Share

Kabanata 2

Nagising ako sa ingay na naririnig ko, unti unti kong minulat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang mukha ni Drea na umiiyak at si Ms. Lacsamana na kausap ang nurse.

"Pahingi ng tubig." Mahinang tawag ko sa atensyon na panigurado kong narinig ni Drea.

"Omg sis, thank God gising kana." Niyakap ako nito at humagulhol ng iyak.

"Wait muna Drea, pahingi muna ng tubig." Mahina kong saad, natatawa itong humiwalay sa akin at kumuha ng tubig. Nilapitan ako ni Ms. Lacsamana na mapait na nakangiti sa akin.

"Buti at nagising kana Ms. Mckenzie. I want to know who did this to you? Ang mga lalake ay hindi dapat nananakit ng babae." Kumunot ang noo ko sa sinabi nito, anong lalake pinag sasabi nito?

"Ms. hindi po mga lalake ang gumawa nito sa akin. Dalawang babae lang po ang may gawa nito." Pag papaliwanag ko na ikinagulat niya. Nabaling ang tingin ko kay Drea ng mag abot ito ng tubig.

"Sila Abby na naman ba? Diba sabi ko sayo mag iingat ka at wag papahuli. Tignan mo tuloy nangyari sayo." Lintanya sa akin ni Drea habang nahagulhol. Mag sasalita sana ako pero tinikom ko nalang ang bibig ko. Si Drea ang nag iisang umiiyak kapag may ganitong nangyayari sa akin.

"Abby Tolentino?" Singit ni Ms. Lacsamana, tumango ako dito bilang sagot.

"I'll tell to Dean about this. Ms. Tolentino need to be punished and her companion. Who's with here Ms. Mckenzie?" Mahinahon nitong tanong.

"She's with Ms. Porcia Monteron Ms." Simpleng sagot ko, tumango ito at nag paalam na umalis at binilinan ang nurse na tignan ako.

"Sis, paano ka uuwi? Pag nakita yan ng mama mo lalo pa madadagdagan yan, malilintikan ka nito kay tita Lora." Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. Shoot, nakalimutan ko nga pala, malilintikan talaga ako nito kay mama.

"Pwede ba sa inyo muna ako makituloy hanggang sa maging maayos ako?" Tanonv ko dito, bumuntong hininga ito at tumango. Nginitian ko siya at niyakap.

"Salamat Drea, buti nanjan ka for me." Lalo ito umiyak ng marinig iyon. 

Drea and I, we've been bestfriends since highschool. Para na kami mag kapatid dahil hindi kami mapag hiwalay. Kung nasaan ako andun din siya, laging nakabuntot. Drea is a childish one but she's smart and gorgeous. Loloka loka lang to pero pagdating sa pag aaral ay seryoso. She doesn't want to let her dad down. Drea is all i have since my father left me, us.

*****

"Iha, feel at home wag ka mahiya." Saad sa akin ni tita Lucia, Drea's mom. Andito kami ngayon sa mansyon nila. Kilala nila ako since highschool dahil nga bestfriend ko ang anak niyang si Drea. Kahit mayaman sila Drea decided to go in public school, noong highschool pa iyon. But now asa private school kami, scholar ako ni tito Derik, Drea's father dahil may kamahalan ang tuition fee sa pinapasukan namin school. 

"My, mahiyain talaga yan." Saad nito sa ina habang inaalalayan ako. Gusto pa nga ako pag wheelchairin kaso sabi ko wag na hassle pa.

"Well sweatheart sabihin mo sa kanya na wag mahiya kung hindi tatagalan ko siya ng scholarship." Nagulat ako ng may mag salita sa likuran namin, it's tito Derik.

"Daddy!" Madaling niyakap nito ni Drea ang ama.

"Hi sweatheart, I missed you." Natatawang ani sa anak. Lumapit din si tita sa kanila para makiyakap. Napangiti ako sa nakikita ko, a happy and complete family. Nginitian ko si tito ng mabaling sa akin ang tingin nito.

"Good evening po." Bati ko dito, tinanguan ako nito at sinenyasan ang dalwa na maupo na. Inalalayan ako ni Drea maupo sa harap ng pagkainan dahil kami ay kakain na.

"Iha what happened to you?" Tito asked.

"Well Dy, yung kinukwento ko sayo yun padin but this time sobra na. They beat Ayesha to death buti nalang may nag dala agad sa kanya sa infirmary." Si Drea na ang sumagot para sa akin. Sa sinabi nito ay naging palaisipan sa akin kung sino ang nag buhat at nagdala sa akin don.

