Share

Chapter 1

Author: maxi
last update Last Updated: 2022-09-10 08:18:40

Unfamilliar

The random flipped of pages I did through the book on my hand leads me to the first chapter "Leave the past where it belongs." With a heavy sigh, I let myself get drowned in the moving cars and sceneries while the sun is setting.

Nakaupo lang ako sa isa sa mga bench sa labas ng school naming malapit sa guard. Naghihintay kay papa para sunduin ako ngayon. I’m at my last year in junior high school.

“Cali! Sa weekend daw sa bahay nila Amee ha!?” sigaw ni Kris mula sa kabilang kalsada, confirming the invitation for one of our friend’s birthday.

Nakangiti akong tumango at kumaway “Ingat!” sigaw ko rin.

The melodies of dusk, birds singing from the trees around, the cars and vehicles passing by, the laughs of grade schoolers and teens with either their parents or friends, the vendors on a distant. It was all a fragment of my life before I entered this underground battle arena instead of school, it contradicts the disgusting drive of these people over power and money.

I got casted here 2 years ago, namatay si papa sa isang car accident pagkatapos nila mag-away ni mama. Hindi ko alam ano ugat nang pinag-awayan nila, ang alam ko lang ay nagsisigawan sila tungkol sa trabaho ni papa at boss niya.

He'll come home at night and my mother will start nagging at him. Laging may mga galos, kapag haharap sa hapag o sa'kin naka-long sleeves lagi.

"Did you already found a way?" my mom starts one dinner night.

"Carolina ano ba? Nasa harap ng bata at hapag." my mom sighed.

One night, papa got home wasted. I didn't make a noise when I went out of my room to eavesdrop, papaalisin lang nila ako pagganon.

"Ricardo! ano bang nangyayari sa'yo!?" galit na singhal ni mama kay papa.

"Wala na, lahat." he started crying.

Nabaon kami sa utang, nalugi 'yong business ni papa, hindi rin makapagbayad sa mga investors na nadamay.

A week after, he starts going out in the morning and will come home at night with bruises. Hindi siya nagpapakita sa'kin minsan, he'll just bid me good byes during breakfast.

"Itigil mo na 'to Ricardo!" I jumped of the sofa when my mother arrived carrying my father beaten up.

"Ano pong nangyari?" I started shaking.

"Kumuha ka ng maligamgam na tubig anak, pati yung first aid kit sa cabinet." I obliged.

3 weeks have passed, he's still like that. My mom got tired of his situation, our situation.

They've fought so long that night, until I heared car screeched out of our garage. The news of my dad being dead the next morning broke out.

I started working at the age of 16 on a convenience store, walang trabaho si mama at biglang nagkasakit pagkatapos mamatay ni papa. Kinuha rin sa'min ng bangko 'yung bahay, we rented a small apartment kaya ang kinikita ko ay napupunta ro'n kasama ang bills at gamot ni mama.

I ended up here because of a customer, tinangka niya 'kong bastusin kaya't lumaban ako. Nagreklamo sa boss ko at pinaikot pa so I got kicked off.

"Magpahinga ka na muna." ani ni Paul sabay bigay sa'kin ng tubig, ininuman ko iyon.

"Naka-ilang laban ka na?" tanong ni Tim at upo sa tabi ko.

"Pangalawa." nagtanong pa ito kung lalaban pa 'ko, inilingan ko na lang siya.

They found me right after those obnoxious shouts of my previous boss. They offered a job they're in and says that it pays reasonably. I was thought how to fight, dodge and throw heavy kicks and punches.

Hindi madali no'ng una, syempre babae ako, anong laban ko sa mga 'to.

I managed to the do bidding here eventually. Hindi naging madali 'yon sa'kin sa una.

Malakas na tumawa ang nasa harap ko ngayon, parehas kaming hinihingal "Nakaka-insulto na ikaw kaharap ko ngayon." at sarkastikong ngumisi.

"Ma-insulto ko lang." pang-aasar ko at naglakad pagilid, gumaya siya kaya't naglalakad kami paikot sa ring.

"Hinding-hindi ka mababagay dito, ilang linggo ka pa lang masyado ka nang mayabang." naiinis na ani niya.

