Share

3 (Book 2)

Author: Kara Nobela
last update Huling Na-update: 2025-03-11 01:38:14
Gray POV

Location: Manila

Vzzz… Vzzz.. Vzzz..

Walang tigil na pagvibrate ng cellphone ang nag pagising sa akin, sinabayan pa ng malakas na tunog ng ringtone. Napangiwi ako dahil antok pa rin ako. Ibinaling ko ang aking ulo sa ibabaw ng unan. Nakapikit kong kinapa sa bedside table ang telepono na walang tigil sa pagtunog. Malamang ay may emergency na naman sa hospital at kailangan nila ako.

Bago ko pa ito masagot ay huminto na ang ring, pero ilang segundo lang ay muli na naman itong tumunog. Dun pa lang ako nagmulat para tiningnan ang screen.

DAD CALLING……

Napabalikwas ako ng makita kung sino ang tumatawag. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita ang number niya na nagfa-flash sa screen ng telepono ko.

“Sh00t!” napamura ako sa sarili bago ko sagutin ang tawag niya.

I’m doomed!

“Where the hell are you!” sigaw ni dad sa kabilang linya. Napangiwi ako dahil sa galit na galit na boses niya.

Saktong napatingin ako sa relo na nasa dingding ng hotel room. 11:25 AM na. Na
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Kaugnay na kabanata

  • Chasing Dr. Billionaire    4 (Book 2)

    Gray POV Nagkukumahog akong pumasok ng restaurant kung saan naghihintay sina mom and dad. Habang naglalakad ay inaayos ko ang aking damit ganun na rin ang aking buhok dahil hindi ko na masyadong naayos ang aking sarili sa pagmamadaling makalabas ng hotel. Lalapitan pa sana ako ng isang staff ng restaurant pero nilagpasan ko ito at dire-diretso akong nagtungo sa private dining area. Nakikini-kinita ko na ang matalim na tingin na ibabato sa akin ni dad pagdating ko mamaya sa loob. At hindi nga ako nagkamali. Halos patayin ako ni dad sa tingin pa lang niya. Katabi niya si mom na may pag-aalala sa mga mata, pero biglang umaliwalas ang kanyang mukha nang makita na nya ako. Nasa harapan nila ang business partner nila na chairman din ng isa pang kumpanya na si Chairman Aurelio Gonzales, katabi ang asawa nito. Kasama ng mga ito ang unica hija nilang si Danica Gonzales, na sa unang tingin pa lang ay masasabi mo nang isa itong modelo dahil sa ganda ng katawan at magandang mukha nito.

    Huling Na-update : 2025-03-11
  • Chasing Dr. Billionaire    5 (Book 2)

    3rd Person POV Panay ang vibrate ng cellphone ni Gray habang naglalakad sa loob ng hospital. Kanina pa siya tinatawagan ni Meredith. Alam na niyang magiging ganito ito ka-clingy. Sanay na siya sa mga babaeng naikama niya na after may mangyari sa kanila ay hindi na siya tatantanan. In-off na muna niya ang kanyang cellphone para wala nang mangulit pa sa kanya. Nagmamadali pa naman siya ngayon dahil kailangan siya sa ER, kaya mabilis at malalaking hakbang ang kanyang ginawa papunta dun. Bigla siyang pumreno at dahan dahang naglakad nang mapansin niya ang isang babaeng nakatalikod na mala-coca-cola ang katawan. Naka-slim fit na jeans ito, naka-tuck ng plain white shirt, at may suot na white rubber shoes. Napako agad ang tingin niya sa bilugan nitong puwîtan. Mahina siyang napasipol.., yung siya lang ang nakakarinig. Nakatalikod ang babae kaya hindi nito alam na nakatutok dun ang kanyang paningin. “Good afternoon dok.” matamis na ngiti ang bungad ng nurse na kausap ng babaen

