Tintin POV“Gapangin mo na lang saka mo kunin yung brief nya, tutal patay na patay naman yun sayo ngayon. Siguradong isang sabi mo lang, maghuhubad na agad yun sa harapan mo.”“Ayoko, aalisin ko nga ang spell eh. Paano kung magalaw niya ako tapos next day di na nya ako gusto. Eh di kawawa naman ako, nganga.”Bigla akong nakaisip ng maganda idea.“Maganda sana kung ngayon ko na gawin, tutal narito na tayong lahat.” suhestyon ko.Malalim na nag-isip si Mutya.“Sige na nga, mamaya gawan natin ng paraan.” anito. Napangiti ako sa sinabi ni bestfriend.“Diba babalik mamaya dito ang driver nyo? Pwede bang padaanin mo sa tinutuluyan ko. Madali namang makita yun, nasa loob ng bag na pula, nakapatong malapit sa TV sa salas.”“Hindi ba pwedeng pag-uwi mo na lang gawin ang orasyon. Basta mamayang gabi kukunin natin ang brief.”“Ang bilin kasi ng albularyo kailangan sa loob ng 24 hours kailangan maisagawa ang orasyon.”Kumibot kibot ang bibig ni Mutya. Tinawagan agad nito ang driver para papuntahi
Tintin POVBigla akong nanlulumo dahil sa narinig. So, dahil nga sa gayuma. Totoo nga talaga ang gayuma.Hindi ko mapigilan ang pamumuo ng luha sa aking mga mata. Nais kong maiyak. Hindi nga totoo ang pagmamahal ni Andrew sa akin. Tumalikod ako para hindi niya makita ang pagbagsak ng aking mga luha.“Hon?” ani Andrew.Mabilis na nagpunta si Andrew sa harapan ko. Huli na para itago sa kanya ang aking mga luha. Hinawakan nya ang aking baba at iniangat nga ang aking mukha. Ubod ng tamis na ngumiti siya sa akin. Akala yata nya ay umiiyak ako dahil sa sobrang saya.“Salamat at kinulit mo ako. Sorry kung nagpa-hard to get pa ako sayo. Promise,babawi ako. Mula ngayon ikaw naman ang susuyuin ko.”Mas lalo pa akong napaluha dahil sa sinabi niya, alam kong simula bukas ay hindi na mangyayari ang ipinangako niya.Kinabig niya ako sa aking beywang at masuyo niya akong hinalikan sa aking mga labi. Napapikit ako at tinanggap ang kanyang halik. Napakatamis nun, at walang kasing sarap, ngunit wala rin
Tintin POV“What do you think you’re doing?!?!”Nanlalaki ang aking mga mata nang makitang gising na gising si Andrew habang mahigpit ang hawak nito sa aking kamay.Halos himatayin ako sa sa sobrang gulat at matinding kaba ang nararamdaman ko ngayon. Nais kong tumakbo papalayo sa kanya, kaya hinila ko ang aking kamay pero ayaw niya itong bitawan. Ilang beses ko pang tinangkang hilahin para makawala pero hinihila lang niya ang kamay ko.Mula sa pagkakahiga ay umupo pa ito at hinarap ako. Napasinghap ako nang halos magdikit ang aming mga mukha. Parang gusto kong kainin na lang ako ng lupa ng mga oras na’to. Nilingon ko si Mutya para humingi ng tulong ngunit isa pa rin itong gulat na gulat at parang tinusok sa kanyang kinatatayuan. Hindi rin ito makapaniwala na hindi naman pala lasing si Andrew.Bigla na lang ay natuliro si Mutya.“Nay ko po!” namumutlang sabi nito.Bigla na lang nagtatakbo si Mutya papasok ng silid at hindi malaman kung ano ang gagawin. Tatakbo dito, tatakbo doon. Tulir
