iwas ay hindi sumusunod ang mga mata niya. Nag-iinit ang buo niyang mukha at pakiramdam niya ay sasabog ang dibdib niya sa sobrang lakas ng pagkabog ng puso niya. "Oh my gosh! Anong katangahan ang ginawa mo, Aleisha!" panenermon niya sa sarili. Huminga nang malalim si Aleisha at kinakalma ang sarili. "Kalma ka lang, self. Hindi na bago sa iyo ang makakita nang lalakeng n*******d. Marami ka nang nakitang mga alaga... kaya kalma." Unti-unti namang kumakalma ang puso niyang nagwawala. Hindi pa lumalabas si Raphael ng banyo kaya may oras pa siyang kumalma. Panay pa rin ang paghinga niya nang malalim habang nagpaparoon at paparito sa paglalakad. Nang may mapansin siyang maliit na kahon sa may mesa na nasa gilid ng kama. Nakabukas iyon kaya naman ay malaya niyang nakita ang pulseras na kumikinang. Nil
Natigilan saglit si Aleisha nang makita si Daniel. Hindi niya alam kung paanong nandito na ito kaagad o kung bakit siya naririto.Pero wala nang pakialam pa si Aleisha dahil mas kailangan niyang makapunta kaagad sa Mabini Cemetery. Kaya hindi na siya nagtanong pa at kaagad na sumakay sa kotse ni Daniel. "Maraming salamat. Pahatid naman ako sa Mabini Cemetery."Alam naman iyon ni Daniel. Noong maganda pa ang takbo ng relasyon nila ay lagi niyang sinasamahan si Aleisha na pumunta roon. Malapit lang din iyon sa Sacred Cathedral of Catalina. Lagi silang nagdadasal sa noong mga panahong nanghihina na ang mama ni Aleisha.Pero ang hindi lang maintindihan ni Daniel ay kung bakit mukhang nagmamadali si Aleisha. Bakas pa sa mukha nito ang labis na pag-aalala. Hindi na siya nagtanong pa at kaagad na pinaandar ang sasakyan niya.Ilang minuto pa ay nakarating na sila sa Mabini Cemetery. Kakahinto pa lang ng sasakyan ay kaagad na bumaba si Aleisha. Muntik pa itong matumba."Aleisha!" nag-aalalang
Hindi katulad nila Aleisha ay maagang nakadating sa La Esperanza Resort sina Raphael at Marco. Samantalang papunta pa lang sina Apollo at RJ.Napansin ni Marco na walang kurap-kurap na nakatingin si Raphael kay Aleisha. Kaya naman ay pilyo siyang napangisi. "Akala ko talaga ay pumunta tayo rito para magbakasyon at mag-horseback riding. Iyon pala ay narito ang asawa ng isa riyan."Walang panahon si Raphael para patulan ang panunukso ni Marco. Kaya naman ay humakbang na siya para umalis. Nakakadalawang hakbang pa lang siya pero kaagad ding natigilan.Nagtataka namang nilingon ni Marco si Raphael. "Oh? Anong problema? Walang hotel room iyong asawa mo. Wala ka man lang bang pakialam?"Walang pakialam?Mapait na napangiti si Raphael. Mukhang hindi naman iyon kailangan ni Aleisha."Oh, Aleisha?" nagtatakang tanong ni Daniel nang makalapit siya rito. Nag-park pa kasi siya ng kotse niya at nauna nang pumasok sa lobby si Aleisha. "Anong nangyari?"Nakasimangot na hinarap ni Aleisha si Daniel.
