Chapter 6
Money rules everything. Iyon ang totoo. Hindi man ako nag-aaral ngayon ay mulat ako sa mga nangyayari sa paligid. Hindi ko masisisi si Sir Armiel kung ang tingin niya sa mga mahihirap ay mapagsamantala.Tumatak sa isipan ko iyon. Parang mali ang pagiging mahirap pero wala naman kaming magagawa.Sa gabing iyon ay hindi ko magawang makatulong. Tulog na ang mga kasamahan ko habang ako ay nakatulala lang sa kisame. Gusto ko ng bagong buhay. Iyong hindi mayaman pero iyong hindi ako mapipilitan na huminto sa pag-aaral.Nagawa kong makatulog pero umaga na pero kinabukasan ay maaga pa rin akong nagigising para magtrabaho. At doon lang umikot ang oras ko sa mga sumunod na araw. Tulog, kain, trabaho, at wala ng iba. Laking tuwa ko lang dahil sa mga araw na iyon ay kulong si Sir Armiel sa kwarto at hindi ako ang napag-uutusan para dalhan ito ng meryenda kaya hindi ako nakarinig ng kahit ano mang pagsusungit sa kanya.At sa sumunod na linggo ay sobrang tuwa ang naramdaman ko nang makuha ko ang unang sahod ko. Tuwing kalahating buwan at katapusan ng buwan ang sahuran kaya halos manginig ako habang nakatanaw sa mga bughaw na papel sa loob ng sobre.“Anong bibilhin mo? Unang sahod mo?” masayang tanong ni Helga at doon unti-unting nawala ang saya ko. Naalala ko na lahat ng ito ay kukunin ni Tita.“Wala,” mahinang sagot ko saka marahan na ngumiti.“Bumili ka kahit isang t-shirt o short lang. At pinapasabi pala ni Manang Juanita na asikasuhin mo na raw ang mga accounts mo tulad ng SSS at philhealth. Malaking tulonh iyon. Sagot naman ni Don Frederick ang lahat. Siguradong may makukuha ka kapag naisip mong huminto na sa pagiging katulong,” sabi niya at kita ko sa mukha niya ang tuwa dahil sa sahod na natanggap namin.Sobrang laki na nito para sa akin. Gustuhin ko mang bumili ng kahit isang damit lang ay alam kong hindi pwede. Makikusap ako kay Tita na baka pwede kong kuhanin ang limang daan man lang para may ipon ako kahit paano.At alam siguro ni Tita na eksaktong ngayong araw ang kalahati ng sahod ko kaya mabilis itong tumawag. Malungkot kong binasa ang huling mensahe niya sa cellphone kong may pindutan na pinaglumaan lang ng pinsan ko.Pinapauwi ako ni Tita para maibigay ko ang sahod.At sa sumundo na araw na dahil day off ay umuwi ako. At iyon kaagad ang unang hinanap ni Tita na dahan-dahan ko namang inabot kaya ngumiti siya ng malaki.“Mabuti naman!” masaysang sambit niya habang nagbibilang ng pera habang ako nakatanaw lang.“Tita, baka pwede po akong humingi kahit limang daan lang—” naputol ang pagsasalita ko nang abutan niya ako ng singkwenta pesos.“Ayan, pamasahe mo pabalik sa mga Lizares. Iyong pinagagawa ko sa’yo, Aryen. Huwag mong kalimutan,” banta niya saka ako tinalikuran habang patuloy parin sa pagbibilang ng perang ibinigay ko.Malungkot naman akong napatingin sa singkwenta pesos na binigay niya at kalaunan ay wala na akong nagawa kung hindi ilagay iyon sa bulsa ko para may pamasahe ako pabalik sa mansyon.Pagkabalik ko sa mansyon ng mga Lizares ay mas malaking kaba ang dala ko. Bago kasi ako umalis ng bahay ay paulit-ulit na inihabilin ni Tita ang pang-aakit ko dapat sa nag-iisang tagapagmana. Na alam kong hinding-hindi ko magagawa. Hindi ko alam kung paano ko lulusutan dahil kapag sinabi ko kay Tita ang totoo na ayaw ko ay hindi siya