Share

Chapter 22 -Palabas Lang Pala

Author: Alshin07
last update Last Updated: 2024-10-21 23:52:03

Kaagad namang nilapitan ni Patrick si Daniel at umupo sa katabi nitong upuan, pero ang mga tingin nito ay na kay Aleisha. "Hindi ba at nagde-date kayo nitong si Danie noon, Aleisha? Bakit parang hindi ninyo kilala ang isa't isa ngayon at hindi kayo nag-uusap?"

Hindi iyon pinansin ni Aleisha at nakatingin lang sa pagkain niyang nangangalahati pa lang. Nawalan na talaga siya ng ganang kumain. Naalala niya tuloy ang mga isaw kanina sa labas. Kung sana roon na lamang sila kumain— walang ganitong eksena sana ngayon, walang sakit na mararamdaman ulit, at walang kahapon na matatanaw ulit.

Sinamaan naman ng tingin ni Michelle si Patrick. "Ikaw lang itong maraming sinasabi."

Kung alam lang ni Michelle na magiging ganito, hindi niya na lang sana pinansin ang ulupong na Patrick na ito.

"Marami na kaagad akong nasabi sa lagay na iyon?" taas-kilay na tanong naman ni Patrick. "Sinasabi ko lang naman ang totoo. Tama naman ako, hindi ba? Na may relasyon sila noon? Selos na selos nga ang mga babae noo
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Chapter 23 - Ang Balita!

    Nang makalabas na ang dalawa sa restaurant na iyon ay kaagad hinila ni Michelle sa nakahilerang mga street food si Aleisha. Hindi naman pa umangal ang huli dahil nagugutom pa talaga siya."Kasalanan ng Patrick na iyon kung bakit nagugutom pa ako!" naiinis na turan ni Michelle habang namimili na kung anong ipapaihaw. "Dalawang atay ng manok, sampung isaw, dalawang chicken skin, at dalawang serving ng kanin. I-take out lang namin boss.""Padagdag na rin ng hita ng manok, Michelle, at isa pang rice para dalawa sa akin," bulong pa ni Aleisha kay Michelle.Napataas ang kilay ni Michelle pero sinunod pa rin ang gusto ng kaibigan. Pagkatapos ay tumabi muna sila para hindi sila maging sagabal sa mga gustong um-order."Hoy, bruha ka!" Naniningkit ang mga matang nakapameywang si Michelle sa harap ni Aleisha."Oh, bakit?" taas-kilay namang tanong ni Aleisha."Pansin ko lang, ha. Ang dami mong kinakain lately," sabi pa ni Michelle at tiningnan si Aleisha mula ulo hanggang paa. "Hindi ka ba natata

    Last Updated : 2024-10-22
  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Chapter 24 - Emergency

    Kasalukuyang nasa hot search ang pangalan ni Raphael. Buong araw kasing abala si Aleisha kaya ngayon niya lang din nabuksan ang kanyang telepono. Wala pang trenta minutos mula ng maganap ang insidenteng iyon pero ganito na kalawak ang inabot ng balita.Naghintay pa ng ilang sandali si Aleisha dahil naglo-laoding pa ang pinindot niyang link. Nang mabuksan na iyon ay may ilang sulat ang nakalagay at sinundan iyon ng isang maiksing footage na galing sa CCTV camera.Pinindot ni Aleisha ang video at walang kurap-kurap na pinanood.Makikita sa video na papalabas si Raphael sa isang building. May isang guard ang naroroon na siyang nagbukas ng pinto para kay Raphael. Nang tumalikod na si Raphael ay kaagad namang naglabas ng kutsilyo ang guard at sinaksak si Raphael sa gilid ng tiyan nito. Halatang nagulat si Raphael pero kaagad ding kumilos at napatumba niya ang guard.Doon nagtatapos ang video.Pero sapat na ang napanood para mabalot ng takot at pag-aalala ang puso ni Aleisha. Idagdag pang p

