"Narinig n'yo ba ang sinabi ng babaeng ito? Dapat daw akong mag public apology para sa isang muchacha?! Amery, pinag-isipan mo man lang ba ang bagay na iyan bago mo sabihin sa akin?" Nasapo ni Shaina ang kanyang tyan sa labis na pagtawa. Ang dalawang alipores naman niya ay halos mangisay na sa kakatawa sa kanyang likuran."Nagcheck-in si Shaina sa hotel para maglustay ng salapi, tapos ang kapalit ay masisira lang pala ang kwintas niya dahil sa basura ninyong serbisyo? Bakit ba hindi na lang ikaw ang mag-sorry at pagkatapos ay lubayan mo na ang kaibigan namin?""Oo nga naman! Ikaw pa itong makapal ang apog na pumunta rito at manghingi ng public apology... Sa inyo naman ang hotel na iyon, bakit hindi n'yo pa tapusin ang issue na 'to?"Sa mga narinig ay nanliit ang mga mata ni Ella. Sa kanyang isipan ay lihim niyang minumura ang tatlong babae na nasa harapan nila. Napatanong na lang tuloy siya na kung malaman kaya ng mga ito na galing si Avrielle sa gyera at kayang-kaya nitong putulin a
Nabuhayan ng loob si Shaina kaya't mabilis siyang bumangon sa sofa at umiiyak na tumakbo patungo kay Brandon. Humihikbi pa itong nagsumbong na tila siya pa ang kaawa-awa."Nababaliw na 'yang si Amery, Kuya! Sinaktan niya ako! Kailangan mo 'tong gawan ng aksyon!""Oo, kinawawa ko nga 'yang kapatid mo eh." saad naman ni Avrielle na may bakas ng sarkasmo ang tono."Ano ba kasing ginagawa mo rito?" malamig na tanong ni Brandon kay Avrielle."Anong sinabi mo?"Nang magtama ang mga mata ng dating mag-asawa, biglang nagbalik sa alaala ni Brandon ang dating maningning na tila bituin sa langit na mga mata ni Amery kapag tumitingin sa kanya. Ibang-iba sa ngayon na mukha na itong clay puppet na may pitong emosyon na hindi na mawari kung ano ba talaga ang ekspresyon. Dahil doon, nakaramdam ng bigat sa kanyang dibdib si Brandon at may lungkot na lumukob sa kanyang puso."Kuya, sa totoo lang, inuutusan ako ni Amery na magpa-presscon at magbigay ng public apology sa hotel staff niya! Syempre hindi a
Sa nakikitang halos pagyayakapan ng dating mag-asawa, ang dalawang kaibigan ni Shaina na parehas na nasa likuran ay halos mabali ang mga pekeng kuko dahil sa panggigigil at pagseselos.Samantala, napasimangot si Brandon habang mabilis na binubura isa-isa ang mga malalaswang larawan ni Shaina sa cellphone ni Avrielle."Ganito ka na ba talaga kababaw mula nang umalis ka sa pamilya namin, Amery? Kailan ka pa naging cheap at natuto ng ganitong mga kagaguhan? Ganito lang ba ang kaya mo?" Matapos magsalita ay mabilis na ibinalik ni Brandon ang cellphone sa bulsa ng blazer ni Avrielle. Malamig ang awra niya nang bitawan ang beywang ng babae."Tumigil ka. Pagdating talaga sa pang-iinsulto ay nangunguna ka." Nagdalawang hakbang paatras si Avrielle at pinagpag ang kanyang blazer na animo'y may invisible na alikabok doon. Pagkatapos ay tinignan niya si Brandon nang may bakas ng pagkadismaya sa kanyang mga mata. "Wala akong pakialam kung mababaw at cheap ang tingin mo sa akin. At least, hindi ako
