Share

Chapter 17

Chapter 17

Lumipas ang mga araw at hindi muna ako pinayagan nila Kuya Ryker ng Hacienda. Bagay na ipinagtataka ko, sinubukan kong tanungin sila kuya ngunit hindi naman nila ako sinasagot. Mabuti na lang at palagi akong tinatawagan ng mga kaibigan ko, naikwento ko rin sa kanila ang binatang si Kane. Syempre hindi ko ikinuwento sa kanila ang ginawa naming kababalaghan ni Kane sa parking lot.

Minsanan ay nirereplyan ko rin si Kris, palagi itong nagmemessage sa akin ngayon. Napag alaman ko rin na siya pala ay anak rin ng isang Haciendero sa kabilang bayan.

"Daciana? Ipinapatawag ka ni Don Isidro." Malumanay na sabi sa akin ni Abby ng makapasok siya sa kwarto ko. Medyo nagiging close na rin kaming dalawa.

"Okay, thanks." Bumangon ako agad at nagtungo sa sala.

"Lolo! Ipinapatawag niyo raw po ako." Humalik ako sa pisngi ni Lolo pagkalapit ko sa kanya.

"Naiinip ka na ba, hija ?" Napairap naman ako sa hangin at saka umarte na sumasakit ang dibdib.

"I feel like dying because of boredom, Lo."
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status