"Dami mong sinasabi, lumaban ka na lang." nauubusan na ng pasensyang sabi ko, masyado niyang pinapatagal laban.

And I won, the second time for today.

A slap welcomed me while walking through the locker area, natumba agad ako dahil hindi ko inaasahan 'yon.

"Tumayo ka d'yan!" at gigil niyang hinawakan ang kwelyo ko saka sapilitang inangat.

"Ano bang meron sa'yo at nakapasok ka rito!? Hindi ka bagay dito! Naririnig mo ba 'ko!?" sigaw niya sa mukha ko. Hindi ako sumasagot,

I looked through my side and just sighed.

"Mahina ka para rito, babae ka lang!" sigaw niya pa, hindi ba 'to napapagod. We've gathered an audience, they are encircling us, mukha kaming nasa laban.

Binato niya 'ko sa sahig, susugod dapat siya pero mabilis akong tumayo sinangga siya.

"Ha! Lumalaban ka talaga 'no!?" tila natatawa pa siyang humawak sa bewang niya.

"Wala akong oras sa'yo." tumalikod na 'ko, pero naramdaman kong susugod siya. Humarap ako at mabilis na hinawakan ang kamay niya na aamba, nagpa-ulan ako ng tatlong suntok sa mukha niya sabay tadyak kaya't napahiga siya.

"Tarantado ka!" napapahiyang sigaw niya na hinawakan pa ng mga bata niya sa braso para sumuporta sa pagka-tumba niya. Umiling na lang ako at dumiretso sa locker.

"What happened!?" si Paul, late nang narinig tungkol sa nangyari.

"Wala, may humarang lang." walang pakeng sabi ko habang nagliligpit ng mga gamit. Kailangan ko nang umuwi, aasikasuhin ko pa si mama.

"Cali-" pinutol ko siya.

"Nasaan si Tim? Kailangan na na'ting kumuha ng sweldo, uuwi na 'ko" ani ko, tumango siya at bumuntong hininga.

"Oh!" at binato ang sobre na may lamang ilang libo. Nag-sindi ng sigarilyo ang boss namin at tinalikod ang swivel chair niya.

I'd known since I entered in here that my salary isn't the same as those rookie fighter like me. Wala ng maintenance si mama kaya't kulang talaga 'tong binigay sa'kin.

"Kulang 'to." ani ko, napahinto sa pagbibilang ng pera sa kamay niya si at napatingin sa'kin, maging ang mga nag-uusap at nagtatawanang naka-pila ay nanahimik din.

"Cali anong ginagawa mo!?" singhal na bulong sa'kin ni Paul, humawak din sa isa kong braso si Tim.

"Ano kamo? Masyado kasing mahina at maliit boses mo." saka malakas na tumawa, kasabay ng mga tao sa likod ko.

"Ano ba 'yan!? Paki-bilisan na oh ang dami pang naka-pila!?" sigaw ng isa.

"Hindi na lang makunteto sa binigay eh masyadong pasikat" at nagtawanan naman ang iba.

"Limang libo ang bigayan sa mga bago, apat lang sa'kin." I stated. He shifted on his chair and looked at me sharply.

"Matuto kang sumunod sa sistema dito! Labas." malakas na sigaw niya, napayuko ako at bumuntong hininga.

"Tara na Cali." ani nilang dalawa at hinila ako palabas.

"Feeling prinsesa!"

"Wala kang lugar dito Princess!"

"Suot ka na lang dress at sumayaw-sayaw."

And they all laughed.

"Oh! Naka-uwi ka na pala." my mother weakly said. I helped her get up on our worn out sofa.

"May dala po akong gamot at hapunan, magha-hain lang po ako." tatayo na sana ako nang marinig ko ang buntong hininga niya kasabay nang paghila sa'kin.

She caressed my knuckles, may ilang bahid ng sugat do'n at namumula.

"Ayos lang po ako." at ngumiti ako sa kan'ya.

"Pasensya na anak." she started crying, I soothed her until she calmed down. I don't have any homework after a full day out, it'd be a house work or taking care of my mom. I don't have lessons to study, but a punch to release, this has been my chore since then.

