Sorry, sorry, sorry po kung natagalan mag-update. Tinapos ko lang talaga ang Ramona's Obsession para focus na ako rito. Daily updates na po dito. Salamat po sa mga naghintay. Pasensya na kung natagalan ng sobra. Thank you po. Xoxo
"Why don't we party too?" Napatingin ako kay Charlie na malaki ang ngisi. "Huh?" "Iyon ngang fiance mong hilaw nagce-celebrate ng hindi ka kasama. Alangan naman sila lang nagsasaya tapos hindi? May honors lang ba pwede pumarty?" Napangisi ako pabalik dahil sa sinabi niya. "Sure." Umuwi lang ako saglit sa bahay para magpalit ng damit ganoon din si Charlie. Usapan namin ay daraanan niya ako. Pagdating ko sa bahay gaya ng inaasahan ay wala pa ang mga magulang ko dahil may lakad pa sila ng mga magulang ni Primo. Nakita ko pa ang text ni mama na hinahanap ako at sinabing pumunta sa dinner kung nasaan sila, pero hindi ko na lang iyon pinansin. Si Primo nga pinayagan nila, bakit ako hindi pwede? Mabilis akong nagtanggal ng make-up ko at naligo. Nagsuot lang ako ng isang black denim pants na tenernuhan ko ng black racer back crop top at leather jacket. Nagmamadaling lumabas ako ng bahay ng may bumusina sa tapat ng bahay namin. Nakita ko ang nakangising si Charlie na nakaupo sa driver s
"Hey, where is Primo?" napatingin ako kay Klirk nang tumigil ang kotse niya sa tapat ko at ibaba niya ang convertible noon.Nasa tapat ako ngayon ng restaurant kung saan kami kumain ni Primo, pero nauna siyang umuwi dahil may biglang tumawag sa kaniya. Sabi niya importante raw iyon kaya nagpaalam siya sa akin at naiwan akong mag-isa.Naiinis man ako sa ginawa niya, pero hindi na lang ako nagreklamo. Wala rin namang mangyayari kapag inaway ko pa siya sa biglaang pang-iiwan niya sa akin kahit na niyaya niya akong mag-lunch para bumawi pero sa huli iniwan ulit niya ako."He left already," matabang na sagot ko kay Klirk. Bigla akong na-badtrip kay Primo. Siya lang yung bumabawi na nang-iiwan ulit sa ere. Alam ko naman na pangarap niya ang priority niya, pero hindi ba pwedeng kahit isang beses lang, ako naman? Siya nga isinama ko sa priorities ko, pero ako mukhang hindi kasama sa priorities niya.Ibinaba nito ang suot na sunglasses at tumingin sa akin. "And he left you alone here?"I shrug
"Thank you for bringing me home yesterday. Ginising mo na lang sana ako," saad ko kay Klirk nang magkita kami kinabukasan. Nandito kami pareho sa bahay nina Primo. Napagpasyahan kong magtungo sa bahay nina Primo dahil nalaman kong nandito lang siya nang maka-text ko siya kanina. Nagluto muna ako ng mga cookies bago ako nagtungo rito, pero hindi ko inaasahan na nandito rin si Klirk.Nandito kami ngayon sa garden, habang si Primo ay pumasok muyna dahil tinawag ito ni Tita Faye."You are sleeping soundly. Don't worry, carrying you does not hurt my muscles." Pinakita pa nito ang muscles, kaya asar na pinalo ko ito.Napatingin ako kay Primo nang dumating ito at may dala nang meryenda namin."I missed this," saad ni Klirk at agad na kumuha ng banana cue.Kumuha rin ako ng babana cue, pero hindi ko makain agad dahil mainit pa iyon hindi gaya ni Klirk na akala mo uubusan. Napatingin ako kay Primo nang bigyan niya ako ng isang orange juice."Thanks," nakangiting saad ko sa kaniya."I will sta
