Share

Chapter 2

Author: Thale01
last update Huling Na-update: 2022-11-02 05:41:35

“TIYANG? Tiyang Koring?” sigaw ng ina ni Toni sa harap ng puting gate na kinakalawang na. 

Ngayon ay nasa harap na sila ng bahay ng sinasabing tiyahin ng kanyang ina. Tiyahin sa pinsan ng kanyang lolo.

Napasimangot si Toni. Mahigit kalahating oras na kasi silang naroon at mukhang wala na silang balak pagbuksan ng pinto ng taong hinihintay nila. Bukod pa roon ay hatinggabi na at panay na rin siya kagat ng lamok. Hindi sumasapat ang kanyang dalawang kamay upang bugawin ang mga lamok na nais siyang gawing snack.

Nagpalinga-linga siya sa paligid. Sila na lamang ang naroroon sa kalsada at gising pa. Halatang lahat ng mga nandoon ay mahimbing nang natutulog. 

Ang isang bagay pa na nakakapagpainis kay Toni ay ang walang humpay ding pagkahol ng mga aso kanila. Halos lahat yata ng mga kabahayan doon ay may mga alagang aso. Lahat ay sabay-sabay na kumakahol sa kanila dahil sa ginagawang pagsigaw at pagkalampag ng kanyang ina sa harap ng bahay ng tiyahin na halata namang tinataguan lamang sila at ayaw harapin. Paano niya nasabi? Bukas kasi ang mga ilaw sa bahay na iyon.

“Nay, kanina pa tayo rito. Talaga bang nand’yan ’yong sadya natin?”

Saglit siyang nilingon nito saka muling ibinaling ang tingin sa bahay. “Oo. Alam kong nariyan siya dahil kung wala, hindi niya iiwang nakabukas ang mga ilaw ng bahay.”

“Eh, Nay, mukhang ayaw naman tayong kausapin ng tiyahin mo. Kanina pa tayo nandito sa tapat ng bahay niya. Masyado nang malamok.” Nilangkapan ni Toni ng tinig na naiinis ang sinabi.

“Sandali na lang. Baka hindi lang tayo naririnig. Baka natutulog na.” Pagkasabi niyon ay muling ipinagpatuloy ng kanyang ina ang pagkalampag sa kinakalawang na gate saka sumigaw.

Akala ni Toni ay hindi na talaga sila pagbubuksan ng gate. Kaya bahagya siyang nagulat kasabay ng patayo nang makitang may papalapit na matabang babae sa mababang gate kung saan sila naghihintay. 

“Bakit Criselda? Dis oras na ng madaling araw,” anito sabay tingin sa kanyang gawi. “Anak mo? Anong nangyari?”

Sa klase ng pagtatanong nito sa kung anong nangyari sa kanila ay nahimigan ni Toni na hindi ito nag-aalala kundi naiinis. Ni, hindi man lang din nito itinago ang iritasyon sa mukha.

“Ah, Tiyang, baka maaari muna kaming makituloy dito ng anak ko. Ha— hanggang sa makahanap lang ako ng lilipatan namin.”

Nakita ni Toni ang pag-arko ng kilay nitong sobrang on fleek pa kahit oras na ng tulog. 

'Sabi na. Masama ugali nito,' aniya sa utak.

“Sigurado ka bang panandalian lang ang pagtuloy niyo rito? Baka naman hindi, ha?”

“Opo, Tiyang. May trabaho po ako kaya makakahanap po agad ako ng malilipatan namin mag-ina.”

“Gano’n ba?” Muling sumulyap ito sa kanya at makalipas ang ilang segundong katahimikan ay muling nagsalita ang may edad na babae. “Oh, siya. Sige.” Binuksan nito ang gate kaya napalapit na rin siya sa likuran ng ina dala ang bag.

“’Yan lang ba ang gamit ninyo?” tukoy ng nito sa hawak niyang bag.

“Opo, Tiyang. Ah, si Toni po, Tiyang.” Mabilis siyang binalingan ng ina. “Magmano ka sa lola Selma mo.”

Tumalima naman siya kahit hindi gusto ng kanyang kalooban.

Pagpasok nila sa loob ay hindi pa pala natatapos ang mga sasabihin ni Lola Selma sa kanila.

