TRAVIS' POV Ang paggalang sa pangakong ginawa ko kay Leslie ay nangangahulugan na isantabi ang lahat ng bagay na nangangailangan ng aking pansin ngayon para lamang makipag-usap sa egoistic na tanga na pamangkin na meron ako. Ang aking unang dalawang pagtatangka na makipag-ugnayan sa kanya sa pamamagitan ng isang phone call at isang pagbisita sa opisina ay nabigo, nag-iwan sa akin na walang pagpipilian kundi ang magmaneho patungo sa isa pang lugar na posibleng maging tahanan niya. Kapag na-traffic ako sa kalagitnaan ng daan papunta sa pwesto niya, nagbibigay ito ng oras sa akin para iproseso ang mga emosyon ko at itago ang aking galit, dahil sa totoo lang, may gusto akong gawin na higit sa pakikipag usap kay Kian. Gusto kong ikulong kaming dalawa sa isang kwarto para lang maibigay ko sa kanya ang pambubugbog ng kanyang buhay para sa tahasang pagtataksil sa pagmamahal, tiwala at katapatan ni Leslie. Lintik, gusto kong makipagsuntukan simula noong araw na nasaksihan kong umiiyak
Halos hilahin ako ni Hannah kasama niya papasok ng bahay. “Anong nangyayari?” Tanong ko sa sandaling binitawan niya ako. "Kasal ni Kian, kailangan mo siyang kausapin." Syempre, alam ni Hannah ang nangyayari. "Heto, kung sasabihin mo sa akin na kumbinsihin siya na huwag pirmahan ang mga divorce papers, kung gayon-" Sumeryoso ang mukha ni Hannah bago ko makumpleto ang pahayag. “Ano? Hindi! Wala akong pakialam sa babaeng gold-digger na iyon. Sa katunayan, natutuwa akong sa wakas ay wala na siya sa buhay ng aking anak. Hindi siya nararapat sa anak ko at mawawala kay Kian ang isang babae na tunay na nararapat sa kanya dahil hindi siya makapag-move on sa mababang buhay na iyon!" Kumukulo ang dugo ko nang marinig kong pinag-uusapan ng kapatid ko si Leslie sa ganoong paraan. Ito ba ang tiniis ni Leslie sa lahat ng mga taon na ito? Alam ko na mahirap harapin si Hannah, ngunit hindi ko alam na masama talaga ang tingin niya kay Leslie. Hindi ako tumutugon sa mga salita, natutuwa na
LESLIE’S POV Sakit ang unang bagay na naramdaman ko sa sandaling bumalik ang aking kamalayan. Hindi ito nagpapakita ng awa, pinupunit ang bawat kasukasuan, bawat kalamnan at maging ang balat, na nagdulot sa akin ng gulo sa makinis na ibabaw, nararamdaman kong namimilipit ang aking katawan. Paulit-ulit na kumurap ang mga mata ko sa pagtatangka na alisin ang sakit at ang malabong paningin ko. Gayunpaman, nagtagumpay lang ako na magkaroon ng mas malinaw na paningin habang ang aking katawan ay patuloy na nalulunod sa dagat ng matinding sakit. Habang tinatanaw ko ang mundo sa paligid ko, bumabalik din ang mga alaala ko sa mga ito. Hiniling ni Kian na makipagkita nang mag-isa dahil iyon lang ang paraan para pipirmahan niya ang mga divorce papers. Hinihintay ko siya sa harap ng walang laman na warehouse na iyon nang makorner ako ng tatlong maskuladong lalaki, ako ay inatake at nawalan ng malay. Parang kinaladkad ang walang malay kong katawan sa madilim at walang laman na warehouse
