Your votes and comments are highly appreciated, do support and drop your thoughts about this story, thanks in advance guys!!!
"Congratulations Ms. Mckenzie." Nakangiting kinamayan ako nito at tumango tango. Malaking ngiti ang iginawad ko siya kanya. I just got a job today, as one of their writers here. I'm here at ACT PUBLISHING CORPORATION, nag apply ako nung monday, and today is friday the final interview and thank God nakapasa ako at natanggap. "Thank you Ma'am, hinding hindi ko po kayo bibiguin." Pagkalabas ko ng building, tiningalaan ko pa ito bago ako nag tatalon sa saya. Dali dali ako nag punta sa parking lot at tinawagan ang kaibigan ko. "Hello Drea." Bungad ko sa kanya habang binubuhay ang makina ng kotse ko. "Hoy bruha ka, ano na ang balita? Natanggap ka ba?" Taranta nitong sagot, at napa buntong hininga. "Drea kasi..." Pambibitin ko sa kanya dahil gusto ko siya asarin.
The Past "Aye, dalian mo nandiyan si Abby." Hinila ako ni Drea papatakbo papalayo kay Abby dahil pagtitripan na naman ako nito. Ako ang laging target nito dito sa loon ng school. Uso pa pala ang mga bully sa collge. "Teka Drea, matatapilok ako sa bilis ng takbo mo eh." Hindi ako pinakinggan nito at mas binilisan pa ang pag takbo, kung saan saan na kami nakarating, akyat don, liko dito, baba don, hanggang sa tumama ako sa matagis na bagay at sumalpak papaupo sa sahig. "Aray ko naman Drea!" Inis kong turuan. Tumingala ako at nagulat sa nakita. Hindi pala matigas na bagay kundi bumangga ako sa isang tao. Napalunok ako ng seryoso lang nakatingin ito sa akin. "Hala sis, ano ginagawa mo jan?" Tarangtang tanong sa akin ni Drea, sinilip ko siya sa likuran ng lalakeng nasa harap ko na nakatayo at tinignan ko siya ng masama. Mag tatano
Nagising ako sa ingay na naririnig ko, unti unti kong minulat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang mukha ni Drea na umiiyak at si Ms. Lacsamana na kausap ang nurse. "Pahingi ng tubig." Mahinang tawag ko sa atensyon na panigurado kong narinig ni Drea. "Omg sis, thank God gising kana." Niyakap ako nito at humagulhol ng iyak. "Wait muna Drea, pahingi muna ng tubig." Mahina kong saad, natatawa itong humiwalay sa akin at kumuha ng tubig. Nilapitan ako ni Ms. Lacsamana na mapait na nakangiti sa akin. "Buti at nagising kana Ms. Mckenzie. I want to know who did this to you? Ang mga lalake ay hindi dapat nananakit ng babae." Kumunot ang noo ko sa sinabi nito, anong lalake pinag sasabi nito? "Ms. hindi po mga lalake ang gumawa nito sa akin. Dalawang babae lang po ang may gawa nito." Pag papali
"Ms. Mckenzie stand by ka muna at manood ng practice while waiting. Isa nalang ang kulang and that will be your partner." Tinanguan ko si Ms. Lacsamana bilang sagot, andito kami ngayon sa school. Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng hall, lahat sila ay may kapareha na. Ang iba masaya sa mga kapartner habang ang iba ay hindi, halatang naiinis. Kinawayan ako ni Drea ng mapatingin ako sa kanya, nginitian ko ito. Halatang masaya ang bruha dahil kapartner niya ang gusto niya makapareha. Wala sila Abby at Porcia dito dahil hanggang ngayon asa office padin ni dean, kinakausap kasama ang parents nila, while tita Lucia is also there para makipag usap regarding sa nangyari. Sana naman maging patas ang desisyon, Abby and Porcia should really expelled in this school. Hindi lang naman ako lagi ang pinagtitripan nila may mga iba ding studyante at sobra din ang ginagawa nila. Napagtatakpan ang kamalian dahil mayaman. Ang nagaga