Tintin POV “Dalian mo, sasama tayo kina mommy.” ani Mutya habang kinakalog niya ako sa balikat. Nakadapa kasi ako sa kama at sobrang bigat ng aking katawan dahil wala ako kagana ganang tumayo. “Saan?” walang gana kong tanong habang nakasubsob ang aking mukha sa unan. “Sa kabilang bayan, sa mga kaibigan nya. Sa La Pâtisserie Royale. Masarap daw ang mga pastries dun.” excited nitong sabi. “Sige.” napipilitan kong tugon at saka tumayo. Nakakahiya namang mag-inarte sa imbitasyon nina donya Agatha. “Problema mo?” ani Mutya na nahalata yata na matamlay ako. “Tinatamad kasi akong sumama, nakakahiya naman kay tita na wag sumama.” tugon ko habang naghahanap ng maisusuot. “Mabuburaot ka lang dito, wala kang kasama. Lahat kami pupunta. Si Andrew naman kanina pa umalis.” Napakislot ako ng marinig ang pangalan ni Andrew. “San siya nagpunta?” “Ewan ko dun. May sarili kasing mundo yun, kaya kapag umaalis yun wala nang nagtatanong.” Malamang bumalik na sa ex niya. Hindi na siguro makapaghi
Tintin POVFirst day of work ko ngayon after ng bakasyon namin sa Laguna. Nasa parking lot pa lang ako ay abot hanggang tenga na ang aking mga ngiti. Hindi pa rin ako makapaniwala na kami na talaga ni Andrew. Nayayakap…, nahahalikan…, at kung wala nga lang mga matang nakamasid samin ni Andrew sa Laguna ay baka naka-smile na rin sa wakas si Angry Bird ngayon. Kaso wala eh, bantay sarado kami, lalo na ni donya Agatha.“Mukhang metikuloso ang bago nating doktor ah. Kailangan talaga may meet and greet pa?” saad ko habang naglalakad kami patungo sa opisina kung nasaan si Dr. Natalia Santos. Dahil sa masaya kong bakasyon ay nakalimutan ko nang ngayon din nga pala ang unang araw ko sa OB-GYN ward.“Hay, parang kinakabahan ako dito sa bago nating doktor ah. Balita ko mataas ang standard niya.” ani Liezel sabay pakawala ng malakas ng hininga. "Kahit daw sa Amerika, bihasa na talaga siya. Sana lang hindi tayo pumalpak, unang araw pa naman natin.” dugtong pa ni Liezel.Habang nag-uusap kami
Tintin POV Mabigat ang loob kong lumabas ng locker room para umuwi na. Nakita ko si Andrew na inaabangan ako sa labas ng pintuan. Ang pogi talaga ng boyfriend ko. Nuh ba yan, kinikilig pa rin ako. After 5 long years pag-aari ko na ang yummy na ‘to. Parang nabawasan kahit paano ang bigat sa dibdib ko. “Out nako, una nako sayo.” nakangiti kong paalam sa kanya. Alam ko kasing may trabaho pa ito. “Ikukuha na kita na taxi. Mamaya pa ang labas ko.” alok niya sa akin. “Magji-jeep na lang ako, hindi naman ako nagmamadali.” tanggi ko. Hinawakan niya ang aking kamay at pinisil. “May problema ba?” tanong nito. Ganun ba ako katransparent eh nakangiti na nga ako or ganun nya ako kakilala? Binato ko siya ng pairap na tingin. “Yang sweetheart mo kasi, pinag-iinitan yata ako. Kaliit liitang bagay pinupuna saken, may masabi lang.” sagot ko. Nagsalubong ang mga kilay ni Andrew. “Anong sweetheart?” anitong nagtataka. “Sino pa ba eh di si Dra. Natalia.” sagot ko. Mas lalo pang nagsalubong ang
Tintin POVKinabukasan….Apat kaming nurse na naatasang dumalo sa case discussion na pamumunuan ni Dra. Natalia na gaganapin dito sa conference room. May tatlong pang OBGYN doctors na narito din ngayon. May mga doktor mula sa iba't ibang espesyalisasyon, Chief Nursing Officer, hospital administrator at iba pang mga empleyado ng hospital. Ang diskusyon ay para sa kaso ng isang pasyente na kailan lang ang nakakaranas ng seryosong complication pagkatapos ng panganganak.Si Dra. Natalia, ang nagpapaliwanag ng kaso ng pasyente. Kaming mga nurse naman ay tahimik na nakikinig. Ang pasyenteng pinag-uusapan ay nakakaranas ng postpartum infection na may mataas na lagnat at abnormal results sa mga test, kaya't kinakailangan ang isang comprehensive review ng case nito upang matukoy ang pinaka-angkop na procedure para sa paggamot.Ang goal ng discussion na ito ay para mag palitan ng iba't ibang opinyon at recommendation mula sa mga experts at namamalakad sa hospital, upang tiyakin na ang lahat ng
