Pigil ang hininga na tumitig si Mr. Tan sa labi ni Arwena na medyo umaawang pa. Ayaw na niyang maulit ang nangyari sa kotse kanina, pero heto na naman sila sa ganitong sitwasyon. Parang na ma-magnet na naman siya at gusto na namang halikan si Arwena. Si Arwena naman ay kanina pa sinasaway ang sarili na ‘wag tumitig sa mga mata ni Mr. Tan, kaya lang ang tigas ng ulo niya. Hindi niya magawang bawiin ang tingin niya kay Mr. Tan na parang dinadala siya sa ibang dimension. Puro mukha na lang kasi ni Mr. Tan ang nakikita niya. “Iba… lagkit ng tinginan!” biglang sulpot ni Archie.Parang gumang biglang naputol ang tinginan ni Tandre at Arwena, sabay kusot kasi sa mga mata na parang may tumama roon. Parang napuwing ba. Sabay din silang lumayo sa isa’t-isa, kagat labi at nahihiyang tumingin kay Archie na ngayon ay humahalukipkip habang nakaupo sa wheelchair. “Reaction n’yo… gulat na gulat. Pasensya na sa istorbo, hah…”“Archie, wala kaming ginagawa…” pabulong na sabi ni Tandre, at umiiwas na
“Pinagloloko n’yo ba ako?” Matapos ang sandaling pag-awang ng labi at panlalaki ng mga mata ay nagawa ring magsalita ni Mr. Tan. Pahapyaw itong tumawa at napa-facepalm pa. “Wow! Iba kayo, ang galing n’yong umakting, hindi ko man lang napansin, that you were lying the whole time! Ginawa n’yo akong tanga!” Nagulo naman nito ang buhok at parang gusto pang sapakin ang kapatid. “Pinaniwala n’yo ako na mag-fiancee kayo, hindi naman pala!” sikmat pa nito. Sa galit ni Mr. Tan ay nakalimutan na niya na kasama pa nila si Nathan na ngayon ay huminto na sa pagtawa at napahawak pa sa kamay ng Daddy Archie niya. Bakas sa mukha nito ang takot.Agad sumenyas si Arwena sa yaya ni Nathan na ilayo na muna ang bata. Hindi dapat nakikita ni Nathan ang ganitong eksena; hindi niya dapat naririnig ang ganitong usapan. Bagong opera nga lang siya, malaki ang magiging epekto nito sa kanya. At saka, bata nga lang siya.Napabuga naman ng hangin si Archie, saka ginulo niya ang buhok ng bata para mabawasan ang pa
“Tandre—” “Shut up!” sikmat ni Tandre na nagpatiim ng labi ni Arwena, pero napatitig naman sa seryosong mukha ni Tandre.Nakakainis ang sinabi niya. Nakakagalit at nakakasakit ng loob, pero dahil nga may kasalanan at guilty siya sa ginawang panloloko niya kay Tandre ay nagpakumbaba at nanahimik na lang siya, sabay ang pagkapit sa batok nito para hindi malaglag. Tumawa naman si Tandre. Labas sa ilong nga lang. May kasabay pa ‘yong sandaling sulyap kay Arwena. Iyon na nga ang inaasahan ni Tandre. Alam niya na hindi magmamatigas at magmamaldita si Arwena ngayon dahil may kasalanan nga ito sa kanya. At syempre, sabi nga ni Nathan na mag-usap sila at hindi mag-aaway. Ano na lang ang maramdaman ng Anak nila kung malamang hindi naman pala sila nagkaayos. Kaya ito na ang chance niya na gawin ang gusto niya. Madali niyang mapapasunod si Arwena sa lahat ng gusto niyang mangyari. Napabuga naman ng hangin at napalabi ulit si Arwena habang nakatitig pa rin sa supladong mukha ni Tandre. Hindi n