Makalipas ang ilang araw ay pumunta sa Arizcon Corporation si Daniel. Naipasa nang maayos ng Montenegro Technologies ang mga hinihinging requirements ng ArCo ayon na rin sa prosesong ginawa nila. Ngayon ay narito siya para personal na makausap si Raphael.Hinatid siya ng isa sa mga sekretarya ni Raphael sa conference room ng kumpanya. Pagkaupong-pagkaupo niya ay siya namang pagdating ni Raphael.Tumayo si Daniel bilang pagbati. "Magandang araw sa iyo, Mr. Arizcon.""Magandang araw din sa iyo, Mr. Montenegro," balik na pagbati ni Raphael at saka nakipagkamay rito. "Maupo ka."Hindi na sila nagpaliguy-ligoy pa at kaagad na pinag-usapan ang mga detalye tungkol sa bagong proyektong bubuksan. Pinaliwanag naman ni Daniel ay layunin ng kanyang kumpanya at kung paano ito makakatulong sa proyektong bubuksan ni Raphael.Walang masabi si Raphael sa husay na mayroon si Daniel at higit pa sa salitang sapat ang nararamdaman ni niya ngayon. Kaya walang pagdadawang-isip na pumirma ang magkabilang kam
"Tang ina!" Napatayo naman sa pagkabigla si RJ. "Anong buhay pag-ibig? Nakakasuka namang salita iyan! Mga kalaro ko lang silang lahat!"Sabay pang napairap sina Apollo at Marco sa tinurang iyon ni RJ. Habang sinamaan naman siya ng tingin ni Raphael.Napakamot naman kaagad sa ulo niya si RJ. "W-Wala pa namang akong nakarelasyon na may anak na."Malutong namang napatawa si Apollo. "Nasabi mo lang iyan dahil hindi ka naman gusto ni Rica Mae. Kung sakaling gusto ka rin niya ay balewala sa iyo kahit pa may anak na siya. Hindi ba?""Pinagkakaisahan ba ninyo ako?" nakasimangot na tugon naman ni RJ.At tinukso na nga siya nina Apollo at Marco.Pero kaagad namang napangiti si RJ. "Ano naman ngayon kung may anak na siya? Nasa anong henerasyon na ba tayo ngayon? Hindi na ba siya pwedeng magustuhan dahil may anak na siya?""Hindi ka tama at hindi ka rin mali," sagot naman ni Marco. "Hindi naman iyan sa henerasyon na kinabibilangan natin. Mula pa man noon ay may mga lalake nang nagkakagusto sa mga
Sa kabilang banda ay nabigla naman si Raphael sa naging tanong ni Aleisha. Naisip niya ay baka magalit ito dahil sa ginawa niyang iyon. Pero hindi niya iyon pinahalata at malamig itong tinitigan. "Oo, ako nga. Bakit? May problema ba?""Kung ganoon..." seryosong saad ni Aleisha na mas lalo pang nagpakaba kay Raphael. "... ay maraming salamat. Seryoso, maraming salamat talaga. Mula pa man pagkabata hanggang ngayon na nasa tamang edad na ako ay bilang lamang sa mga daliri ko ang mga taong nagpapakita ng kabutihan nila sa akin. Kaya maraming salamat sa kabutihan mo sa akin."Sa pangalawang beses ay nagulat muli si Raphael. Hindi niya inaasahang marinig iyon mula kay Aleisha. Parang may kung anong kiliti siyang naramdaman sa puso niya. Kanina lang ay hindi niya malaman kung bakit mas lalo siyang nagagalit at ang galit na iyon ay napalitan ng tuwa. Kaya naman ay hindi niya na napigilan ang sarili na mapangiti. "W-Walang anuman.""Pero—" Naputol ang sanang sasabihin ni Aleisha nang bigla na
Malaki ang pasasalamat niya sa mga taong nakagawa ng kabutihan sa kanya at lagi niya iyong itinatanim sa kanyang puso. At dahil doon ay gusto niyang gantihan ang kabutihang natatanggap niya nang higit pa roon.Nang makalabas na ng hospital si Aleisha ay kaagad siyang umuwi sa mansyon ng mga Arizcon na nasa Southvill Homes.Tuwang-tuwa naman si Don Raul nang makita si Aleisha at kaagad na tinawagan si Raphael. Habang naghihintay na sagutin ni Raphael ang tawag niya ay kinausap niya muna si Aleisha. Mababakas talaga sa mukha niya ang labis na tuwa. "Ilang araw ka ring hindi umuuwi rito dahil sa medical outreach ninyo at si Raphael naman ay hindi ko alam kung anong pinagkakaabalahan ng batang iyon. Buong araw ko rin siyang hindi mahagilap. Sakto at umuwi ka kaya sabay na tayong maghapunan."Hindi napansin ni Don Raul na kanina pa pala sinagot ni Raphael ang tawag niya. Kanina pa ito nakikinig sa mga sinabi niya. "Lolo, masyado pa akong abala rito sa opisina at hindi pa ako makakauwi.""A