Napaupo ako sa pinakamalapit na bench at hinubad ang heels na suot ko. Galing ako sa pakikipagkita sa kliyente ko. I decided na maging real state agent muna. Sabi kasi nila kapag nakapagbenta ako ng kahit isang condo malaki ang comission ko kaya pinasok ko. Nag-seminar din ako para sa trabaho ko ppero magtatatlong buwan na ako sa trabaho ko, pero wala pa rin akong nabebenta. Sanay naman akong mag-sales talk, dahil business course ang tinapos ko, pero mahirap lang talaga humanap ng kliyente lalo na at baguhan pa lang ako. Hindi kagaya ng mga kasamahan ko na madali na lang sa kanila ang trabaho dahil marami na silang connections. Tama nga si Primo, the wider your connection, the better. Kanina may kliyente akong nagtingin ng mga units, pero mukhang wala naman itong balak na bilihin ang place na ipinakita ko sa kaniya. Nahihirapan pa akong magbyahe dahil wala akong kotse. May kotse naman si Mama, pero nahihiya akong gamitin iyon minsan. Dahil minsan naman ay may pinupuntahan din siya. A
KLIRK'S POV"Where are you?" agad na tanong ko, kay Primo nang sagutin niya ang tawag ko. Kadarating ko lang ng bahay at agad na tinawagan ko na siya."You did not even bother to know your fiancee's whereabouts?" Hindi ko mapigilang mainis sa kaniya."She's going home already when I called her awhile ago. What's wrong?""You want to be a good fiance, that's what you tell. Show some concern, or else someone will snatch her. She will be your wife, don't make her your less priority," sermon ko sa kaniya bago ko ibanaba ang tawag.I am pissed at the idea that he is too confident that Cleopatra will be his. Masyado itong confident na umaabot na sa puntong, hindi man lang inaalala ang fiance niya. Dapat hindi na siya pumayag na ipakasal sila in the future, kung wala naman pala siyang balak na alagaan si Cleopatra. Four years akong nawala pero hindi man lang nagbago ang pakikitungo at pagtrato niya rito habang si Cleopatra naman ay walang ibang bukang bibig kundi siya.Swerte na niya, pinapa
(Continuation from chapter 29 of Primo's Bride)Makalipas ang apat na taon, naging mas matagumpay kami. Mataas na ang posisyon ni Primo sa kompanya nina Klirk kahit na baguhan pa lang siya doon. Sa sipag at talino niya hindi na nakakagulat iyon. Presidente na si Primo ng GGC, naabot na niya ang pangarap niya. Mas nakilala na ang negosyo namin ni Charlie, habang si Klirk naman ay isa nang sikat na abogadong, maraming naipanalong kaso. Masasabi kong successful na talaga kaming lahat.Pero totoo pala ang kasabihan. Kapag swerte sa carreer maaring malas sa pag-ibig. Sobrang saya ko na, e. Nag-proposed na sa akin si Primo, niyaya na niya akong magpakasal akala ko matutupad na ang pangarap kong dream wedding at maging bride niya.Apat na taon matapos kong maipatayo ang dream business ko, handa na akong bumuo ng pamilya kasama siya. Noong mag-propose siya sa akin, sobrang saya ko. Inisip ko na unti-unti nang natutupad ang mga plano ko. Pero puro akala lang pala ang lahat. Dahil ngayong ar
Hinatid ako sa bahay ni Klirk. Agad na sinalubong ako ng mga magulang ko. Bakas ang pag-aala sa mukha nina Papa at Mama. Agad nila akong sinalubong nang makita nila akong pumasok sa loob ng bahay."Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Mama.Tumango ako sa kaniya. "Yes po."Bigla akong niyakap ni mama habang naiiyak ito. "I am sorry, it's my fault. Kung hindi sana kita ipinagkasundo sa kaniya, hindi ka sana masasaktan. Sorry, kung pinangunahan kita." Sinapo ni mama ang mukha ko habang namumula ang mga mata niya na malapit ng umiyak."It's okay, ma. Hindi n'yo naman ako pinilit. Ginusto ko rin naman iyon. Isa pa hindi n'yo naman ginusto na lokohin ako ni Primo. Kalimutan na po natin iyon. Tapos na, wala na kami ni Primo," sagot ko kay Mama.Ayokong ma-guilty siya dahil sa nangyari. Wala siyang kasalanan. Hindi naman siya ang nagsinungaling at nanloko sa akin. She just wants the best for me."Mula sa araw na ito, hindi na maaring makatongtong ang lalaking iyon dito sa pamamahay natin. H