LESLIE’S POV Bumuhos ang mga luha sa aking pisngi, lalong nagiging walang saysay ang aking pagsisikap upang palayain ang aking sarili at sa pinaniniwalaan ko ngayon ay ang aking mga huling sandali, muling nanumbalik sa aking isipan ang mga salita ni Stone. Sinabi niya na lumaban ako sa isang mas makapangyarihan kaysa sa akin at iyon ang dahilan kung bakit ako mamamatay. Ang tanging naiisip ko lang ay si Kian. Hindi ko alam kung ano ang mas masakit, dahil mamamatay na ako dito ng walang nakakaalam, o dahil kay Kian, ang lalaking buong buhay kong minahal, inutos ang pagkamatay ko. Paano niya ito nagawa? Alam kong kahit kailan ay hindi niya ako minahal pero hindi ko akalain na kaya niyang umabot sa ganito. Mas gugustuhin pa niya akong mamatay kaysa makipag divorce sa akin? Paano siya naging ganito kalupit hanggang sa huli? Mas masakit ngayon ang nararamdaman ko sa puso ko kaysa sa katawan ko. Habang lumalaki ang apoy, ang usok ay pumapasok sa butas ng aking mga ilong na parang
KIAN'S POV May kakaiba sa hangin sa kumpanya ngayon. Habang naglalakad ako sa lobby para makarating sa elevator, nagbigay-daan ang mga empleyado para sa akin gaya ng lagi nilang ginagawa pero hindi ko maiwasang mapansin ang kakaibang tingin sa kanilang mga mata. Mahirap ding makaligtaan ang kanilang mga tahimik na bulong na dinadala sa aking mga tainga bilang mahinang usapan. Si Peter, ang aking assistant ay naglalakad malapit sa likuran ko at nang magsara ang pinto ng elevator at kami ang nasa loob nito, lumingon ako para tanungin siya. "May napansin ka bang kakaiba sa mga tao sa kumpanya ngayon?" Umiling si Peter. Tumango ako, hindi ko ito pinansin bilang isa sa mga araw kung saan medyo sensitibo ako dahil kay Leslie at sa lintik na divorce na nasa isipan ko. Sinong niloloko ko? Ito ay hindi 'isa' sa mga araw na iyon, ito ay parang araw-araw. Nagigising ako araw-araw na masama ang pakiramdam dahil alam kong wala si Leslie sa kabilang kwarto na naghahanda na pumasok sa trab
KIAN'S POV Sa lobby, ang mga empleyado ay tumingin sa akin sa parehong paraan tulad ng dati habang ako ay nagsisikap na panatilihing matatag ang paglalakad habang ako ay lumabas ng gusali. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, ang alam ko lang ay gusto kong makaalis doon. Gusto kong hanapin si Leslie. Hinanap ko ang kotse ko at inihanda ang makina nito para patakbuhin ngunit tumalon si Peter sa harap ng sasakyan para pigilan ako. “Sir, sandali lang po! Hindi po dapat kayo magmaneho sa ganoong estado."Sigaw niya, huminga ng malalim dahil hinahabol niya ako hanggang sa ibaba. Wala akong pakialam sa kung ano ang kalagayan ko at nang walang sabi-sabi kay Peter, ni-reverse ko nang kaunti ang sasakyan sa likod bago ito pinaandar at umikot sa kanya. Nagmamaneho ako nang buong bilis, hindi pinapansin ang mga speed limit at ang galit na sigaw ng ibang mga gumagamit ng kalsada. Nagmamaneho ako nang walang patutunguhan habang ang mga alaala ng aking asawa ay lubos na pumapasok sa aking isi
KIAN'S POV Lumipas ang isang linggo, ngunit hindi sa isang iglap tulad ng sinasabi ng karamihan. Kahit kailan ay hindi ko nagustuhan ang kasabihan dahil hindi, ang mga linggo at araw ay hindi basta-basta lumilipas. Para sa isang businessman na tulad ko, ang bawat araw ay makabuluhan. Ang aking mga araw ay nailalarawan sa pamamagitan ng mga meeting, masipag na trabaho sa opisina, mga paglalakbay at napakaraming mahahalagang event na inimbitahan ako kaya nakakasakit na sabihing ang mga ito ay sang linggong lumipas na halos walang anumang alaala. Sa kalungkutan, pareho lang ito. Ang iba ay nag-move on dahil maraming oras na ang lumipas ngunit naaalala mo ang bawat bagay na parang kahapon. Masasabi ko pa na mas malala pa ito sa kalungkutan. Naaalala ko ang bawat araw mula nang mamatay si Leslie. Naaalala ko ang sarap ng aking mga luha na hindi ko hinayaang makita ng sinuman at ang amoy ng kanyang bakanteng silid. Naaalala ko ang mga oras na ginugol ko sa kama na pabali-baligtarin d