    Last Updated : 2024-10-22
  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Chapter 25 - Matagumpay

    Mahigpit pa rin ang pagkakahawak ni Raphael sa kamay ni Aleisha habang nagtataka itong nakatingin sa kanya. "S-Saan ka pupunta k-kung ooperahan mo ako?"Napahinga naman nang malalim si Aleisha. "Hindi ako pwedeng mag-operate sa iyo. Intern pa lang ako at pagiging assistant surgeon lang ang kaya kong gawin sa ngayon.""Wala akong pakialam!" sigaw pa ni Raphael at hindi na inalintana kung makakasakit iyon sa kanya, lalo na sa sugat niya. "Ikaw ang gusto kong mag-opera sa akin!"Napaawang ang bibig ni Aleisha. Mas lalo pang humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya. Para bang takot na iwan niya. Kahit sa ganitong kalagayan ay matigas pa rin ang ulo nito— ayaw man lang makinig."Makinig ka sa akin, Raphael," kalmadong saad ni Aleisha kahit pa may iilang nurse ang nakikinig sa kanila ngayon. "Si Dok Rivera ay isang magaling na surgeon. Marami na siyang nailigtas ng mga buhay. Hindi lang dito sa Pinas kung hindi umabot na rin sa ibang bansa ang kanyang angking galing.""Wala akong pakial

    Last Updated : 2024-10-22
  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Chapter 26 - Ang Bisita

    Ilang oras ding nakapagpahinga si Aleisha matapos ang operasyon niya kay Raphael. Halos magbente-kwatro oras din siyang nasa hospital.Madaling araw na kaya naghanda na si Aleisha para sa huling rounds niya dahil malapit nang matapos ang kanyang shift. Huli niyang pinuntahan ang kakaopera pa lang na si Raphael."Mahimbing ang tulog niya at halata sa mukha niya na maayos na ang kanyang pakiramdam," pagbabalita sa kayna ni Joaquin na parang wala pang tulog."Mabuti naman kung ganoon," sabi pa ni Aleisha at tiningnan ang chart nito. "Normal lang na magkalagnat siya sa loob ng apat hanggang anim na oras pagkatapos ng operasyon. Imo-monitor iyon ng mga nurse kaya walang dapat ikabahala."Biglang tumunog ang telepono ni Joaquin at kaagad niya naman iyong sinagot. "Sige at pupunta ako riyan."Habang abala pa rin sa pagbabasa ng chart si Aleisha mula sa mga sinulat ng nurse na nakabantay kay Raphael.Hinarap naman kaagad ni Joaquin si Aleisha. "May kailangan lang akong puntahan, Aleisha. Pwed

    Last Updated : 2024-10-23
  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Chapter 27 - Naghahalikan?

    "Paano nangyari ito sa iyo?" tanong pa ni Sophia na tonong nag-aalala. "May hinala ka ba kung sino ang may gawa nito sa iyo?""Hindi ko alam." Naging seryoso bigla ang reaksyon ni Raphael. Biglang umahon sa puso niya ang galit. Ilang araw na ring may nangyayari sa kanyang kakaiba at ngayon nga ay napuruhan na siya.Ang guard na sumaksak sa kanya ay nasa presinto na. Kailangan niya itong makausap at gagawin niya ang lahat mapaamin lang ito. Gusto niya ring malaman kung sino ang nasa likod ng lahat ng nangyayari sa kanya nitong mga nakaraang araw.Pinapahirapan lang ba siya o ang patayin siya ang talagang balak nito? Kung ganoon nga ay bakit naman? Wala siyang maalalang may nakalaban siya para humantong sa ganito ang paghihiganti sa kanya."Huwag mo nang alalahanin pa iyon. Kumikilos naman si Joaquin habang nagpapagaling pa ako rito," dagdag pa ni Raphael kay Sophia na mababakas pa rin sa mukha nito ang pagkabahala. Isa pa ay ayaw niya munang pag-usapan ang tungkol doon. Gusto niyang ik