Unti-unti nang napapikit si Arwena dahil sa nakadadarang na halik ni Tandre. Utak niya ay tumututol sa ginagawa nila, pero katawan niya ay hindi nakikiayon; hindi man niya magawang suklian ang halik nito, kamay naman niya ay napakapit nang mahigpit sa batok ni Tandre. Naramdaman niya rin ang pagngiti ni Tandre, at kasunod ng ngiti na ‘yon ay paglapat ng palad nito sa likod niya. Marahang humaplos na parang ginuguhit ang bawat kurba ng katawan niya, at maya maya ay dahan-dahan na nitong binaba ang zipper ng damit ni Arwena. “T-Tandre,” saka lang parang nahimasmasan si Arwena. Naidilat nito ang mga mata, pero hanggang dilat lang ang nagawa niya. Hindi niya magawang awatin ito. Napatitig na lang siya sa mga mata ni Tandre na tiim na tiim habang hinahalikan siya ng buong puso. Hindi niya tinatanggi na gusto niya ang ginagawa ni Tandre sa kanya ngayon. Hindi niya ipagkakaila na nasasarapan siya sa halik nito. Ayaw na nga sana niyang matigil ang sandaling ‘to, kaya lang, hindi naman
“Sir Tan?” tanong muli ni Ted sa kabilang linya. Hindi na kasi nakapagsalita si Mr. Tan. Naghalo-halo na ang laman ng utak niya. Bukod sa naguguluhan kung ano ang pangyayari na sinasabi ni Ted, nalilito pa siya kung iiwanan niya ba si Arwena o hindi. “Tandre, sige na pumunta ka na?” Dahil visible naman sa mukha ni Tandre na naguguluhan. Si Arwena na lang ang nagsalita. At rinig na rinig nga ni Arwena ang pagtikhim ni Ted nang marinig nito ang boses niya. Ngayon ay alam na niya kung ano ang importante na sinasabi ng boss niya. “Mr. Tan, I’m sorry, kung na interrupt ko ang ginagawa mo ngayon, but you really need to come over bago pa lumala ang sitwasyon, at hindi na matuloy ang importanteng ginagawa n’yo ni Ms. Arwena, kahit kailan,” walang preno na sabi ni Ted. Alam niya na kapag involved si Arwena, hindi na mag dalawang-isip ang boss nito, agad na itong pupunta sa opisina. Napatayo naman ng maayos si Tandre. Ano man ang pangyayaring sinasabi ngayon ni Ted, hindi niya hahaya
A cheeky smile plasters on Farah’s face as she stares at Janica. Naisip niya na sa kabila ng hirap at ng sakit na nararamdaman sa pagkawala ni Jake ay swertehin siya ng ganito. Makakahanap siya ng kakampi. Nawalan na kasi siya ng pag-asa, sumuko na sa buhay dahil wala na namang natitira sa kaniya. Wala nang buhay na babalikan. Nawala na kasi ang nag-iisang tao na gusto niya sanang makasama habangbuhay, at dahil ‘yon kay Arwena. “They will pay for all the pain they’ve caused us!” madiin na sabi ni Farah. Ang galit at sakit na nararamdaman niya ay ang pumukaw sa diwa niya. Naisip niyang hindi siya pwedeng mawala sa mundo kung hindi niya maiganti si Jake. Kumapit siya, pinipilit mabuhay. Hindi niya hinayaang maanod ng tubig sa ilog. Ilang araw siyang palakad-lakad sa kalye na parang baliw, walang matutuluyan, walang pwedeng hingian ng tulong. Akala nga niya, tuluyan na siyang mawawala sa katinuan dahil sa gutom—dahil sa pagod. Lahat nilalayuan siya. Lahat tinataboy siya. Araw-
“Wena, hayaan mo na, nagmamadali na ‘yong tao. Alam mo naman si Tandre, kapag pumalpak ang tao niya, pinapagalitan agad. Takot lang ‘yon si Ted na mapagbuntungan ng galit.” Pigil ni Archie sa kaibigan niya na hahabulin pa sana si Ted. Sa gulo ba kasi na nangyayari ngayon, hindi maiwasan ni Arwena na mag-isip ng masama. Natatakot siya na baka ang arrangements na sinabi ni Ted ay custody pala ni Nathan. Sinisi niya pa ang sarili kung bakit siya nag-sign agad na hindi man lang binabasa ang papel. Napahawak na lang siya sa batok at napalingon kay Nathan na masayang pinapanood ang paborito nitong show. Wala itong kaalam-alam sa gulo na kinasasangkutan ng mga magulang niya. Kung gaano nga kasaya si Nathan ngayon ay kabaliktaran naman ang nararamdaman ni Arwena. Nalulungkot siyang isipin na itong kasiyahan na nararamdaman ng Anak niya ngayon ay panandalian lang pala. Sandaling panahon lang pala mabubuo ang pamilya nila. Parang pinaasa lang nila si Nathan na maging masaya sila habang
