CHAPTER 31
CLEMENTINE DESCHAMPSKanina pa 'ko nakatingin at nagpapalakad-lakad sa harap ng salamin. Nakasuot lamang ako ng isang simpleng damit na kulay berde na nabuburdahan ng mga pulang rosas. May laso ito sa dibdib at berdeng bato sa gitna. Ang buhok ko naman ay hinayaan ko na lang nang nakalugay. Ang tatlo lang naman ang nagpumilit na ayusan ako at lagyan ng kolorete sa mukha."Bagay na bagay sa inyo ang ayos n'yo," puri ni Fantine. "Talagang napakaganda n'yo, Madame."Nahihiya akong ngumiti at tumingin sa salamin. "Hindi naman gaano...""Lalo na ang damit n'yo, Madame," dagdag niya. "Talagang tumutugma sa inyo ang disenyo at kulay nito.""Sa totoo lang, gusto ko rin ang kulay na 'to," sagot ko. "Napakapresko at kalmado nitong tignan."Tila may naisip siya sa sinabi ko. "Madame, ang sabi nila, kapag nagugustuhan ng isangCHAPTER 32CLEMENTINE DESCHAMPS"Nandito ka na pala," nakangiting bati sa'kin ni Sofia nang pumasok ako sa silid niya.Ngayong araw ay nakasuot lamang siya ng isang puti at simpleng damit. Pababa ring nakatirintas ang buhok niya na walang kahit na anong palamuti maliban sa puting laso na nakatali rito. Simpleng itim na sapatos lang din ang suot niya na may kaunting takong. Bukod sa mga ito ay wala na siyang suot pa na kahit anong palamuti sa katawan at kolorete sa mukha. Pero kahit na simple lang ang gayak niya, may makikita kang liwanag sa mga mata niya."Ikaw lang yata ang kilala kong masaya na aalis.""Makakawala na 'ko sa mga tanikalang pumipigil sa'kin at makakapagtungo sa landas na ninanais ko, sinong 'di magiging masaya?"Napangiti at napatango ako sa tinuran niya. Kung masaya siya ay masaya na rin ako para sa kaniya. Alam kong an
CHAPTER 33CLEMENTINE DESCHAMPS"Madame, nakahanda na po ang lahat," nakangiting wika ni Fantine matapos isara ang huling kahon na dadalhin namin sa biyahe.Ngumiti ako at sinara na ang librong binabasa ko. "Mabuti naman. Maaari na tayong umalis mamaya."Lumabit siya sa'kin at inabutan ako ng pares ng puting guwantes. "Suotin n'yo po 'yan.""Salamat," sagot ko at kinuha ito para suotin."Madame," wika naman ni Isabelle. "Nandito na po si Duc Richard at Marquis Saber.""Papasukin n'yo na sila."Tumango si Isabelle at sinenyasan si Julie na buksan ang pinto. Pumasok naman sa silid ang magpinsan at nakangiting bumati sa'kin. Ngumiti na lang din ako sa kanila at pinaupo sila."Halos kalahating araw din pala ang magiging biyahe natin," wika ni Richard."Mauuna muna tayong pumunta sa Rouen para bisitahin ang mga magulang ni Madame. Pagkatapos ay pupuntahan din natin ang ampunan sa lugar nila. Sandali lamang tayo r'on at pupuntahan naman natin ang mga kapatid niya sa Dieppe," paliwanag ni Sa
CHAPTER 34CLEMENTINE DESCHAMPS"Ano pong gusto n'yong suotin, Madame?" Tanong ni Fantine habang pumipili sa mga nakahelerang damit."Dahil pupunta tayo sa ampunan at inaasahan din natin na may mga taong pupunta r'on para salubungin ako, mas mabuti kung kumportableng damit na lang ang susuotin ko. Iwasan din sana natin na magsuot ako ng mga mamahaling alahas.""Masusunod, Madame.""Salamat, Fantine."Binalik ko ang atensyon ko sa binabasa kong talaan. Binigay ito sa'kin noon ni Sofia para pag-aralan kung paano ginagastos ng palasyo ang pondo nito. Binabasa ko na 'to para maging handa na 'ko sa pagbabalik ko sa palasyo."Madame, nandito si Marquis Saber," ulat naman ni Isabelle."Papasukin mo siya," tugon ko at nilapag muna sa mesa ang talaan na binabasa ko."Magandang umaga, Madame," bati ni Saber at yumuko."Magandang umaga rin. Maupo ka.""Salamat, Madame," tugon niya at
