“Celyn,” sambit ko sa kanyang pangalan. Hindi ko pa rin napigilan ang aking luha na tumulo sa aking mga mata.
“Dapat hindi kana pumunta. Nag-aksaya ka pa nang oras,” pabalang na sagot niya sa akin.
“Andito ako para malaman ang buong katotohanan,” sabi ko sa kanya.
“Hindi pa ba sapat ang nalaman mo sa loob nang korte?” tanong niya sa akin.
“Alam ko na nahirapan ka. Kaibigan mo pa rin ako at handa pa rin akong makinig sa iyo Celyn,” sagot ko sa kanya. Napatitig siya sa aking mga mata at nakita ko rin na tumutulo na rin ang kanyang luha.
“Go away,” pagtataboy niya sa akin.
“No. Hindi ako aalis hangga’t hindi ko maririnig ang side mo,” pagmamatigas ko sa kanya.
“Sige,” maikling sagot niya sa akin. Hindi na siya nagmatigas pa at ikinuwento sa akin ang nangyare kung bakit si
Gusto ko kaseng malaman kung totoo na ba talaga ito? Patay na ba talaga si Kuya? Maganda kayang tumalon? Tapos magi-gising ka sa gulat nang iyong pagka-bagsak.Dumampi sa aking pisngi ang lamig ng hangin, huminga ako ng malalim at bigla akong nawala sa balanse, nahulog ang bote ng alak na hinahawakan ko sa aking kamay.“Putang ina naman oh! Nahulog kapa, ano nang iinumin ko?” malutong na mura ko, di bale nalang, masarap naman tingnan ang mga ilaw na kumikislap kislap.Hanggang sa tuluyan kong inilabas ang isa kong paa, kaso, hindi ko mahawakan ng maayos ang bakal kaya hindi ako maka-akyat. Nagpasya akong umalis nalang dahil ang ingay-ingay naman ng tao sa kabila.Kumuha ulit ako ng isang bote ng alak at lumabas nang condo, pumunta ako sa elevator para umakyat sa rooftop.Isinara ko ang pinto para walang makasu-sunod sa akin, gusto kong mapag-isa.Nagla-lakad ako habang umiinom parin ng alak, lumapit ako sa pinakadulo ng semento n
“Hindi tayo natuloy nang sabado ha,” sabi niya sa akin.“Sorry,” pagpapaumanhin ko sa kanya.“Hindi tuloy natuloy ang plano namin ni Alex,” sabi niya sa akin. Nag-taka ako. Anong plano? Akala ko ba ay ilalabas niya ako at idi-date? Mali ba ang hinala ko? Naging assuming na ba ako?“Ah… anong plano?” tanong ko sa kanya.“Su-surpresahin ka sana ni Alex dahil yayain ka sana niyang lumabas at liligawan ka daw niya kaso na-torpe daw siya kaya ako ang nilapitan niya dahil madalas daw akong mag-timpla nang kape sa iyo,” patawang sagot sa akin ni Austin. Talaga? Iyon pala ang plano nila?“Um… actually, sinabi na niya sa akin noong nasa hospital ako,” sagot ko sa kanya.“Honey!” nadulas si Nicky na tawag kay Austin.“Ay… sorry. Sir Austin pala,” bawi ni Nicky. May sasabihin sana si Nicky kay Austin kaso hindi niya nalang natuloy
“Huwag ka nang umiyak,” sabi niya sa akin.“I love you too Alex. Maraming salamat at hindi mo ako pinabayaan simula nang na-hospital ako hanggang ngayon,” pagpapasalamat ko sa kanya.“Sinasagot mo na ba ako?” tanong niya sa akin.“Opo nalang kahit nauna mo pa akong halikan kaysa pasagutin,” sabi ko sa kanya. Napakamot siya sa ulo.“Um… sorry?” sabi niya sa akin. Natawa ako kase hindi ko alam kung sincere ba ang sorry niya o ginusto niya talaga ang biglaang pag-halik sa akin.“Inaaresto kita sa salang pag-nanakaw nang halik sa akin,” sabi ko sa kanya. Itinaas niya ang kanyang mga kamay at tumalikod. Naglakad siya papuntang kwarto ko.“Hephep! Huminto ka dyan. Bakit ka papasok sa kwarto ko?” tanong ko sa kanya.“Diba ito ang magsi-silbing kulungan ko ngayong tayo na Ma’am Enriquez?” sagot niya sa akin. Natawa ako sa kanyang sagot