magdadalawang-isip na saktan at palayasin ako.Wala akong mapupuntahan.Tulala akong naglilinis ngayon sa ikalawang palapag at mag-isa lang ako ngayon dito. Nasabi ni Helga kanina na may pupuntahan sina Don Frederick at Sir Armiel kaya wala na siguro sila dito ngayon. Nagpupunas ako ng mga frames na nakasabit nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Sir Armiel sa likuran ko.Nilingon ko siya kahit pa nasa alanganing posisyon ako. Nakatingkayad ako habang hawak ang frame at iyon ang naabutan niya. At hindi ko mabitawan ang frame kahit pa nakita ko ang paghagod niya ng tingin sa akin mula ulo hanggang paa.Wala pa siyang sinasabi nang mamataan ko si Don Frederick na naglalakad palapit. Kaagad akong nataranta kaya nabitawan ko ang frame at nahulog iyon ng tuloy-tuloy. Pero mabuti at gawa iyon sa matibay na kahoy kaya hindi nabasag.“Third,” tawag ni Don Frederick sa apo na kunot ang noo. Halata ang inis sa mukha ni Sir Armiel na parang kung pwede niya akong alisin sa paningin niya ngayon ay ginawa na niya.“Lo, I want her out of here,” malamig na sambit nito kaya napabaling rin sa akin si Don Frederick.“Yen, please—”“I want her fired,” dagdag ni Sir Armiel na siyang ikinailing ni Don Frederick. Natakot ako at hindi ko alam ang gagawin pero ng bahagya akong nginitian ni Don Frederick ay nakampante naman ako na hindi ako mawawalan ng trabaho.“Third, I am the one who will decide about my maids here,” matigas na sambit ni Don Frederick kaya sarkastikong tumingin sa akin si Sir Armiel. Nang-iinsulto iyon at tila nandidiri.“Hindi ako magtataka kung isang araw ikakasal ka sa isang katulong, Lo. I hate your principles. I hate it,” Sir Armiel said. At naglakad siya paalis pero bago siya lumampas sa akin ay sadya niya akong binangga sa balikat kaya muntik na akong mapaupo.Napabuntong hininga naman si Don Frederick at tumingin sa akin na tila humihingi ng tawag. Don Frederick is the kindest. Walang namana si Sir Armiel kahit katiting sa kabaitang iyon.“I’m sorry, Hija. Please continue your work and be a little bit careful,” sabi niya.“Sorry po, Don Frederick,” mahinang sabi ko saka mabilis kong pinulot ang frame na nahulog. Hindi na niya ako sinagot at bumaba na sa hagdanan habang ako ay pikit na pinakalma ang sarili saka muling bumalik sa pagpupunas.Gabi na nang umuwi si Don Frederick kasama ang driver at maraming mga bodyguards. Wala si Sir Armiel kaya at isa ako sa napag-utusan para ihatid ang mga gamit ni Don Frederick sa kwarto niya. Kasama ko ang dalawang katulong pero umalis sila kaagad pagkalapag ng mga gamit habang ako ay inayos ko pa ang higaan ng Don.“Yen, can you help me with this, Hija? I am getting older. I can’t do the things I used to do alone,” sabi niya at paglingon ko sa kanya ay nakita kong nahihirapan siya maghubad ng coat na itim.“Tulungan ko na po kayo,” magalang na sambit ko at dahan-dahan siyang tinulungan para mahubad iyon ng maayos. At hawak-hawak ko ang coat ni Don Frederick at nakatingin siya sa akin habang bahagyang taas ang kamay nang bumukas bigla ang pinto.At namutla ako nang makarinig ng malakas na mura.“So am I right? You are a wh*re?! F*ck, Lo! You stoop this low! Disgusting!” galit na sigaw ni Sir Armiel habang nanlilisik ang itim na itim na mga mata.“Hindi po—”Hindi ko natapos ang pag-depensa ko sa sarili ko nang malakas akong kaladkarin ni Sir Armiel.