CHAPTER 34.5CLEMENTINE DESCHAMPS"Nandito na po tayo sa Dieppe," wika ni Fantine at binuksan ang pinto ng karwahe.Tinulungan niya 'kong makababa, at nang makababa na 'ko ay sinara na niya ang pinto ng karwahe. Napatingala ako at napatulala sa malaking mansion na nasa harapan ko."Ito po ang tahanan ni Duc Richard dito sa Dieppe," paliwanag ni Fantine."Nang sinabi niyang maliit na tirahan, hindi ko inaasahan na ganito pala ang maliit sa kaniya..."Halos kasing laki na ito ng palasyo sa Rouen.Natawa naman si Fantine. "Ang pamilya nila ang isa sa mga pinakamalalaking negosyante sa France, England, Scotland, Spain, at Germany. Maliit lamang 'to para sa kanila.""Ano nga palang mga negosyo nila?""Marami silang hawak na negosyo, Madame. Pero ang pinakamalaking hawak nila ay ang negosyo nila ng mga alahas.""Kaya siguro napakadali rin sa kaniya na kumbinsihin ang mga maharlika na tu
CHAPTER 35CLEMENTINE DESCHAMPS"Tama ba ang iniisip ko, Corbeau?" Tanong ko sa kaniya ngayong kaming dalawa na lang naiwan sa hardin.Ngunit imbes na sumagot ay nagbaba lang siya ng tingin."Corbeau," maawtoridad kong wika. "Sumagot ka.""P-patawad, ate..." mahina at nauutal niyang sagot. Ni hindi man lang siya makatingin sa'kin."Siya ang magiging reyna ng England, Corbeau.""A-alam ko naman 'yon... Kaya nga 'di ko na sinabi pa sa'yo..."Napabuntong-hininga ako. Ba't naman kasi sa dami ng magugustuhan niya ay si Prinsesa Lorraine pa? Siya ang magiging reyna ng England. Ikakasal na siya sa dauphin ng England sa Disyembre."Masasaktan ka lamang...""'Di ko naman sinadyang magustuhan siya. 'Di rin naman ako umaasa na magugustuhan niya rin ako. Lalo na at siya ang prinsesa ng France at magiging reyna ng England."Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit sa kaniya. Hinintay kong
CHAPTER 35.5 CLEMENTINE DESCHAMPS "Anong oras tayo aalis bukas, Madame?" Tanong ni Julie na kasamang nag-aayos nina Isabelle at Fantine para sa pag-alis namin bukas. "Aalis tayo pagkatapos mag-agahan," nakangiti kong sagot. "Makakasama na uli ni Madame ang hari," tila kinikilig na usal ni Julie. Natawa naman si Isabelle. "Kung anu-ano na naman ang sinasabi mo. Mag-ayos ka na nga lang diyan." "Kahit naman sandali lamang tayo rito, matagal na 'yon para kay Madame," depensa ni Julie. "Tiyak kong nais niya na ring makita ang hari." Napapailing na lang kami sa mga sinasabi ni Julie. Ngunit 'di ko rin naman maiwasang isipin kung ano bang ginagawa ni Francis ngayon. Siguro ay habang inaasikaso ko ang pamilya ko, abala naman siya sa pagpapalawak ng teritoryo ng France. "Madame, paano kaya kung magpadala ka na ng paunang sulat na babalik na tayo bukas?" Tanong ni Fantine. "May tao naman tayo na