“Siguruhin mo lang, Criselda na hindi kayo magtatagal ng anak mo rito dahil kung magtatagal kayo, babayaran niyo ang kuryente at tubig na magagamit niyo sa pagtira dito.”

Lihim na umalma ang loob ni Toni sa narinig. 'Tiyahin ba talaga ’to ni Nanay?'

Ang kanyang ina naman ay natigilan saglit. Hindi pa man ito nagsasalita’y muling nagsalita si Lola Selma.

“Alam mo naman ako— matandang dalaga na at umaasa na lamang sa pension ko buwan-buwan kaya kung lalaki mga bayarin kong bill ay—”

“S-sige po, Tiya. Hahanap po agad ako ng malilipatan namin ni Toni bukas. 

Nailibot ni Toni ang mga mata sa kabuuan ng sala. Malaki iyon at lahat ay gawa sa kahoy. Kung kanyang ilalarawan ang bahay mula sa labas ay malaki iyon at may lumang istilo. Maaari niyang ihalintulad ang bahay sa mga sinaunang bahay. Naisip din ni Toni na sa laki niyon, kahit tumira pa silang mag-ina roon ay maluwag pa rin kaya bakit hindi na lang sila roon tumira?

Ito lamang ang nakilala niyang kamag-anak ng kanyang ina. Ang knyang lolo’t lola naman ay hindi pa niya nakikilala dahil kapwa na raw namatay ang mga ito.

Pagkatapos pa ng ilang bilin ng matanda sa kanyang ina ay nakarating din sila sa silid na kanilang tutulugan. Tanging katre at isang electric fan lamang ang naroon. May bintana subalit tila hindi na iyon mabubuksan at permanente nang nakasara. Sa kanya ay ayos lamang iyon dahil may electric fan naman. Matagal-tagal na rin mula nang huli siyang nakagamit niyon at mukhang mapapasarap ang tulog niya ngayong gabi.

Habang nagpapagpag sila ng alikabok sa katre ay pumasok sa kanilang silid ang tiyahin ng kanyang ina. 

“Oh, hetong kumot. Isa lang ang extra ko kaya maghati na lamang kayo riyan.”

Pagkabigay niyon ay nagpasalamat ang kanyang ina rito.

Makalipas ang ilang sandali ay pareho na silang nakahiga ng ina sa katre. Iyon na ang pagkakataon ni Toni upang usisain ang ina sa biglaang pag-alis nila sa tinutuluyan. 

“Nay, ano po bang nangyari? Bakit ba kasi tayo biglang umalis sa bahay?”

Ilang sandali muna ang pinalipas ng kanyang ina bago ito sumagot. “Naalala mo ba ’yong huling araw na nagpakita at binisita tayo ng tatay mo?”

Tumango siya. “Opo.”

“Nagkaroon ng problema ang tatay mo sa trabaho niya. Hindi niya ipinaliwanag nang maayos sa ’kin ang lahat.”

“Hanggang sa isang araw may mga lalaking humarang sa ’kin at hinahanap ang tatay mo. Doon ko nalamang hindi lang pala basta-bastang mga tao ang binangga niya. Saka ko lang din nalamang pera pala ang naging problema ng tatay mo. Natakot ako nang sobra dahil may mga baril sila. Nakiusap akong huwag nila akong patayin at kakausapin ko si Antonio na ibalik ang perang hinahanap nila.”

Humarap sa kanya ang ina. Lumuluha na pala ito. “Pero paano ko makakausap ang ama mo kung hindi na siya nagpapakita? Kaya kinailangan nating umalis sa una nating tinitirhan para hindi tayo masundan ng mga lalaking ’yon.”

Naalala nga ni Toni ang unang beses na umalis sila sa tinitirhan. Ang alam lang niya noon kaya sila umalis ay dahil nalipat na ng ibang trabaho ang kanyang ina. 

“At kanina naman, habang naghahanda na ako pauwi, nakita ko sa labas ng pinapasukan ko ’yong mga lalaking naghahanap kay Antonio. Kaya bago pa man nila matunton ang tinitirhan natin, nagmadali na akong makaalis tayo.”