“Third!” sigaw ni Don Frederick pero malakas akong dinala ni Sir Armiel sa labas ng kwarto at tuloy-tuloy na kinaladkad pababa ng hagdanan. Mabilis na tumulo ng masagana ang mga luha ko habang pilit na inaalis ang kamay niyang nakahawak sa akin pero sobrang lakas niya.“Yen!” sigaw ni Helga nang makita akong kinakaladkad ni Sir Armiel pero kagaya ng ibang katulong ay wala rin siyang ibang magawa.Tuloy-tuloy akong kinaladkad hanggang sa labas ng mansyon. At sa pagtulak niya sa akin sa damuhan ay doon bumuhos ang ulan. Kaagad akong nabasa at ganoon rin si Sir Armiel pero hindi siya tumigil. Nanlilisik ang mga mata niya at kaagad niya akong dinuro.“You will get out of here! This house doesn’t need a wh*re! Disgusting! Dirty! Desperate!” sigaw niya.Mabilis akong umiling at hindi na makapagsalita sa lakas ng hagulgol ko.Hindi siya nakuntento. Bahagya siyang lumuhod para mahigpit akong hawakan sa panga. Sobrang sakit pero wala akong magawa kung hindi umiyak at magmakaawa.“Wala po akong ginagawa—”“Sh*t the f*ck up!”Malakas niya akong binitawan at doon ako gumapang. Gumapang ako hanggang sa tuluyan akong lumuhod sa harap niya. Kusang huminto ang ulan pero patuloy pa rin ang mga luha ko sa pagtulo. Lumuhod ako sa paanan ni Sir Armiel at unti-unting kong tinakpan ang mga mata ko ng mga palad ko.“Maawa po kayo, wala akong ginagawang masama. Tinutulungan ko lang po si Don Frederick,” humahagulgol na sambit ko at doon ko siya tininghala. Nakita ko ang galit niyang mga mata pero may halong gulat iyon.“Liar,” matigas na sambit niya kaya unti-unti kong inabot ang mga paa niya pero mabilis siyang umatras na tila napapaso.“Huwag niyo po akong tanggalan ng trabaho. Maawa po kayo. Wala na po akong papasukan. Malinis po ang intensyon ko. Trabaho lang po ang ipinunta ko dito. Maawa po kayo,” nagmamakaawang sambit ko pero wala siyang sinabi na kahit ano. Tiningnan lang niya ako at hindi ko na mabasa ang ekspresyon niya sa sobrang pag-iyak.“Third!”Dumagundong ang boses ni Don Frederick pero hindi ko inalis ang tingin ko kay Sir Armiel. Sa patuloy na pagtulo ng mga luha ko at paglabo ng paningin ko ay bigla kong nangiti ang bahagyang awa sa kanya na mabilis ring napalis.“Sorry po, sorry po,” humahagulgol na sambit ko ng paulit-ulit habang nakaluhod pa rin.Umatras siya ng ilang hakbang.“Third!” muling sigaw ni Don Frederick habang ako ay mas natakot sa posibleng mangyari sa akin. Posibleng mawalan na ako ng trabaho.“Get up, fix yourself,” malamig na sambit niya at doon ako tuluyang tinalikuran kaya mas lalo akong umiyak. Tinakpan ko ng mga palad ko ang mukha ko para pilit na ikulong ang hagulgol at ilang sandali pa ay naramdaman ko ang isang tuwalyang bumalot sa akin at nang lingunin ko iyon ay nakita ko ang naaawang mga mata mata nina Manang Juanita at Helga.Chapter 7Tinulungan ako ni Manang Juanita at ni Helga na tumayo. Inalalayan rin nila ako pabalik sa maid’s quarter at kahit doon ay hindi pa rin matigil ang paghikbi at panginginig ko.“Pasensya ka na, Yen. Okay lang bang magtanong kung anong nangyari?” marahan na sambit ni Manang Juanita nang kumalma ako ng bahagya.Mahina akong umilong dahil ayaw kong pag-usapan ang mga nangyari. Natatakot ako. Sobrang natatakot ako kay Sir Armiel.