CHAPTER 36CLEMENTINE DESCHAMPS"BUKSAN ANG TARANGKAHAN!""Anong nangyayari?" Tanong ko habang nakasilip sa bintana ng karwahe. "Ba't ang daming tao?""'Di ko rin alam, Madame," sagot ni Fantine. "Ngunit mukhang hinihintay nila ang pagbabalik n'yo."Tumigil na 'ko sa pagsilip at hinintay na lang na huminto sa pag-andar ang karwahe. Agad namang binuksan ni Fantine ang pinto nang huminto ito. Sa pagbaba ko ay si Francis ang sumalubong at umalalay sa'kin."Maligayang pagbabalik, Clementine!" Masayang bati ni Duchesse Celine at mahigpit akong niyakap.Napatingin ako sa paligid. Tila higit na mas marami ang tao ngayon dito kaysa dati."May problema ba?" Nakangiting tanong ni Duchesse Celine.Umiling ako. "Nagtataka lamang ako dahil tila mas marami yata ang tao ngayon dito sa palasyo."Humalakhak siya. "'Wag kang magtaka, Clementine. Lahat sila ay nandito para sa'yo."Napakunot a
CHAPTER 36.5CLEMENTINE DESCHAMPS"'Yan ba ang susuotin mo para sa kasiyahan mamaya?" Tanong ni Francis habang pinagmamasdan ang suot kong berdeng bestida.Pinagmasdan ko ang suot ko. "Oo. May problema ba?""Walang problema," tugon niya at niyakap ako mula sa likod. "Ang ganda mo nga, e."Napangiti ako. "Salamat.""Marunong ka na palang sumagot ngayon, ha?""Tinuruan ako ni Duchesse Celine na tumanggap ng papuri. Mas maganda raw 'yon.""Paumahin sa abala," wika ni Alphonse pagkapasok niya ng silid. "Mag-uumpisa na ang kasiyahan."Bumitaw na siya sa pagkakayakap sa'kin ngunit ang kamay ko naman ang hinawakan niya."Magtungo na tayo sa kasiyahan," nakangiti niyang wika.Napatingin ako sa mga kamay namin at sa nakangiti niyang mukha. Napakagat ako sa ibaba kong labi. Naramdaman ko na naman ang pag-init ng pisngi ko. Dagdag pa na napakagwapo niyang tignan sa asul niyang kasuota
CLEMENTINE DESCHAMPS"Magandang umaga, Madame," masayang bati sa'kin ni Fantine.Ngunit imbes na tumugon ako ay minasahe ko ang magkabila kong sintido. Medyo nahihilo ako."May problema ba, Madame?""Nahihilo ako.""Madame, mukhang napapadalas ang pagkahilo n'yo," sagot niya. "At pansin ko rin ang pagtaba n'yo.""Pagtaba?" Tanong ko. "'Di kaya...?"Mukhang nakuha rin ni Fantine ang sinasabi ko. "Julie, tawagin mo si Oriel.""Sige po," tugon niya bago madaling umalis."Ibig mong sabihin, Madame," usal naman ni Isabelle. "Buntis kayo?""Hindi pa tayo sigurado ngunit ganito rin ako noon kay Maëlle. Mabuti na magpatingin na 'ko agad kay Oriel."Ilang sandali lamang ay dumating na si Oriel at tinignan ang pulso ko."Totoo, Madame. Buntis ka nga.""Binabati ka namin, Madame!" Bati ng tatlo."Ang emperador ng France!"Agad kaming napatayo nang pumasok sa silid si Francis."Anong problema?" Tanong niya. "Bakit nagpatawag ng doktor si Clementine?""Walang problema, Francis," sagot ko."Binabat
CHAPTER 56CLEMENTINE DESCHAMPS"Madame, oras na," paggising sa'kin ni Fantine.Kahit na gusto ko pang matulog ay bumangon na rin ako. Kailangan kong mag-ayos ngayon dahil ngayon ang araw na gugulong ang ulo ni Charlotte mula sa guillotine.Lumusong ako sa banyera na may lamang maligamgam na tubig at naligo. Pagkatapos maligo ay pinili ko ang isang kulay pulang bestida upang isuot. Pagkatapos kong magbihis ay inayusan na nila ako at pinasuot ng mga alahas na bagay sa suot kong damit, kasama na r'on ang ginto kong korona na may mga pulang bato."Bagay na bagay sa inyo, Madame," wika ni Julie."Totoo," tugon naman ni Isabelle. "Talagang kuhang-kuha ni Madame ang presensya ng isang emperatris."Napabungisngis na lang ako sa mga papuri nila."Kailangan na nating umalis, Madame," usal naman ni Fantine.Lumakad na kami at nagtungo sa labas ng palasyo. Agad naming nakita sina Francis at ang iba pa. Mukhang kami na lang pala ang hinihintay."Clementine," pagtawag sa'kin ni Francis bago niya k