Walang imik si Avrielle habang sila'y nasa byahe. Pakiramdam niya ay nanghina siya tulad ng isang lowbat na robot.Kapag naiisip niya ang pang-iinsulto sa kanya ni Brandon, para siyang binubuhusan ng nagyeyelong tubig mula ulo hanggang paa. At dahil doon ay naginginig siya sa galit.Bakit ba noon ay hindi niya nakita ang kawalanghiyaan ng lalaki? Ngayon niya naisip na kasuklam-suklam pala ang pag-uugali nito. Noon, akala niya ay mapapasaya siya ng pag-ibig, ngunit ngayon niya napatunayan na ang pag-ibig pala ang nagpapabulag sa isang tao.Mula sa malalim na pag-iisip ay nabalik siya sa kasalukuyan nang iharap sa kanya ni Ella ang cellphone nito. Nang tignan niya iyon, ay nakita niya ang tatlong babae na nagrarambulan. Napakalala ng nangyari sa tatlong magkakaibigan."Grabe, napakagaan talaga ng kamay ng babaeng 'yon pagdating sa pananakit ng kapwa. Magaling pala sa pakikipagbasag-ulo 'yang si Shaina Ricafort. Biruin mo, isa lang siya laban sa dalawa, pero siya pa rin ang panalo. Sayan
Saktong kakauwi lang ni Brandon at katatapos lang niyang magpalit ng damit nang ipatawag siya ni Senyor Emilio sa study room.Samantala, sa loob ng study room ay naroon si Shaina at histerikal na umiiyak sa harapan ng kanyang ama at ina."Daddy, grabe ang ginawa nila sa sa akin! Panagutin n'yo po sila sa pagiging miserable ko ngayon!"Habang nakaupo sa sofa si Senyor Emilio, ay pinagmamasdan niya ang anak na si Shaina. Halos matunaw ang puso niya habang pumapalahaw ito ng iyak. Awang-awa siya sa nakikitang anyo nito. Hindi siya sanay na makita itong magang-maga ang mga mata at mayroon pang pasa sa pisngi. Namamaga rin ang gilid ng bibig nito. Hindi siya sanay na makita ang anak sa ganitong sitwasyon dahil palagi itong naka-postura kapag nakikita niya. Kaya naman hindi na siya nakatiis at nagmadaling tinungo ang anak para aluin ito."Nakauwi na ang Kuya mo. Kapag dumating siya, itatanong ko sa kanya ang nangyari.""Palaki na nang palaki ang eskandalong 'to. Marami na ngang tumatawag sa
Sa sinabing iyon ni Brandon ay biglang natigilan ang mag-inang Senyora Carmela at Shaina. Tila nakalimutan ng isa ang magalit, at ang isa naman ay tila nakalimutan ang pag-iyak."Aba't nagrerelbe ka na yata ngayon, Brandon?!" Biglang tumaas ang presyon ng dugo ni Senyor Emilio dahil sa sobrang galit. Hindi siya makapaniwala na ang hindi niya paboritong anak na ni minsan ay hindi siya sinuway, ay may lakas na ng loob na hindi sundin ang utos niya.Si Brandon naman ay natigilan. Hindi niya inakala na ganoon lang kadali siyang sumuway sa kanyang ama."Saang lupalop ba naglamyerda 'yang utak mo?! Ikaw ang may gustong hiwalayan si Amery, at ikaw rin ang nagpupumilit na pakasalan si Samatha! Tapos ngayong sinasabi kong madaliin mo na ang proseso ng divorce ninyo ay umaayaw ka? Anong tingin mo sa kasal, isang laro?! Paano ako nakapagpalaki ng isang anak na walang kwenta? Ng isang urong-sulong na katulad mo?! Tang'na!" So sobrang galit ni Senyor Emilio ay nilapitan niya si Brandon at sinampal
Ilang oras nang pabiling-biling sa kanyang higaan si Avrielle, ngunit hindi pa rin siya nakakatulog.Sa tuwing ipipikit niya ang kanyang mga mata, ay nakikita niya ang imahe ng gwapong mukha ni Brandon sa kanyang isipan. Hanggang ngayon ay tila nararamdaman pa rin niya ang mainit na palad nito sa kanyang beywang, at naging dahilan iyon ng hindi maipaliwanag na init na unti-unting tumutupok sa kanyang kaibuturan.Mula sa pagkakahiga, ay bigla siyang umupo. Nababalot ng pawis ang kanyang noo at abnormal din ang kanyang paghinga. Pakiramdam din niya ay pulang-pula ang kanyang mga pisngi.Pino-proseso na ang kanilang divorce, kaya't nagtataka siya kung bakit nakakaramdam pa siya nang ganoong damdamin sa kanyang dating asawa.Matapos ang mahaba-habang pagmumuni-muni, ay nakatulog na rin si Avrielle. Ngunit makalipas lang ang dalawang oras ay nagising na rin siya.Tumayo na siya sa kanyang kinahihigaan at nagdesisyong lumabas at mag-kayak para naman mawala ang mga nararamdamang bumabagabag