“Baka po paalisin na ako ni Sir Armiel?” takot na tanong sa kanilang dalawa pero marahan akobg inilingan ni Manang Juanita.“Naniniwala ako na wala kang ginawang masama. At hindi hahayaan ni Don Frederick mawala ang isang katulong basta-basta hanggat wala itong ginagawang masama,” marahan na sabi niya pero hindi pa rin ako nakampante at dala ko pa rin ang takot at kaba hanggang sa makatulog ako.Kinaumagahan ay nagdadalawang-isip akong lumabas dahil kinakabahan ako. Pero pinalakas ni Manang Juanita at ni Helga ang loob ko kaya nakayuko akong tumungo sa k
Chapter 8Hindi matanggal sa isip ko na muntik na akong malunod. Hindi ko lubos maisip o maalala kung ano ang eksaktong nangyari. Ang alam ko may malambot na dumampi sa mga labi ko na parang may s********p at iyon ang dahilan kung bqkit buhay pa rin ako hanggang ngayon.Inabot ako ng hating gabi sa pag-iisip sa bagay na iyon. At saktong alas dose ng hating gabi ay bumangon ako. Nakaramdam ako ng gutom kaya lumabas ako sa quarters. At nang wala akong makitang kahit isang biscuit man lang ay nagpasya akong pumunta sa mansyon. Pero nang sinubukan kong buksan ang pinto na nasa dirty kitchen ay naka-lock na ito kaya napabuntong hininga na lang ako.Plano kong bumalik na lang sa quarters at matulog pero bigla kong nagustuhan ang pagdampi ng malamig na hangin sa akin kaya unti-unti akong naglakad hanggang sa makarating ako sa parte ng mansyon kung nasaan ang swimming pool.Naghahalo ang iba’t-ibang kulay ng mga ilaw na nagmumula sa swimming pool at mula rin sa mansyon mismo. Nagpatuloy ako s
Chapter 9Kinabukasan ay maaga pa rin akong umuwi sa bahay kahit pa nakuha na ni Tita ang sahod ko. Sobrang aga akong nakarating doon at naabutan ko silang kumakain ng agahan. Inis na tingin ang iginawad sa akin ni Tita pero natuon lang ang tingin ko sa lechon manok na ulam nila at may softdrinks pa.“Oh? Anong ginagawa mo dito? Bakit nandito ka? Bumalik ka doon sa pinagtatrabahuhan mo at gawin mo ang pinagagawa ko!” sigaw ni Tita at inis na binato sa akin ang buto ng manok na kinakain niya.Napaatras naman ako saka yumuko.“Ma, nagtitiwala ka ba diyan? Sigurado ako na nagtatanga-tangahan lang iyan doon,” nakaismid na sabi ni Jen habang patuloy na kumakain ng pagkain na siguradong binili nila galing sa sahod ko na kinuha ni Tita.“Umalis ka, Aryen! Huwag kang babalik dito hangga’t hindi umuusad ang pinapagawa ko sa’yo!”“Tita—”“Sabing alis eh! Bingi ka ba?!” malakas na sigaw niya kaya mabilis akong lumabas ng bahay para hindi na makatikim ng kahit anong pananakit. Gusto ko lang naman
Chapter 10 “Massage my back, Yen. Don’t worry. I won’t think that you are pervert. I just need some pressure on my back,” mahina at medyo paos na sambit niya habang nakadapa pa rin. Nanuyo ang lalamunan ko at nanginginig man ang mga kamay ko ay maayos kong nailagay ang mainit na kape na dala ko sa bedside table. “Hindi po ako marunong,” mahinang sambit ko at halatang-halata sa boses ko ang kaba. “Diinan mo lang,” sagot niya at doon ako napalunok saka dahan-dahan na pinatong ang kamay ko sa likuran niya. Dahan-dahan ko iyong hinagod at hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko o mali. “D*mn,” daing niya kaya mabilis akong huminto sa ginagawa sa takot na magkamali. “Hindi po ako marunong,” tarantang sambit ko at doon ko narinig ang mahina niyang pagtawa. “Just put a little more pressure. But you are doing good,” he said. Bahagya niyang tinuro ang parte ng likod niyang gusto niyang masahehin ko. I then again slowly put my palms on his back. Ang init na dala ng balat niya ay nagig
