Nang makabalik sila sa loob ng mansyon, ay agad nahubad ang pagkukunwari ni Avrielle. Kung kanina'y pagiging malakas ang kanyang ipinakita, ngayon ay napalitan iyon ng kahungkagan ng kanyang kalooban. Agad bumakas sa kanyang mukha ang hindi maipaliwanag na lungkot. Hindi maalis sa isipan niya ang n
Nang makaalis si Alex, ay nanatili sa hardin si Avrielle upang mapag-isa at makapag-isip-isip. Mayamaya ay nagpasya siyang i-chat ang tatlong madrasta niya upang kausapin ang mga ito roon sa hardin. Makalipas lang ang ilang sandali, ay nakita na niyang papalapit ang tatlong babae sa kanyang kinaro
Ang masakit na katotohanang iyon ay pilit na ikinubli ni Avrielle sa pinakasulok na bahagi ng kanyang puso. Magmula nang makunan siya two years ago, kahit minsan ay hindi na siya nangahas na dumaan sa anumang tindahan na nagbebenta ng mga gamit ng bata. Ayaw na rin niyang makarinig ng tungkol sa p
"Anak... I'm very sorry... Nawala ka na sa'kin, hindi ko alam kung magkakaroon pa ako ng pagkakataong makapiling ka ulit." --- Halos hindi mapagkatulog si Brandon nang gabing makauwi siya sa mansyon. Ganunpaman, kahit puyat na puyat at pagod na pagod, ay hinila pa rin niya ang kanyang sarili upang
"Totoo ba 'yang nabalitaan mo?" Muling tumalim ang mukha ni Brandon. "Ako na po mismo ang nagkumpirma, Sir. Nakipag-ugnayan ako sa ahente ni Ava Wey kahapon, at nasabi nga niya sa akin ang tungkol sa pakikipag-ugnayan rin sa kanila ni Ms. Madrigal. Kinumpirma rin po nila sa akin na talagang gustong
Nang makita ni Samantha ang napakagandang presensya ni Amery, ay halos magliyab siya sa galit. Ang buong akala niya, kapag nagsuot siya ng damit na pula, ay sa kanya matutuon ang atensyon ng mga tao. Ngunit nang dumating ang babae sa kulay asul na kasuotan, ay bigla nitong inangkin ang limelight kay
"Hello, Ms. Wynona! Ako nga pala si Samantha Gonzaga, ang fiancé ni Mr. Ricafort." Matapang na lumapit si Samantha kay Wynona upang makipag handshake. Ngunit sa hindi inaasahan, ay biglang umiwas si Wynona. Hinila pa nito si Avrielle paatras na tila nakakita ng nakakadiring bagay. "Hindi ko matand
Matapos bumati at makipagbeso ni Wynona sa kanyang mga bisita, ay dinala niya si Avrielle sa loob ng kanyang studio. Lingid sa kaalaman ng iba, ay matalik talaga silang magkaibigan at kapatid ang turingan nila sa isa't-isa. At tulad ng dati, ay napuno na naman sila ng chikahan at tawanan. Sa gitna
Biglang dumagundong ang kalangitan at kasunod noon ay ang pagguhit ng matalas na kidlatnsa kalangitan. Mukhang uulan na ng malakas. "Halika na, ipagpatuloy na natin ang pagkain. Huwag na natin siyang intindihin." pag-iiba ng usapan ni Avrielle upang kahit papaano ay maalis ang nararamdaman niyang g
Wala pang tatlumpung minuto, ay naroon na sa harap ng villa ni Avrielle ang sasakyan ni Brandon. Binaba niya ang salaming bintana, at tumingin sa malamlam na ilaw sa labas. Sa kanyang isipan ay naroon ang ideyang napagsosolo sina Amery at Gab sa loob ng bahay. At dahil doon, pakiramdam niya ay nanla
"Tsk. Amery, magagalit ako kapag tinapatan mo ng pera 'yan. Masasaktan ang puso ko." Kumurba ang mga labi ni Gab habang hinihimas ang kanyang dibdib. "Gustong-gusto ko talaga ang mga likha ni Logan. As a matter of fact, plano ko talagang pumunta sa abroad ngayong taon para makabili ng isa... pero h
"Amery, may dala akong regalo para sa'yo. Hindi kita nakita kaninang umaga, kaya naman gusto kong ibigay nang personal sa'yo ito ngayong gabi." "Mr. Olivarez, akala ko ba ay nagkakaintindihan na tayo? I appreciate your kindness, pero hindi ko matatanggap 'yan." pasimpleng tanggi ni Avrielle. "Nags
Mabilis na lumilipas ang mga araw at nalalapit na rin ang kaarawan ni Don Simeon. Maisip pa lang ni Avrielle na malapit na niyang mapasa-kamay ang divorce certificate, ay napupuno na ang puso niya ng halo-halong emosyon. Noong ikinasal sila ni Brandon, wala silang malaking handaan at hindi man lang
Makalipas ang tatlumpung minuto, ay bumaba na si Brandon at nakabihis na ito ng pambahay na damit. Kasunod nito ang mayordomang si Aling Elena habang pababa ng hagdan. Hindi pa man siya tuluyang nakakababa, ay naririnig na niya ang halakhakan ng tatlong babae mula sa sala. "Mukhang kailangan nang
Matapos magsalita ni Brandon, ay natigilan siya. Wala siyang ebidensya, ngunit naisip niyang mas mainam nang ganoon ang iniisip niya sa dating asawa. Katunayan, hiniling pa nga niyang sana'y gawin na lang talaga ni Amery ang bagay na 'yon para kahit papaano ay mawala-wala ito sa sistema niya. "Mas
"Siguro nga po..." pabulong na sang-ayon naman ng mananayaw. Malamig ang mukha ni Avrielle nang tanguan niya si Wynona. "Kakastiguhin ko lang ang isang ito. Huwag kang mag-alala, hindi ako sasaktan n'yan." Halos bulungan lang naman ang usapan ng dalawang babae, ngunit bawat salita ng mga ito ay ma
Matapos magsayaw, ay naghawak-kamay at sabay na nag-bow sina Avrielle at ang lalaking kapareha niya. Hindi man masasabing isang formal stage ang kanilang kinatatayuan, at nasa isang private cocktail party lang sila, pero sa mahusay nilang pagsayaw, ay tila paulit-ulit na nag-elevate ang lugar kaya