“Opo sir. Ako mismo ang nagdala nito dito dahil alam kong magiging interesado kayo rito." Siyempre, nakakaramdam ako ng bahid ng interes at intriga sa unang pagkakataon nitong nakaraang linggo. Ito ay dahil sinusubukan kong makipag-ugnayan sa Hanson Group sa loob ng maraming taon na ngayon. Ilang beses na akong nagpadala ng mga email na humihiling ng isang meeting para sa isang potensyal na partnership sa pagitan ng conglomerate at ng sarili kong kumpanya. Ang Group ay nagmamay-ari ng maraming business at branch sa halos lahat ng sektor. Ang shopping mall ang pinakamalaki sa buong bansa at bilang pinuno ng isang fashion company, ang layunin ko dati pa ay magkaroon ng lugar sa shopping mall ng Hanson Group para sa mga produkto mula sa aking kumpanya o marahil ay bumuo ng mas malaking partnership sa kanilang branch. na gumagawa din ng mga de-kalidad na fashion wears. Hindi ako nakatanggap ng tugon sa mga email na iyon at malapit na akong sumuko pagkatapos ng lahat ng mga taon na
BEVERLY’S POV Nakatayo siya sa pintuan na literal na kakapasok niya lang. Mukhang hindi siya nasisiyahang makita akong nakatayo roon, sa tabi ng kanyang lolo at nakatitig siya sa akin mula sa kinatatayuan niya. Pinigilan ko ang sarili ko na umirap sa kanya dahil galit na galit din ako sa kanya sa itinawag niya sa akin. "Siya ang aking bisita, lolo." Ulit niya, ngayon ay isinara ang pinto sa likod niya at dahan-dahang naglalakad patungo sa amin. Hindi ko mapigilan ngayon, suminghal ako. "Kian, apo, saan ka nagpunta, iniiwan mo akong naghihintay sa iyong opisina ng ganoon?" Nagsasalita ang kanyang lolo. "Pasensya kung pinaghintay kita." Humihingi ng paumanhin si Kian, na ngayon ay nakatayo sa pagitan namin ng kanyang lolo. Kumaway ng kamay ang lolo niya, “So? Nasaan si Leslie? Bigla ka na lang nawala at hindi na ako nakatiis kaya pumunta ako dito, inaasahan na mahanap ko siya pero wala din siya at ang mga maid mo ay walang sinasabi tungkol sa kinaroroonan niya." Nararamda
BEVERLY’S POV "Huwag kang magsalita sa kanya, naririnig mo ba ako? On the way na ako.” Paulit-ulit na umaalingawngaw sa aking isipan ang mga salita ni Kian kahit ilang minuto na ang nakalipas mula nang ibigay niya ang mahigpit na babalang iyon sa pamamagitan ng telepono. Naiinis ako kapag kinakausap niya ako sa ganoong tono, ang mala-business na tono na naglalayong iguhit ang linya at ilagay ako sa likod nito. Nababaliw ako dahil dito at gusto kong mag rebelde sa pinaka-dramatiko na paraan upang alam niya na walang linya sa pagitan namin. Kaya ipinapaalala sa kanya na habang dinadala ko ang kanyang anak, kontrolado ko siya at maaari lamang niyang manabik sa nawala sa pamamagitan ng pagsuko sa akin noong gabing iyon dalawang buwan na ang nakakaraan. Ngunit ang mahalagang bagay tungkol sa pagrerebelde ay ang pag-alam kung kailan dapat umatras. Tulad sa kasalukuyang sandali kung saan nababahala ang lolo ni Kian. Isang tao lang ang tinitingala ni Kian at ang taong iyon ay ang