Kaugnay na kabanata

  • Chasing the Mafia Boss Lover    Chapter 3

    BAGO lamunin ng antok at pagod si Toni ay naging laman ng kanyang isipan ang sinabi ng ina. Kung hindi ibabalik ng kanyang ama ang perang kinuha nito ay ang ibig lang sabihin niyon ay habang buhay na rin silang magtatago mag-ina. Habang buhay na rin silang magpapalipat-lipat ng tirahan.Sa totoo lang ay nahuhili na rin talaga siya sa kanyang mga klase. Madalas ay hindi siya nakakapasok dahil sa kakulangan ng perang igagastos araw-araw dahil bukod sa mag-isa lang naman siyang binubuhay ng kanyang ina ay nagkakaroon pa sila ng utang sa mga kakilala. Isa pa ay nagpapabago-bago rin ang trabahong pinapasukan ng kanyang ina dahil sa paglayo nila. Sobrang nahihirapan na si Toni sa kanilang sitwasyon. Hindi niya akalain na ang magiging dahilan pala ng kanilang paghihirap mag-ina ay ang mismo pa niyang ama. Ano ba ang rason ng ama para itakbo nito ang perang hindi naman pagmamay ari? Hindi ba nito isinaalang-alang silang mag-ina sa ginawa?SA CANTEEN ng school ay mag-isa lamang na nakaupo sa

    Huling Na-update : 2022-11-02
  • Chasing the Mafia Boss Lover    Chapter 4

    BUKOD sa three days suspension ay buong buwang cleaners sina Toni at Erica na ipinagpasalamat naman ng dalagita. Dahil para sa kanya ay hindi na mabigat na parusa iyon.Samantala, galit na galit sa kanya ang nanay ni Erica dahil sa natamong sugat sa mukha nito. Abot langit ang kanyang ginawang pagpipigil kanina na huwag magsalita at ipaalam dito ang mga kalokohang ginawa ng anak nito sa kanya kung hindi lamang niya inaaalalang baka madagdagan pa ang kanyang parusa. Hinayaan na lamang niyang siya ang lumabas na masama at si Erica ang biktima. Isa ring ikinainis niya na wala rin siyang magawa ay ang paulit-ulit na paghingi ng kanyang nanay ng tawad kay Erica at sa mama nito.“Sayang ang araw ko ngayon, Toni. Sana ito na ang una at huling ipatatawag ako sa school mo,” saad ng kanyang ina. Subalit hindi siya sumagot dahilan upang lingunin siya nito. “Naririnig mo ba ako, anak?”“Nay, nakadepende po ’yon sa babaeng ’yon kung ito na ang huli. Siya ang nagsimula. Hindi lang ako makapagpaliw

    Huling Na-update : 2022-11-02
  • Chasing the Mafia Boss Lover    Chapter 5

    MAKALIPAS pa ang tatlong taon ay ganoon pa rin buhay nila Toni at ng kanyang ina. Para pa rin silang mga dagang nagtatago kung saan-saan huwag lang mahanap ng mga taong humahabol sa kanyang ama.Sa ngayon ay nasa kolehiyo na siya at kumakayod na rin nang todo. Kung tutuusin ay huli na siya ng tatlong taon sa unang taon ng kanyang kolehiyo dahil sa sitwasyon nilang mag-ina ngunit patuloy pa rin silang lumalaban at nagpapatuloy. Hinahati niya ang oras mula sa pag-aaral, waitress at pagiging baguhang modelo. Dahil may taglay naman talaga siyang kagandahan ay may isang baklang talent manager ang nakapansin sa kanya sa pinapasukang restaurant bilang waitress. Nang sabihin nitong puwede siyang kunin bilang modelo ay hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Agad niyang tinanggap ang inaalok nitong trabaho.Kahit paano ay masaya na rin silang mag-ina sa tinatamasa nilang kaunting ginhawa. Kahit nakakapagod ay ayos lang para kay Toni. Nasasabi pa kung minsan ni Toni sa sarili na kaya naman pala n