Makahulugan ang mga sinabi ni Gab, ngunit tila lumalampas na ito sa linya. Ngunit ano pa nga ba ang i-eexpect sa isang Gab Olivarez na kilalang eksperto sa pagiging isang babaero?"Gusto mo talagang mabalian ng mga buto, no?" Nagtatagis ang mga ngiping tanong ni Avrielle, habang pinupukol ng masamang tingin ang lalaking kaharap.Bigla namang napaatras si Gab. Nagdalawang hakbang siya palayo at nagkunwaring isa siyang inosente. "Ikaw naman... Hindi ka naman mabiro. Ganyan ka ba kawalang-puso, Amery? Kung tutuusin, ako ng ang biktima rito. Minura mo ako, ginulpi mo pa ako, tapos minantsahan mo pa 'tong damit ko. Makikipagkita pa naman ako sa Mommy ko. Hindi naman siguro magandang makita niya ako sa ganitong kalagayan. Kung mamarapatin mo, pwede mo ba akong tulungang makapagpalit ng damit?"Naramdaman naman ni Avrielle na tila napasobra yata siya sa pagtrato sa lalaki. After all, kung ikukumpara ito kay Brandon na tila bulag pagdating sa kanya, ay mahilab-hilab naman itong si Gab. Noong
Matapos magsayaw, ay naghawak-kamay at sabay na nag-bow sina Avrielle at ang lalaking kapareha niya.Hindi man masasabing isang formal stage ang kanilang kinatatayuan, at nasa isang private cocktail party lang sila, pero sa mahusay nilang pagsayaw, ay tila paulit-ulit na nag-elevate ang lugar kaya naging top-notch party iyon.Hindi nakalampas sa pandinig ni Samantha ang mga papuri at magagandang salita ng mga tao patungkol kay Amery. Kaya naman, nag-aalab ang selos at inggit sa kanyang mga mata.Noong medyo bata-bata pa siya, ay magaling siyang mag-piano, magaling din siyang kumanta at sumayaw, at madali para sa kanya ang makatanggap ng iba't-ibang parangal. Ngunit kalaunan, noong siya'y nasa abroad, ay na-focus siya sa paghahanap ng mga lalaki para masiyahan ang kanyang sekswal na pagnanasa at magsaya. Kaya naman ngayon, masasabi niyang napakahusay na niya sa kama, ngunit kasabay noon ay nakalimutan na niya ang iba pa niyang mga talento."Nakakabigla naman, honey. Napakagaling palan
Habang nasa party, ay nanatiling nakatayo si Brandon na mayroong malamig na awra. Ang suot niyang itim na suit at leather shoes ay bumabalangkas sa kaakit-akit na linya ng kanyang mga kalamnan. Ang kanyang materyalistikong kagwapuhan ay umani ng paningin ng mga kababaihang naroroon. Samantala, si Samantha naman ay tila asong nagbabantay sa kanyang pagkain. Isa-isa niyang tinitigan nang masama ang lahat ng nahuhuli niyang nakatingin kay Brandon. Kung hindi nga lang niya talagang sinadya si Wynona para mag design ng mga susuotin nilang pangkasal, ay hinding-hindi niya dadalhin si Brandon sa ganitong pagtitipon. Ganunpaman, nananatiling iniignora ni Brandon ang mga nasa paligid niya, ngunit hindi niya namamalayan ang paggagala ng kanyang mga mata na tila may hinahanap sa buong paligid. "Nandito na ulit si Ms. Wynona!" Nang makitang muling lumitaw ang babae, ay kinakabahang hinila ni Samantha ang manggas ng suot na suit ni Brandon. "Honey, puntahan ulit natin siya... Kausapin n