"You ready?" tanong niya sa akin, napakapit ako ng mahigpit sa kanya ng unti unti niyang buksan ang pinto. Bumungad sa akin ang matalim na tingin ni mama na ikinalunok ko. "Ms. Mckenzie and Ms. Ortiz, maupo kayo." saad ng Dean. Naupo kami katapat nila mama at tita Lucia. Nginitian kami ni tita na nag pagaan kahit papaano ng nararamdaman ko. "Ms. Mckenzie your mom said that you also bully Ms. Tolentino kaya nagawa niya sa iyo yan." gulat akong napatingin kay mama. Hindi totoo ang sinasabi niya, ni wala nga akong lakas manakit ng ibang tao, pano ko naman magagawa yun. "Dean, that is not true." palag naman ni Drea, nakakunot na ang noo nito na nakatingin kay mama. "So sinasabi mo bang sinungaling ako, ganun ba?" mama said. Nakakrus ang kanyang dalwang braso habang nakadekwatrong upo. "Ganun na nga ho, nag sisinungaling ho kayo. Sarili niyong anak ipinapah
"Kayong mga nasa likod umayos kayo, paulit ulit nalang. From the top tayo." malakas na pag kakasabi ni Ms. Lacsamana. Nandito na kami sa may hall, si Drea naman ay nag practice na ulit habang ako nakaupo sa may harap kasama si Lawrence na kanina pa nangungulit. "Dali na, kwento kana. Ano sabi ng mama mo?" tanong nito, napairap nalang ako sa isipan sa kakulitan niya, kinuwento na nga kanina ni Drea tas ngayon mag papakuwento ulit. "Nung una gusto niya ako ipasuspend tas nung huli ipaexpelled keysa kay Abby." simpleng sagot ko, pero may pagkakadiin bawat pag bikas ko. "Tama ba ang narinig ko?" hindi nito makapaniwalang tanong, tumango nalang ako bilang sagot ng matahimik pero sadyang makulit talaga ang lalakeng to. "But why? You're her daughter, dapat kampihan ka niya." naiinis nitong saad, kunot noo akong tumi
Kinabukasan "Hay salamat naman at break time na. Arat sa canteen sis." hila sa akin ni Drea papalabas ng room. Katatapos lang ng klase namin sa unang subject. Nalate pa nga kami dahil sa late na nagising kanina tong si Drea, inumpisahan niya na kasi ang pag aaoutline sa gagawin niyang novel. Napuyat din naman ako pero maaga parin ako nagising. Napuyat ako sa kakaisip sa mga nangyari nitong mga nag daang araw. Pinoproblema ko pa yung training namin sa volleyball dahil panigurado araw araw iyon. Alam ko naman na mas mahalaga ang pag aaral keysa sa pag lalaro ng sports. Aaminin ko, hindi ako magaling sa time management kaya nagkakaganito, hindi ko malaman kung ano uunahin ko. "What food do you want to eat, my treat." pag kaupo ko sa pwesto namin agad akong nag tingin sa menu. May menu kasi dito sa canteen namin. "Carbonara with chicken fillet and piz
Nakatayo ito sa tapat ng gate namin at nginisihan ako nito naikinalunok ko. Ano ginagawa niya dito? Paano niya nalaman kung saan ako nakatira? "Are you not happy to see me?" she artfully said. Lalagpasan ko sana ito ng itulak niya ako ng malakas para tumama ang likod ko sa rear mirror ng sasakyan. Hindi pa nga ako masyado ayos mababangasan na naman ako ngayong araw. Tinignan ko siya ng masama, hindi na ako makakapayag na saktan na naman ako nito. Susugurin ko sana siya ng may tumawag sa akin. "Ayesha!" galit na boses iyon ni mama. Agad nanginig ang tuhod ko sa takot, tinignan ko ito at naliliksik ang mga mata nito na nakatingin sa akin. Mabilis itong nag lakad papalapit sa akin at agad hinila ang buhok ko papasok sa loob ng bahay. Nasasaktan man ay nag tataka ako kung bakit nakasunod sa amin si Abby. Kitang kita ko ang ngisi sa kanyang mukha. May araw din tong babae na it