    Huling Na-update : 2022-11-02
  • Chasing the Mafia Boss Lover    Chapter 6

    Ten years later...TONI took the cup over the cupboard and then wiped the tip of it using the clean tissue. Nang masigurong napunasan na niyang maigi ang tasa at kahit nahugasan naman iyon ay nagsimula na siyang magtimpla ng kapeng siya lamang ang nakakaalam ng timpla. Araw-araw ay ganoon ang kanyang ginagawa at bilang panimulang trabaho.Yeah, and she’s doing it over the seven years that had passed, and maybe— who would say? Maybe it would be the last time that she would make a coffee for Alexander, her boss.Ikakasal na kasi ito bukas and that’s her realization. Tapos na— wala na. Wala na siyang pag-asang makaahon sa hirap at sa mga problemang kanyang mga kinakaharap.For over seven years of being near Alexander, she failed to capture his heart. She made herself a woman that Alexander would like to be with but it did nothing. Masyadong matigas ang puso nito sa kanya. Oo, he trusts her not in his heart but in his business. A trustworthy secretary.Sa pagkakaalam kasi ni Toni, no woma

    Huling Na-update : 2022-11-09
  • Chasing the Mafia Boss Lover    Chapter 7

    Chapter 7ILANG segundo na ang nakalilipas ngunit wala pa ring narinig na tinig si Toni o pagbukas man lang ng kotse senyales na may nakakita na sa kanya.Nang muli siyang maglakas loob na sumilip ay paalis na ang sasakyan nila Ceasar. Kitang-kita ng kanyang dalawang mata ang unti-unting pag-alis ng van. Hihintayin na lamang niyang makalayo sina Ceasar saka siya bababa. Akmang pipihitin na niya ang doorknob nang matanaw naman ni Toni mula sa hindi kalayuan ang isang matangkad na lalaking patungo sa direksyon ng pinagkukublian. Tuloy ay muli na naman siyang napadapa.'Akala ko ba umalis na sila. May isa pa pala.' Muli rin siyang inatake ng nerbiyos. Niyakap niya nang mahigpit ang bag. Ang plano ay ihahampas niya sa lalaki ang bag kapag nahuli na siya nito. Total ay mukhang nag-iisa lamang ito. Narinig ng dalaga ang pagbukas at pagsara ng pinto ng sasakyan. She was mentally counting when she heard the maneuvering of the engine then the next she knew was they were starting to move.Ku

    Huling Na-update : 2022-11-10
  • Chasing the Mafia Boss Lover    Chapter 8

    FROM where Toni stood, she watched the ocean full of admiration. And that was her first time seeing an ocean that calms her heart. Napakabanayad ng along humahaplos sa dalampasigan na para banag siya ay hinehele niyon.Noong nasa biyahe kasi siya patungo roon ay hindi siya nagkainteres na sulyapan man lang ang dagat dahil sa pagod at antok. Halos kain at tulog lamang ang kanyang ginawa. Naging abala rin siya sa pagri-research kung saan siya maaaring makahanap ng tutuluyan.Sa paghahanap ni Toni, natagpuan niya itong Villa Sapphire. It was like a big vacation house that stood up in front of the beach. It is a three-story Swedish-style house. Kulay abuhing asul ang bubong at maliban pa roon ay puti na ang kulay ng bahay. May veranda rin ito kung saan tanaw na tanaw ang buong dagat. May pakiramdam si Toni na iyon ang kanyang magiging favorite spot habang umiinom ng kape.Binaybay niya ang pathwalk na kanyang natatapakan patungo sa villa. Ayon sa kanyang nakalap na impormasyon ay isa iyon

    Huling Na-update : 2022-11-12
  • Chasing the Mafia Boss Lover    Chapter 9

    NGAYON ang unang araw ni Toni sa kanyang trabaho sa isang restaurant bilang waitress. Nang magpunta kasi siya kahapon sa bayan ay naghanap na rin si Toni ng mapapasukang bagong trabaho bukod sa pamimili ng kanyang mga gamit. Nagkataon naman na ang kanyang pinuntahang kainan ay naghahanap din ng tauhan. The restaurant was not as classy as the restaurants in Manila but still, it was enough for special occasions. Hindi rin naman ganoon ka-boring ang design ng place. Maraming nakasabit na mga seashells pampalamuti, may mga nakadikit na malalaking seashellsa sa pader. Ang mga upuan ay gawa rin sa rattan habang ang mga mesa naman ay gawa sa mahogany. May water despenser sa sulok. Sa labas naman ay mukhang isang malaking nipa hut ang restaurant na tingin ni Toni ay very cultured. One of Toni’s like in this restaurant, besides there serving fresh seafood, is the style of how they prepared it. They served the food in the banana leaves as they plate and it’s perfect to eat with hands only. Se