Matapos bumati at makipagbeso ni Wynona sa kanyang mga bisita, ay dinala niya si Avrielle sa loob ng kanyang studio. Lingid sa kaalaman ng iba, ay matalik talaga silang magkaibigan at kapatid ang turingan nila sa isa't-isa. At tulad ng dati, ay napuno na naman sila ng chikahan at tawanan.Sa gitna ng kanilang pag-uusap ay nagtimpla si Wynona ng isang special na tsaa para sa kanilang dalawa. Naglabas rin siya ng mga pastries na gawa pa ng isang sikat na pastry chef sa ibang bansa. Hindi niya 'yon pinahanda para sa mga bisita sa ibaba dahil tanging kay Avrielle lang niya gustong ipatikim ang mga 'yon."For you, my boss lady.""Hmm... Mukhang mamahalin 'to, ah? Mabango at masarap ang lasa. Hindi rin siya mapakla." Nakangiting puri ni Avrielle matapos sumimsim ng mainit na tsaa. Sa kanyang mga kilos, ay hindi maikakailang isa siyang respetado at kagalang-galang na babae."Wow, mabuti naman at nagustuhan mo." Natawa si Wynona. Sa iba, ang pinapakita niyang ugali ay may pagkamalamig at masu
"Hello, Ms. Wynona! Ako nga pala si Samantha Gonzaga, ang fiancé ni Mr. Ricafort." Matapang na lumapit si Samantha kay Wynona upang makipag handshake.Ngunit sa hindi inaasahan, ay biglang umiwas si Wynona. Hinila pa nito si Avrielle paatras na tila nakakita ng nakakadiring bagay."Hindi ko matandaan na may inimbata akong Samantha Gonzaga rito.""H-Huh?""Hindi ko alam kung kanino ka nakakuha ng invitation, pero hindi talaga kita inimbita rito. Isang private party 'to at hindi pwede ang outsiders kaya makakaalis ka na." Masungit na pahayag ni Wynona. Sa narinig ay biglang namutla ang mukha ni Samantha dahil sa sobrang pagkapahiya. Bigla niyang hinila ang damit ni Brandon na tila nagpapasaklolo."Ms. Wynona, hindi namin alam na isa pala itong private party, we're very sorry. Sa totoo lang, gustong-gusto ng fiancé ko ang mga designs mo, at matagal ka na niyang hinihintay na makauwi rito sa bansa para makilala ka. Therefore, umaasa po ako na maiintindihan n'yo ang nangyari ngayon." Nagp
Nang makita ni Samantha ang napakagandang presensya ni Amery, ay halos magliyab siya sa galit. Ang buong akala niya, kapag nagsuot siya ng damit na pula, ay sa kanya matutuon ang atensyon ng mga tao. Ngunit nang dumating ang babae sa kulay asul na kasuotan, ay bigla nitong inangkin ang limelight kaya tuloy hindi na siya naging kapansin-pansin.Si Brandon naman ay gumulong pababa at paitaas ang Adam's apple dahil sa sobrang pagkabigla. Gustuhin man niyang mag-iwas ng tingin, ay hindi niya magawa. Ganunpaman, wala pang isang saglit, ay nakalampas na sa kanya si Amery nang hindi man lang siya pinansin. Bumakas tuloy ang lungkot sa kanyang mukha at ang kanyang puso ay nakaramdam ng bahagyang kirot."Oh, Amery! Hindi ko inaasahan na makakakuha ka ng invitation mula sa party na 'to... Nahirapan ka ba?" nanunuyang saad ni Samantha. "Syempre nahirapan ako." Umarko ang isang sulok ng bibig ni Avrielle. "Ang alam ko, ang mga na-invite lang sa party na ito ay ang mga taong malalapit lang kay Ms
"Totoo ba 'yang nabalitaan mo?" Muling tumalim ang mukha ni Brandon."Ako na po mismo ang nagkumpirma, Sir. Nakipag-ugnayan ako sa ahente ni Ava Wey kahapon, at nasabi nga niya sa akin ang tungkol sa pakikipag-ugnayan rin sa kanila ni Ms. Madrigal. Kinumpirma rin po nila sa akin na talagang gustong makipagkumpetensya ng Madrigal Empire sa Ricafort Hotel." Habang nagsasalita ay unti-unting humihina ang tinig ni Xander dahil sa nakikitang pandidilim ng anyo ni Brandon."Ano pa ang nalaman mo?""Sinabi rin po sa'kin ng ahente na bagamat ang Ricafort Hotel ay isa sa may magandang reputasyong hotel sa bansa, kino-consider rin po nila ang Madrigal Empire dahil naging maingay raw po ang hotel na iyon nitong mga nakaraang araw. Kaya ang sabi po nila, titignan nila kung sino ang may mas magandang plano, at kung sinuman ang makakapagbigay ng magandang kundisyon, ay doon po sila makikipag-collaborate."Sa narinig ay malakas na nahampas ni Brandon ang ibabaw ng lamesa.Akala niya ay si Amery lang