"Hindi mo na kailangang magpaliwanag ulit, Travis. Alam kong ako lang ang hinahanap mo at nagpapasalamat ako." Mahinang sabi niya at tumango naman ako. Tumahimik siya pagkatapos noon na parang pinag-iisipan ang mga susunod niyang sasabihin, marahil ay tugon sa tanong ko kanina. “Naharap ko na si Kian. Hindi na niya ipapakita ang mukha niya sa paligid ko, hindi mo kailangang mag-alala sa kanya." Sinubukan din ni Leslie para magmukhang nakakakumbinsi, ngunit nabigo siya dahil naintindihan ko agad.“Sigurado ka?” Nakataas ang kilay ko. “Okay lang ako, Travis, pangako. Ito ay isang maliit na hadlang sa aking araw, hindi seryoso." Pinilit niyang ngumiti, matigas ito ngunit tumango pa rin ako. “Okay.” “Gusto ko magpalipas ng oras kasama ka, pero pagod na ako, baka sabay tayong maglunch sa susunod? Bukas?” Alok niya at napapangiti talaga ako. "Sige, susunduin kita bukas." Tumango siya at nawala papunta sa kwarto niya. Nakatayo ako roon nang matagal pagkatapos na nawala si
TRAVIS' POV Hindi ako mapakali, naglalakad sa harap ng balkonahe ng bahay ni Sir Hanson. Nakakuyom at lumuwag ang aking mga kamao. Paulit-ulit na kina-crack ang aking mga kamao sa nakasanayan, pagkabalisa at marahil kahit isang maliit na pahiwatig ng galit. Lagpas 7pm na, isang oras lagpas sa normal na oras na dapat ay paalis si Leslie sa trabaho, ngunit hindi pa siya umuuwi. Ngayon, bago ako maging obsessed at paranoid dahil sa pag-aalala ko, hindi ko binalak na pumunta dito ngayong gabi para hanapin si Leslie. Oo naman, iniisip ko siya sa bawat sandali. Gusto ko siyang tawagan lagi upang yayain siya sa dinner o baka lunch kasama ko. Gusto ko pumunta sa mansyon ng tatay niya araw araw para lang makita ko ang mukha niya. Ngunit hindi ko kailanman ginawa ang mga bagay na iyon. Nagpigil ako at nilabanan ko ang kagustuhan na gawin ang mga iyon dahil ang huling bagay na gusto ko ay takutin siya o iparamdam sa kanya na sinasamantala ko ang kanyang divorce para gumawa ng kilos sa
Nilapitan ko siya sa dalawang hakbang, kinulong siya at isinara ang pinto ng malakas na tunog sa buong bakanteng lote at nanlaki ang mga mata ni Leslie. “Hindi mo ba ako narinig? Sabi ko bumalik na si lolo." Walang ibang emosyon ang mga mata ni Leslie sa mga salitang iyon maliban sa galit na namumuo sa kanila simula nang makita niya ako. “Klaro ang pagkakarinig ko sayo, Kian. Hindi ko nakikita kung ano ang kinalaman nito sa akin ngayon at ikaw ang pamilya niya, hindi ako.” "Hindi ito tungkol sa pagiging pamilya ko. Alam mo kung gaano ka kamahal ng matandang iyon." Sabi ko ulit sa kanya, umaasang dumikit iyon sa kanya. "Divorced na tayo ngayon, hindi mahalaga kung ano ako sa kanya noon." Matigas niyang sagot at masyado akong mahina para mahuli niya ang mga salita. "Hindi ko sinabi sa kanya ang tungkol sa divorce, Leslie, Sa katunayan, hindi niya pwedeng malaman hanggang sa bumalik siya sa London sa loob ng dalawang linggo. Siya ay may sakit at alam mo iyon ng higit sa i
KIAN’S POV Para siyang nagngangalit na bola ng apoy nang lumabas siya ng kotse, kitang-kita ang nanginginig sa galit na hindi ko pa nakikita. Halos humadlang ito sa akin, halos punitin ang tapang na ginamit ko sa ilang oras ng paghihintay sa kanya. Halos. Hindi ako tanga. Alam ko mula sa pangalawang pagkakataon na dumating ang kanyang personal assistant upang sabihin sa akin na siya ay nasa isang meeting na ito ay isang kasinungalingan ngunit naghintay ako, tulad ng isang tanga. Naghintay ako dahil umaasa akong mahuhuli ko siya kung magtatagal lang ako. Sa isang magandang araw, ang paghihintay sa isang tao ay isang insulto sa aking pangalan at sa lahat ng aking itinayo. Ang pananahimik na bulong ng mga empleyado habang dumaan sila sa akin sa waiting area nang higit kaysa sa aking mabilang ay isang patunay sa katotohanang iyon. Ngunit kahit na iyon ay hindi ako nagpatalo, tutal, si Leslie ay nagawang iparamdam sa akin at gawin ang mga bagay na hindi ko akalaing posible nitong mg