Chapter 11Pumasok siya sa isang kotse. Nagdadalawang-isip akong pumasok rin pero nang bumusina siya ng dalawang beses ay dali-dali kong binuksan ang pinto sa likod ng driver’s seat para doon umupo. Pero nang makapasok ako ay nilingon niya ako gamit ang inis niyang mga mata.“Am I your driver?” inis na tanong niya kaya hindi ako nakapagsalita sa sobrang pagtataka.Mas lalong nakitaan ng inis ang mukha niya kaya lalo akong hindi nakagalaw. At hindi ko rin alam ang gagawin ko.“Lumipat ka dito sa harap,” inis na sabi niya ulit kaya doon ako biglang natauhan at dali-dali na lumabas para lumipat sa harap.His jaw clenched so I slightly cleared my throat. Napatingin ako sa kamay niyang nasa manibela ng kotse at napahanga ako dahil nakita kong alam na alam niya iyon. Ito ang isa sa maganda kapag pinanganak na mayaman. Hindi magiging mangmang sa mga bagay-bagay.Nang mapaandar niya ang kotse ay napahawak ako sa inuupuan ko.“Your seatbelt,” biglang sabi niya at bahagyang lumingon sa akin per
Chapter 12Mabilis siyang pumasok sa mansyon nang hindi lumilingon pagkarating namin habang ako ay medyo wala sa sarili dahil sa chichirya na bigay niya. Ang hirap na ngang lunukin ang tubig na galing sa kanya tapos may chichirya pa.Wala sa sarili akong naglakad patungo sa quarters namin at naabutan ko doon si Helga na kaagad akong nginitian ng malaki.“Saan kayo galing? Wow! Pahingi!” Hindi ko na napigilan pa si Helga sa pagkuha niya ng malaking chichirya mula sa akin. At sumunod na lang ang mga mata ko sa walang ingat niyang pagbukas doon ay sunod-sunod na pag kain. Inalok niya ako at sa huli ay hindi ko naman napigilang matawa dahil halos tatlong piraso lang ang nakain ko kumpara sa kanya.Masarap ang chichirya.Nang maubos ang laman ay maingat kong tinupi ang plastic saka tinago kasama ng mga gamit ko. Wala sa sarili akong napangiti pero nang ako mismo ang nakapansin ay mabilis ko ring binura ang ngiti sa mukha ko ay tumikhim. Paiba-iba ang ihip ng hangin. Pero sana, sana payap
Chapter 13We accidentally kissed. Napapikit ako at muli kong naalala ang nangyari. Kahit pa nandito na ako sa quarters namin ay hindi pa rin maalis sa isip ko. Wala sa sariling napahawak ako sa mga labi ko.That was just one second. Isang segundo lang pero parang halos mabaliw na ako.Nakakahiya.Matapos ang nangyari kanina ay pumasok sa loob ng mansyon si Sir Armiel na parang walang nangyari at ako pinabalik ni Manang Juanita dito sa quarters. At mula kanina ay hindi pa ako nakakalabas dito. Nahihiya at natatakot rin ako. Nawala ako sa pagkakatulala nang makarinig ako ng malakas na tikhim. Kaagad ko iyong nilingon at nakita ko si Helga na malaki ang ngisi.“Ang swerte naman ng babaeng ito,” biro niya saka ako marahang niyugyog.Napalunok ako at kaagad na nag-iwas ng tingin. Muli pa sanang manunukso si Helga nang pumasok si Ate Ana.“Ang daming trabaho sa labas tapos nandito lang kayo nag-iinarte. Pare-pareho tayo ng sahod kaya umayos naman kayo,” sabi niya saka padabog na kumuha ng