CLEOPATRA'S POV Matapos ang huling pag-uusap namin ni Primo ay bumalik na ulit ako sa trabaho kinabukasan. Dalawang linggo na ang nakakaraan at mahigit isang buwan ko nang nalaman ang sekreto niya kaya naka-adjust na ako. Wala namang mangyayari sa akin kahit umiyak ako, kaya mas mabuti pang ipagpatuloy ko na lang ang lahat. Isa pa, tanggap ko naman na na hindi talaga kami para sa isa't isa. Hindi ko nga alam pero parang ang bilis lang sa aking tanggapin lahat. Oo, nasaktan ako pero hindi naman umabot sa puntong tila guguho ang mundo ko. Siguro gumuho ang pangarap kong maikasal sa kaniya pero hindi ang mundo ko. Hindi ko na nga iyon masyadong naiisip dahil busy ako sa trabaho ko. Doon ko na lang talaga iginugol ang oras ko. Pwede ko pa naman gawin ang dream wedding ko. Hindi nga lang siya ang groom. Napatingin ako sa pintuan nang pumasok si Charlie sa opisina ko. Kadarating ko pa lang para i-check ang wedding venue kung saan gaganapin ang kasal ng isa sa mga kliyente namin. "Wanna
"I am married!" tumitiling saad ko nang lapitan ako ni Charlie. Habang ipinapaikita ko sa kaniya ang kamay ko na may suot na wedding ring.Matapos ang wedding namin ay nagtungo kami reception. Hindi ko rin inakala na garden theme ang reception. Nasa isang hotel kami ngayon na may malawak na garden at dito ginaganap ang reception ng kasal namin. Tila nasa fairytale garden talaga kami base sa design ng paligid na alam kong nakuha nila sa ideya ko tungkol sa gusto kong kasal dahil palagi ko naman iyong binabanggit dati."Congratulations, finally. Natupad na ang dream wedding mo," malaki ang ngiting saad nito niyakap ako. "Ako ang kinukulit palagi niyang asawa mo para sa preparations, hindi mo pa sinasagot pero kasal n'yo na agad ang pinapalano niya."Hindi ko mapigilang kiligin sa sinabi ni Charlie. Ibig sabihin totoo talaga ang sinabi niya na hindi lang niya ako gustong maging girlfriend, gusto rin niya akong maging asawa."Thank you," masayang pasasalamat ko kay Charlie. Malaki ang nag
"CLEO, WAKE UP!" napamulat ako nang mata nang marinig ko ang malakas na sigaw. Nakita ko si Ate Claire na nasa paanan ko at hinihila ang kumot ko.Kinusot ko ang mga mata ko bago tumingin sa kaniya. "What are you doing here?""It's your wedding day.""WHAT!" napabangon ako dahil sa sinabi niya."He told you last night, hindi ba?""It's true?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya."Oo, pinipikot kana ni Klirk," saad nito at muling hinila ang kumot ko. "Kaya bumangon kana at maligo. Kailangan mo pang maayusan. Bilisan mo!"Nagmamadaling bumaba ako ng kama at nag-tsinelas. "Hindi nga? Totoo?" hindi pa rin makapaniwalang tanong ko kay ate Claire."Oo nga. Iyang fiance mo masyadong nagmamadali, kaya bilisan mo na. Maliga kana, may muta ka pa," saad nito sa akin, kaya kinapa ko ang mga mata ko. "GO!" sigaw ni Ate Claire, kaya natatarantang pumasok na ako sa bathroom ko.Mabilis akong tumapat sa shower para maligo. It's my wedding day, and yet, wala akong kaalam-alam. Pero bakit pa ba ako