Tintin POVParang gusto kong kainin na lang ako ng lupa sa mga oras na ‘to. Ito na yata ang pinaka nakakahiyang pangyayari sa buong buhay ko. Mas nakakahiya pa ito kesa sa nangyari sa Liliw nung tumunog ang fire alarm.“I knew it! Alam kong mangyayari ito kaya nagdala ako ng kasama ni Tintin dito sa condo.” mahinahon man ngunit matalim ang tono ng boses ni donya Agatha.Napatingin ako sa kanya kasunod ay sa kasama nitong babae na nasa 40’s na siguro.“What?!?!” gulat na nasabi ni Andrew.“Mula ngayon, dito na si Linda. Sasamahan niya dito si Tintin para–”“No!” malakas na sambit ni Andrew.Pareho kami ni donya Agatha na nagulat sa reaksyon ni Andrew.“You can’t do that!” protesta nito. Hilaw na napatawa ang kanyang ina.“Bakit ikaw itong nagrereklamo eh hindi naman ikaw ang nakatira dito?” nakataas ang kilay na tanong ng nito. Hindi naman nakasagot si Andrew.Ilang minuto rin kaming tinalakan ni donya Agatha bago ito nagpasyang umalis.Bago ito lumabas ay nilapitan muna niya ako at m
Gigi POVKinabukasan wala kaming ginawa sa school buong araw kundi ang magpractice ng graduation. Bukas ang last day ng practice. Pagkatapos sa school ay diretso lang ako sa bahay.Tapos na kaming maghapunan at madilim na ang buong paligid nang magpasya akong umakyat sa kwarto. Nagsusuklay ako ng buhok ng makita kong bumukas ang screen ng cellphone ko. Iniwan ko muna ito kanina sa kama nung bumaba ako kanina para kumain. Tatlong text messages at limang missed calls ang nakarehistro, lahat galing kay Gray.FROM SUGAR DADDY:“Bakit hindi mo sinabing aalis ka?”“Bakit ka umalis?”“Kailan ka uuwi?”Siguradong nakauwi na siya kasi alam na niyang wala na ako sa mansion. Kanina ko pa hawak ang cellphone,at nakatitig lang sa screen, nag-iisip kung anong irereply nang niglang magvibrate ito dahil may dumating na namang text message, kaya binasa ko muna yun.FROM SUGAR DADDY:Umuwi ka na!.Saktong narinig ko ang boses ng aking ama mula sa ibaba.“Gigi, sagutin mo nga ang tawag ng boyfriend
Gigi POVBago ko pa masagot ang tawag ay namatay na ulit ito. Nakita kong nagpop-up ang number ni Gray sa telepono ko. Nagpadala siya ng text message.Nakauwi na kaya siya sa mansion or busy pa rin sa hospital? Wala pa siguro siyang pahinga hanggang ngayon.Dinampot ko ang cellphone at binasa ang text message niya.FROM SUGAR DADDY:Please answer my call.Nagsimula ako magtype ng message para ipadala sa kanya.TO SUGAR DADDY:Tulog na ako.Kasesend ko pa lang ng message ay nagreply na agad siya.“FROM SUGAR DADDY:Kung gusto mong gamitin ang computer ko, 1437 ang pin.Sus, akala ko pa naman kung anong importante ang sasabihin niya.Mukhang hindi pa niya alam na nakabalik na ako ng probinsya. Kahit naman siguro malaman niya, wala naman siyang pakialam. Wala naman kaming relasyon, saka yun naman talaga ang gusto niya, yung walang alagaing kagaya ko. Baka nga enjoy pa ito sa hospital dahil nandun ang babae niya, yung matured sigurong mag-isip hindi kagaya ko.Hindi na ako ulit nagreply