    Huling Na-update : 2022-11-12
  • Chasing the Mafia Boss Lover    Chapter 10

    MULA sa tinted na bintana ng kotseng kinaroroonan ni Elton ay tinatanaw niya si Toni. Habang tumatagal ay lalo siyang naiintriga sa babae. There was something that he can’t explain. Bawat galaw nito ay sinusundan ng kanyang mga mata. From the moment he laid his eyes on her, Elton couldn’t forget her dark brown eyes. Pero hindi dapat siya magpadala sa kanyang nakikita. Wala sa plano niya ang magpabaya sa sariling misyon. Kaya noong bumili ng ticket si Toni patungo sa islang kinaroroon nila ngayon ay agad din niyang pinasubaybayan ito. Inalam niya kung saan ito unang tumuloy at kung saan ito nagtatrabaho. And he was glad when he learned that Toni hired into his restaurant.Paano niya nalaman ang bagay na iyon? Franco called him immediately when he knew that the woman they have to get was applied to their restaurant. And within that day, Toni gets hired. “Mahigit isang oras na tayong naghihintay dito.” Napansin nga niya ang nagsisimulang pagdilim ng paligid. “Ano ba talaga ang pinaplan

    Huling Na-update : 2022-11-14

Pinakabagong kabanata

  • Chasing the Mafia Boss Lover    Chapter 14

    DINALA ni Elton si Toni sa isang mamahaling restaurant at mababakas ang pagkailang nito sa lugar. Pinigilan niya ang pagsupil ng kanyang ngiti. She looked cute for being conscious of what she was wearing in that place.“Ayos ka lang ba?” naitanong niya kahit alam na ang dahilan ng pagkabalisa nito.“H-hindi mo naman sinabing sa ganito pala kagarang lugar mo ako dadalhin saka kakayanin ba natin magbayad dito?” pagbibiro nito. Bahagya nasaktan ang ego niya sa sinabi ng dalaga pero dahil nagpapanggap siyang isang simpleng lalaki ay hindi siya maaring umapela. And he knew that Toni was just joking to ease her uneasiness right now.“Huwag kang mag-alala, hindi tayo maghuhugas ng pinggan dito,” he tapped her shoulder to make her comfortable.Subalit hindi pa rin nagbabago ang reaksyon nito. “Puwede bang sa iba na lang tayo kumain? Nahihiya kasi ako sa suot ko.”He chuckled lightly. “Magkapareho lang naman tayong may suot na hindi angkop dito.” Natahimik siya sandali nang may naisip na iban

  • Chasing the Mafia Boss Lover    Chapter 13

    “QUAL è esattamente il tuo piano?” Franco suddenly asked Elton. Ibig sabihin sa tagalog ay kung ano ang kanyang pinaplano.They were both sitting on the verandah of his mansion. His mansion was on the top of the cliff, surrounded by the blue sea. Pinili talaga ni Elton ang lugar na iyon upang tayuan ng mansion dahil gusto niyang natatanaw ang malawak na karagatin at ang bayan. Maliit na bayan kung kanyang ituring. Ang mansion na iyon ay ngayon lamang niya napuntahan at nagamit. Kahit pa sabihing may tatlong taon na ang negosyong restaurant, bar at talyer niya sa isla ng Siquijor ay hindi siya nagkaroon ng pagkakataong bisitahin iyon. Tanging si Franco lamang at ang tauhan nito ang nag-aasikaso niyon para sa kanya. “Mukhang nalilihis ka na sa orihinal na plano,” dugtong pa ni Franco sa sinabi. Sinimsim niya ang alak sa sariling baso kasabay niyon ay ang muling pagguhit ng imahe ni Toni sa kanyang isipan.“Una ay hinayaan mo siyang makawala sa kamay mo. Pangalawa, you became her hero