“Awww, ang sakit,” daíng ni Arwena nang gisingin siya ng sakit ng ulo. Pero agad napatakip ng bibig nang maalala ang nangyari kagabi. Bumalik sa isipan niya ang mainit na halik ni Tandre na walang pag-aatubili na tinugon niya. Napahawak siya sa labi at maya maya ay dibdib naman ang nakapa niya. Kasabay kasi ng alaalang, ‘yon ay ang malakas na talbog ng puso na parang gustong lumabas sa dibdib niya. Pero kalaunan ay napisil naman ang noo nang maisip ang maling nagawa. Oo, kagabi ay napagtanto niya na mahal na nga niya si Tandre. Hindi kasi ito mawala sa isip niya. Nasasaktan siya, nagseselos ngayong may ibang babae na involve sa kanya. Pigil na buntong-hininga ang pinakawalan niya. “Ano na naman ba ‘tong ginawa mo, Arwena? ” tanong niya sa sarili at bahagyang tinampal ang noo, saka naman siya dahan-dahang gumalaw para e-check kung katabi pa rin ba niya si Tandre. “My God!” mahina niyang bulalas nang makita ang lantad na katawan nito. Mas kumabog lalo ang dibdib niya na parang may
“My queen," yakap at halik sa batok ko ang kasabay ng malambing na boses na ‘yon. Antok na sana ako, kaya lang hindi ko naman matanggihan itong asawa ko na kararating lang mula sa trabaho ay ako naman ang gustong trabahuin. “Ang bango mo, my queen," pinahangin nitong sabi na sumabay sa pagharap ko sa kanya. Kagat-kagat na niya ang ibabang labi at may tingin na nang-aakit. Awtomatiko namang umangat ang mga kamay ko at kumapit sa batok niya. Mas kumislap pa ang mga mata na agad namang nagpangiti sa akin. Para naman kasi akong hinihigop sa klase ng tingin niya. Tingin na nagsasabing mahal na mahal niya ako. Tingin na nagsasabi na ako lang ang pinakamaganda sa paningin niya, at tingin na nagsasabing sabik na siyang angkinin na naman ako. “Nilalasing mo ako sa bango mo, my queen. Pinag-iinit mo ako lagi. Pinasasabik…” Ayon na nga at sininghot na nito ang leeg ko na parang inuubos ang lahat ng bango ko. May kasama na rin ‘yong himod sa nguso na nagpabungisngis sa akin. Naki
“My queen,” malambing na tawag ni Tandre sa asawang si Arwena na agad namang ngumiti nang makita ang matamis nitong ngiti. Kanina niya pa ito pinagmamasdan. Kanina pa siya naghihintay na matapos ito sa ginagawa. At ngayong tapos na, heto at hindi na niya naawat ang sarili at nilapitan na niya agad. Napailing-iling pa si Arwena. Alam niya kasi na kanina pa sabik ang asawa na lapitan siya. Kanina pa ito gustong yakapin at halikan siya, pero dahil sa banta niya, na kapag lumapit ito sa kanya ay hindi siya sasama sa gaganaping launching ng Denovan Jewelry. Kaya wala itong nagawa, kung hindi ang manatiling tahimik habang pinagmamasdan lang siya. Pero katulad ni Tandre, hindi rin maawat ni Arwena na sumulyap sa asawang gandang-ganda sa kanya. Pangiti-ngiti kasi habang titig na titig sa reflection niya sa salamin. “Tapos ka na?” malabing nitong tanong, sabay ang banayad na paghawak sa balikat ni Arwena, at banayad iyong hinaplos-haplos. Matamis na ngiti lang ang sagot ni Arwena na may