Hindi pa 'ko nakakapasok inaabangan na agad ako nila Tim sa labas, kinaladkad nila ako pagilid.

"Ano?" ani ko. Paul sighed

"Nag-petition sila na tanggalin ka."

"Bakit daw!?" gulantan na ani ko.

"Dahil sa nangyari kahapon, pabor din 'to para sa mga may ayaw sa'yo." bumuntong hininga ako at tumango, saka pumasok sa loob.

Nag-martsa akong pumunta sa opisina ng boss namin, hindi na siya nagulat sa presensya ko.

"Cali-" naputol ang sasabihin ni Tim nang walang sabi-sabing lumuhod ako.

Our boss raised his brows, and eventually grinned.

Related chapters

  • Conquering the Mafia Heir   Prologue

    Intoxicated Sa bawat pagbukas ng iba’t ibang pinto ng buhay at sa bawat laman nito na maaring masasabi ko na “swerte” ang napili kong tahakin, itong pagkakataon na ito ay hindi ko pinili, pero ginusto ko. The room I peeked through was never the calm like ambiance of a café, or warmth that came from a loving household. Mainit dahil sa mga sigawan ng mga pumupusta, nangingibabaw ang tunog ng mga hingal at suntok, amoy lalaki, pawis, alak kahalo ng sigarilyo at droga na taliwas sa inaasahan. You'd just peak me in the far corner untouched and unperturbed, never the admirable type. That's how my life is for the past years I switched it all off and entered this den. Sa bawat laban, literal na pawis at dugo ang puhunan sa bawat laban. “Tapos ka na sa quota ngayong araw? Nakarami ka na ata ah?” papalapit na sabi ni Rick kasabay ng sarkastikong tawa. Tumabi siya sa ‘kin ng tayo sa isa sa poste sa gilid, tinanaw namin ang arena sa gitna. Hindi ako sumagot, patuloy ko lang pinagma-masdan ang

    Last Updated : 2022-09-10

Latest chapter

  • Conquering the Mafia Heir   Chapter 1

    Unfamilliar The random flipped of pages I did through the book on my hand leads me to the first chapter "Leave the past where it belongs." With a heavy sigh, I let myself get drowned in the moving cars and sceneries while the sun is setting. Nakaupo lang ako sa isa sa mga bench sa labas ng school naming malapit sa guard. Naghihintay kay papa para sunduin ako ngayon. I’m at my last year in junior high school. “Cali! Sa weekend daw sa bahay nila Amee ha!?” sigaw ni Kris mula sa kabilang kalsada, confirming the invitation for one of our friend’s birthday. Nakangiti akong tumango at kumaway “Ingat!” sigaw ko rin. The melodies of dusk, birds singing from the trees around, the cars and vehicles passing by, the laughs of grade schoolers and teens with either their parents or friends, the vendors on a distant. It was all a fragment of my life before I entered this underground battle arena instead of school, it contradicts the disgusting drive of these people over power and money. I got

  • Conquering the Mafia Heir   Prologue

    Intoxicated Sa bawat pagbukas ng iba’t ibang pinto ng buhay at sa bawat laman nito na maaring masasabi ko na “swerte” ang napili kong tahakin, itong pagkakataon na ito ay hindi ko pinili, pero ginusto ko. The room I peeked through was never the calm like ambiance of a café, or warmth that came from a loving household. Mainit dahil sa mga sigawan ng mga pumupusta, nangingibabaw ang tunog ng mga hingal at suntok, amoy lalaki, pawis, alak kahalo ng sigarilyo at droga na taliwas sa inaasahan. You'd just peak me in the far corner untouched and unperturbed, never the admirable type. That's how my life is for the past years I switched it all off and entered this den. Sa bawat laban, literal na pawis at dugo ang puhunan sa bawat laban. “Tapos ka na sa quota ngayong araw? Nakarami ka na ata ah?” papalapit na sabi ni Rick kasabay ng sarkastikong tawa. Tumabi siya sa ‘kin ng tayo sa isa sa poste sa gilid, tinanaw namin ang arena sa gitna. Hindi ako sumagot, patuloy ko lang pinagma-masdan ang

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status