"Ano?! Binasted mo na si Soju at Kim?!" Pabulong ngunit parang pasigaw na tanong ni Shane kay Mil.
Katulad ng dati, hindi mahulugan ng karayom ang cafeteria ng school, kaya naman panatag so Shane na walang ibang makaririnig sa kaniya. Sa kabila nito, nag-aalinlangan parin si Mil anupat mabilis niyang sinaway ang kaibigan. "Hoy, hinaan no nga 'yong boses mo!"
"OA 'to. Wala naman makakarinig." Shane leaned a little closer and continued to inquire more about the details. "Paano mo sila binasted?"
"H-Hindi na mahalaga kung paano," sagot ni Mil. Kung hindi lang espesyal si Soju at Kim para kay Mil, malamang na ipinagyabang niya ang bawat detalye. Pero dahil ayaw pa niyang isariwa ang madamdaming kaganapan ay pinili nalang niyang kimkimin ang istorya.
May nagbigay ng champorado mula sa kabilang boarding house. Ayon sa nagbigay, naparami ng luto nila kaya't namigay sila. Ang unang nakatanggap ng champorado at nakatikim ay si Kim."Oh? Walang lasa," Kim commented after tasting it.Dumating si Soju sa kusina. At dahil dakila siyang chismoso ay nakitikim din siya. Subalit... "Sino bang nagluto nito? Bakit walang lasa?"Orij also came down. May nakita rin siyang isang mangkok ng champorado sa kusina kaya hindi niya ito pinalagpas. Pero kahit gaano pa katakaw ang isang tao, mawawalan ka talaga ng gana kapag nakatikim ka ng champorado na kapag kinain mo ay parang kanin na humihiwalay sa malabnaw na tubig. "Ay g*go," Orij couldn't help but to curse.Umuwi
Hand on my back and eyes on mine, Soju was dancing with me along a romantic music. Matatawag akong sinungaling kung papalag ako sa pagsasabing nagniningning ang kagwapuhan ng lalaking ito sa aking harapan. His black hair was brushed up. Naka-white suit siya, partner with silver Rolex watch and silver piercing on his right ear. Ang sumayaw na kasama siya ay talaga namang... "Mil, may balak ka bang isugod ko ako sa hospital?" sarkastikong tanong ni Soju matapos ko siyang matapakan for the seventeenth times. Dancing is my weakness; ito ang dahilan kung bakit hindi ko pinangarap na maisayaw ng lalaki kahit pa sinasabi ng iba na sweet experience daw ito. "Hindi ko naman kasi
Pagpasok ni Greypi sa boarding house ay tumambad sa kaniya ang puting nilalang sa likuran ng pinto. Para bang may humagod na higad sa kaniyang balat nang oras na magtama ang kanilang mga mata kaya't nagsitaasan ang kaniyang balahibo. Kamakailan lamang noong makababalaghang may kumalabit kay Greypi at Mil habang naglalakad pauwi ng boarding house. Takot na takot si Greypi anupat nangako ito sa sarili na hindi na muling lalakad pabalik ng boarding house tuwing gabi. Subalit, para kay Greypi, ang nakikita niya ngayon ay 'di hamak na mas nakakatakot kaysa sa multo o engkanto. 'Arf! Arf!' "Wtf!"
"Soju, baka gusto mong sumali sa club namin." Tumingin si Soju sa lalaking humawak sa kaniyang palad. Makisig ang pangangatawan ng lalaki, may katangkaran at kakinisan ng balat. Bagama't naka-soldier cut ang buhok nito, kapansin-pansin parin ang mapulang liptint na nasa kaniyang labi. At kahit na malaki ang boses, kitang-kita ni Soju ang tilamsik ng kaniyang galaw anupat hindi siya magdadalawang isip na type siya ni pare. "W-Wala kasi ako planong sumali sa mga club," kinikilabutang pagtanggi ni Soju habang pilit na inaalis ang kamay."Ano ka ba dude." Mas hinigpitan ng lalaki ang kaniyang hawak. "Hindi naman mauubos ang oras mo sa club." Wala namang galit o hinanakit si Soj
Kilala si Greypi sa campus na anti-social, isnabero at may matalim na dila. Pero bagama't hindi ganoon kaganda ang image niya, hindi parin maiwasan ng mga babae na mabighani sa kaniyang kagwapuhan. Singkit na mga mata, matulis na ilong, makinis na balat at maliit na mukha, maihahalintulad nga siya sa mga character sa libro; the demon cold prince. Subalit ngayong araw, may himalang mangyayari na maaaring magpabago ng kaniyang image. "Pffft-" Habang nagkaklase, isang malakas na tawa ang umalingawngaw sa loob ng classroom. Isa-isang tinanaw ng mga estudyante ang pinagmumulan ng ingay. Maging ang professor na nasa harap ay napatigil sa pagsusulat sa white board at lumingon sa likuran.
Orij's POV "Kim! Nagugutom na ko! Anong pagkain?" Nilapitan ko si Kim na nakaupo sa dining table habang nag-rereview. May kape sa tabi niya at mga papel na iiwasan kong masagi. "Ah..." Tugon niya na waring hindi kumpleto. Tinignan niya ko nang may pag-aalala. He looks like he wanted to ask many things but being considerate by staying unresponsive. Gusto niya sigurong itanong kung kamusta na kami ni Vince.
Umaakyat ang numero sa itaas ang elevator. Patuloy sa pagtakbo si Orij sa emergency stairway para maabutan ang sila Greypi at Mil. Pero talaga ngang iba ang realidad sa napapanood niya sa telenobela. Sa sobrang pagod, napilitan din iyang gumamit ng kabilang elevator.'Bakit sa mga palabas kayang unahan ng bidang lalaki ang hinahabol niya gamit ang emergency stairway? Dapat maging makatotohanan ang mga direktor ngayon,' reklamo ni Orij habang hingal na hingal. Muntik-muntikan na nga niyang isuka ang carbonara... mali. Ang sopas pala na wala ng sabaw na kinain niya bago magtungo rito.Habang nagmamala-action star si Orij sa paghabol, may drama naman nangyayari sa loob ng elevator.'Pak!'Malakas na tunog
Namamagang mata, pasa sa pisngi at dumudugong labi. Napabuntong hininga ako habang tinitignan ang sarili sa harap ng salamin. 'Di ko akalaing may balak pa akong ituloy ang presentation sa meeting mamaya nang ganito ang 'itsura.Well, it's my fault. I did stupid things so I need to face the punishments.Matapos hilamusan ang mukha at tapalan ng band-aid ang dapat tapalan, nagpalit din ako ng damit. Kahit pa gulong-gulo ang utak ko dahil sa mga nangyari, kailangan kong unahin muna ang trabaho. Then after this, I will take care of myself.Nang tumayo ako sa tapat ng meeting hall, ilang beses akong huminga ng malalim. Sinikap ko na magkaroon ng perfect image sa kompanya. Although maraming nasusungitan sakin, at least I worked well. Kaya naman kinakabahan ako na ipakita ang 'itsura