Chapter 14“Sir!” sigaw ko at mabilis akong lumayo sa kanya. Mahina siyang natawa dahil doon saka dahan-dahan na humiga ng maayos.“I need some meds,” pag-ulit niya pero hindi ko na alam ang gagawin ko. Napako na ako sa kinatatayuan ko at kung hindi niya ako nilingon muli ay hindi ako makakagalaw.Mabilis akong tumakbo palabas dala ang nagwawala kong puso. At hingal na hingal ako nang makababa na halos mabangga ko na si Manang Juanita.“Anong nangyari?” gulat at nag-aalala na sambit niya na mahina kong ikinailing.“Masakit daw po ang ulo ni Sir Armiel. Nanghihingi po ng gamit,” hingal na hingal na sambit ko.“Ang batang iyon naman. Walang pasabi kung dumating. Ano pa ba ang kailangan niya? Nanghihingi ba ng pagkain?” sunod-sunod na sambit ni Manang Juanita at tanging pag-iling lang ang sinagot ko.Nang makuha ko ang gamot na sinamahan ko na rin ng tubig ay maingat na akong bumalik sa taas. Alam kong posibleng tulog si Sir Armiel pero kumatok pa rin ako. At nang walang umimik sa loob a
Epilogue “What? You impregnant her again without putting a ring on her finger?” nanliliit ang mga matang tanong sa akin ni Daddy. We just got here in Laveda after our Trip from Russia. At wala pa kaming nasasabihan tungkol sa engagement. But we need to plan as soon as possible. I don’t want her to walk down the aisle with her huge tummy. Natawa ako nang mahina pero hindi ko na siya nasagot dahil natanaw kong bumababa sa hagdanan ang mag-ina ko. Mabilis ko silang sinalubong at binuhat si Tehm na nakasuot na ng panligo. He’ll swim today and we’ll just watch. “Dad, sa baba lang kami,” paalam ko na tinanguan lang naman ni Daddy kaya bumaba na kami sa dalampasigan. “Papa, let’s go!” malakas na sigaw ni Tehm saka tumakbo na patungo sa dagat. I slightly touched Yen’s elbow before following Tehm just to make sure that he’s fine. “Slow down,” paalala ko dahil hindi siya pwedeng mapagod ng husto. Sinenyasan ko ang maraming mga katulong at ibang mga bodyguards na magbantay sa kanya bago bum
Chapter 58 Thank you for making this far! I know that the progress of this story was very slow yet you are still here. Thank you so much! This will be Third’s POV and will also be the last chapter before the epilogue. Thank you! *** Facing a lot of businesses gave me a headache. I am still learning yet there are already a lot of problems that I must solve and I have no choice but to deal with it. But I need to breathe. I need to clear my mind first before I deal with those problems again. The fresh air of Laveda isn’t helping, though. Mas lalo lang akong naiinis. Ang kaunting-kaunti na pasensya ko ay mas lalo pang nababawasan. “Stupid maid,” inis na sambit ko nang umalis ang baguhan na katulong na biglang pumasok. I smirked pissfully. May katulong bang ganoon ang itsura? Marunong ba iyon ng mga gawaing bahay? O baka kaya siya nandito para sa ibang rason? Maybe, using her face for easy money? I immediately feel disgusted by the desperate moves of commoners. “Third, hindi ka