Patrolman Rain Moore, ito ang pangalan nang pulis na dinukot mula sa kanilang bahay. Pinuntahan namin noong nakaraang araw ang pamilya niya.Ang sabi nila sa amin ay may bigla na lang daw pumasok sa loob nang kanilang bahay nang alas nuebe nang gabi.Hindi daw nila namukhaan ang suspek dahil naka-facemask ito na, naka-jacket at naka-pants na itim na may kasamang sombrero. Sinabi daw nang suspek sa kanila ay kailangan daw magbayad ang biktima niya, kaya kukunin daw niya ang pulis.Tatlong araw na pala ang nakalipas nang bago sila nagreport sa amin dahil na rin sa takot ay kaya ganun.“Nakalayo na ang suspek dahil sa maling aksyon nang kanyang pamilya. Bakit pa nila pinatagal ito?” tanong ni Austin. “Nauunawaan ko ang pamilya nang biktima. Kung titingnan natin ang profile nang pamilya nang bikt
Muli akong tumingin sa wall clock at pasado alas otso na pala nang gabi. Binuksan ko muna ang aking telebisyon para manood nang Korean drama. Habang nanonood ay may biglang kumatok sa aking pinto. Tinanong ko kung sino ito at narinig ko naman ang boses ni Alex.“Ba… bakit ka andito?” tanong ko sa kanya. Hindi na niya ako sinagot at bigla niya nalang akong niyakap. “Oh… okay ka lang?” tanong ko ulit sa kanya sabay yumakap din ako pabalik. “Okay lang naman. Na-miss lang kita, alam ko kase magiging busy na naman tayo at baka mawalan na rin tayo nang oras para sa isa’t isa,” sabi niya sa akin. Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at b
Killers “Anong gagawin natin sa katawan na ito boss?” tanong sa akin nang aking alalay. Nakita ko ang katawan ni Rain Moore na wala nang buhay pagkatapos nang sunod-sunod na pagsak-sak ko sa kanya. Ginalit niya kase ako eh. Ayan tuloy nawala na siya sa mundong ito. “Pugutan mo nang ulo tapos samahan mo akong ilagay sa kalsada,” utos ko sa kanya. Pagkatapos ay kaming dalawa ay pumunta sa gitna nang kalsada at iniwan doon ang ulo nang pulis.Bumalik kami sa aming hideout at saka pinagpuputol-putol ang katawan nang lalake sabay itinapon sa bangin na hindi naman kalayuan sa aming hideout. Napahit-hit ako nang sigarilyo at kaming dalawa nang alalay ko ay umiinom nang alak habang nanonood nang palabas sa telebisyon.
Dumating na rin ang aming kasama na taga SOCO at tinulungan kami sa paghahanap nang mga ebidensya.Hindi ako makapaniwala sa aking nakita. Andito ang katawan nang babaeng nakabulagta sa kusina pero ang ulo nito ay nakapatong sa lamesa.Halos masuka din ako sa aking nakikita ngayon. Tiningnan ko si Luna at mukhang seryoso siya sa kanyang ginagawa.Si Austin naman ay tinitingnan bawat sulok nang bahay dahil baka may naiwang fingerprint sa loob nang crime scene.Nakita ko ang murder weapon. Isang kitchen knife, kinolekta na rin ito nang SOCO hanggang sa inilatag na ang corpse bag at inilagay ang bangkay sa loob at saka idinala sa mga experts para ma-examine ang buong katawan.Lumabas na kami sa loob nang bahay pagkatapos nang lahat aming ginawa. Bumalik ako kila Nicky at Symae para tanungin sa kanila kung ano ang nakuha nilang impormasyon sa biktima.“Sir Alex? Ayaw pong magsalita nang ina nang biktima,” sabi sa akin ni Symae. Hindi
Natapos na rin ang araw na wala na naman lead. Sabay na kaming pumunta sa parking lot ni Luna.Sumakay na kami sa aming kanya-kanyang sasakayan. Hinihintay kong mauna nang umalis si Luna kaso hindi pa nag-start ang kanyang sasakyan. Muli akong bumama sa loob nang aking sasakyan at nilapitan si Luna. “Anong nangyare?” tanong ko sa kanya. “Hindi mag start ang aking sasakyan. Hindi ko alam kung bakit,” sagot sa akin ni Luna. “Bumaba ka nalang dyan at ihahatid nalang kita pauwi, mukhang low ang battery nang sasakyan mo,” sabi ko sa kanya. Bumaba na si Luna at iniwan nalang namin ang sasakyan sa headquarters. Inihatid ko nalang si Luna sa kanilang condo.
