Pagpasok ni Greypi sa boarding house ay tumambad sa kaniya ang puting nilalang sa likuran ng pinto. Para bang may humagod na higad sa kaniyang balat nang oras na magtama ang kanilang mga mata kaya't nagsitaasan ang kaniyang balahibo.
Kamakailan lamang noong makababalaghang may kumalabit kay Greypi at Mil habang naglalakad pauwi ng boarding house. Takot na takot si Greypi anupat nangako ito sa sarili na hindi na muling lalakad pabalik ng boarding house tuwing gabi. Subalit, para kay Greypi, ang nakikita niya ngayon ay 'di hamak na mas nakakatakot kaysa sa multo o engkanto.
'Arf! Arf!'
"Wtf!"
"Soju, baka gusto mong sumali sa club namin." Tumingin si Soju sa lalaking humawak sa kaniyang palad. Makisig ang pangangatawan ng lalaki, may katangkaran at kakinisan ng balat. Bagama't naka-soldier cut ang buhok nito, kapansin-pansin parin ang mapulang liptint na nasa kaniyang labi. At kahit na malaki ang boses, kitang-kita ni Soju ang tilamsik ng kaniyang galaw anupat hindi siya magdadalawang isip na type siya ni pare. "W-Wala kasi ako planong sumali sa mga club," kinikilabutang pagtanggi ni Soju habang pilit na inaalis ang kamay."Ano ka ba dude." Mas hinigpitan ng lalaki ang kaniyang hawak. "Hindi naman mauubos ang oras mo sa club." Wala namang galit o hinanakit si Soj
Kilala si Greypi sa campus na anti-social, isnabero at may matalim na dila. Pero bagama't hindi ganoon kaganda ang image niya, hindi parin maiwasan ng mga babae na mabighani sa kaniyang kagwapuhan. Singkit na mga mata, matulis na ilong, makinis na balat at maliit na mukha, maihahalintulad nga siya sa mga character sa libro; the demon cold prince. Subalit ngayong araw, may himalang mangyayari na maaaring magpabago ng kaniyang image. "Pffft-" Habang nagkaklase, isang malakas na tawa ang umalingawngaw sa loob ng classroom. Isa-isang tinanaw ng mga estudyante ang pinagmumulan ng ingay. Maging ang professor na nasa harap ay napatigil sa pagsusulat sa white board at lumingon sa likuran.
Orij's POV "Kim! Nagugutom na ko! Anong pagkain?" Nilapitan ko si Kim na nakaupo sa dining table habang nag-rereview. May kape sa tabi niya at mga papel na iiwasan kong masagi. "Ah..." Tugon niya na waring hindi kumpleto. Tinignan niya ko nang may pag-aalala. He looks like he wanted to ask many things but being considerate by staying unresponsive. Gusto niya sigurong itanong kung kamusta na kami ni Vince.
Umaakyat ang numero sa itaas ang elevator. Patuloy sa pagtakbo si Orij sa emergency stairway para maabutan ang sila Greypi at Mil. Pero talaga ngang iba ang realidad sa napapanood niya sa telenobela. Sa sobrang pagod, napilitan din iyang gumamit ng kabilang elevator.'Bakit sa mga palabas kayang unahan ng bidang lalaki ang hinahabol niya gamit ang emergency stairway? Dapat maging makatotohanan ang mga direktor ngayon,' reklamo ni Orij habang hingal na hingal. Muntik-muntikan na nga niyang isuka ang carbonara... mali. Ang sopas pala na wala ng sabaw na kinain niya bago magtungo rito.Habang nagmamala-action star si Orij sa paghabol, may drama naman nangyayari sa loob ng elevator.'Pak!'Malakas na tunog
Namamagang mata, pasa sa pisngi at dumudugong labi. Napabuntong hininga ako habang tinitignan ang sarili sa harap ng salamin. 'Di ko akalaing may balak pa akong ituloy ang presentation sa meeting mamaya nang ganito ang 'itsura.Well, it's my fault. I did stupid things so I need to face the punishments.Matapos hilamusan ang mukha at tapalan ng band-aid ang dapat tapalan, nagpalit din ako ng damit. Kahit pa gulong-gulo ang utak ko dahil sa mga nangyari, kailangan kong unahin muna ang trabaho. Then after this, I will take care of myself.Nang tumayo ako sa tapat ng meeting hall, ilang beses akong huminga ng malalim. Sinikap ko na magkaroon ng perfect image sa kompanya. Although maraming nasusungitan sakin, at least I worked well. Kaya naman kinakabahan ako na ipakita ang 'itsura
Balitang balita sa school ang nangyaring rambulan sa boarding house. Tumawag pa kasi ng tulong ang ibang estudyante sa awtoridad, sa pag-aakalang may patayan nga na mangyayari. Buti nalang ay mayroon silang kasama na Kim, na siyang umayos ng malaking eskandalo. Kim apologized to their neighbors. Siya rin ang nagsulat ng apology letter sa management ng school na nagreklamo sa nangyaring insidente.Days passed by. Mula ng gabi na iyon, hindi pa umuuwi ng boarding house si Greypi. Inaayos kasi niya ang kapalpakan na nagawa sa trabaho. Kahit na patuloy parin siyang pumapasok sa school, hindi sila nagkikita ni Mil. Actually, he's avoiding her in purpose. With that, medyo... medyo lang naman, naging payapa sa boarding house."Mil, buksan mo na ang pinto! Dali!" Orij knocked on her room. Dali-daling binuksan ni Mil ang pinto para sa kasintahan. A
Todo ang lingon ng mga estudyanteng babae sa tatlong lalaki na naglalakad sa hallway ng school. Pale skin, red lips, thick brows, rounded eyes, sharp jaws and broad shoulder, Soju got the vampire look that make the girls drool. Thin but tall, small rounded face, sharp but drowsy two lids eyes, pointed nose, heart shape lips and a clear glasses; innocent, smart and handsome nerd naman ang datingan ni Kim. Sa gitna nila ay naroroon naman si Vince. He has cat-like eyes and lips, well proportion face, and pretty Adams apple that went up and down every time he gulp. Siya ang tipo ng lalaki na parang ang hirap pangitiin. So while girls are looking at him, they fantasized to see that freaking sexy smile from his lips.Ito ang unang pagkakataon na makikitang magkakasamang naglalakad ang tatlo. Thanks to Orij. Dahil pare-pareho sila ng plano at layunin, nabuo ang anti-Orij fraction kaya't mas madalas silang nagkikita.
Pagkapasok ni Mil sa main gate ng accommodation village, nakatulala siyang naglalakad habang nag-iisip. 'Tama lang ang desisyon ko na makipagkita kay Greypi. Since hindi siya umuuwi ng boarding house,' ang sabi niya sa sarili.Sa gitna ng pag-iisip, may humintong magarang kotse sa tapat nita. It's a black Bugatti Veyron that worth $3.4 million. Siyempre pa, walan namang ideya si Mil kung magkano at ano ang brand nito. Subalit nagtitiwala siya sa kaniyang 6th sense na nagsasabing yayamanin ang may-ari ng kotse. Kaya ito ang tanong: Bakit huminto ang kotse na ito sa tapat niya?'Imposibleng gumamit ng magarang kotse ang mga kidnapper,' she guessed while narrowing her eyes. 'O baka naman nag-iba na sila ng modus? Baka gumagamit na talaga sila ng mamahaling kotse para mambiktima!'Nagmadaling tumakbo si Mil papalayo. Mas mabuti