"Well nakarating naba ito sa Dean niyo? Dapat may kailangan silang gawin about this situation. Hindi naman tama na palagpasin nila ito lalo na't babae ang gumawa. Asa college na sila pero mga isip bata padin." Tito said. He has a point, mga isip bata, they're grown ups. They should now what's right thing to do, galing pa naman sila sa kilalang pamilya.

"Hayaan mo hon, pupunta ako sa school nila at kakausapin ko ang Dean about this ln behalf of Ayesha's mom. You know naman her mom, kaya nandito yan dahil natatakot at baka dagdagan pa ang mga nasa katawan ng bata." Tito agreed on what's tita said. They know about my family because of Drea. Every time na may ganitong pangyayari sa akin sa kanila ako tumutuloy, dahil sila lang ang malalapitan ko.

"Dad, Mom, let's eat na po." Pag aagaw ng atensyon ni Drea sa magulang. Masaya kaming kumain, nag kamustahan at nag kwentuhan. After we eat, Drea decided na ihatid na ako sa room niya for me to rest.

"Goodnight po tito and tita, salamat po sa pagpapatuloy at pasensya na po sa abala." Saad ko at bumeso sa kanila.

"Oh darling don't worry, you're welcome here, besides you're part of the family." Tita Lucia give me a warm hug.

"Ok mom that's enough she need rest. Goodnight." Drea kissed her mom and dad's cheek.

"Mag shower ka muna bago ka uminom ng gamot mo at mag pahinga, ihahanda ko din yung pantulog mo at yang uniform mo ay ibibigay ko kay ate Sising para malabhan." Sabi nito sa akin habang papunta kami sa kwarto niya. Tumango nalang ako bilang sagot. 

I did my night routine when we arrive in Drea's room. May mga gamit na ako dito because Drea bought it. While I'm doing my night routine, bumaba si Drea para ipalaba ang uniform ko. Habang nagshashower ay sumagi sa isip ko ang lalakeng nag buhat sa akin. I need to know who is he so that i can say thanks to him for what he did to me. Pero yung amoy niya talaga ay pamilyar sa akin, hindi kaya si… no it can't be, that's impossible. But they have the same smelled perfume… No it really can't be, madami ang pwede gumamit ng pabango na iyon hindi lang siya.

"Aye, you done? Pag katapos mo jan you take your med ha." Katok ni Drea, hindi ako sumagot dahil naguguluhan padin ako. Hanggang sa pag tulog ay yun padin ang iniisip ko hanggang sa dalawin na ako ng antok.

*****

The Present

"Buti naman natanggap kana sa trabaho. Wala akong kaclose dun sis, ang susungit nila." Ngawa sa akin ni Drea. Andito kami sa bago kong nilipatan at tinutulungan niya ako mag ayos ng mga gamit.

"Muntikan pa nga hindi matanggap dahil sa medical record ko. Ang baklang yun, napaka arte." Kwento ko dito. May bakla kasi kahapon na nag susulsol dun sa nag interview sa akin. Although dalawa sila ang taga interview yung babae lang ang kumausap sa akin. Buti nalang mabait yung babae at tinanggap ako.

"Ay nako ha, sinong bakla yan ng malintikan sa akin. Isusumbong ko siya sa attorney ko." Palaban na saad ni Drea na ikinatawa ko. Ang attorney na sinasabi ay yung ex niya.

"Maka 'attorney ko', bakit kayo paba?" Bara ko dito, inirapan ako nito.

"Epal ka, basag trip. Ah basta attorney ko yun, kahapon nga nakita ko yun may kasamang babae. May pag pulupot pa ng braso sa bewang kala mo napaka ganda ng kasama di hamak na mas maganda ako dun." Natawa ako sa sinabi niya, hay nako napaka bitter. 

"Alam mo, iinom nalang natin yan." Pag mumungkahi ko pero umiling lang ito sa akin.

"Bawal sayo no, tsaka hindi ko feel mag inom, feel ko kumain kaya tara mamili ng iluluto para din makapag movie marathon tayo pag tapos natin mag ayos." Excited nitong saad at hinili ako papatayo nito. Natawa ako sa inasta niya, bigla nalang nag bago ang mood. Sa ngayon masasabi ko na okay ako for now and I'm thankful that i have my bestfriend.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status