Thanks for reading po.
Gaya nga ng pangako ko kay Charlie na lalabas kami ng Friday at sasama kami gumimik kaya ngayon ay umuwi lang ako sa bahay galing sa opisina para magpalit pagkatapos ay dadaanan raw niya ako mamaya."Wow, ang ganda, parang hindi nasaktan, huh," nakangiting bati sa akin ni Charlie nang sunduin na niya ako. Kumindat ako sa kaniya bago ako pumasok sa kotse niya. Naka short skirt and crop top lang ako na silver at gliterry. Tapos may ang slit ng suot kung skirt kaya kaya sobrang seksing tingnan ng suot ko. Nakipagsiksikan kami ni Charlie nang pumasok kami sa bar dahil sobrang daming tao. Nalukot ang ilong ko dahil sa pinagsama-samang amoy ng alak, sigarilyo at iba't-ibang pabango. Hindi pa ako umiinom ng alak pero pakiramdam ko malalasing na ako dahil sa amoy.Hinila ako ni Charlie hanggang sa may second floor. Naupo kami sa harap ng bar counter.Pero bago pa man ako maka-order ay may tumawag sa pangalan ko."Cleopatra?" Napalingon ako at nakita ko ang gulat na gulat na mukha Dahlia.
"Klirk..." hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya. Pakiramdam ko gustong kumawala ng puso ko sa dibdib ko dahil sa sinabi niya. Ibinuka ko ang bibig ko pero muli ko iyong itinikom dahil wala akong maapuhap na tamang salita. Marahan niyang itinaas ang mukha kong hawak-hawak pa rin niya. Napalunok ako, pakiramdam ko biglang may bumara sa lalamunan ko habang bumibilis ang tibok ng puso ko pero pinipilit kong magmukhang kalmado lang. "I know you don't feel the same. You still love him. You love him for almost two decades, since you were kids, but can you just let me show my love for you? Pasensya kana kung biglaan ang pag-amin ko sayo, gusto ko lang malaman mo na ang nararamdaman ko. Alam kong hindi ka pa handang magmahal ulit pero sana hayaan mong ipadama ko sayo kung ano ano ang totoong nararamdaman ko. Kasi Cleo, while you are busy loving him, I am doing the same thing secretly. I am sorry if I lied that I already moved on when I came back. Iyon lang kasi ang naisip kong
Matapos kong ayusin ang lahat ng pinamili ko ay napabuga ako ng hangin bago inilibot ang tingin ko sa paligid. I bought this apartment two years ago, maraming alala-ala ang lugar na ito kasama si Primo kaya naisipan kong baguhin ang ayos ng buong paligid.Pinusod ko ang buhok ko bago ako nagsimulang ayusin ang buong paligid. Kailangan kong abalahin ang sarili ko upang hindi ako mag-isip. Ayoko munang mag-isip ng kahit na ano, tungkol man kay Primo o kahit na kay Klirk. Sana lang huwag sumulpot si Klirk ngayon dahil hindi ko pa alam kung papaano siya kakausapin. Iyong hindi pa ako tapos sa moving on process ko may another confession na agad akong natanggap. Dahil sa ginagawa ko ay hindi ko na namalayan ang oras. Pagod na napa-upo ako sa sofa, pawisan at hinihingal na rin ako.Maayos na ang buong paligid. Inalis ko na lahat may koneksyon kay Primo. Lahat ng binigay niya sa amin kahit vase pa iyan ay inalis ko na. Pakiramdam ko brand new na ulit ang paligid ko. Hindi ko mapigilang mapang