    Last Updated : 2024-10-24
  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Chapter 28 - Dalawang Bantay

    Sino ba namang hindi mapapaisip ng malisyoso?Halos mahubad na ang suot na hospital gown ni Raphael habang nakayakap kay Sophia. Sa unang tingin ay masasabing nakaparomantiko ng ayos nila.Kaya naman ay nagkanya-kanyang iwas ng tingin ang team ng susunod na shift na kunwari ay wala silang nakita kanina. Kaagad namang inayos ni Raphael ang pagkakasuot ng kanyang hospital gown at ganoon din si Sophia na kinakalma pa rin ang sarili.Samantalang hindi naman alam ni Aleisha kung ano bang dapat na unahing sasabihin. Tila nawala siya sa sarili ng ilang segundo. Kahit naman siguro sino ay magugulat kapag nakakita nang ganoong eksena.Nang mahanap na ang sasabihin ay kaagad niyang ipinaliwanag ang sitwasyon ni Raphael. "Ang pasyente ay nasaksak ng 3.2 centimeters sa kanyang abdominal cavity pero walang internal organs ang natamaan o kahit nadaplisan man lang..."Nakikinig lamang si Raphael sa mga sinasabi ni Aleisha habang nasa malayo ang tingin. Pagkatapos ng eksenang nadatnan nito kanina ay

    Last Updated : 2024-10-25
  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Chapter 29 - Muling Nagkasagutan

    Hindi malaman ni Raphael kung ano na naman itong nararamdaman niya. Pero ang alam niya lang ay hindi siya natutuwa nang marinig na tinawag lamang ni Joaquin si Aleisha sa pangalan nito. Hindi naman siya galit. Bago sa para sa kanya ang ganitong pakiramdam.Nakatuon naman ang atensyon ni Aleisha sa paglilinis ng sugat ni Raphael. Ni hindi niya na sinusulyapan pa si Raphael. Hindi naman sa sinasadya niyang hindi ito tingnan o kung may iba pa siyang rason. Sadyang nakatuon lang ang buo niyang atensyon sa sugat nito.Dahil hindi na makatiis ay naglakas-loob na si Raphael na tanungin si Aleisha. "Galit ka ba sa akin?"Nahinto naman sa ere ang kamay ni Aleisha na may hawak ng cotton. Inangat niya ang tingin kay Raphael na nakatingin na rin pala sa kanya. "Anong sabi mo? Ako? Galit sa iyo? Bakit naman ako magagalit sa iyo? May dapat ba akong ikagalit?""Mas mabuti kung hindi," sabi pa ni Raphael sa tonong kalmado lang— malayong sagot sa mga naging tanong ni Aleisha.Mas lalong kumunot ang no

    Last Updated : 2024-10-25
  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Chapter 30 - May Babalikan Pa Nga Ba?

    Nang sumapit ang lunchbreak ay sa cafeteria ng hosptil na lang kumain ng pananghalian niya si Aleisha. May kailangan pa kasi siyang gawin at wala na siyang oras kung sa labas pa siya kakain. Pagkatapos niyang kumain ay kaagad na siyang bumalik sa nurse station.Nakasalubong niya si Raphael na naglalakad-lakad sa may pasilyo habang nasa likuran naman nito si Joaquin at nakahandang umalalay."Mabuti naman at naisipan mong maglakad-lakad," puna ni Aleisha kay Raphael. "Malakas ang immune system mo kaya hindi na nakapagtataka kung mabilis ang paggaling mo. Pero huwag mo lang masyadong pwersahin ang sarili mo at magdahan-dahan lang sa lahat ng bagay.""Masusunod po, dok." Si Joaquin na ang sumagot dahil mukhang walang planong magsalita si Raphael.Nagtaka naman si Aleisha kay Joaquin. Kanina lang ay tinatawag siya nito sa pangalan niya. Pero ngayon ay naging pormal na ulit ito sa kanya."Mauna na ako sa inyo," paalam ni Aleisha at handa na sanang maglakad papalayo sa kanila nang bigla siya

