Nailang naman si Aleisha dahil halos nakasubsob na siya sa dibdib ni Raphael. Naririnig niya ang mabilis na pintig ng puso nito. "R-Raphael, pwede mo na akong b-bitiwan.""Talaga?" Halatang nag-aalala ang tono ni Raphael. "Para ka na ngang mawawalan ng malay, eh."Pilit na ngumiti si Aleisha. "Gutom lang ito at baka nagka-hypoglycemia lang ako."Pero sa isip ni Aleisha ay baka mapano ang bata sa kanyang sinapupunan. Dapat hindi siya nagpapalipas ng gutom."Kung ganoon ay tara at kumain!" Dahil may kalayuan ang Hacienda Amora ay nagdesisyon si Raphael na sa may malapit na kainan sila kakain. Dahil wala naman sila syudad ay walang gaanong tao sa restaurant na pinasukan nila at hindi rin gaano kamahal o sosyal ang mga pagkaing nasa menu.Nakakunot ang noo ni Raphael habang nakatingin sa menu. "Wala silang beaf steak. Hindi ko gusto ang mga pagkain nila. Magpaluto na lang kaya tayo ng kahit wala sa menu?""Ayos lang sa akin ang mga nasa menu nila," sagot naman ni Aleisha habang tinatangg
Hindi naman iyon nakaapekto kay Aleisha. Normal lang naman na puntahan ni Raphael si Sophia dahil may relasyon sila. Dahil ngayon alam na niya na magkasama ang dalawa, imposible nang balikan pa siya ni Raphael dito.Mabuti na lamang din ay nakapagbayad na kanina pa si Raphael kaya makakaalis siyang walang poproblemahin. Tumayo na siya at kaagad na lumabas ng restaurant na iyon.Nang makalabas na siya ay saka niya pa lang napagtanto na hindi niya pala kabisado ang lugar na ito. Wala rin siyang mahagilap na bus station o kahit na anong pampasaherong sasakyan para sana magpahatid sa bukana ng Santa Rosa.Pailan-ilan lang din ang mga ilaw sa gilid ng kalsada. Kaagad niyang binuksan ang kanyang telepono at inalam kung ano ang eksaktong lokasyon na ngayon. Pagkatapos ay binalak niyang mag-order ng taxi online pero dahil nasa remote area ito ay walang siyang mahanap na taxi na nasa malapit.Wala na siyang nagawa kung hindi ang lakarin ang papuntang main highway. Baka sakaling may makita siya
"Bitiwan mo ako!" sigaw ni Aleisha habang pilit na binabawi ang kamay niya mula sa mahigpit na hawak ni Raphael. Naiiyak na siya dahil sa halo-halong nararamdaman.Hindi naman nakinig si Raphael kay Aleisha at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay nito. Hindi niya malaman kung bakit nagagalit siya nang ganito. Dahil na rin siguro sa panghihinayang na nagpakita siya ng kabaitan kay Aleisha. Isa pa ay kahit pagod na siya ay pinilit niyang pumunta rito dahil nag-aalala siya.Pero nang makitang masayang nakikipag-usap si Aleisha sa lalakeng iyon, pakiramdam niya ang natipon lahat ng dugo sa mukha niya."Sumagot ka!"Hindi na maintindihan ni Aleisha kung saan nanggagaling ang galit ni Raphael. Siya na nga itong naiwan sa restaurant, nasugatan sa paa, at naglalakad mag-isa sa gitna ng dilim, tapos ito pa ang may ganang magalit.Hindi niya sinagot si Raphael at buong lakas na hinila ang sarili kamay. Nang magtagumpay siyang mabawi ang kanyang kamay ay tinalikuran niya ito at han