CHAPTER 55CLEMENTINE DESCHAMPS"Madame," usal ni Fantine. "Nandito si Duchesse Celine.""Papasukin n'yo siya."Nang binigay ko ang permiso ko ay dali-dali nilang binuksan ang pinto ng aking silid upang makapasok ang duchesse. 'Di ko napigilang mapangiti nang makita siya. Nakasuot siya ng kulay pulang damit na binagayan niya ng mga kulay itim na mga alahas na may kulay pulang mga bato. Bagay na bagay sa kaniya ang ayos niya."Clementine," wika niya bago ako yakapin nang mahigpit."Duchesse Celine, dahan-dahan lang po," usal naman ni Fantine. "Kakaayos lang po namin kay Madame. Malapit na po ang oras ng kasal. Baka mamaya po ay mahuli siya nagulo ang ayos niya."Dahil sa sinabi ni Fantine ay binitawan ako ng duchesse. "Sabi ko nga," tugon pa niya.Tinignan kong muli ang itsura ko sa salamin. Nakasuot ako ng kulay berdeng damit na binagayan nila ng mga gintong alahas. Kung ako ang tatanungin ay sobra 'tong mga pinasuot nila sa'kin, ngunit dahil espesyal ang araw ngayon ay pumayag din ak
CHAPTER 54CLEMENTINE DESCHAMPS"Mama!" Masayang bulalas ni Maëlle nang makita niya 'ko.Lalapit sana siya sa'kin upang yumakap ngunit pinigilan siya ng mga babaeng nag-aayos sa kaniya. "Sandali lamang, mahal na prinsesa! Inaayusan ka pa namin! At baka magulo ang damit mo!"Natawa na lang ako bago umupo sa isang malapit na upuan. "Sundin mo sila, Maëlle.""Opo," sagot nito bago muling maupo sa upuan upang ituloy ang pag-ayos sa kaniya.'Di ko mapigilang mapangiti habang pinapanuod silang ayusan ang anak ko. Nakasuot siya ng kulay bughaw na damit na kakulay ng kaniyang mga mata. Kumikinang naman sa liwanag ang kulay ginto niyang buhok. Pareho niyang namana ang kulay ng mga ito sa kaniyang ama. Ang tanging namana lamang niya sa'kin ay ang hugis ng kaniyang mukha.Kaya siya binibihisan ngayon ay dahil ngayon na ang araw kung kailan siya kikilalanin bilang Madame Royale. Masaya akong makitang naibibigay sa kaniya ni Francis ang mga bagay na nararapat para sa kaniya. Ngayon ay pinaghahanda
CHAPTER 53CLEMENTINE DESCHAMPS"Francis, Madame, gising..."Sabay kaming nagising ni Francis nang marinig ang boses ni Oriel."Anong problema?" Tanong ni Francis. "May problema ba kay Maëlle?""Walang problema kay Maëlle. 'Wag kayong mag-alala sa kaniya," tugon ni Oriel ngunit halata ang pagkabahala sa mukha. "Ngunit magbihis na kayo.""Kung gan'on bakit ganiyan ang itsura mo?" Tanong ko. "Anong nangyayari?""Si Duchesse Celine..."___"Nasaan sila?" Tanong ni Francis kay Oriel habang nagmamadali kaming maglakad sa pasilyo ng palasyo."Sa may simbahan, Francis," hinihingal na tugon ni Oriel. "Madali kayo.""Anong nangyari?" Muling tanong ni Francis. "Sinabihan ko siya na 'wag munang gumawa ng kahit na ano. Makakapaghintay pa ang parusa para kay Charlotte. Bakit niya tinututukan ngayon ng baril si Charlotte?""'Di rin namin alam, Francis. Basta't naroon ngayon si Alphonse para pakalmahin ang duchesse at pigilan siyang iputok ang baril."Nang makarating kami sa simbahan ng palasyo ay n