Sunday, naisipan kong dumalaw na lang muna sa bahay ng mga magulang ko. Sa kanila muna ako tumambay dahil wala naman akong gagawin sa bahay pero pagdating ko ay nandito rin sina Ate Claire.Bumati lang ako kay mama bago ako nakipaglaro kay Violet. Habang si Ate naman at ang asawa niya ay kausap ni Papa. Nang mapagod na ang pamangkin ko ay nakatulog na ito kaya inilagay ko siya sa kama ko. Baka kasi kapag sa kama nina ate ay mahulog ito lalo na at walang bantay.Nag-aayos ako ng mga gamit ko nang mapatingin ako sa may pintuan nakita ko si Ate na pumasok at naupo sa tabi ng anak niya na natutulog sa kama ko. "How are you?" Napatingin akong muli kay Ate habang marahan nitong hinahaplos ang buhok ni Violet. "Okay lang," simpleng sagot ko habang patuloy lang sa ginagawa ko. Naitapon ko na lahat ng mga nairegalo ni Primo sa akin noon. Tanging ang malaking stuffed toy na regalo na lang sa akin ni Klirk ang nasa kwarto ko ngayon."Hindi na masakit?" Nagkibit-balikat ako sa tanong niya. Al
"Wala ka bang balak na sagutin iyan?" napatingin ako kay Charlie na nakatingin sa cellphone kona kanina pa tunog nang tunog habang nasa ibabaw ng table.Nandito kaming dalawa sa conference room at nagso-sort out ng plano para sa request ng isa sa mga client namin. Gusto kasi nito ay garden wedding na may pagka-theme park. Siyempre hindi naman ako pwedeng humindi, binabayaran ako para mag-plan at mag-organize, kaya wala akong choice kundi sundin ang gusto ng client namin.Kinuha ko ang cellphone ko at pinatay iyon bago muling bumalik sa brochure na hawak ko."Sabihin mo nga sa akin. Nag-away ba kayo? LQ?"Umiling ako sa kaniya."So, anong problema? Bakit hindi mo sinasagot ang tawag niya? Noong nakaraan sa akin siya nagtatanong kung busy ka raw ba. Girl, ang haba ng hair mo. Hindi mo pa nga sinasabi sa akin anong nangyari noong nasa bar tayo at bigla na lang kayong umalis na dalawa tapos hindi na kayo bumalik."Ibinaba ko ang hawak ko at tumingin sa kaniya. Ngumiti naman ito sa akin na
Kinahapunan matapos namin magkausap at magkaayos ni Tita Faye ay nagtungo ako sa isang hotel. Chineck ko ang lugar kung saan gaganapin ang next wedding reception na ino-organize ko. May malawak rooftop ang hotel na pwedeng pagdausan ng malalaking event. Dahil hapon ang kasal, gabi na ang reception at gusto nila ay dito ganapin iyon. Nang makita ko na ang lugar at matanya ang magiging ayos noon ay bumaba na ako. Palabas na sana ako ng hotel nang makasalubong ko si Klirk. May kasama itong isang babae, kaya bago pa man niya ako makita ay nagtago ako sa may malaking vase. Hindi ko alam kung bakit nagtatago ako sa kaniya, basta sumiksik na lang ako sa may gilid para hindi niya makita. Hindi niya ako napansin dahil nakikinig siyang mabuti sa sinasabi nang babaeng kasama niya. Hindi ko mapagilang mapasimangot habang nakasunod ang tingin sa kanila. Kliyente ba niya iyon? Masyado naman yata silang close na kulang na lang ay umabrisete sa kaniya ang babae. Tapos may hitsura pa ito. Bigla akon
CLEOPATRA'S POINT OF VIEWSinubukan kong tawagan si Klirk pero ito naman ang hindi sumasagot sa mga tawag ko. Laglag ang balikat na umuwi na lang ako.Bakit kasi umalis siya nang makita kami? Dapat lumapit siya. Huwag niyang sabihin na iniisip niyang nagkabalikan na kami ni Primo dahil nakita lang niya kaming magkayakap.Hindi ko mapigilang mapangiti habang nagmamaneho ako sa isipang nagselos siya. Ako lang yata ang baliw na ngumingiti gayong hindi ko na siya makontact nang subukan kong tawagan muli.Wala na akong nagawa kundi ang umuwi sa bahay. Alas sais na rin naman ng hapon kaya alam kong wala nang tao sa opisina.Muli kong sinubukang tawagan si Klirk pero unattended na ang selpon nito. Pagbagsak na naupo ako sa sofa.Maraming nangyari ngayong araw maliban sa busy ako sa trabaho ay pareho ko pang nakausap si Tita Faye at Primo. Naayos ko na ang gusot sa pagitan namin. Mas naging maayos na rin ang usapan namin ni Primo hindi gaya noong una na pinilit ko lang talaga ang sarili ko na