“Nakasulat sa noo nang batang lalake ang salitang ‘JUSTICE’,” sabi sa akin ni Luna. Anong hustisya ang hinahanap niya? Eh dapat ang magkaroon nang hustisya ay ang pamilya nang mga batang ito. “Oh God…” sabi ni Nicky habang hawak-hawak ang kanyang laptop. “Bakit anong mayroon?” tanong sa kanya ni Austin. Iniharap ni Nicky ang kanyang laptop sa amin at inilagay ang laptop sa lamesa. Nakita namin ang dalawang batang lalake na nakalive sa isang website. Nakatali silang dalawa sa armchair at nakapiring. “Hindi ko matrace ang location kung nasaan nanggagaling ang signal. Mukhang matindi ang ginamit niyang website breaker at hinacked ito,” sabi naman ni Nicky. “Shit! Anak ito si Sir Collins at ang kaibigan niya, kailangan natin ang Cybercrime group ipaabot sa kanila ang balita!” utos ko kay Symae. Tumingin ako sa may upper right side at nakalagay na nakalive ang video na ito at napapanood nang mga tao. “Ngayon? Pwede ko na ba makuha ang atensyon ninyo?” sabi nang lalake na hindi kita a
“Major? May nakita akong mga pasa sa binti nang biktima mukhang minaltrato pa itong batang lalake na ito bago tinuluyang patayin,” sabi sa akin ni Lucy. “Teka teka, namatay ba ang batang lalake sa pagpalo nang mga bagay-bagay sa kanya bago tinuluyang hiwain ang kanyang katawan pati tanggalin ang laman at loob nito?” pagliliwanag ko sa kanya. “That’s right. Nagkaroon nang internal bleeding ang bata, isa pa. Kung titingnan mo ang ulo nang bata na ito, mukhang hinampas din ito nang malakas, nahimatay itong bata, nawalan nang malay at pinagpatuloy pa rin ang paghahampas nang kriminal hanggang sa tuluyan na itong mawalan nang buhay at inumpisahan na hiwain ang kanyang dibdib hanggang tiyan,” sabi sa akin ni Lucy. “Kahit an
Kinabukasan ay isang bangkay ang natagpuan sa harap nang paaralan nang San Ramon Academy at ang estudyante ay kinilala sa pangalan na Shawn Pamoy na ang isa sag a dinukot.Agad na kaming remesponde sa eskwelahan. Nakita namin na wala na rin laman at loob ang estudyante, kasabay namin na dumating ang Pamilyang Pamoy para kumpirmahin na kung anak ba nila ang nakahilata sa sahig na walang buhay.Nang makalapit ang nagpakilalang ina nang bata ay nag wala na ito dahil anak niya nga ang batang nakahiga.“Ang anak ko! Ang anak ko! Renz ang anak natin!” sigaw nang ginang. Halos hindi siya makapaniwala na ganito ang sinapit nang kanyang anak. Nakatunog din ako, posible kaya ang pumatay sa anak ni Sir Luisito ay siya rin ang dumukot sa iba at pumatay sa kawawang bata itong? Ito ang katanungan na kailangan namin masagot.Nagulat kami nang biglang sumulpot si Colonel Collins sa amin at tiningnan ang bangkay. Bakas sa kanyang mukha ang pag-aa
Pagpasok namin sa loob nang aming opisina ay agad kaming nagulantang sa balita na nakarating sa amin.Nakita namin si Colonel Collins na nasa loob na nang aming opisina para ireport sa amin ang insidente na nangyare sa kanyang anak dahil daw dinukot daw ito mismo sa kanilang eskwelahan.Humingi nang tulong sa amin si Colonel, hindi niya naman kailangan na humingi nang tulong dahil tungkulin namin ang gawin ang aming obligayson. “Hindi lang ang anak ko ang dinukot, dalawa daw sila nang kaibigan niya, ito ang sabi nang ga nakakita, hindi na daw nakapalag ang dalawang binata dahil tinutukan sila nang baril at pwersahang pinapasok sa loob nang kotse,” sabi sa akin ni Colonel. “Huwag niyong hayaang mawala ang aking anak,” dagdag niya sa amin. Pagkatapos niyang sabihin sa amin lahat ay napatulala lang kami