Chapter 57Isang linggo muli ang lumipas at napakiusapan ko si Third para kamustahin ulit si Tita. Pinayagan niya ako pero hindi sila kasama ni Tehm dahil may importante siyang meeting at si Tehm ay sinundo ng Mommy ng Lola niya. Pumunta ako sa lugar kung saan ko huling nakita si Tita na maraming dalang mga bodyguards dahil iyon ang gusto ni Third kaya hindi na ako umangal.May dala akong iilang groceries para ibigay para makatulong kahit kaunti.“Tita, natagalan po akong makabalik kasi may inaayos lang,” sabi ko nang makalapit sa kanila. Ngumiti siya ng marahan saka napatingin sa mga bodyguards na kasama ko kaya bahagya akong nakaramdam ng hiya.“Salamat dito, Yen. Sa kabila ng mga ginawa namin sa’yo ay nagiging mabuti ka pa rin. Patawarin mo sana kami sa lahat-lahat,” sabi ni Tita at marahan naman akong napangiti doon saka tumango ng dahan-dahan.Hindi ako kailanman nagtanim ng galit pero iba talaga kapag nakarinig ng paghingi ng paumanhin.“Wala po iyon, Tita,” nakangiting sabi ko
Chapter 56Tuluyan ko nang naamin sa sarili ko na nandito pa rin si Third sa puso ko. Hindi ko matukoy kung nakalimutan ko na ba siya noon at muli lang akong nahulog ngayon o hindi ako totoong nakalimot at mas lumalim lang ang nararamdaman ko ngayon.Pero hindi nawawala ang takot sa akin. Takot ako sa posibilidad na baka pilit lang akong tinatanggap at pinakikisamahan ni Third dahil may anak kami. Na hindi naman niya nararamdaman ang nararamdaman ko.Sobrang aga nang magising ako kinabukasan at tulog pa ang dalawa kaya walang ingay akong lumabas at dumiretso sa ibaba para magluto ng pagkain. Pero hindi pa ako nakakapag-umpisa nang matanaw ko ang pagsunod ni Third na may antok pa ring mga mata at parang hindi pa nagigising ng tuluyan.“You get up so early,” marahang sambit niya saka ako niyakap mula sa likuran at siniksik niya ang mukha niya sa leeg ko.“Magtatrabaho ka ba ngayon?” tanong ko at hinayaan ko na siya sa ganoong posisyon.“No,” tamad na sagot niya saka ilang beses na sinin
Chapter 55Hindi nawala sa isipan ko ang nakita ko. Hindi ako makapaniwala na sina Tita iyon. Sinabi ko kay Kayla pero natuwa pa siya hindi kagaya ko na nakakaramdam ng awa. Nahihirapan rin ako pero hindi tulad nila na halos namamalimos at walang matirhan.“Karma nila ‘yan. Hayaan mo,” inis na sabi ni Kayla kaya huminga ako ng malalim at hanggang sa gumabi ay dala-dala ko iyon.Paano ko ulit sila makikita?Nakatulog na si Tehm habang ako ay nanatili pa ring mulat. Si Third ay abala sa laptop niya sa kabila pero nang mapansin niyang galaw ako ng galaw ay sinara niya iyon para tingnan ako.“You’re not sleepy yet?” marahang tanong niya saka lumipat siya sa tabi ko ng hindi nagigising si Tehm.“Wala,” mahinang sagot ko pero tuluyan na niyang pinagkasya ang sarili niya sa tabi ko. Sobrang sikip na kinailangan ko pang iusog si Tehm para tuluyan siyang maskasya.“What is it?” muling tanong niya saka nagsimulang patakan ako ng halik sa noo pababa sa ilong.“Sina Tita kasi,” mahinang sambit ko
Chapter 54 Naramdaman ko ang lambot ng kama sa likuran ko at hindi nagtagal ay napaungol ako sa bigat niya nang pumaibabaw siya sa akin. Patuloy pa rin kami sa paghahalikan pero hindi na ako makatugon ng maayos dahil nagsimulang maglakbay ang mga kamay niya sa katawan ko. Napaungol ako ng malakas nang marahang padaanan ng kamay niya ang kabilang dibdib ko. Bumaba ang halik niya patungong leeg ko at ang isang kamay niya ay tuluyan nang natagpuan ang dibdib ko. Mas lalong sumabog ang init ng sensasyon sa buo kong katawan nang dahan-dahang paglaruan ng kamay niya ang dibdib. I moaned so hard. At hindi ko napigilan ang pagkalmot sa likuran niya dahil sa sensasyong umaapaw. “I missed these. These are mine,” bulong niya nang matagpuan ng mga labi niya ang mga dibdib ko. He alternately sucked my breasts and I pulled his hair so much for that. Hindi siya tumigil hangga’t hindi siya nakukuntento. At nang makuntento sa dibdib ko ay dahan-dahang gumapang pababa ang mga labi niya. Napau