Pagdating sa bahay ay nahirapan akong akayin si Klrik papasok ng bahay. Ang laki kasi nitong tao tapos ako naman ay hindi masyadong pinagpala sa height kaya kulang na lang ay mabali ang balikat ko sa bigat niya.Pabagsak ko siyang binitawan upang mahiga ito sa sofa.Hinihingal na nameywang ako sa harapan niya. Pinahid ko ng kamy ang noo ko. Pinagpawisan din ako dahil sa kaniya. Kulang na lang kasi ay buhatin ko siya dahil hindi na humahakbang ang mga paa niya sa kalasingan.Inayos ko ang higa niya sa sofa ko. Sikip ito doon pero wala akong choice, kasi iisa naman ang kwarto ko. Tinanggal ko ang suot niyang sapatos at medyas.Dapat pala hindi ko na siya inuwi sa bahay ko. Nag-doorbell na lang sana ako sa bahay nila para kunin siya.Sinabihan lang kasi ako ng my home, nawala na ako sa tamang pag-iisip. Ako tuloy ang naghihirap ngayon para asikasuhin siya. Tiningnan ko ang pwesto niya at hindi ko mapigilang mapailing. Hindi talaga siya kasya sa sa sofa pero wala na akong choice kundi h
"I am married!" tumitiling saad ko nang lapitan ako ni Charlie. Habang ipinapaikita ko sa kaniya ang kamay ko na may suot na wedding ring.Matapos ang wedding namin ay nagtungo kami reception. Hindi ko rin inakala na garden theme ang reception. Nasa isang hotel kami ngayon na may malawak na garden at dito ginaganap ang reception ng kasal namin. Tila nasa fairytale garden talaga kami base sa design ng paligid na alam kong nakuha nila sa ideya ko tungkol sa gusto kong kasal dahil palagi ko naman iyong binabanggit dati."Congratulations, finally. Natupad na ang dream wedding mo," malaki ang ngiting saad nito niyakap ako. "Ako ang kinukulit palagi niyang asawa mo para sa preparations, hindi mo pa sinasagot pero kasal n'yo na agad ang pinapalano niya."Hindi ko mapigilang kiligin sa sinabi ni Charlie. Ibig sabihin totoo talaga ang sinabi niya na hindi lang niya ako gustong maging girlfriend, gusto rin niya akong maging asawa."Thank you," masayang pasasalamat ko kay Charlie. Malaki ang nag
"CLEO, WAKE UP!" napamulat ako nang mata nang marinig ko ang malakas na sigaw. Nakita ko si Ate Claire na nasa paanan ko at hinihila ang kumot ko.Kinusot ko ang mga mata ko bago tumingin sa kaniya. "What are you doing here?""It's your wedding day.""WHAT!" napabangon ako dahil sa sinabi niya."He told you last night, hindi ba?""It's true?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya."Oo, pinipikot kana ni Klirk," saad nito at muling hinila ang kumot ko. "Kaya bumangon kana at maligo. Kailangan mo pang maayusan. Bilisan mo!"Nagmamadaling bumaba ako ng kama at nag-tsinelas. "Hindi nga? Totoo?" hindi pa rin makapaniwalang tanong ko kay ate Claire."Oo nga. Iyang fiance mo masyadong nagmamadali, kaya bilisan mo na. Maliga kana, may muta ka pa," saad nito sa akin, kaya kinapa ko ang mga mata ko. "GO!" sigaw ni Ate Claire, kaya natatarantang pumasok na ako sa bathroom ko.Mabilis akong tumapat sa shower para maligo. It's my wedding day, and yet, wala akong kaalam-alam. Pero bakit pa ba ako