    Huling Na-update : 2025-03-11
  • Chasing Dr. Billionaire    6 (Book 2)

    Gigi POVHabang nasa biyahe ay lihim akong natatawa dahil siguradong pumuputok na ang tumböng ng gurang na yun dahil sa galit. Ang sabi pa naman nung bata ay 1,200 lang ang halaga ng lahat ng kakanin nito pero sinabi kong 5,000 ang ibabayad ng doktor na yun. Umusok man ang ilong niya sa galit ay hindi ako natatakot, dahil hindi ko na naman siya ulit makikita pa. Wala namang dahilan para bumalik ako sa hospital na yun.Galing akong Singapore ngayon dahil sa isang event para sa school namin, at isa ako sa mga masusuwerteng estudyanteng nakasama. Si kuya Andrew ang sumundo sa akin sa airport kaya narito ako ngayon sa Manila. May kakausapin lang daw itong importante kanina kaya dumaan muna kami sa hospital. Sa malas naman ay si Dok Tanders pa talaga ang makikita ko sa lahat ng tao. Hindi ko naman itinatanggi na ako naman talaga ang may kasalanan nung una kaming nagkita pero dahil ininsulto niya ang natutulog kong Sierra Madre kaya quits na kami. Tama lang sa kanya yun.Ilang minuto la

    Huling Na-update : 2025-03-12
  • Chasing Dr. Billionaire    7 (Book 2)

    Gigi POV Hindi na ako makabalik sa paglalaro ng Tong-its dahil pinagbawalan ako ni ate Tintin na umalis sa inuupuan ko. Grounded daw ako. At yung 5000, si kuya Andrew na muna ang magbabayad kay Tanders. Kakaltasin daw yun sa baon ko. Hindi lang naman yung baon ang inaalala ko eh. Pag nagkataon kasi baka hindi ako payagang gumala ni inay buong linggo. Todo effort tuloy ako para hindi ako isumbong ni ate kina tatay. Kaya eto, kailangang magpa-good shot. Nagpresinta akong buhatin ang anak nila habang kumakain silang mag-asawa. Habang ipinaghehele si Andrea, inis kong tinapunan ng masamang tingin si Tanders na nakangisi sa akin habang nakapulupot ang braso sa beywang ng seksing babae. Yung babae naman, panay ang haplos dibdib ni Tanders. Maya maya pa ay tumayo na ang mga ito at naglakad palayo. Matapos kumain nina ate ay kinuha niya sa akin si Andrea. Worth it ang pagbuhat kay baby, dahil pinayagan na akong mag tong-its. Lagi namang ganito si ate, kahit anong inis niya sakin, sa hul

    Huling Na-update : 2025-03-12
  • Chasing Dr. Billionaire    8 (Book 2)

    Gigi POVKinabukasan….“Sakit ng ulo ko!” Ramdam ko na agad ang pamimigat ng ulo ko kahit di pa man ako ganap na nakakamulat. Ang sakit dahil parang may martilyong bumabayo sa loob. Nakadagdag pa ang sikat ng araw na tumatagos mula sa bintana at tumatama sa aking mukha kaya napahawak ako sa aking sintido.Kikilos pa sana ako para bumangon pero pakiramdam ko ay parang bumigat at nabugbog ang aking katawan. Ngayon ko lang naramdaman ang ganito sa tanang buhay ko. Pilit kong inalala ang nangyari bago ako nakatulog pero wala akong matandaan.Bakit ba kasi ganito ang pakiramdam ko? “Ouch my head!” boses ng lalaki.Parang biglang nawala ang pananakit ng ulo ko at napamulat ang aking mga mata nang marinig ang boses na yun. Parang biglang tinambol ng malakas ang dibdib ko pero diko magawang kumilos. Napahigpit na lang ang hawak ko sa kumot na siyang tumatakip sa aking katawan, hindi ko pa man nakikita ay ramdam kong wala akong kahit anong saplot. Gayunpaman ay parang may humihila sa akin