"Sorry..."Tinulungan naman siya nitong pulutin ang mga papel at nang ibibigay na sana nito sa kanya ay nakatitigan sila."Joaquin?""Ikaw pala iyan, Miss Aleisha," sagot naman ni Joaquin at napapakamot pa sa ulo niya."Ano bang binili mo rito?" nagtatakang tanong ni Aleisha. Hindi niya lubos-maisip na maliligaw sa ganitong lugar si Joaquin. Kahit pa sabihing personal secretary lang siya ni Raphael ay may binatbat din naman ito hindi lang sa buhay kung hindi pati na rin sa mukha."Ah... bumili lang ako ng tubig. Ikaw ba?" tanong ni Joaquin at nalipat ang tingin sa hawak ni Aleisha. "Iyan lang ba ang kakainin mo para sa pananghalian?""Yep!" nakangiting sagot ni Aleisha."Mabubusog ka na ba niyan?" tanong muli ni Joaquin. Sa isip nito ay hindi na nga masustansya ay hindi rin nakabubusog. "Walang kanin man lang? O hindi kaya salad? Kumain ka na lang kaya nang matinong pananghalian?"Natatawa naman si Aleisha sa sunud-sunod na pagsasalita nito. "Ayos na ako rito."Hindi na nagpumilit pa
"G-Ganoon na nga..." sagot naman ng doktor na tumingin kay Aleisha. Nawala ang ngiti nito nang makitang hindi maipinta ang mukha ni Raphael. Kanina ay masaya pa niyang ibinalita kay Raphael sa pag-aakalang matutuwa ito. Ngunit parang kabaliktaran pa yata. "Four weeks to be exact. Maliban sa may hypoglycemia siya ay normal lang sa buntis ang mahimatay. Asahan ninyong hindi lang ito ang mangyayari sa kanya sa first semester ng kanyang pagbubuntis."Salubong na ang mga kilay ni Raphael. Hindi niya alam kung ano pang mga bagay ang hindi niya alam tungkol kay Aleisha. Ilang beses pa ba siyang magugulat?Paulit-ulit na umalingawngaw ang salitang buntis sa isipan ni Raphael. Hindi niya alam kung bakit siya nagagalit nang ganito ngayon. Marahil ay sa kadahilanang nagpapasok siya ng taong hindi niya pa lubos na kilala sa kanilang pamilya.Walang sabi-sabi niyang tinabig ang kurtinang nagtatakip sa nakahigang si Aleisha. Walang ibang emosyon siyang nararamdaman ngayon kung hindi galit at galit
Sa totoo lang ay natatakot si Aleisha. Sa edad niyang ito ay mararanasan niya ang isang kahindik-hindik na kasalanan.Kung kanina ay matapang niyang nasabi kay Raphael na wala siyang planong ipagpatuloy ang pagbubuntis, ngayon ay naduduwag na siya. Hindi pa siya handa."Ano bang nangyayari?" Halata na sa boses niya ang pagkainis. Siya na mismo ang nagbukas sa pinto ng operating room. "Nasa sayang ang oras."Tinipon ni Aleisha ang lahat ng lakas para sabihin kay Raphael na ayaw niyang ipalaglag ang bata. Pero bago pa man niya maibuka ang kanyang bibig ay may umagaw na sa kanilang atensyon."Anong ginagawa ninyo rito?"Nanlalaki ang mga mata ay sabay na nilingon nina Raphael at Aleisha ang nagsalita. Kapwa sila nabahiran ng takot nang makita kung sino iyon.Nakaupo sa wheelchair si Don Raul habang nasa likod naman nito ang isang nurse. Maraming mga laboratory facilities ang nasa palapag ng building na ito. Aksidenteng natawan ng don si Raphael kaya sinundan niya ito.Kaagad namang kumil
Dahil na rin sa pagbubuntis ay walang ganang kumilos si Aleisha. Matapos ang pangyayaring iyon sa hospital ay parang naging priority niya na ang pag-iisip na siya ay buntis. Hindi tulad noong mga unang linggo na halos makalimutan niyang buntis pala siya. Pero kahit na walang sa hwisyo ay hindi siya tumigil sa paghahanap ng part-time job. Iyon nga lang ay may halong pag-iingat na siya.Isa pa ay iyon ang sinabi ni Raphael sa kanya. Ayaw niyang magalit na naman ito kaya mag-iingat talaga siya sa lahat ng pagkakataon. Lalo na sa kanyang pagkain.Nitong mga nakaraang araw ay lagi niyang kasama ang kaibigang si Michelle. Kasalukuyan nga siyang nasa apartment ni Michelle at hinihintay ang pagdating nito. Hindi rin naman nagtagal ay dumating na si Michelle."Sa wakas!" hiyaw ni Aleisha nang makita ang kaibigan at kaagad na ngumuso. "Kanina pa ako nagugutom."Tiningnan naman siya ni Michelle. "Oo nga, kawawa naman. Pumapangit na nga, ohh.""Namemersonal ka na yatang bruha ka," taas-kilay nam