    Last Updated : 2024-10-27

Latest chapter

  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Chapter 101 - La Esperanza Resort

    Makalipas ang ilang araw ay pumunta sa Arizcon Corporation si Daniel. Naipasa nang maayos ng Montenegro Technologies ang mga hinihinging requirements ng ArCo ayon na rin sa prosesong ginawa nila. Ngayon ay narito siya para personal na makausap si Raphael.Hinatid siya ng isa sa mga sekretarya ni Raphael sa conference room ng kumpanya. Pagkaupong-pagkaupo niya ay siya namang pagdating ni Raphael.Tumayo si Daniel bilang pagbati. "Magandang araw sa iyo, Mr. Arizcon.""Magandang araw din sa iyo, Mr. Montenegro," balik na pagbati ni Raphael at saka nakipagkamay rito. "Maupo ka."Hindi na sila nagpaliguy-ligoy pa at kaagad na pinag-usapan ang mga detalye tungkol sa bagong proyektong bubuksan. Pinaliwanag naman ni Daniel ay layunin ng kanyang kumpanya at kung paano ito makakatulong sa proyektong bubuksan ni Raphael.Walang masabi si Raphael sa husay na mayroon si Daniel at higit pa sa salitang sapat ang nararamdaman ni niya ngayon. Kaya walang pagdadawang-isip na pumirma ang magkabilang kam

  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Chapter 100 - Napapaisip Na Naman Ang Leon

    "Tang ina!" Napatayo naman sa pagkabigla si RJ. "Anong buhay pag-ibig? Nakakasuka namang salita iyan! Mga kalaro ko lang silang lahat!"Sabay pang napairap sina Apollo at Marco sa tinurang iyon ni RJ. Habang sinamaan naman siya ng tingin ni Raphael.Napakamot naman kaagad sa ulo niya si RJ. "W-Wala pa namang akong nakarelasyon na may anak na."Malutong namang napatawa si Apollo. "Nasabi mo lang iyan dahil hindi ka naman gusto ni Rica Mae. Kung sakaling gusto ka rin niya ay balewala sa iyo kahit pa may anak na siya. Hindi ba?""Pinagkakaisahan ba ninyo ako?" nakasimangot na tugon naman ni RJ.At tinukso na nga siya nina Apollo at Marco.Pero kaagad namang napangiti si RJ. "Ano naman ngayon kung may anak na siya? Nasa anong henerasyon na ba tayo ngayon? Hindi na ba siya pwedeng magustuhan dahil may anak na siya?""Hindi ka tama at hindi ka rin mali," sagot naman ni Marco. "Hindi naman iyan sa henerasyon na kinabibilangan natin. Mula pa man noon ay may mga lalake nang nagkakagusto sa mga

  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Chapter 99 - Napangiti Na Ang Leon

    Sa kabilang banda ay nabigla naman si Raphael sa naging tanong ni Aleisha. Naisip niya ay baka magalit ito dahil sa ginawa niyang iyon. Pero hindi niya iyon pinahalata at malamig itong tinitigan. "Oo, ako nga. Bakit? May problema ba?""Kung ganoon..." seryosong saad ni Aleisha na mas lalo pang nagpakaba kay Raphael. "... ay maraming salamat. Seryoso, maraming salamat talaga. Mula pa man pagkabata hanggang ngayon na nasa tamang edad na ako ay bilang lamang sa mga daliri ko ang mga taong nagpapakita ng kabutihan nila sa akin. Kaya maraming salamat sa kabutihan mo sa akin."Sa pangalawang beses ay nagulat muli si Raphael. Hindi niya inaasahang marinig iyon mula kay Aleisha. Parang may kung anong kiliti siyang naramdaman sa puso niya. Kanina lang ay hindi niya malaman kung bakit mas lalo siyang nagagalit at ang galit na iyon ay napalitan ng tuwa. Kaya naman ay hindi niya na napigilan ang sarili na mapangiti. "W-Walang anuman.""Pero—" Naputol ang sanang sasabihin ni Aleisha nang bigla na