    Huling Na-update : 2025-03-12
  • Chasing Dr. Billionaire    9 (Book 2)

    Gigi POVNang matapos akong magbihis sa banyo ay lumabas na ako. Nadatnan ko si Gray na bihis na rin. Naka-upo ito sa gilid ng kama at mukhang hinihintay lang talaga ako. Nakatingin siya sa akin paglabas ko ng banyo.Hindi ko kayang salubugin ang mga mata niya. Hindi ko kasi maimagine na may nangyari sa aming dalawa. Doktor na siya, samantalang 18 pa lang ako at gagraduate pa lang sa high school. Hindi ko akalaing isang matanda lang pala ang kukuha ng pinakakaiingat-ingatan ko. “I’m sorry... It’s my fault…” anito sa mababang tono. Tumayo ito at lalapit pa sana sa akin pero umatras ako. Kaya napahinto na lang siya.“I’ll take full responsibility for what happened.” anito. Kahit nakayuko ako, alam kong nakatingin siya sa akin at pinakikiramdaman ako.Hindi naman ako makasagot dahil hindi ko rin alam kung anong sasabihin. Hindi ko kasi alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Para akong nakalutang dahil sa mga nangyari. Ilang sandali rin na napuno ng katahimikan sa pagitan naming dala

    Huling Na-update : 2025-03-13
  • Chasing Dr. Billionaire    10 (Book 2)

    2 months later…. Gray POV Pagkapasok ko pa lang ng bahay ay parang may kakaiba na. Kadarating ko lang ngayon galing sa hospital. Bakit parang tahimik yata si mom ngayon? Usually, maririnig ko siyang tumatawa habang nakikipag-usap sa telepono. O kaya naman ay hindi magkandatuto ang mga kasambahay namin dahil sa mga inuutos niya. Napangiti ako nang makita si mom na nakaupo sa sofa. Pero nawala agad ang ngiti ko nang makita siya. In usual circumstances, her posture is always perfect. Her hair is always well-groomed and her every move is always graceful. Palagi din siyang may hawak na mamahaling tea cup na na parang reyna sa kanyang sariling palasyo. Pero ngayon, nakasandal siya sa armrest ng sofa at may hawak na tubig sa halip na kape or wine. Kita ko rin ang guhit sa kanyang noo at halatang nag-aalala. Nilapitan ko siya at hinalikan sa pisngi. “Hi mom. What’s wrong?” nag-aalala kong tanong at umupo sa kanyang harapan. Tumuwid ito ng upo at tiningnan niya ako nang may pag-a

    Huling Na-update : 2025-03-14
  • Chasing Dr. Billionaire    11 (Book 2)

    Gray POV Sandaling natahimik si Drake….. Maya-maya pa ay bigla na lang itong tumawa nang nakakaloko. “Sa tingin mo gugustuhin kong makita na matali sa lalaking kagaya mo yung bata? Ikaw lang ang makikinabang dyan sa iniisip mo.” umiiling na sabi nito. Sa sinabi ni Drake, pakiramdam ko ay dead-end na. Mukhang bigo akong lalabas ng opisina niya. Matinding pag-aalala ang naramdaman ko para kay dad. Bagsak ang balikat kong napabuntong hininga. “Papunta ka pa lang, pabalik na ako.” ani Drake at muling ibinalik ang tingin sa hawak nitong papel. Nangyari na, hindi ko na maibabalik ang nangyari at tanging kasal lang naman ang naiisip kong paraan para patunayan na kaya kong panindigan ang nagawa ko. Pero mukhang hindi naman yun ang gusto nilang mangyari. Ni hindi ko nga naramdamang naghahabol sila sa akin. So, wala palang kwenta ang pagpunta ko rito. Pero hindi ako aalis dito nang hindi naaayos ang gusot na pinasok ko . I’ll do whatever it takes to save my dad’s company. “Go ah