Kaagad namang nilapitan ni Patrick si Daniel at umupo sa katabi nitong upuan, pero ang mga tingin nito ay na kay Aleisha. "Hindi ba at nagde-date kayo nitong si Danie noon, Aleisha? Bakit parang hindi ninyo kilala ang isa't isa ngayon at hindi kayo nag-uusap?"Hindi iyon pinansin ni Aleisha at nakatingin lang sa pagkain niyang nangangalahati pa lang. Nawalan na talaga siya ng ganang kumain. Naalala niya tuloy ang mga isaw kanina sa labas. Kung sana roon na lamang sila kumain— walang ganitong eksena sana ngayon, walang sakit na mararamdaman ulit, at walang kahapon na matatanaw ulit.Sinamaan naman ng tingin ni Michelle si Patrick. "Ikaw lang itong maraming sinasabi."Kung alam lang ni Michelle na magiging ganito, hindi niya na lang sana pinansin ang ulupong na Patrick na ito."Marami na kaagad akong nasabi sa lagay na iyon?" taas-kilay na tanong naman ni Patrick. "Sinasabi ko lang naman ang totoo. Tama naman ako, hindi ba? Na may relasyon sila noon? Selos na selos nga ang mga babae noo
Makalipas ang ilang araw ay pumunta sa Arizcon Corporation si Daniel. Naipasa nang maayos ng Montenegro Technologies ang mga hinihinging requirements ng ArCo ayon na rin sa prosesong ginawa nila. Ngayon ay narito siya para personal na makausap si Raphael.Hinatid siya ng isa sa mga sekretarya ni Raphael sa conference room ng kumpanya. Pagkaupong-pagkaupo niya ay siya namang pagdating ni Raphael.Tumayo si Daniel bilang pagbati. "Magandang araw sa iyo, Mr. Arizcon.""Magandang araw din sa iyo, Mr. Montenegro," balik na pagbati ni Raphael at saka nakipagkamay rito. "Maupo ka."Hindi na sila nagpaliguy-ligoy pa at kaagad na pinag-usapan ang mga detalye tungkol sa bagong proyektong bubuksan. Pinaliwanag naman ni Daniel ay layunin ng kanyang kumpanya at kung paano ito makakatulong sa proyektong bubuksan ni Raphael.Walang masabi si Raphael sa husay na mayroon si Daniel at higit pa sa salitang sapat ang nararamdaman ni niya ngayon. Kaya walang pagdadawang-isip na pumirma ang magkabilang kam
"Tang ina!" Napatayo naman sa pagkabigla si RJ. "Anong buhay pag-ibig? Nakakasuka namang salita iyan! Mga kalaro ko lang silang lahat!"Sabay pang napairap sina Apollo at Marco sa tinurang iyon ni RJ. Habang sinamaan naman siya ng tingin ni Raphael.Napakamot naman kaagad sa ulo niya si RJ. "W-Wala pa namang akong nakarelasyon na may anak na."Malutong namang napatawa si Apollo. "Nasabi mo lang iyan dahil hindi ka naman gusto ni Rica Mae. Kung sakaling gusto ka rin niya ay balewala sa iyo kahit pa may anak na siya. Hindi ba?""Pinagkakaisahan ba ninyo ako?" nakasimangot na tugon naman ni RJ.At tinukso na nga siya nina Apollo at Marco.Pero kaagad namang napangiti si RJ. "Ano naman ngayon kung may anak na siya? Nasa anong henerasyon na ba tayo ngayon? Hindi na ba siya pwedeng magustuhan dahil may anak na siya?""Hindi ka tama at hindi ka rin mali," sagot naman ni Marco. "Hindi naman iyan sa henerasyon na kinabibilangan natin. Mula pa man noon ay may mga lalake nang nagkakagusto sa mga