Nakailang tingin na ako sa cellphone ko, pero wala talagang mensahe sa akin si Klirk. Mula nang ihatid niya ako kaninang umaga ay hindi na siya nag-text man lang hanggang sa dumating ang hapon.Kinuha ko ang cellphone ko at ako na mismo ang tumawag sa kaniya, pero hindi ko naman siya ma-contact.Busy ba siya? Pero kilala ko siya. Kahit busy siya nagagawa pa rin niyang makasingit para i-text man lang ako. At isa pa kapag busy siya ay nagpapaalam siya sa akin."Hey, Cleo. Let's go home na!" napatingin ako kay Charlie na nakalusot lang ang ulo sa maliit na bukas ng pintuan ko.Wala na akong nagawa kundi ang kunin ang bag ko. Sabay kaming lumabas ni Charlie, pero napalingon ito sa akin."Wala si Klirk? Wala kang sundo? May dala ka bang kotse?"Umiling ako sa kaniya. Hinatid kasi ako ni Klirk kanina, kaya akala ko susunduin din niya ako dahil alam naman niyang wala akong dalang sasakyan."Mag-commute na lang ako," sagot ko sa kaniya.Napatingin ako sa paligid. Nagsisimula nang umilaw ang mg
Naging mainit ang pagtanggap sa akin ng pamilya ni Klirk. Hindi ko inaasahan na mabilis akong magiging welcome sa pamilya niya. "Always visit us, okay?" pahabol sa akin ni Tita Margie, ang mama ni Klirk nang pauwi na kami."Yes po, tita," nakangiting sagot ko sa kaniya."Call me, Mommy na. Sure naman ako, ikaw na ang magpapangasawa ng anak ko," malapad ang ngiti na saad nito."Yes, Mom," sagot ko dahilan para mapahagikhik ito sa tuwa."See? I told you, they will like you," saad ni Klirk habang nagmamaneho ito para ihatid ako pauwi."You have a nice family.""And you will be part of it."Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko upang pigilin ang ngiti ko. Napatingin ako sa kaniya at natawa siya nang makita ang hitsura ko na nagpipigil ng ngiti.******Naging maayos ang relasyon namin ni Klirk. Wala akong pinagsisihan na sinagot ko siya at naging boyfriend. Masaya ako sa nagiging takbo ng relasyon naming dalawa. Dati na siyang maalaga pa, pero mas naa-appreicate ko na iyon ngayon.Nagliligp
Eksaktong paglabas ko nang building ay may babaeng humarang sa akin, kaya nagtatakang tiningnan ko siya."Are you Cleopatra Ibanez?" mataray na tanong nito sa akin.Tumango naman ako rito."Yes?""I am Nessie, and I am pregnant," deritsang saad nito."And?" naguguluhang tanong ko sa kaniya. Ano naman pakialam ko kung buntis siya?"Klirk is the father," walang kurap na saad nito.Nagsalubong ang kilay ko dahil sa narinig ko. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Naka-high heels ito na na akala mo rarampa sa runaway show. Sobrang fitted na mini skirt at halter na tank top. Ito lang ang buntis na sobrang sexy pa rin kung manamit."Ilang buwan?" tanong ko sa kaniya."Three months, kaya layuan mo na siya. He is mine, magkaka-baby na kami," matapang na saad nito sa akin."Sigurado kang sa kaniya iyan?" balewalang tanong ko rito.Malaki ang tiwala ko kay Klirk. Alam kong hindi niya niya magagawang makabuntis ng iba. At kung talagang buntis ang babaeng ito, sigurado akong hindi siya ang ama
Cleopatra's POV"Ano iyon? Nakita ko may pagkiss. " Tanong ni Charle sa akin nang salubungin niya ako. Siguro ay nakita niyang halikan ako ni Klirk. Ito kasi ang naghatid sa akin sa trabaho ko. Nginitian ko si Charlie bilang sagot. "Kayo na?!" nanalalaki ang matang tanong ni Charlie.Nagpipigil ng kilig ba tumango ako sa kaniya."Kyaa!" tili nito dahilan para mapatingin sa amin ang ibang staffs. Hinila ako nito papasok sa opisina ko. "Congrats! Number fan n'yo ako," kinikilig na saad nito."Ano kami artista? Pero, ang saya ko. Para akong nakalutang," kinikilig na saad ko rin."Ang haba ng hair mo, nakakainis ka. That's Attorney Klirk Galvez. Mayaman, gwapo, matalino, at sobrang yummy. ANg daming babaeng patay na patay sa kaniya pero sayo siya baliw na baliw. Girl, iniligtas mo ba ang mundo noong past life mo?"Natawa ako sa sinabi niya. "Hindi. Ganda lang ambag ko noon."Umirap ito sa akin bago sumeryoso. "Pero joke aside. Masaya ako para sa iyon. Magaan ang awra mo ngayon saka iyong