CHAPTER 52CLEMENTINE DESCHAMPS"Pinatawag mo raw ako," wika ko nang makapasok ako sa kwarto ni Francis at huminto sa harap niya.Nagbabasa siya ng mga dokumento habang nakaupo sa dulo ng kama nang inangat niya ang tingin niya upang tumingin sa'kin. "Kumusta si Maëlle?""Ayun," usal ko. "Maaga siyang natulog ngayon dahil sa pagod. Ngunit napakasaya niya kanina, salamat sa'yo."Hinagis niya sa sahig ang mga hawak niyang dokumento bago ako hilahin paupo sa mga hita niya. "Kumusta ka naman?" Bulong niya habang gumagala ang kamay niya sa batok ko pababa sa likod ko."Masaya rin. Nandito na 'ko uli kasama ka," mahinahon kong tugon kahit nararamdaman ko na ang pag-init ng katawan ko sa mga hawak niya."Masaya rin ako," wika niya. "Alam mo ba kung gaano ako nangulila sa'yo? Kapag nahiwalay ka pa uli sa'kin, 'di ko na kakayanin."'Di na 'ko nakasagot pa dahil sa biglaan niyang pagbuhat sa'kin upang ihiga sa kama. Agad niya 'kong pinaibabawan at tinanggal ang pangtaas niyang damit. Napalunok a
CHAPTER 51CLEMENTINE DESCHAMPS"Mama, tignan mo! Ang laki!" Masayang wika ni Maëlle habang nakaturo sa cake na nasa gitna ng kasiyahan.Lumapit ako sa kaniyang upang bumulong. "Para sa'yo 'yan. Gusto mo bang kumuha ng isang hiwa?"Nang tumango siya ay agad siyang kinuha ni Fantine ng isang hiwa ng cake. Iniwan ko na muna siya kay Fantine upang kumain. Naglakad-lakad muna ako at nakipag-usap sa mga taong nandito sa kasiyahan. Halata sa mga ngiti nila ang saya na makita akong muli. Habang kinakausap ko sila ay 'di nila mapigilang magbato ng mga masasamang salita kay Charlotte. 'Di ko na lang pinapansin dahil inasahan ko na na ganito ang mangyayari. Kasalanan na ni Charlotte kung bakit nangyayari ang mga ganitong bagay sa kaniya ngayon. Inaani niya lang ang mga tinanim niya.Napangiti ako nang makitang kausap ni Francis si Maëlle. Masaya ak
CHAPTER 50FRANCIS DE FRANCE"Ngayon na ang pagbabalik nila," wika ni Alphonse habang tinutulungan niya 'kong magbihis. "Makikita mo na ang prinsesa, Francis. Makakasama mo na uli si Clementine."Napangiti ako. Isipin ko pa lang na makikita ko na uli si Clementine, 'di na mapakali ang puso ko. Ilang taon na ang nagdaan. 'Di ko alam kung paano ko kinaya na wala siya sa tabi ko. Dahil sa bawat araw na 'di ko siya nakikita, nanghihina ako. Nais ko na siyang makita, mayakap, at mahalikan uli.At ang anak namin...Nais ko nang makita si Maëlle. 'Di ko man lang siyan nahawakan nang pinanganak siya. Ngunit ngayong dito na sila sa Versailles mananatili, uubusin ko ang oras kasama siya. Gusto ko na siyang makita, mayakap, at makausap. Kung gusto niya, maglalaro kami hangga't gusto niya. Ipapaluto ko ang mga paborito niyang pagkain hanggang sa magsawa s
CHAPTER 49DUCHESSE CELINE DE BERRYApat na taon na ang nakalilipas nang manganak si Clementine. Sa apat na taon na 'yon, nagawang paliitin ng France ang malawak na imperyo ng Alemanya. Nagawang sakupin ni Francis ang Alemanya nang 'di direktang nag-aanunsyo ng digmaan. Dahil sa mga magaganda niyang pangako, nagawa niyang kumbinsihin ang mga mamamayan at mga maharlika ng Alemanya na magpasakop sa France. At dahil nagawa ni Francis na tuparin ang plano niya nang ganito kabilis, pinaghihinalaan ng Alemanya si Charlotte. Iniisip nila na tinraydor niya sila. Wala nang dahilan pa ang Alemanya para protektahan siya. 'Di nagawa ni Charlotte na pigilan si Francis sa pagsakop sa Alemanya. Wala rin siyang anak. Wala na siyang kwenta pa.Kaarawan ngayon ni Maëlle. Apat na taon na siya. Kasalukuyan akong nasa loob ng karwahe kasama si Maëlle, at ang kaniyang ina. Babalik na kami sa Versailles kung saan may naghihintay na kasiyahan upang ipagdiwang ang kaarawan ni Maëlle.Tiyak 'kong nasasabik na