  • Chasing the Mafia Boss Lover    Chapter 12

    “ELTON?”“Hi!” May malawak na ngiti sa mga labi ni Elton nang makita ni Toni ang lalaking naghihintay sa labas ng restaurant. Siya naman ay pilit na sinupil ang sariling ngumiti ng sobra dahil baka mahalata nitong crush niya ang lalaki.“Anong ginagawa mo rito?” tanong niya.Napakamot ito sa batok habang nahihiyang nakatingin sa kanya. “Balak ko sanang ihatid ka ulit sa inyo. Gusto ko lang masiguro na ligtas kang makakauwi sa tinutuluyan mo.”Toni’s heart were pounding. “Salamat. Makakatipid ako ng pamasahe dahil sa ’yo,” biro na lamang niya.Binuksan nito ang pinto sa passenger’s seat. Pagkatapos ay ito naman ang pumwesto sa driver’s seat. Habang nasa biyahe ay hindi niya maiwasang maging tahimik. Naiilang kasi siya sa katahimikang namamagitan sa kanilang dalawa ngayon. Ano ba ang dapat nilang pag-usapan? Wala siyang maisip na puwedeng pag-usapan.Napakislot siya nang ito ang unang magsalita. “Hindi ba isang villa ang tinutuluyan mo ngayon?”Tumango siya.“Para ka na rin palang nan

  • Chasing the Mafia Boss Lover    Chapter 11

    WALA sa sariling napasabunot si Toni sa sariling buhok. Hindi niya binitiwan ang buhok hangga’t hindi sumasakit ang kanyang anit. Dalawang oras na rin siyang ganoon sa higaan. Kalauna’y tumayo siya mula sa kama. Lumapit siya sa bintana saka binuksan iyon. Agad na sumalubong sa kanya ang hanging dagat. Kanina pa kasi niya sinusubukang makatulog pero ang imahe ni Elton ang paulit-ulit na umuukilkil sa kanyang isipan. Panay din ang tingin niya sa cellphone sa pag-asang baka tumawag sa kanya ang lalaki o mag-text man lang ngunit wala. First time in the whole history of her life that there was a man who captured her heart.'Ano? Heart?' Mabilis niyang napalis ang isipin. 'Heart agad? Hindi ba puwedeng crush lang muna?'Ikinumpara niya ang nararamdaman noon sa dating amo saka kay Elton. Hindi siya ganito ka aligaga sa kanyang amo noon kahit pa nga ba nakakasama pa siya sa mga out of town meetings. Pero heto siya kay Elton, iniligtas lang naman siya ng dalawang beses pero mukhang nahulog

  • Chasing the Mafia Boss Lover    Chapter 10

    MULA sa tinted na bintana ng kotseng kinaroroonan ni Elton ay tinatanaw niya si Toni. Habang tumatagal ay lalo siyang naiintriga sa babae. There was something that he can’t explain. Bawat galaw nito ay sinusundan ng kanyang mga mata. From the moment he laid his eyes on her, Elton couldn’t forget her dark brown eyes. Pero hindi dapat siya magpadala sa kanyang nakikita. Wala sa plano niya ang magpabaya sa sariling misyon. Kaya noong bumili ng ticket si Toni patungo sa islang kinaroroon nila ngayon ay agad din niyang pinasubaybayan ito. Inalam niya kung saan ito unang tumuloy at kung saan ito nagtatrabaho. And he was glad when he learned that Toni hired into his restaurant.Paano niya nalaman ang bagay na iyon? Franco called him immediately when he knew that the woman they have to get was applied to their restaurant. And within that day, Toni gets hired. “Mahigit isang oras na tayong naghihintay dito.” Napansin nga niya ang nagsisimulang pagdilim ng paligid. “Ano ba talaga ang pinaplan