    Huling Na-update : 2025-03-14

Pinakabagong kabanata

  • Chasing Dr. Billionaire    84 (Book 2)

    Gigi POVKinabukasan wala kaming ginawa sa school buong araw kundi ang magpractice ng graduation. Bukas ang last day ng practice. Pagkatapos sa school ay diretso lang ako sa bahay.Tapos na kaming maghapunan at madilim na ang buong paligid nang magpasya akong umakyat sa kwarto. Nagsusuklay ako ng buhok ng makita kong bumukas ang screen ng cellphone ko. Iniwan ko muna ito kanina sa kama nung bumaba ako kanina para kumain. Tatlong text messages at limang missed calls ang nakarehistro, lahat galing kay Gray.FROM SUGAR DADDY:“Bakit hindi mo sinabing aalis ka?”“Bakit ka umalis?”“Kailan ka uuwi?”Siguradong nakauwi na siya kasi alam na niyang wala na ako sa mansion. Kanina ko pa hawak ang cellphone,at nakatitig lang sa screen, nag-iisip kung anong irereply nang niglang magvibrate ito dahil may dumating na namang text message, kaya binasa ko muna yun.FROM SUGAR DADDY:Umuwi ka na!.Saktong narinig ko ang boses ng aking ama mula sa ibaba.“Gigi, sagutin mo nga ang tawag ng boyfriend

  • Chasing Dr. Billionaire    83 (Book 2)

    Gigi POVBago ko pa masagot ang tawag ay namatay na ulit ito. Nakita kong nagpop-up ang number ni Gray sa telepono ko. Nagpadala siya ng text message.Nakauwi na kaya siya sa mansion or busy pa rin sa hospital? Wala pa siguro siyang pahinga hanggang ngayon.Dinampot ko ang cellphone at binasa ang text message niya.FROM SUGAR DADDY:Please answer my call.Nagsimula ako magtype ng message para ipadala sa kanya.TO SUGAR DADDY:Tulog na ako.Kasesend ko pa lang ng message ay nagreply na agad siya.“FROM SUGAR DADDY:Kung gusto mong gamitin ang computer ko, 1437 ang pin.Sus, akala ko pa naman kung anong importante ang sasabihin niya.Mukhang hindi pa niya alam na nakabalik na ako ng probinsya. Kahit naman siguro malaman niya, wala naman siyang pakialam. Wala naman kaming relasyon, saka yun naman talaga ang gusto niya, yung walang alagaing kagaya ko. Baka nga enjoy pa ito sa hospital dahil nandun ang babae niya, yung matured sigurong mag-isip hindi kagaya ko.Hindi na ako ulit nagreply

  • Chasing Dr. Billionaire    82 (Book 2)

    My idea naman ako sa gusto niyang mangyari dahil nga tinuruan ako ni kuya Drake sa finance, pero puro theory lang ang mga itinuro niya sa akin. Hindi ko pa nagagawa sa actual or real-life situations. Saglit muna akong nag-isip saka sinagot ang tanong niya. “Pwede po tayong bumili ng Crypto.” saad ko. “Crypto? Hindi ba mas safe kung stock market tayo mag-iinvest?” tanong niya. “Ang sabi nyo po kasi, kailangang dumoble ang pera in 4 months. So, short term po ang goal natin at hindi investment kagaya ng mga stock market which is hindi sasapat sa time frame na ibinigay niyo. At ang nakikita kong pinakamabilis na kitaan is pagbili ng Crypto. Lalo na po ngayon na papalapit na ang U.S. presidential election at nominated si Donald Trump.” “Anong kinalaman ni Trump?” “Openly pro-crypto po si Trump. Ilang beses na rin niyang sinabi na aalisin niya ang strict regulation sa digital assets like XRP, so yun po ang pwede nating bilhin.” “And why XRP?” “Sa ngayon po $0.40 pa lang ang presyo ni