Nakailang tingin na ako sa cellphone ko, pero wala talagang mensahe sa akin si Klirk. Mula nang ihatid niya ako kaninang umaga ay hindi na siya nag-text man lang hanggang sa dumating ang hapon.Kinuha ko ang cellphone ko at ako na mismo ang tumawag sa kaniya, pero hindi ko naman siya ma-contact.Busy ba siya? Pero kilala ko siya. Kahit busy siya nagagawa pa rin niyang makasingit para i-text man lang ako. At isa pa kapag busy siya ay nagpapaalam siya sa akin."Hey, Cleo. Let's go home na!" napatingin ako kay Charlie na nakalusot lang ang ulo sa maliit na bukas ng pintuan ko.Wala na akong nagawa kundi ang kunin ang bag ko. Sabay kaming lumabas ni Charlie, pero napalingon ito sa akin."Wala si Klirk? Wala kang sundo? May dala ka bang kotse?"Umiling ako sa kaniya. Hinatid kasi ako ni Klirk kanina, kaya akala ko susunduin din niya ako dahil alam naman niyang wala akong dalang sasakyan."Mag-commute na lang ako," sagot ko sa kaniya.Napatingin ako sa paligid. Nagsisimula nang umilaw ang mg
Naging mainit ang pagtanggap sa akin ng pamilya ni Klirk. Hindi ko inaasahan na mabilis akong magiging welcome sa pamilya niya. "Always visit us, okay?" pahabol sa akin ni Tita Margie, ang mama ni Klirk nang pauwi na kami."Yes po, tita," nakangiting sagot ko sa kaniya."Call me, Mommy na. Sure naman ako, ikaw na ang magpapangasawa ng anak ko," malapad ang ngiti na saad nito."Yes, Mom," sagot ko dahilan para mapahagikhik ito sa tuwa."See? I told you, they will like you," saad ni Klirk habang nagmamaneho ito para ihatid ako pauwi."You have a nice family.""And you will be part of it."Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko upang pigilin ang ngiti ko. Napatingin ako sa kaniya at natawa siya nang makita ang hitsura ko na nagpipigil ng ngiti.******Naging maayos ang relasyon namin ni Klirk. Wala akong pinagsisihan na sinagot ko siya at naging boyfriend. Masaya ako sa nagiging takbo ng relasyon naming dalawa. Dati na siyang maalaga pa, pero mas naa-appreicate ko na iyon ngayon.Nagliligp
Eksaktong paglabas ko nang building ay may babaeng humarang sa akin, kaya nagtatakang tiningnan ko siya."Are you Cleopatra Ibanez?" mataray na tanong nito sa akin.Tumango naman ako rito."Yes?""I am Nessie, and I am pregnant," deritsang saad nito."And?" naguguluhang tanong ko sa kaniya. Ano naman pakialam ko kung buntis siya?"Klirk is the father," walang kurap na saad nito.Nagsalubong ang kilay ko dahil sa narinig ko. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Naka-high heels ito na na akala mo rarampa sa runaway show. Sobrang fitted na mini skirt at halter na tank top. Ito lang ang buntis na sobrang sexy pa rin kung manamit."Ilang buwan?" tanong ko sa kaniya."Three months, kaya layuan mo na siya. He is mine, magkaka-baby na kami," matapang na saad nito sa akin."Sigurado kang sa kaniya iyan?" balewalang tanong ko rito.Malaki ang tiwala ko kay Klirk. Alam kong hindi niya niya magagawang makabuntis ng iba. At kung talagang buntis ang babaeng ito, sigurado akong hindi siya ang ama
Cleopatra's POV"Ano iyon? Nakita ko may pagkiss. " Tanong ni Charle sa akin nang salubungin niya ako. Siguro ay nakita niyang halikan ako ni Klirk. Ito kasi ang naghatid sa akin sa trabaho ko. Nginitian ko si Charlie bilang sagot. "Kayo na?!" nanalalaki ang matang tanong ni Charlie.Nagpipigil ng kilig ba tumango ako sa kaniya."Kyaa!" tili nito dahilan para mapatingin sa amin ang ibang staffs. Hinila ako nito papasok sa opisina ko. "Congrats! Number fan n'yo ako," kinikilig na saad nito."Ano kami artista? Pero, ang saya ko. Para akong nakalutang," kinikilig na saad ko rin."Ang haba ng hair mo, nakakainis ka. That's Attorney Klirk Galvez. Mayaman, gwapo, matalino, at sobrang yummy. ANg daming babaeng patay na patay sa kaniya pero sayo siya baliw na baliw. Girl, iniligtas mo ba ang mundo noong past life mo?"Natawa ako sa sinabi niya. "Hindi. Ganda lang ambag ko noon."Umirap ito sa akin bago sumeryoso. "Pero joke aside. Masaya ako para sa iyon. Magaan ang awra mo ngayon saka iyong