LESLIE'S POV "Sino ang sabi mo na humihiling na makita ako?" Ang tanong ko, iniisip kung mali ang narinig ko o ang personal na assistant ko ay sinabi sa akin na ang ex-husband ko ay kasalukuyang nasa lobby ng kumpanya, nagre-request na makipagkita sa akin. "Naniniwala ako na ang kanyang pangalan ay Kian Winston, CEO ng WS fashion company." Kinukumpirma niya ito muli. Nasa isang meeting ako kasama ang team ng iba pang mga designer na nakatalaga sa akin noong una siyang nagdala ng balita. Binalewala ko lang ito sa oras na yun, masyadong abala sa agenda ng meeting para alalahanin ang anumang bagay. Ipapalabas ang aking mga disenyo sa loob ng tatlong buwan at iyon ang naayos sa aking buong focus, buong emosyon–mabuti at masama. Nang malaman na nandito si Kian ay nagdudulot din ng pagbabago sa focus at emosyon. “Sigurado ka ba?” May mali siguro. Bakit nga ba pupunta dito si Kian pagkatapos naming magkahiwalay ng landas? Sa tingin ko ay mahihiya siyang ipakita ang kanyang mukha
KIAN'S POV Kumportable si lolo sa isa sa mga sofa na nagpapalamuti sa aking opisina, humihigop ng chamomile tea na inihanda ni Peter para sa kanya bago ako iniwan para harapin ang problemang kinakaharap. Isang napakalaking problema. Ang aking lolo ay palaging kusang-loob, na may parang bata at walang malasakit na ugali na nakapagtataka kung paano niya pinatakbo ang kumpanyang ito sa loob ng tatlumpung taon. Kaya, ang kanyang biglaang pagdating ay hindi dapat ikagulat sa akin. Gayunpaman, hindi ko ito mapigilan. Walang naghanda sa akin para sa kanyang pagbabalik dahil hindi siya dapat na malapit dito hanggang sa susunod na taon ngunit narito siya, tahimik na humihigop at nakangiti sa sarili, halatang masaya na nakauwi habang ako ay nababaliw na nag-iisip kung ano ang unang sasabihin sa kanya–ang tungkol ba sa inaasahan kong anak mula sa ibang babae na hindi si Leslie, o ang tungkol sa pagiging divorced namin. Ang sobrang sakit ng ulo mula kaninang umaga ay bumalik nang buong
KIAN'S POVSa gitna ng pagpupursige ng aking ina sa ideya ng panibagong kasal sa bawat pagkakataon na natatanggap niya, at pag-uwi araw-araw kay Beverly na palaging nasa harapan ko at maging ang tungkulin ng isang asawa sa aking tahanan, trabaho ang tanging paraan upang kayanin ko itong mga nakaraang araw.Alas-8 na ng umaga at naghahanda na naman ako para sa isa pang abalang araw, ngunit sa parehong oras ay umaasa na wala sa sarili kong tahanan para sa natitirang bahagi ng araw. Tumayo ako sa harap ng salamin para ayusin ang tie ko at bumukas agad ang pinto ng mga sandaling iyon. Napabuntong-hininga ako nang maabutan ko ang repleksyon ni Beverly sa salamin. "Beverly, sabi ko kumatok ka muna bago pumasok sa kwarto ko." sabi ko. Sa mga araw na ito, tila hindi niya naiintindihan ang konsepto ng mga hangganan at nilalampasan niya ang bawat itinakda ko. Hinding-hindi ginagawa ni Leslie iyon. Hindi pinapansin ni Beverly ang halatang sama ng loob ko at dumulas lang sa harap ko, hawa