  • Chasing Dr. Billionaire    81 (Book 2)

    Gigi POVMuntik na akong atakihin dahil sa puting Teddy Bear na ‘to, na mas malaki pa sa akin. Sinipat sipat ko ito para malaman kung saan galing. Wala naman akong nakitang note kahit saan. Nasa kama ko na siya, so ibig sabihin akin na siya.Si Gray lang naman ang pumapasok sa silid ko bukod sa akin kaya nasisiguro kong sa kanya galing ito. Hinawakan ko ang balahibo, napakalambot at ang sarap yakapin. Ilang saglit din akong nakayakap dito at hindi ko namamalayang nakangiti na pala ako habang hinahamplos ang malambot na balahibo ng Teddy Bear. Bakit kaya siya nag-uwi nito? Kapalit kaya ito ni baby Gray ko? Naalala ko na naman yung nangyari kahapon kaya nawala na naman ako sa mood. “Ang cute mo, pero nabubwisit pa rin ako sa amo mo.” kausap ko sa Teddy bear.Bigla kong naalala, bukas na nga pala ang practice ng graduation walk kaya kailangan ko nang umuwi sa Batangas ngayon. Dali dali akong tumayo at nagtungo sa banyo para ayusin ang aking sarili. Kailangan ko pang makausap si

  • Chasing Dr. Billionaire    80 (Book 2)

    Katatapos ko lang magtoothbrush nang marinig kong tumutunog ang aking cellphone. Nang tingnan ko ito ay nakita kong tumatawag si Santi.“Ready ka na ba sa speech mo, Gigi?” tanong ni Santi nang sagutin ko, naka video call ito.Sa makalawa na ang practice ng graduation namin. Ako ang valedictorian ng batch namin kaya may nakaready na akong speech. “Oo naman. Bukas ang balik ko dyan.” sabi ko. Alam ng mga kaibigan ko na nasa Manila ako pero ang alam nila ay sa bahay ni ate Tintin ako tumutuloy. Hindi ko pa nasasabi sa kanila ang aking totoong sitwasyon. Biglaan kasi, diko rin alam kung kailangan ko bang sabihin sa kanila.Medyo napapahaba na ang usapan namin ni Santi ng maisipan akong magtanong sa kanya. Kanina pa talaga may gumugulo sa utak ko.“Santi, am– may itatanong lang ako sayo… may napanood lang akong random video sa Fácebook, hindi ko na maalala yung title eh.” putol putol na sabi ko. Hindi ko kasi alam kung saan magsisimula.“Oh anong tanong mo?” tila naiinip na tanong n

  • Chasing Dr. Billionaire    79 (Book 2)

    Kasalukuyan….Kahit hindi na ako umiiyak ng malakas ay panay pa rin ang tulo ng mga luha ko habang nakaupo sa sahig ng veranda. Parang sinaksak ang puso ko nang makita kung anong ginawa nila sa baby Gray ko.Naririnig ko silang nag-uusap sa likod ko pero wala na akong nauunawaan dahil sa aking pag-iyak.Habang pinupunasan ko ang aking mga luha ay nakita ako ang kamay na nakalahad sa aking harapan, at nang tumingala ako, kita ko si Chairman Tuazon nakatayo sa aking harapan.“Halika na iha, malamig dyan sa sahig.” malumanay nitong sabi.Nakaramdam ako ng kapanatagan ng makita ko ang Chairman, pakiramdam ko ay dumating na rin ang kakampi ko. Dumakong muli ang mata ko sa kamay niyang nakalahad at pagkuwa’y tinanggap yun. Inalalayan niya ako hanggang sa makatayo ako. Pagkatapos ay yumuko ito para damputin si baby Gray sa sahig at ang naputol nitong braso para ibalik sa akin.Walang imik na tinanggap ko yun.“Dun na muna po ako sa silid ko.” mahinang sabi ko habang sumisinghot pa rin ng pan