My idea naman ako sa gusto niyang mangyari dahil nga tinuruan ako ni kuya Drake sa finance, pero puro theory lang ang mga itinuro niya sa akin. Hindi ko pa nagagawa sa actual or real-life situations. Saglit muna akong nag-isip saka sinagot ang tanong niya. “Pwede po tayong bumili ng Crypto.” saad ko. “Crypto? Hindi ba mas safe kung stock market tayo mag-iinvest?” tanong niya. “Ang sabi nyo po kasi, kailangang dumoble ang pera in 4 months. So, short term po ang goal natin at hindi investment kagaya ng mga stock market which is hindi sasapat sa time frame na ibinigay niyo. At ang nakikita kong pinakamabilis na kitaan is pagbili ng Crypto. Lalo na po ngayon na papalapit na ang U.S. presidential election at nominated si Donald Trump.” “Anong kinalaman ni Trump?” “Openly pro-crypto po si Trump. Ilang beses na rin niyang sinabi na aalisin niya ang strict regulation sa digital assets like XRP, so yun po ang pwede nating bilhin.” “And why XRP?” “Sa ngayon po $0.40 pa lang ang presyo ni
Gigi POVMuntik na akong atakihin dahil sa puting Teddy Bear na ‘to, na mas malaki pa sa akin. Sinipat sipat ko ito para malaman kung saan galing. Wala naman akong nakitang note kahit saan. Nasa kama ko na siya, so ibig sabihin akin na siya.Si Gray lang naman ang pumapasok sa silid ko bukod sa akin kaya nasisiguro kong sa kanya galing ito. Hinawakan ko ang balahibo, napakalambot at ang sarap yakapin. Ilang saglit din akong nakayakap dito at hindi ko namamalayang nakangiti na pala ako habang hinahamplos ang malambot na balahibo ng Teddy Bear. Bakit kaya siya nag-uwi nito? Kapalit kaya ito ni baby Gray ko? Naalala ko na naman yung nangyari kahapon kaya nawala na naman ako sa mood. “Ang cute mo, pero nabubwisit pa rin ako sa amo mo.” kausap ko sa Teddy bear.Bigla kong naalala, bukas na nga pala ang practice ng graduation walk kaya kailangan ko nang umuwi sa Batangas ngayon. Dali dali akong tumayo at nagtungo sa banyo para ayusin ang aking sarili. Kailangan ko pang makausap si
Katatapos ko lang magtoothbrush nang marinig kong tumutunog ang aking cellphone. Nang tingnan ko ito ay nakita kong tumatawag si Santi.“Ready ka na ba sa speech mo, Gigi?” tanong ni Santi nang sagutin ko, naka video call ito.Sa makalawa na ang practice ng graduation namin. Ako ang valedictorian ng batch namin kaya may nakaready na akong speech. “Oo naman. Bukas ang balik ko dyan.” sabi ko. Alam ng mga kaibigan ko na nasa Manila ako pero ang alam nila ay sa bahay ni ate Tintin ako tumutuloy. Hindi ko pa nasasabi sa kanila ang aking totoong sitwasyon. Biglaan kasi, diko rin alam kung kailangan ko bang sabihin sa kanila.Medyo napapahaba na ang usapan namin ni Santi ng maisipan akong magtanong sa kanya. Kanina pa talaga may gumugulo sa utak ko.“Santi, am– may itatanong lang ako sayo… may napanood lang akong random video sa Fácebook, hindi ko na maalala yung title eh.” putol putol na sabi ko. Hindi ko kasi alam kung saan magsisimula.“Oh anong tanong mo?” tila naiinip na tanong n
Kasalukuyan….Kahit hindi na ako umiiyak ng malakas ay panay pa rin ang tulo ng mga luha ko habang nakaupo sa sahig ng veranda. Parang sinaksak ang puso ko nang makita kung anong ginawa nila sa baby Gray ko.Naririnig ko silang nag-uusap sa likod ko pero wala na akong nauunawaan dahil sa aking pag-iyak.Habang pinupunasan ko ang aking mga luha ay nakita ako ang kamay na nakalahad sa aking harapan, at nang tumingala ako, kita ko si Chairman Tuazon nakatayo sa aking harapan.“Halika na iha, malamig dyan sa sahig.” malumanay nitong sabi.Nakaramdam ako ng kapanatagan ng makita ko ang Chairman, pakiramdam ko ay dumating na rin ang kakampi ko. Dumakong muli ang mata ko sa kamay niyang nakalahad at pagkuwa’y tinanggap yun. Inalalayan niya ako hanggang sa makatayo ako. Pagkatapos ay yumuko ito para damputin si baby Gray sa sahig at ang naputol nitong braso para ibalik sa akin.Walang imik na tinanggap ko yun.“Dun na muna po ako sa silid ko.” mahinang sabi ko habang sumisinghot pa rin ng pan