Sa meeting room ng Arizcon Corporation— abala si Raphael sa pag-aanalisa ng mga dokumentong nagkalat sa harapan niya.May bagong grupo ng mga papel na inilagay si Joaquin sa harapan ni Raphael. May bago na naman kasing proyekto ang ArCo (Arizcon Corporation) na kamakailan lang inumpisahan kaya ganoon na lang kaabala si Raphael. Nangangailangan sila ng bagong partnership na may kinalaman sa mga teknolohiya. Pero hanggang ngayon ay hindi pa sila nakakahanap.Ang mga bagong dokumento na nilagay ni Joaquin ay ang pangalawang batch na sa mga kumpanyang nagbigay ng kanilang mga proposal. Kaagad naman iyong inisa-isang tingnan ni Raphael. Kaagad na naagaw ang atensyon ni Raphael nang may mabasang pamilyar na pangalan. Montenegro Technologies— ang taong namamahala at siya ring chief engineer ay walang iba kung hindi si Daniel Montenegro. Nagtapos sa kursong mechanical engineering si Daniel kaya maalam ito pagdating sa mga technology at software."Daniel Montenegro..." wala sa sariling nasamb
Bumukas ang pinto at ang mukha kaagad ni Daniel ang nabungaran ni Raphael.Katatapos lang ni Daniel sa pagligo. Tumutulo pa ang tubig mula sa buhok niya. Wala siyang suot na pang-itaas at tanging ang maluwag na pantalon lang ang suot niya na hiniram pa ni Aleisha kay Vincent.Nakatitig lang si Raphael kay Daniel— nakikiramdam, ni hindi siya nagsalita."Mr. Arizcon." Pagbasag ni Daniel sa katahimikan sa pagitan nila ni Raphael. "Nandito ka ba para hanapin si Aleisha?"Nang bitiwan ni Daniel ang tanong na iyon ay para bang bumigat ang tensyon sa pagitan nila ni Raphael. Hindi pa rin nagsasalita si Raphael. Tanging malalamig na tingin lamang ang pinupukol niya kay Daniel."Nasa banyo pa si Aleisha..." dagdag na saad ni Daniel. Alam niyang hindi niya na dapat pang sabihin iyon pero sinadya niya talagang sabihin iyon. Sinabi niya iyon para ipamukha kay Raphael na may isang katulad niya sa buhay ni Aleisha.Bilang lalake ay alam niyang may kung ano kina Raphael at Aleisha— hindi lang iyon b
Nahulog naman sa malalim na pag-iisip si Aleisha sa sinabing iyon ni Daniel. Nanlaki ang kanyang mga mga mata nang may pagtanto. "Iyon ba iyong sinabi mong para kay Alexander?""Nakuha mo!" masayang saad ni Daniel sa kabilang linya. "Tinutupad ko ang kung anon mang ipinangako ko."Dahil para naman pala iyon kay Alexander ay hindi na siya umangal pa. "Kung ganoon ay tawagan mo ako kapag nakarating ka na sa Mount Kilala.""Sige," nakangiti pa ring saad ni Daniel.Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay masayang-masaya si Daniel. Kahit pa sabihing para iyon sa kapatid ni Aleisha na si Alexander ay walang kaso iyon para sa kanya. Ang gusto niya lang mangyari ay umasa muli si Aleisha sa kanya na para bang hindi na siya nito iiwan.---Samantala ay pabigat nang pabigat ang buhos ng ulan.Napatingin si Michelle kay Aleisha na kanina pa nakatingala sa kalangitan habang nakatayo sa may pintuan ng tinutuluyan nilang kwarto rito sa hospital. "Para bang may butas ang langit at hindi na matigil sa pag
Nang nasa parking lot ng gusali ng kumpanya ng mga Arizcon ay tinawagan ni Raphael si Aleisha. Pero hindi ito sumasagot. Nakailang tawag na siya ay hindi pa rin nito sinasagot kahit ni isang beses man lang.Sa kabilang dako ay abala naman si Aleisha at ang mga kasama niyang parte ng medical team sa paghahanda ng mga medical supplies at ilan pang kakailanganin para dalhin sa pag-alis nila papuntang Mount Kilala. Plano sanang umalis ni Aleisha sa panghuling batch pero nagbago iyon at gusto niya nang umalis kasama ang unang batch. Hindi niya na kailangang magtagal pa rito.Kanina pa tumutunog ang telepono ni Aleisha na nasa bulsa ng kanyang suot na pantalon. Nang makita niya ang pangalan ni Raphael ay kaagad niyang nilagay sa flight mode ang kanyang telepono.Nagdesisyon si Raphael na puntahan si Aleisha sa hospital dahil hindi niya ito makontak pa at sa parehas na oras ay siya ring paghahanda ng unang batch ng medical team para umalis papuntang Mount Kilala— kasama na roon si Aleisha."