Sa kabilang banda ay nabigla naman si Raphael sa naging tanong ni Aleisha. Naisip niya ay baka magalit ito dahil sa ginawa niyang iyon. Pero hindi niya iyon pinahalata at malamig itong tinitigan. "Oo, ako nga. Bakit? May problema ba?""Kung ganoon..." seryosong saad ni Aleisha na mas lalo pang nagpakaba kay Raphael. "... ay maraming salamat. Seryoso, maraming salamat talaga. Mula pa man pagkabata hanggang ngayon na nasa tamang edad na ako ay bilang lamang sa mga daliri ko ang mga taong nagpapakita ng kabutihan nila sa akin. Kaya maraming salamat sa kabutihan mo sa akin."Sa pangalawang beses ay nagulat muli si Raphael. Hindi niya inaasahang marinig iyon mula kay Aleisha. Parang may kung anong kiliti siyang naramdaman sa puso niya. Kanina lang ay hindi niya malaman kung bakit mas lalo siyang nagagalit at ang galit na iyon ay napalitan ng tuwa. Kaya naman ay hindi niya na napigilan ang sarili na mapangiti. "W-Walang anuman.""Pero—" Naputol ang sanang sasabihin ni Aleisha nang bigla na
Malaki ang pasasalamat niya sa mga taong nakagawa ng kabutihan sa kanya at lagi niya iyong itinatanim sa kanyang puso. At dahil doon ay gusto niyang gantihan ang kabutihang natatanggap niya nang higit pa roon.Nang makalabas na ng hospital si Aleisha ay kaagad siyang umuwi sa mansyon ng mga Arizcon na nasa Southvill Homes.Tuwang-tuwa naman si Don Raul nang makita si Aleisha at kaagad na tinawagan si Raphael. Habang naghihintay na sagutin ni Raphael ang tawag niya ay kinausap niya muna si Aleisha. Mababakas talaga sa mukha niya ang labis na tuwa. "Ilang araw ka ring hindi umuuwi rito dahil sa medical outreach ninyo at si Raphael naman ay hindi ko alam kung anong pinagkakaabalahan ng batang iyon. Buong araw ko rin siyang hindi mahagilap. Sakto at umuwi ka kaya sabay na tayong maghapunan."Hindi napansin ni Don Raul na kanina pa pala sinagot ni Raphael ang tawag niya. Kanina pa ito nakikinig sa mga sinabi niya. "Lolo, masyado pa akong abala rito sa opisina at hindi pa ako makakauwi.""A
Sa meeting room ng Arizcon Corporation— abala si Raphael sa pag-aanalisa ng mga dokumentong nagkalat sa harapan niya.May bagong grupo ng mga papel na inilagay si Joaquin sa harapan ni Raphael. May bago na naman kasing proyekto ang ArCo (Arizcon Corporation) na kamakailan lang inumpisahan kaya ganoon na lang kaabala si Raphael. Nangangailangan sila ng bagong partnership na may kinalaman sa mga teknolohiya. Pero hanggang ngayon ay hindi pa sila nakakahanap.Ang mga bagong dokumento na nilagay ni Joaquin ay ang pangalawang batch na sa mga kumpanyang nagbigay ng kanilang mga proposal. Kaagad naman iyong inisa-isang tingnan ni Raphael. Kaagad na naagaw ang atensyon ni Raphael nang may mabasang pamilyar na pangalan. Montenegro Technologies— ang taong namamahala at siya ring chief engineer ay walang iba kung hindi si Daniel Montenegro. Nagtapos sa kursong mechanical engineering si Daniel kaya maalam ito pagdating sa mga technology at software."Daniel Montenegro..." wala sa sariling nasamb
Bumukas ang pinto at ang mukha kaagad ni Daniel ang nabungaran ni Raphael.Katatapos lang ni Daniel sa pagligo. Tumutulo pa ang tubig mula sa buhok niya. Wala siyang suot na pang-itaas at tanging ang maluwag na pantalon lang ang suot niya na hiniram pa ni Aleisha kay Vincent.Nakatitig lang si Raphael kay Daniel— nakikiramdam, ni hindi siya nagsalita."Mr. Arizcon." Pagbasag ni Daniel sa katahimikan sa pagitan nila ni Raphael. "Nandito ka ba para hanapin si Aleisha?"Nang bitiwan ni Daniel ang tanong na iyon ay para bang bumigat ang tensyon sa pagitan nila ni Raphael. Hindi pa rin nagsasalita si Raphael. Tanging malalamig na tingin lamang ang pinupukol niya kay Daniel."Nasa banyo pa si Aleisha..." dagdag na saad ni Daniel. Alam niyang hindi niya na dapat pang sabihin iyon pero sinadya niya talagang sabihin iyon. Sinabi niya iyon para ipamukha kay Raphael na may isang katulad niya sa buhay ni Aleisha.Bilang lalake ay alam niyang may kung ano kina Raphael at Aleisha— hindi lang iyon b