Gigi POV Nagtataka akong tumingin kay Chairman Tuazon dahil narinig ko siyang mahinang tumatawa, pagkatapos ay humarap siya sa akin nang nakangiti. Nakakapanibago ang itsura nito ngayon, maaliwalas. Malayong malayo sa madilim at nakakatakot na mukha nito noong una ko siyang nakilala. Dumako ang tingin niya sa robot na hawak ko. “Isa ba yan sa mga project mo?” curious na tanong nito. Tiningnan ko muna ang robot at saka muling tumingin at tumango kay Chairman. “Ah, si baby Gray po? Opo. Ito po ang mock-up model ko para sa robotic machine.” Kumunot ang kanyang noo. “Baby Gray?” takang tanong nito. Saka ko lang narealized ang sinabi ko at saka napatawa. “Ipinangalan ko po kay Gray.” tumatawang sabi ko habang nagkakamot ng ulo. Nakita ko na napangiti ang Chairman. Nagugulat ako sa kanya. Kanina at tumatawa ito, ngayon naman ay ngumingiti. Ngiting totoo, hindi ngiting negosyante. “Dalawa lang po ang arms nito pero yung totoong machine apat po yun. Pero dito ko po pinagbabasehan an
Mabilis na nagtungo sa kanyang silid si Gigi dahil yun lang ang tahimik na lugar para makapag-usap sila ni Drake ng walang ibang nakakarinig. “Kuya..” panimula ni Gigi. “Nasa bahay nyo si Chairman Tuazon ngayon at interesado siya sa design mo.” saad ni Drake bago pa man sabihin ni Gigi ang balitang yun. Nagulat si Gigi sa sinabi nito pero nakabawi din agad. Hindi na siya magtataka dahil alam niyang marami talaga itong galamay. “Tanggapin mo.” ani Drake. “Po? Pero sabi mo, ireserba ko yun para sayo.” Hanggang dun lang kasi ang nalalaman ni Gigi, wala siyang idea kung ano talaga ang plano ni Drake para sa kanyang design. Basta nagtitiwala lang siya dito kaya hindi na siya nag-uusisa. “I know, but this is better than my original plan. Trust me, you’re heading the right direction. Ako nang bahala kay kuya Carding, kakausapin ko siya.” wika ni Drake sa kabilang linya. This is Drake’s new plan, ang matuklasan ni Chairman Eduardo Tuazon si Gigi. Naniniwala si Drake na sa kakay
Bumalik ng salas si Gigi, dala ang tray na may lamang juice at sinukmani. Naabutan niyang magkausap ang kanyang ama at si Chairman na nag-uusap sa tapat ng kanyang mga awards. Naiiling na lang siya. Siguradong, pinagmamayabang na naman ng kaniyang ama ang kanilang bisita. “Chairman, juice po saka sinukmani.” wika ni Gigi nang makalapit siya. Kasunod na rin niya si aling Nimfa. Naagaw niya ang atensyon ng mga ito. Kaya naupo ang mga ito pagkuway tinanggap ang inumin at kakanin na inihain ni Gigi. Pagkuwa’y tinikman yun ni Chairman. “Masarap, kayo ba ang nagluto?” tanong nito matapos magustuhan ang kinain. Napangiti si aling Nimfa nang makitang nagustuhan ng bisita ang luto niya. “Ako nga, pangmeryenda lang naman.” tugon ni aling Nimfa. Ilang sandali pa ay nagsimula na si Chairman Tuazon na buksan ang topic sa totoong dahilan kung bakit siya napasugod dito. “Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa.” anito tapos ay tumingin kay Gigi. “Iha, nakita ko ang project na ginawa mo sa Singap