Hanggang sa makauwi ako ng bahay ay hindi mawala sa isip ko ang nakita ko kanina.Hindi ko dapat pinagdududahan si Klirk. Alam kong babaero siya dati pero seryoso naman siya sa akin, ramdam ko iyon.Sinampal ko ang sarili ko habang nakaupo ako sa sofa. "Nagseselos ba ako?" tanong ko sa sarili ko bago ko asar na ginulo ang buhok ko.Dati naman hindi ako ganito. Never akong naasar, sumikip ang dibdib at nag-o-overthink pero bakit kay Klirk, parang gusto ko siyang lapitan kanina at hilahin palayo sa babaeng kasama niya.Napabuga ako ng hangin bago tumayo sa kinauupuan ko. Nagtungo ako sa kusina ko at binuksan ang ref. Nakakita ako ng isang tub ng ice cream at agad ko iyong kinuha. Hindi na ako naglagay sa bowl, diretso ko na iyong kinain.Kailangan ko nang magpapakalma sa akin. Sunod-sunod ang subo ko ng eyecream. Wala akong pakialam kahit pakiramdam ko nagpi-freeze bigla ang ulo ko sa sobrang lamig noon.Susubo sana ulit ako nang mapatingin ako sa pintuan dahil may kumatok doon, pero ba
Matapos pumayag ng mga magulang ko na ligawan ako ni Klirk ay talagang naging masigasig siya sa panliligaw niya. Sa loob ng isang buwan niyang panliligaw pakiramdam ko, ako na ang pinakamaswerteng babae sa mundo.Hatid sundo na niya ako palagi, palagi rin niya akong pinagluluto. Tapos madalas may pabulaklak pa siya sa akin kaya hindi ko mapigilang kiligin. Consistent talaga siya.Ganito pala ang pakiramdam na na nililigawan ka. Nakakakilig, dati akala ko okay lang na walang ligawang maganap basta nagkakaintindihan kayo okay na. Pero iba pa rin sa pakiramdam na may lalaking susuyuin ka muna. Iyong handang maghinatay para sa matamis mong oo.I love to see how Klirk making his effort. So, once he ask me to be his girl, I will not hesitate to say yes. I love him. Mabilis man ang pangyayari, pero sigurado na talaga ako sa nararamdaman ko sa kaniya. Primo was my ideal man, but Klirk is proving me now that he is the best one."Malapit ko nang isiping baliw ka," napatingin ako kay Charlie na
Matapos naming makatanggap ng mensahe mula sa ama ko ay sabay naming napagdesisyonan na kausapin sila. Pagdating ng weekend ay sabay kaming nagtungo sa bahay ng mga magulang ko."Don't worry. I am always ready to face them. Malinis ang intensyon ko sa iyo kaya hindi ako natatakot na harapin ang mga magulang mo," saad nito na ikinangiti ko.Pero dahil sa nangyari sa amin ni Primo alam kong mahihirapan siyang kunin ang loob ng mga magulang ko. Baka isipin nila ang bilis ng pangyayari, walang heal-heal, may manliligaw na agad ako. Ang malala, bestfriend pa ng ex-fiance ko."Sagutin na kaya kita?" saad ko pero mabilis kong tinakpan ang bibig ko."What did you say?" nakangiting tanong ni Klirk halatang inaasar ako nito."Kasi naman, paano kung hindi pumayag sina papa? Pero kapag boyfriend na kita, wala na silang magagawa. Pero siyempre, joke lang," mabilis na bawi ko. "Manligaw ka pala muna."Natawa ito sa sinabi ko. "I can court you everyday kahit tayo na."Napanguso ako. "Huwag mo akong b