Nahulog naman sa malalim na pag-iisip si Aleisha sa sinabing iyon ni Daniel. Nanlaki ang kanyang mga mga mata nang may pagtanto. "Iyon ba iyong sinabi mong para kay Alexander?""Nakuha mo!" masayang saad ni Daniel sa kabilang linya. "Tinutupad ko ang kung anon mang ipinangako ko."Dahil para naman pala iyon kay Alexander ay hindi na siya umangal pa. "Kung ganoon ay tawagan mo ako kapag nakarating ka na sa Mount Kilala.""Sige," nakangiti pa ring saad ni Daniel.Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay masayang-masaya si Daniel. Kahit pa sabihing para iyon sa kapatid ni Aleisha na si Alexander ay walang kaso iyon para sa kanya. Ang gusto niya lang mangyari ay umasa muli si Aleisha sa kanya na para bang hindi na siya nito iiwan.---Samantala ay pabigat nang pabigat ang buhos ng ulan.Napatingin si Michelle kay Aleisha na kanina pa nakatingala sa kalangitan habang nakatayo sa may pintuan ng tinutuluyan nilang kwarto rito sa hospital. "Para bang may butas ang langit at hindi na matigil sa pag
Nang nasa parking lot ng gusali ng kumpanya ng mga Arizcon ay tinawagan ni Raphael si Aleisha. Pero hindi ito sumasagot. Nakailang tawag na siya ay hindi pa rin nito sinasagot kahit ni isang beses man lang.Sa kabilang dako ay abala naman si Aleisha at ang mga kasama niyang parte ng medical team sa paghahanda ng mga medical supplies at ilan pang kakailanganin para dalhin sa pag-alis nila papuntang Mount Kilala. Plano sanang umalis ni Aleisha sa panghuling batch pero nagbago iyon at gusto niya nang umalis kasama ang unang batch. Hindi niya na kailangang magtagal pa rito.Kanina pa tumutunog ang telepono ni Aleisha na nasa bulsa ng kanyang suot na pantalon. Nang makita niya ang pangalan ni Raphael ay kaagad niyang nilagay sa flight mode ang kanyang telepono.Nagdesisyon si Raphael na puntahan si Aleisha sa hospital dahil hindi niya ito makontak pa at sa parehas na oras ay siya ring paghahanda ng unang batch ng medical team para umalis papuntang Mount Kilala— kasama na roon si Aleisha."
Pakiramdam ni Aleisha ay tumigil sa pagtibok ang kanyang puso at para bang sinabuyan siya nang malamig na tubig sa buo niyang katawan. Ni hindi siya makagalaw sa sobrang bigat ng kanyang nararamdaman.Nakatalikod ang dalawa sa kanya kaya hindi nila siya napansin."Raphael..." nang-aakit na saad ni Sophia habang nakayakap ang mga kamay sa palibot ng beywang ni Raphael. "Napag-isipan ko na nang mabuti at hindi ko kayang mawala ka sa akin.""S-Sophia..." saad naman ni Raphael habang nakatingin dito sa nakakunot niyang noo.Matapos marinig ang mga iyon ay pinilit ni Aleisha na makahakbang palabas ng opisina. Hindi niya kinakaya ang mga nakikita at naririnig. Walang ingay siyang nakalabas at nakitang nakabantay pa rin doon si Jacob.Gulat namang napatingin si Jacob kay Aleisha lalo pa at hindi maipinta ang ekspresyon sa mukha nito. "Bakit, Miss Aleisha?"Pigil na pigil ni Aleisha ang mga mata sa pagluha. Ngumiti siya pero halatang pilit lang iyon. Ni hindi umabot sa kanyang mga mata ang pa