Matapos ang isang malakas na putok na nagpapikit ng matiim sa mga mata ni Arwena, sunod-sunod na pagsabog naman ang sumunod na umalingawngaw sa loob ng conference room na nagpahinto naman sa paghinga niya. Umiiyak siya pero walang boses na lumabas. Yumugyog lang ang balikat at awang ang labi. Si Tandre naman ay mahigpit na yumakap kay Arwena. Napigil din nito ang paghinga. Akala kasi niya ay katapusan na nila. Akala niya ay ito ang huling araw na makasama ang pinakamamahal niya. Ilang segundo silang nanatili sa ganoong ayos hanggang sa marinig nila ang mga sigaw, mga utos ng mga pulis at bomb squad na nasa loob ng conference room. Sa bilis ng pangyayari na hindi inasahan ni Farah, wala itong nagawa nang agawin sa kanya ang baril at detonator, at ngayon nga ay kasalukuyan nang dini-difuse ang mga bomb. “Tandre!” Matapos ang matinding takot at pagkagulat, sa wakas ay nagawa ring magsalita ni Arwena. Kaya lang, hindi pa rin siya makagalaw. Hindi pa rin niya kayang tumingin sa pa
“No, Wena! ‘Wag kang pumasok—” sigaw ni Tandre, pero agad natahimik dahil sa baril na tumutok sa kanya. “Tumahimik ka!” singhal ni Farah. Gigil na gigil ito na parang ano mang oras ay kalalabitin na ang gatilyo. “Kanina ka pa! Napupuno na ako sa’yo!” “Don’t do this, Farah, please! I’m begging you. I’m willing to do anything. Hayaan mo lang si Arwena,” buong puso na pakiusap ni Tandre. Ni kaunti ay hindi nakaramdam si Tandre ng takot para sa sarili niya. Natatakot siya para kay Arwena. Natatakot siya sa maaring gawin ni Farah sa asawa niya. Ang isipin pa lang ang maaring gawin nito kay Arwena, ang sikip-sikip na ng dibdib niya. Naikuyom naman sandali ni Janica ang kamao. Nasasaktan kasi siya na marinig ang pagmamakaawa ng lalaking mahal niya para sa ibang babae. “I said, shut up!” Nanlaki ang mga mata ni Farah. “Kahit anong pagmamakaawa ang gawin mo; kahit ibigay mo pa sa akin ang kayamanan mo, o kahit ibalik n’yo pa ang buhay ni Jake, hindi ko pa rin tatantanan si Arwena. Ala
“F-Farah!” Bulalas ni Janica. Parang na alimpungatan mula sa mahimbing na tulog dahil sa malakas na putok na narinig. Umawang pa ang labi at nanlaki ang mga mata na napatitig sa lalaking nakahandusay sa sahig at duguan. “What the...” Takip-takip na rin ang mga palad nito sa tainga niya, at saka, nilibot ang paningin sa paligid. Hindi niya alam kung paano umabot sa ganito ang gulo na ginawa niya kanina. Napalingon din siya kay Tandre na ngayon ay nakayuko at nakalapat ang mga kamao sa sahig. Bakat din ang mga ugat nito sa braso.Doon niya binuhos ang lahat ng galit kay Farah na walang awang binaril ang tauhan niya na wala namang kinalaman sa problema nila. “How?” Hindi magawang ibigkas ni Janica ang salitang gusto niyang sabihin. Paulit-ulit na lang siyang napapailing habang nangingilid ang mga luha. Kitang-kita niya kasi ang butas at dugo sa suit ni Tandre. Napatingin pa siya sa kamay niya na sumaksak sa likod nito. Hindi niya akalain na magagawa niyang sasakin si Tandre sa hairsti
Matapos marinig ang sinabi ng staff ay sunod-sunod naman na umalingaw ang serena ng mga police car, bombero, at mga sigawan ng mga tao na sapilitang pinalalayo sa gusali. Napatakip na lang sa bibig si Arwena, habang si Gomez at Fuentez ay kanina pa nakikiusap na umalis na sila dahil dilikado na rito sa loob. Kaya lang paulit-ulit siyang tumanggi. “Hindi ako lalabas, hanggat hindi ko kasama si Tandre,” pagmamatigas ni Arwena na sumabay sa pagpasok ng mga awtoridad at bomb squad sa gusali. Lahat ng lugar, lahat ng sulok ng hotel ay sinigurado nila na walang tao. Maliban sa conference na kinaroroonan nila ngayon. “Mrs. Denovan, kung maari lumabas na po kayo,” pakiusap ng officer in charge na kausap ni Gomez at Fuentez kanina. Ang mga medics naman ay lumabas na para mag-antabay sa maaring kahihinatnan ng gulo na nangyayari ngayon. “I said no! I’m not going anywhere without my husband,” madiin na sabi ni Arwena. Ayaw niya rin magpahawak sa mga bodyguard. Hilam sa luha ang mga
