Share

CHAPTER 4

Elodie’s POV

KINABUKASAN, nauna akong nagising kaysa kay Russel.

Mabilis akong nagbihis kahit nananakit ang katawan ko sa ginawa namin kagabi.

“Thank you for the wonderful night,” I whispered and kissed his cheek before I sneaked out from his unit.

Naka-g-guilty pero kinakailangan kong iwan siya. Pareho kaming ikakasal sa iba. Iniwan ko naman ang aking number sa bedside table niya na isinulat ko sa isang pirasong papel. Para kahit papaano ay masingil niya ako.

Dumeretso ako sa hotel kung saan ako naka-check-in. Sa hotel room ko, nadatnan ko roon ang Ate kong si Quiana, si Mama at Papa. Kung papaano nila natagpuan kung saan ako tumutuloy, marahil dahil sa ginagamit kong credit cards o baka pinaimbistigahan nila ako.

“Baby sis, glad you’re finally here! Bakit hindi mo ipinaalam sa ‘min na nakauwi ka na pala ng Pinas?!” Mabilis na lumapit sa akin si Ate at niyakap ako. Dinig ko ang kaniyang paghikbi.

“Don’t shed tears, Ate, masama ‘yan sa baby mo.”

Kumalas siya sa yakap at hinawakan ang aking pisngi. “About the engagement, I’m so sorry, Elodie.”

Umiling ako. “Huwag kang mag-sorry, Ate. I’ll sincerely accepting your place,” saad ko.

“Glad to hear that, anak. Salamat. Hayaan mo, babawi kami sa ‘yo,” saad ni Papa.

Lumapit ako sa kanila at pareho silang niyakap ni Mama. Ilang taon ko silang hindi nakita.

“I missed you both.”

“Talaga? Eh, bakit hindi ka dumeretso sa bahay nang makauwi ka?” May himig ng pagtatampo sa boses ni Mama.

“Sorry na po. Plano ko kasing sorpresahin kayo today.”

“Mamayang gabi na ang engagement ceremony. Nasabi na namin ang lahat sa mga Lardizabal, kaya huwag kang mag-alala. Ang kailangan mo na lang ay maghanda.”

“Lardizabal?” ulit ko sa apelyidong binanggit ni Papa. “I think I heard that somewhere.”

“Hindi na nakapagtataka, isa sila sa pinakamayang pamilya sa bansa. Triple ang yaman nila sa atin. Matagal na rin ang kasunduang pag-iisang dibdib ng isang Lardizabal sa isang miyembro ng pamilya natin. Ngayon lang maisasakatuparan.”

“Pero, Papa, hindi naman ako totoong Hermedilla,” halos pabulong kong saad.

Hinawakan ni Papa ang magkabila kong balikat. “You are, anak. Kaya huwag kang mangamba.”

Napangiti ako sa kaniyang saad. “Thank you, Papa.”

“Oh siya, umuwi na tayo para makapaghanda. Sa isang five star hotel ng mga Lardizabal pala ang venue. Kaya kinakailangan pa nating bumyahe,” saad ni Papa.

PAGKAUWI namin sa mansiyon, agad akong inasikaso nina Mama at Ate. They even bathed and eat lunch with me.

“Anak, pumili ka sa mga dresses dito,” utos ni Mama habang ipinapakita sa ‘kin ang mga naka-hanger na dresses.

“Kayo na lang po ang pumili na babagay sa ‘kin.”

“Ma, I think, maganda sa kaniya iyang purple,” suhestiyon ni Ate.

“Talaga, pero sa tingin ko itong pink ang bagay sa kaniya.”

“No, Mama, iyang purple, promise.”

“Pero hindi ko gusto ang design.”

At nagtalo na nga silang dalawa. Walang pinagbago.

Sa huli, ako na lang ang pumili ng isusuot ko. Isang sky-blue dress.

Hindi na ako nagpa-hire ng hair at make-up artists kaya si Mama ang nag-ayos ng buhok ko at si Ate ang magmi-make-up sa ‘kin kahit kaya ko naman.

“Russcom is a good guy, ilang beses ko na siyang na-meet. He’s a gentleman,” biglang saad ni Ate habang kinokoloretehan ang mukha ko.

“Russcom?”

“Iyong mapapangasawa mo. Russcom Marcel Lardizabal ang buo niyang pangalan.”

Napatango-tango ako. “Guwapo?”

She chuckled. “Indeed, mukha siyang Greek God. Matangkad, macho, moreno, maganda ang hubog ng panga, makapal ang kilay, malalim ang kulay tsokolateng mata, matangos ang ilong with matching kissable lips. Kung hindi ko lang mahal si Louis, baka bumigay na ako kay Russcom. Huwag mong sasabihin kay Louis, huh,” tukoy niya sa ama ng batang dinadala niya.

“Detailed. Tinititigan mo?”

“Hindi naman, hindi lang talaga madaling kalimutan ang kapogian niya. I’m sure na makabubuo kayo ng mga babies na puwedeng irampa sa pageants.”

Napailing-iling ako. Kahit kailan talaga ang lawak ng imahinasyon niya.

Si Ate Quiana, kahit alam niyang hindi niya ako kadugo, parang totoong kapatid parin ang turing niya sa ‘kin. Rason kung bakit hindi ko magawang magalit sa kaniya.

“I’m done! Look how gorgeous you are!”

Tiningnan ko ang sarili sa salamin. Maganda nga ako kapag naka-light make-up lang tulad nitong ginawa ni Ate. Kapag ako kasi ang nagmi-make-up sa sarili ko, nagmumukha akong rockstar.

“Thank you, Ate.”

“You’re welcome, Baby sis. Maiwan muna kita dito, okay, magbibihis din ako.”

Lumabas si Ate ng kuwarto ko, naiwan akong nakatitig sa salamin.

It’s okay, self. You’re going to be a good fiancee and a good wife.

Habang hinihintay na bumalik si Ate o si Mama, napagdesiyunan kong buksan ang cellphone ko na hindi ko nagagalaw simula no’ng makauwi ako galing sa condo unit ni Russel.

Nakita ko ang samdamakmak na text messages at missed calls ni Clarisse.

“Bestie, saan kayo pupunta ni Russel?”

“Hindi kita naabutan! May balak ba kayong magchukchukan?!”

“Basta huwag kang magsisisi!”

“Russel is a good guy. Enjoy!”

“Bestie, morning. Pakuwento naman. Masarap?”

“Hoy!!!”

Napailing ako sa nababasang messages ni Clarisse.

“I’m home,” reply ko sa kaniya.

Nang akmang itatago ko na ang phone, nakatanggap ako ng message galing sa unknown number.

“Why did you left without waiting for me to wake up?”

Napabuntong hininga ako. Mukhang alam ko na kung kanino galing ‘yon. Nagdadalawang-isip ako kung re-reply-an ko ba siya o hindi. Pero sa huli, itinago ko lang ang phone ko.

I’m so sorry, Russel. Don’t worry, I’ll never forget our wonderful night.

Ilang minuto ang lumipas, naiinip na ako sa kuwarto ko kaya lalabas sana ako ngunit pumasok na si Mama at Ate suot ang malungkot nilang hitsura.

“What happened? Bakit ganiyan ang hitsura niyo?” I asked.

Lumapit sa ‘kin si Mama. “Anak, h-hindi matutuloy ang engagement ceremony.”

Nagulat ako sa narinig. Matutuwa ba ako?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status