Ang masakit na katotohanang iyon ay pilit na ikinubli ni Avrielle sa pinakasulok na bahagi ng kanyang puso. Magmula nang makunan siya two years ago, kahit minsan ay hindi na siya nangahas na dumaan sa anumang tindahan na nagbebenta ng mga gamit ng bata. Ayaw na rin niyang makarinig ng tungkol sa pagbubuntis at mga sanggol. At kapag nakakakita siya ng mga pictures at videos ng mga baby sa magazines at TV, ay bumabalik ang kirot sa puso niya na mag-isa lang niyang iniinda.Malinaw na malinaw pa rin sa alaala niya ang malamig na gabing iyon ng bisperas ng Pasko. Nagmamaneho siya noon ng sasakyan kasama si Don Simeon para manood sana sa isang parke ng fireworks display. Ngunit sa hindi inaasahan, ay nagkaroon ng aksidente at nadamay sila sa nagkarambolang mga sasakyan sa kalsada. Para agad na mailigtas si Don Simeon, ay inignora niya ang nararamdamang sakit ng katawan at pinilit niyang magmaneho papuntang ospital para malapatan ng agarang lunas ang matanda.Nang panahon na iyon, ay nagba
Nang makaalis si Alex, ay nanatili sa hardin si Avrielle upang mapag-isa at makapag-isip-isip.Mayamaya ay nagpasya siyang i-chat ang tatlong madrasta niya upang kausapin ang mga ito roon sa hardin.Makalipas lang ang ilang sandali, ay nakita na niyang papalapit ang tatlong babae sa kanyang kinaroroonan. Kung dati ay maiingay ang mga ito kapag magkakasama, ngayon ay tahimik ang mga ito na tila mga napipi sa harapan niya."Mayroon po ba kayong dapat na ipaliwanag sa akin?"Nakahalukipkip na nakaupo si Avrielle sa may pavillion habang seryosong nakatingin sa tatlo. Nagmistula tuloy siyang isang principal na handang manermon ng maiingay na estudyante.Nananatiling tahimik si Lily Rose at ganoon din si Rona. Si Gertrude lang ang mag-isang nagsalita."Bakit mo naman naitanong, Avrielle?"Napahawak si Avrielle sa kanyang noo dahil sa depresyon. Talaga nga namang ang brain circuit ni Gertrude ay tuwid pa kaysa sa isang tuwid na lalaki!"Tinuruan n'yo po ni Tita Lily Rose si Brandon ng leksyo
Nang makabalik sila sa loob ng mansyon, ay agad nahubad ang pagkukunwari ni Avrielle. Kung kanina'y pagiging malakas ang kanyang ipinakita, ngayon ay napalitan iyon ng kahungkagan ng kanyang kalooban. Agad bumakas sa kanyang mukha ang hindi maipaliwanag na lungkot.Hindi maalis sa isipan niya ang nasirang jade bracelet na ibinibigay ni Brandon kanina na siyang nagbibigay ng pait sa puso niya ngayon.Alam naman niyang pinagtatangol lang siya ng mga madrasta niya... pero hindi niya maiwasang isipin na sumobra naman yata ang dalawa. Ang naging pagtrato ng mga ito kanina kay Brandon ay maihahalintulad sa isang basura."Avrielle!"Mula sa malalim na pag-iisip, ay napukaw ng malakas na tinig ni Armand ang pansin ni Avrielle. Hinihingal itong tumatakbo papalapit sa kanya."Nagpang-abot na naman sina Dad at Alex! Nagkasakitan na silang dalawa!"Mula sa likod ng bahay, ay nakita nilang mabilis na naglalakad si Alex patungo sa nakaparada nitong Lamborghini. Madilim at malamig ang awra nito."Ku