Hanggang sa makauwi ako ng bahay ay hindi mawala sa isip ko ang nakita ko kanina.Hindi ko dapat pinagdududahan si Klirk. Alam kong babaero siya dati pero seryoso naman siya sa akin, ramdam ko iyon.Sinampal ko ang sarili ko habang nakaupo ako sa sofa. "Nagseselos ba ako?" tanong ko sa sarili ko bago ko asar na ginulo ang buhok ko.Dati naman hindi ako ganito. Never akong naasar, sumikip ang dibdib at nag-o-overthink pero bakit kay Klirk, parang gusto ko siyang lapitan kanina at hilahin palayo sa babaeng kasama niya.Napabuga ako ng hangin bago tumayo sa kinauupuan ko. Nagtungo ako sa kusina ko at binuksan ang ref. Nakakita ako ng isang tub ng ice cream at agad ko iyong kinuha. Hindi na ako naglagay sa bowl, diretso ko na iyong kinain.Kailangan ko nang magpapakalma sa akin. Sunod-sunod ang subo ko ng eyecream. Wala akong pakialam kahit pakiramdam ko nagpi-freeze bigla ang ulo ko sa sobrang lamig noon.Susubo sana ulit ako nang mapatingin ako sa pintuan dahil may kumatok doon, pero ba
Matapos pumayag ng mga magulang ko na ligawan ako ni Klirk ay talagang naging masigasig siya sa panliligaw niya. Sa loob ng isang buwan niyang panliligaw pakiramdam ko, ako na ang pinakamaswerteng babae sa mundo.Hatid sundo na niya ako palagi, palagi rin niya akong pinagluluto. Tapos madalas may pabulaklak pa siya sa akin kaya hindi ko mapigilang kiligin. Consistent talaga siya.Ganito pala ang pakiramdam na na nililigawan ka. Nakakakilig, dati akala ko okay lang na walang ligawang maganap basta nagkakaintindihan kayo okay na. Pero iba pa rin sa pakiramdam na may lalaking susuyuin ka muna. Iyong handang maghinatay para sa matamis mong oo.I love to see how Klirk making his effort. So, once he ask me to be his girl, I will not hesitate to say yes. I love him. Mabilis man ang pangyayari, pero sigurado na talaga ako sa nararamdaman ko sa kaniya. Primo was my ideal man, but Klirk is proving me now that he is the best one."Malapit ko nang isiping baliw ka," napatingin ako kay Charlie na
Matapos naming makatanggap ng mensahe mula sa ama ko ay sabay naming napagdesisyonan na kausapin sila. Pagdating ng weekend ay sabay kaming nagtungo sa bahay ng mga magulang ko."Don't worry. I am always ready to face them. Malinis ang intensyon ko sa iyo kaya hindi ako natatakot na harapin ang mga magulang mo," saad nito na ikinangiti ko.Pero dahil sa nangyari sa amin ni Primo alam kong mahihirapan siyang kunin ang loob ng mga magulang ko. Baka isipin nila ang bilis ng pangyayari, walang heal-heal, may manliligaw na agad ako. Ang malala, bestfriend pa ng ex-fiance ko."Sagutin na kaya kita?" saad ko pero mabilis kong tinakpan ang bibig ko."What did you say?" nakangiting tanong ni Klirk halatang inaasar ako nito."Kasi naman, paano kung hindi pumayag sina papa? Pero kapag boyfriend na kita, wala na silang magagawa. Pero siyempre, joke lang," mabilis na bawi ko. "Manligaw ka pala muna."Natawa ito sa sinabi ko. "I can court you everyday kahit tayo na."Napanguso ako. "Huwag mo akong b