  • Chasing Dr. Billionaire    78 (Book 2)

    Gigi POV Nagtataka akong tumingin kay Chairman Tuazon dahil narinig ko siyang mahinang tumatawa, pagkatapos ay humarap siya sa akin nang nakangiti. Nakakapanibago ang itsura nito ngayon, maaliwalas. Malayong malayo sa madilim at nakakatakot na mukha nito noong una ko siyang nakilala. Dumako ang tingin niya sa robot na hawak ko. “Isa ba yan sa mga project mo?” curious na tanong nito. Tiningnan ko muna ang robot at saka muling tumingin at tumango kay Chairman. “Ah, si baby Gray po? Opo. Ito po ang mock-up model ko para sa robotic machine.” Kumunot ang kanyang noo. “Baby Gray?” takang tanong nito. Saka ko lang narealized ang sinabi ko at saka napatawa. “Ipinangalan ko po kay Gray.” tumatawang sabi ko habang nagkakamot ng ulo. Nakita ko na napangiti ang Chairman. Nagugulat ako sa kanya. Kanina at tumatawa ito, ngayon naman ay ngumingiti. Ngiting totoo, hindi ngiting negosyante. “Dalawa lang po ang arms nito pero yung totoong machine apat po yun. Pero dito ko po pinagbabasehan an

  • Chasing Dr. Billionaire    77 (Book 2)

    Mabilis na nagtungo sa kanyang silid si Gigi dahil yun lang ang tahimik na lugar para makapag-usap sila ni Drake ng walang ibang nakakarinig. “Kuya..” panimula ni Gigi. “Nasa bahay nyo si Chairman Tuazon ngayon at interesado siya sa design mo.” saad ni Drake bago pa man sabihin ni Gigi ang balitang yun. Nagulat si Gigi sa sinabi nito pero nakabawi din agad. Hindi na siya magtataka dahil alam niyang marami talaga itong galamay. “Tanggapin mo.” ani Drake. “Po? Pero sabi mo, ireserba ko yun para sayo.” Hanggang dun lang kasi ang nalalaman ni Gigi, wala siyang idea kung ano talaga ang plano ni Drake para sa kanyang design. Basta nagtitiwala lang siya dito kaya hindi na siya nag-uusisa. “I know, but this is better than my original plan. Trust me, you’re heading the right direction. Ako nang bahala kay kuya Carding, kakausapin ko siya.” wika ni Drake sa kabilang linya. This is Drake’s new plan, ang matuklasan ni Chairman Eduardo Tuazon si Gigi. Naniniwala si Drake na sa kakay

  • Chasing Dr. Billionaire    76 (Book 2)

    Bumalik ng salas si Gigi, dala ang tray na may lamang juice at sinukmani. Naabutan niyang magkausap ang kanyang ama at si Chairman na nag-uusap sa tapat ng kanyang mga awards. Naiiling na lang siya. Siguradong, pinagmamayabang na naman ng kaniyang ama ang kanilang bisita. “Chairman, juice po saka sinukmani.” wika ni Gigi nang makalapit siya. Kasunod na rin niya si aling Nimfa. Naagaw niya ang atensyon ng mga ito. Kaya naupo ang mga ito pagkuway tinanggap ang inumin at kakanin na inihain ni Gigi. Pagkuwa’y tinikman yun ni Chairman. “Masarap, kayo ba ang nagluto?” tanong nito matapos magustuhan ang kinain. Napangiti si aling Nimfa nang makitang nagustuhan ng bisita ang luto niya. “Ako nga, pangmeryenda lang naman.” tugon ni aling Nimfa. Ilang sandali pa ay nagsimula na si Chairman Tuazon na buksan ang topic sa totoong dahilan kung bakit siya napasugod dito. “Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa.” anito tapos ay tumingin kay Gigi. “Iha, nakita ko ang project na ginawa mo sa Singap

Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status