Chapter 53Napapikit ako ng mariin habang inaalala ang nangyari kanina. Kung hindi nagising si Tehm kanina ay hindi kami titigil sa paghahalikan. At ngayon ay hindi ko magawang makatingin ng diretso kay Third dahil doon.Paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko. Ay hanggang sa ngayon ay tila ramdam ko pa rin ang lambot ng labi niya sa mga labi ko. Ramdam ko pa rin ang hapdi ng pagkagat niya sa ibabang labi ko. Nandito pa rin ang init at sensasyon na tila hindi mawala.Kahit kay Kayla ay nahihiya rin ako dahil nakita niya. At alam kong hindi siya titigil sa pang-aasar sa akin tungkol sa nangyaring iyon.“Pulang-pula ang labi mo. Halatang nakipaghalikan ka,” asar ni Kayla nang pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig.Bahagya ko siyang sinamaan ng tingin pero nginuso niya lang ang sala kung saan nandoon si Third ay Tehm. Bahagya naman akong lumingon doon pero kaagad ring nag-iwas ng tingin nang kaagad magsalubong ang mga mata namin ni Third.“Anong nararamdaman mo?” mahinang tanong ni Ka
Chapter 52“I’m hungry na,” dinig kong mahinang sambit ni Tehm at dahil doon ay unti-unti akong naalimpungatan pero sobrang lakas ng paghila sa akin ng antok kaya hindi ko tuluyang binuksan ang mga mata ko.“Breakfast isn’t cooked yet because it’s too early. Do you want to drink your milk while waiting?”“No, I want foods,” sambit ni Tehm at naramdaman ko ang pag-alog ng kama pero nanatili akong nakapikit dahil ayaw bumukas ng mga mata ko.“Fine, let’s find some food downstairs,” marahang sambit ni Third at rinig ko ang pagtalon ni Third mula sa kama at kasunod kong narinig ay ang pagbukas at pagsara ng pinto.Dahil doon ay unti-unti kong binuksan ang mga mata ko saka marahan kong nilibot ang tingin sa buong kwarto pero mag-isa na lang ako dito. Nakita ko ang maliit na orasan sa bedside table at nakita kong alas sais pa lang ng umaga.Dahan-dahan akong bumangon saka bahagya kong kinusot ang mga mata ko. At akma sana akong tatayo mula sa kama pero hindi natuloy dahil biglang bumukas an
Chapter 51Kakasimula pa lang kumain ay maraming ng mga tanong ang tinatanong nila kay Tehm. At halos kunot noo si Tehm na sinasagot iyon lahat na parang napipilitan pa.“How old are you, little guy?” marahan na tanong ng Daddy ni Third at inangat naman ni Tehm ang kamay niya at pinakita ang apat niyang daliri.“I hope you won’t grow up like your father. He’s masungit,” natatawang sambit ni Don Frederick.“I want to grow up like my Mama,” matigas na sagot ni Tehm habang kunot ang noo at natawa lalo si Don Frederick doon.Hindi ako makahinga ng maayos. Hindi ako kumportable sa mga nangyayari na halos hindi ako makakuha ng mga pagkain na nilalahad ng mga katulong. Gusto ko ng umuwi pero hindi ko pinahalata iyon. Nanatili na lang akong tahimik habang pinagmamasdan si Tehm.“By the way, inatake ba ulit ng asthma?” biglang tanong ni Mrs. Lizares sa seryosong boses saka siya tumingin sa akin ng diretso kaya napalunok ako ng mariin bago sumagot.“Hindi na po,” mahinang sagot ko na halos ibul