Kasabay ng halik ni Janica kay Mr. Tan ay flash ng mga camera at sabay-sabay na mga tanong ng press na hindi na halos maintindihan. Maririnig rin ang hiyawan sa labas ng hotel. Live nga kasing napapanood ang press conference, kaya sigurado si Mr. Tan na ang iniisip ng mga fans, ang halik sa kanya ni Janica, at ang yakap nito sa kanya ay confirmation ng relationship nila. Buo na sana ang desisyon ni Mr. Tan na sundin ang suggestion ni Ted. Kaya lang, nagbago ang isip niya dahil sa ginawa ni Janica ngayon. Iba umataki si Janica. Hindi sa salita, kung hindi sa gawa. Mapait na ngumiti si Mr. Tan, kasabay ang paghawak sa balikat ni Janica at bahagyang itinulak ito palayo. Makikita kaagad ang pagsimangot ni Janica. Matalim rin ang tingin nito na parang pinagbabantaan si Mr. Tan. “You know what, Janica, bibigyan pa sana kita ng pangalawang pagkakataon na ma-redeem ang sarili mo sa kahihiyang pinapasok mo.” Matalim na tingin ang kasabay ng sinabing iyon ni Mr. Tan, sabay senyas kay Ted. “
“Bakit nandito si Janica? Didn’t I tell you to heightened the security? " Paulit-ulit ko kayong pinaalalahanan, gawin n’yo ang lahat para hindi makapasok ang babae na ‘yon dito?!" gigil na tanong ni Tandre kay Ted.Kararating niya lang sa Hotel Denovan, at gusto na niya agad na palayasin si Janica. Ang laki nga ng mga hakbang niya, papunta sa conference room kung saan naghihintay ang press at ang babae na kinamumuhian niya. Halos patakbo namang sumunod si Ted, at ang ilang mga bodyguard niya. “I’m sorry, Mr. Tan, lahat ng utos n’yo po ay sinunod namin. We’ve done all the necessary actions, para hindi makapasok si Ms. Janica, but she disguised herself as one of the press, and it was too late for us to recognize her. Wala na kaming magawa. Press are taking pictures habang papunta siya sa harap, nakangiting umakyat sa platform, at prenteng umupo roon.” Tingin lang ang sagot ni Mr. Tan sa paliwanag ni Ted. Ni ang huminto sandali paglalakad ay hindi nito ginawa. Ayaw na niyang mag-aksaya
“Daddy, Archie!” Masiglang sigaw ni Nathan.“N-Nathan…” utal na sagot ni Archie at agad na hinarap ang pamangkin. Sinalubong niya rin ito, pero ang kamay ay sikretong sumenyas kay Tandre at Arwena na magtago muna. Agad namang sumunod ang mag-asawa. Pumasok sila sa walk-in closet habang inaaliw naman ni Archie ang bata. Pinipigilan niya itong pumasok sa kwarto para hindi makita ang ayos ng mga magulang nito. Siguro ay kinikilti na naman ni Archie ang bata. Rinig na rinig pa kasi ni Tandre at Arwena ang hagikhik ni Nathan, at maya maya ay unti-unting naglaho ang boses ng magtiyuhin.Nakapa naman ni Arwena ang dibdib, napabuga ng hangin at matalim ang tingin kay Tandre na pangiti-ngiti lang, pero halata namang kinabahan kanina.Alam nila na pereho na siguradong matutuwa si Nathan kapag nalaman nito na bati na sila. Kaya lang, nahihiya sila na makita ng Anak sa ganoong ayos. Kung malalaman o sasabihin man nila kay Nathan ang magandang balita, ‘yong nasa maayos naman silang pustura, hind