  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Chapter 98 - Walang Pansinan

    Malaki ang pasasalamat niya sa mga taong nakagawa ng kabutihan sa kanya at lagi niya iyong itinatanim sa kanyang puso. At dahil doon ay gusto niyang gantihan ang kabutihang natatanggap niya nang higit pa roon.Nang makalabas na ng hospital si Aleisha ay kaagad siyang umuwi sa mansyon ng mga Arizcon na nasa Southvill Homes.Tuwang-tuwa naman si Don Raul nang makita si Aleisha at kaagad na tinawagan si Raphael. Habang naghihintay na sagutin ni Raphael ang tawag niya ay kinausap niya muna si Aleisha. Mababakas talaga sa mukha niya ang labis na tuwa. "Ilang araw ka ring hindi umuuwi rito dahil sa medical outreach ninyo at si Raphael naman ay hindi ko alam kung anong pinagkakaabalahan ng batang iyon. Buong araw ko rin siyang hindi mahagilap. Sakto at umuwi ka kaya sabay na tayong maghapunan."Hindi napansin ni Don Raul na kanina pa pala sinagot ni Raphael ang tawag niya. Kanina pa ito nakikinig sa mga sinabi niya. "Lolo, masyado pa akong abala rito sa opisina at hindi pa ako makakauwi.""A

  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Chapter 97 - Konektado Kaya?

    Sa meeting room ng Arizcon Corporation— abala si Raphael sa pag-aanalisa ng mga dokumentong nagkalat sa harapan niya.May bagong grupo ng mga papel na inilagay si Joaquin sa harapan ni Raphael. May bago na naman kasing proyekto ang ArCo (Arizcon Corporation) na kamakailan lang inumpisahan kaya ganoon na lang kaabala si Raphael. Nangangailangan sila ng bagong partnership na may kinalaman sa mga teknolohiya. Pero hanggang ngayon ay hindi pa sila nakakahanap.Ang mga bagong dokumento na nilagay ni Joaquin ay ang pangalawang batch na sa mga kumpanyang nagbigay ng kanilang mga proposal. Kaagad naman iyong inisa-isang tingnan ni Raphael. Kaagad na naagaw ang atensyon ni Raphael nang may mabasang pamilyar na pangalan. Montenegro Technologies— ang taong namamahala at siya ring chief engineer ay walang iba kung hindi si Daniel Montenegro. Nagtapos sa kursong mechanical engineering si Daniel kaya maalam ito pagdating sa mga technology at software."Daniel Montenegro..." wala sa sariling nasamb

  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Chapter 96 - Sawi

    Bumukas ang pinto at ang mukha kaagad ni Daniel ang nabungaran ni Raphael.Katatapos lang ni Daniel sa pagligo. Tumutulo pa ang tubig mula sa buhok niya. Wala siyang suot na pang-itaas at tanging ang maluwag na pantalon lang ang suot niya na hiniram pa ni Aleisha kay Vincent.Nakatitig lang si Raphael kay Daniel— nakikiramdam, ni hindi siya nagsalita."Mr. Arizcon." Pagbasag ni Daniel sa katahimikan sa pagitan nila ni Raphael. "Nandito ka ba para hanapin si Aleisha?"Nang bitiwan ni Daniel ang tanong na iyon ay para bang bumigat ang tensyon sa pagitan nila ni Raphael. Hindi pa rin nagsasalita si Raphael. Tanging malalamig na tingin lamang ang pinupukol niya kay Daniel."Nasa banyo pa si Aleisha..." dagdag na saad ni Daniel. Alam niyang hindi niya na dapat pang sabihin iyon pero sinadya niya talagang sabihin iyon. Sinabi niya iyon para ipamukha kay Raphael na may isang katulad niya sa buhay ni Aleisha.Bilang lalake ay alam niyang may kung ano kina Raphael at Aleisha— hindi lang iyon b