  • Chasing the Mafia Boss Lover    Chapter 9

    NGAYON ang unang araw ni Toni sa kanyang trabaho sa isang restaurant bilang waitress. Nang magpunta kasi siya kahapon sa bayan ay naghanap na rin si Toni ng mapapasukang bagong trabaho bukod sa pamimili ng kanyang mga gamit. Nagkataon naman na ang kanyang pinuntahang kainan ay naghahanap din ng tauhan. The restaurant was not as classy as the restaurants in Manila but still, it was enough for special occasions. Hindi rin naman ganoon ka-boring ang design ng place. Maraming nakasabit na mga seashells pampalamuti, may mga nakadikit na malalaking seashellsa sa pader. Ang mga upuan ay gawa rin sa rattan habang ang mga mesa naman ay gawa sa mahogany. May water despenser sa sulok. Sa labas naman ay mukhang isang malaking nipa hut ang restaurant na tingin ni Toni ay very cultured. One of Toni’s like in this restaurant, besides there serving fresh seafood, is the style of how they prepared it. They served the food in the banana leaves as they plate and it’s perfect to eat with hands only. Se

  • Chasing the Mafia Boss Lover    Chapter 8

    FROM where Toni stood, she watched the ocean full of admiration. And that was her first time seeing an ocean that calms her heart. Napakabanayad ng along humahaplos sa dalampasigan na para banag siya ay hinehele niyon.Noong nasa biyahe kasi siya patungo roon ay hindi siya nagkainteres na sulyapan man lang ang dagat dahil sa pagod at antok. Halos kain at tulog lamang ang kanyang ginawa. Naging abala rin siya sa pagri-research kung saan siya maaaring makahanap ng tutuluyan.Sa paghahanap ni Toni, natagpuan niya itong Villa Sapphire. It was like a big vacation house that stood up in front of the beach. It is a three-story Swedish-style house. Kulay abuhing asul ang bubong at maliban pa roon ay puti na ang kulay ng bahay. May veranda rin ito kung saan tanaw na tanaw ang buong dagat. May pakiramdam si Toni na iyon ang kanyang magiging favorite spot habang umiinom ng kape.Binaybay niya ang pathwalk na kanyang natatapakan patungo sa villa. Ayon sa kanyang nakalap na impormasyon ay isa iyon

  • Chasing the Mafia Boss Lover    Chapter 7

    Chapter 7ILANG segundo na ang nakalilipas ngunit wala pa ring narinig na tinig si Toni o pagbukas man lang ng kotse senyales na may nakakita na sa kanya.Nang muli siyang maglakas loob na sumilip ay paalis na ang sasakyan nila Ceasar. Kitang-kita ng kanyang dalawang mata ang unti-unting pag-alis ng van. Hihintayin na lamang niyang makalayo sina Ceasar saka siya bababa. Akmang pipihitin na niya ang doorknob nang matanaw naman ni Toni mula sa hindi kalayuan ang isang matangkad na lalaking patungo sa direksyon ng pinagkukublian. Tuloy ay muli na naman siyang napadapa.'Akala ko ba umalis na sila. May isa pa pala.' Muli rin siyang inatake ng nerbiyos. Niyakap niya nang mahigpit ang bag. Ang plano ay ihahampas niya sa lalaki ang bag kapag nahuli na siya nito. Total ay mukhang nag-iisa lamang ito. Narinig ng dalaga ang pagbukas at pagsara ng pinto ng sasakyan. She was mentally counting when she heard the maneuvering of the engine then the next she knew was they were starting to move.Ku

  • Chasing the Mafia Boss Lover    Chapter 6

    Ten years later...TONI took the cup over the cupboard and then wiped the tip of it using the clean tissue. Nang masigurong napunasan na niyang maigi ang tasa at kahit nahugasan naman iyon ay nagsimula na siyang magtimpla ng kapeng siya lamang ang nakakaalam ng timpla. Araw-araw ay ganoon ang kanyang ginagawa at bilang panimulang trabaho.Yeah, and she’s doing it over the seven years that had passed, and maybe— who would say? Maybe it would be the last time that she would make a coffee for Alexander, her boss.Ikakasal na kasi ito bukas and that’s her realization. Tapos na— wala na. Wala na siyang pag-asang makaahon sa hirap at sa mga problemang kanyang mga kinakaharap.For over seven years of being near Alexander, she failed to capture his heart. She made herself a woman that Alexander would like to be with but it did nothing. Masyadong matigas ang puso nito sa kanya. Oo, he trusts her not in his heart but in his business. A trustworthy secretary.Sa pagkakaalam kasi ni Toni, no woma

DMCA.com Protection Status