Kinabukasan ay napaaga ang aking gising dahil nakapagpahinga ako anng maayos. Habang si Alex at si Baby Daniel naman ay payapa pa rin na natutulog.Tinulungan ko nalang din na maghanda nang umagahan si Aling Bina pagkatapos namin magluto ay maaga-aga pa para kumain ang umagahan.Umupo muna kaming dalawa sa sofa at binuksan ang telebisyon. Muling lumitaw sa medya ang kaso na hinahawakan namin ngayon patungkol sa anak ni Police Lieuetenant Colonel Brandon Luisito sa anak niyang si Grace Luisito.Nakita ko rin na marami ang nagrarally sa harap nang headquarters. Hinihingi nila ang hustisya.Muli akong bumalik sa aming kwarto para tingnan ang files ni Grace, pagakatapos ay inilagay ko na ito sa bag para maidala sa headquarters. Sabay na kaming kumain ni Alex at pumunta sa headquarters, nang makarating na kami doon
“Captain may bagong pasok na kaso,” sabi sa akin ni Symae dala-dala ang isang folder, inaabot niya ito sa akin at agad ko nalang tiningnan kung ano ang mga nakapaloob dito.Napataas ang aking kilay. Hindi naman ito bagong kaso, noong nakaraang dalawang buwan pa pala ito. Ito ang kaso na kung saan namatay ang anak ni Police Lieutenant Colonel Brandon Luisito.Ang sabi sa report ay ayon daw sa nakakita sa bangkay ay wala na daw itong laman at loob, maaaring kinain daw ito nang aswang dahil nasa liblib daw ito na lugar kung saan nakita ang bangkay. Alam ko naman ang mga paniniwala nang mga tao doon. Kung aswang nga talaga ang kumain sa laman at loob nang anak ni Lietenant Colonel Luisito?Paano nila maipapaliwanag ang bakas nang tali sa dalawang kamay at paa nang dalaga. “Hindi naman ito bagong kaso Sy
Makalipas ng siyam na buwan. “ALEX!” sigaw ko sa aking asawa. Mukhang handa nang lumabas ni baby at excited na siyang makita ang mundo. “Andiyan na honey!” nataranta si Alex at inalalayan niya akong bumaba sa second floor nan gaming nabiling bahay. Habang bumababa nang hagdan ay nagsalita pa si Alex at kinausap ang baby namin. “Baby wait lang ha. Huwag muna ngayon, sa hospital nalang. Kapit ka muna kay mommy mo. Huwag mo siyang pahirapan,” utos niya sa anak namin. “Oh my gosh honey… nagawa mo pang utusan si baby. Hindi na talaga siya makapag-antay,” sagot ko sa kanya.Nakababa na kami sa hagdanan at dahan-dahan na kaming naglakad papapasok sa aming kotse. 
Lumipas ang tatlong araw ay wala pa rin report na nakakita kay Celyn. Nag-aalala na ako para sa kanya dahil iniisip ko na baka may mangyareng masama sa kanya o baka naman makapanakit siya nang inosenteng tao.Ilang oras na akong nakaupo sa aking harapan nang computer nang mag biglang tumawag sa amin at sinabi na may nakakita daw sa babaeng ibinalita sa telebisyon.Agad kong sinulat ang address na binigay nila at lahat kami ay pumunta sa lokasyon kung nasaan si Celyn.Nagulat kami na ang address na binigay sa amin ay ang address nang dating pumuporma kay Celyn.Kumatok kami sa pinto at bumungad sa amin ang isang matipunong lalake. Mukhang kakagising lang ata.“Yes Captain Luna?” tanong niya sa akin habang pakipit-pikit pa ang talukap nang kanyang mga mata.“Major Garcia. May nakapagsabi sa amin na andito daw si Celyn sa iyong bahay,” sabi sa kanya ni Alex.“Alam ko naman na hindi ko siya matatago habang bu
Habang naglalakad palayo sa kanila ay nakita ko si Alex na nakasimangot. Mukhang excited talaga siyang sumakay doon. Pero hindi ko talaga kaya. Niyakap ko nalang siya nang mahigpit at hinalikan sa labi.Natapos namin ang pananatili namin sa resort, masasabi kong maganda ang resort, magandang tanawin nang paglubog ng araw.Umalis kami sa resort at nagpunta sa The St. Regis Maldives Vommuli Resort - Maldives ang Fishing Resorts sa Maldives.Narinig ko rin na ang Maldives ay kilala sa kanilang likas na kapaligiran kabilang ang asul na dagat, puting mga beach, at malinis na hangin.Ang klima ng Maldives ay mainam para sa mga bisita na makisali sa mga palakasan sa tubig tulad ng paglangoy, pangingisda, scuba diving, snorkeling, water-skiing, windurfing at marami pang iba.Nais kong ilista ang mga bantog na mayroon ang Maldives at subukan ito lahat kaso hindi namin kakayanin dahil may trabaho pa aming naghihintay sa headquarters pagbalik namin.Na