  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Chapter 95 - Ibang Lalake

    Nahulog naman sa malalim na pag-iisip si Aleisha sa sinabing iyon ni Daniel. Nanlaki ang kanyang mga mga mata nang may pagtanto. "Iyon ba iyong sinabi mong para kay Alexander?""Nakuha mo!" masayang saad ni Daniel sa kabilang linya. "Tinutupad ko ang kung anon mang ipinangako ko."Dahil para naman pala iyon kay Alexander ay hindi na siya umangal pa. "Kung ganoon ay tawagan mo ako kapag nakarating ka na sa Mount Kilala.""Sige," nakangiti pa ring saad ni Daniel.Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay masayang-masaya si Daniel. Kahit pa sabihing para iyon sa kapatid ni Aleisha na si Alexander ay walang kaso iyon para sa kanya. Ang gusto niya lang mangyari ay umasa muli si Aleisha sa kanya na para bang hindi na siya nito iiwan.---Samantala ay pabigat nang pabigat ang buhos ng ulan.Napatingin si Michelle kay Aleisha na kanina pa nakatingala sa kalangitan habang nakatayo sa may pintuan ng tinutuluyan nilang kwarto rito sa hospital. "Para bang may butas ang langit at hindi na matigil sa pag

  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Chapter 94 - Habol Pa Raphael!

    Nang nasa parking lot ng gusali ng kumpanya ng mga Arizcon ay tinawagan ni Raphael si Aleisha. Pero hindi ito sumasagot. Nakailang tawag na siya ay hindi pa rin nito sinasagot kahit ni isang beses man lang.Sa kabilang dako ay abala naman si Aleisha at ang mga kasama niyang parte ng medical team sa paghahanda ng mga medical supplies at ilan pang kakailanganin para dalhin sa pag-alis nila papuntang Mount Kilala. Plano sanang umalis ni Aleisha sa panghuling batch pero nagbago iyon at gusto niya nang umalis kasama ang unang batch. Hindi niya na kailangang magtagal pa rito.Kanina pa tumutunog ang telepono ni Aleisha na nasa bulsa ng kanyang suot na pantalon. Nang makita niya ang pangalan ni Raphael ay kaagad niyang nilagay sa flight mode ang kanyang telepono.Nagdesisyon si Raphael na puntahan si Aleisha sa hospital dahil hindi niya ito makontak pa at sa parehas na oras ay siya ring paghahanda ng unang batch ng medical team para umalis papuntang Mount Kilala— kasama na roon si Aleisha."

  • Contract Marriage: Bound To A Cold Hearted Billionaire   Chapter 93 - Selos?

    Pakiramdam ni Aleisha ay tumigil sa pagtibok ang kanyang puso at para bang sinabuyan siya nang malamig na tubig sa buo niyang katawan. Ni hindi siya makagalaw sa sobrang bigat ng kanyang nararamdaman.Nakatalikod ang dalawa sa kanya kaya hindi nila siya napansin."Raphael..." nang-aakit na saad ni Sophia habang nakayakap ang mga kamay sa palibot ng beywang ni Raphael. "Napag-isipan ko na nang mabuti at hindi ko kayang mawala ka sa akin.""S-Sophia..." saad naman ni Raphael habang nakatingin dito sa nakakunot niyang noo.Matapos marinig ang mga iyon ay pinilit ni Aleisha na makahakbang palabas ng opisina. Hindi niya kinakaya ang mga nakikita at naririnig. Walang ingay siyang nakalabas at nakitang nakabantay pa rin doon si Jacob.Gulat namang napatingin si Jacob kay Aleisha lalo pa at hindi maipinta ang ekspresyon sa mukha nito. "Bakit, Miss Aleisha?"Pigil na pigil ni Aleisha ang mga mata sa pagluha. Ngumiti siya pero halatang pilit lang iyon. Ni hindi umabot sa kanyang mga mata ang pa

DMCA.com Protection Status