Blair Castro
HINDI na kami naihatid ni Lukas sa condo ni Cloud. Ako na ang nagmaneho at naiwan siyang nakatanaw sa akin habang sakay ako ng kotse at papalayo sa kaniya. Hindi naman kami naghiwalay pero sobrang bigat talaga ng pakiramdam ko. Dagdag pang hindi ko makakasama ang mga bata dahil sa sitwasyon namin.
Kinagabihan, habang nasa kwarto ako at tulog na si Cloud ay pinanuod ko ulit ang video ni Alicia. Katatapos ko lang kausapin si Lukas matapos kong tawagan ang mga bata. Ngayon ay dilat na dilat pa rin ang mga mata ko dahil hindi talaga ako makatulog sa pag-iisip ng paraan.
Sinabi sa 'kin ni Lukas kanina na may mga fans na nga ni Alicia na pumunta sa bahay. May ilang reporters rin daw na nagpupumilit pumasok sa kompanya nu Lukas.
Habang nakatitig ako sa video na nakapause ay nakaisip ako ng paraan. Inexit ko ang video saka tinawagan ang private investigator na bin
Blair CastroKAUSAP ko ang mga bata sa video chat. Gamit nila ang laptop ni Jeanette at cellphone naman ang sa akin. Panay ang reklamo ni Lira dahil kagabi hanggang ngayong tanghali raw ay itlog ang ulam nila. Tawang-tawa naman si Jeanette at aminadong hindi talaga siya marunong magluto. Napapailing nalang ako imbes na malungkot dahil sa pansamantalang paghihiwalay namin ng mga bata.“Tita, asawahin mo si tito Cloud po. Magaling siya magcook!” nakasimangot na sabi ni Lira.Tumango ako bilang pagsang-ayon kay Lira. “Tama, Jeanette. Magaling magluto si Cloud.”Ang lakas ng halakhak ko nang mamula ang mukha ni Jeanette. Mukhang may crush talaga siya kay Cloud.Sumimangot ng husto si Jean. “Ewan ko sa inyong mag-iina. Doon nga muna kayo sa sala, pumpkins. Mag-uusap kami ng mommy niyo,” pagtataboy ni Jeanette sa mga bata.
Blair CastroNAPATINGIN ako kay Cloud nang aksidente niyang mahawakan ang kamay ko. Nag-aalmusal kami at imbes na tinapay ang madamot ay kamay ko ang nahawakan niya. Parang napaso siyang nagbawi ng kamay. “Sorry, Blair.”Hindi ako nagsalita. Itinuloy ko lang ang pagbabasa ng mga files na ipinadala sa akin ni Mr. Kim tungkol sa naging buhay ni Alicia mula noong inakala niyang napatay na niya ako.“Blair.” Tawag sa akin ni Cloud.Kumagat ako ng tinapay saka sumagot. “Hmm? Bakit?”“Bakit parang ang layo mo na sa 'kin?”Nangunot ang noo ko pero tuloy pa rin ako sa ginagawa. “Magkatabi lang tayo, Cloud.”“Magkatabi nga tayo pero parang ang layo mo pa rin e.”Natigilan ako at napatingin sa kaniya. Bakas sa mukha niya ang sakit at napakagat a
Blair CastroNAKASUOT kami pareho ni Lukas ng baseball cap at face mask. Gumala lang naman kami sa kung saan-saan. Kumain saka naglaro sa arcade. Masaya kami. Lalo na ako. Sobrang saya ko kahit kanina ay may nakakita sa aming gumagalang reporter. Mabuti nalang at nailigaw namin.“You okay?” tanong sa akin ni Lukas habang hawak ang balikat ko.Tumayo ako ng tuwid at inayos ang suot kong sumbrero. “Ayos lang. Masaya palang mahabol ng reporter.”Ang lakas ng halakhak niya. “Silly! Pa'no kung inabot tayo?”Nagkibit balikat lang ako saka natawa. “Ganoon pala ang nararamdaman ng mga sikat. Feeling ko tuloy panandalian akong naging artista.”Muli siyang natawa saka umiling. Hinawakan niya ang kamay ko. “Gusto mong fishball?”Napatitig ako sa kaniya nang ituro niya ang ti
Blair Castro“ARAY!” Napa-angil ako sa sakit nang mauntog ako sa bubong ng kotse ni Lukas. Natawa siya saka sinapo ang nasaktan kong ulo. Napailing naman ako nang makaupo ako ng maayos sa passenger seat. Sinimulan kong suotin ang mga damit ko at nag-ayos rin si Lukas.Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Sa tuwing naglalapit kami ni Lukas ay parang palagi akong sinisilaban. Ewan ko ba at hanggang dito sa parking lot ng condo ay nagawa namin ang bagay na 'yon na sinimulan ko.Nang maisuot ko ng maayos ang damit ko ay lumapit pa sa akin si Lukas at hinalikan ako sa labi. Agad ko namang sinapo ang kaniyang pisngi saka ngumiti nang maghiwalay ang mga labi namin.“You should go,” sabi ko sa kaniya bago pa maulit ang nangyari sa amin.Ngumiti siya at tumango. “Yeah. I think so pero ihahatid muna kita sa itaas.”
Blair CastroMATALIM ang tingin ko kay Lukas nang pumasok siya sa kwarto ko matapos ko siyang pagbuksan ng pinto at iwan sa sala. Nagkamot siya ng batok habang patingin-tingin sa akin.Tinaasan ko siya ng kilay habang pinagmamasdan ko ang ayos ng buhok niya.“Uh…baby—”Tinuro ko ang buhok niya. “Gusto ko ipa-red mo 'yang buhok mo.”“What?”Nangunot ang noo ko. “Ayaw mo?”Napangiwi siya. “Hindi naman sa ayaw. It's just that nagtataka lang ako. Bakit? Bakit ang sungit at ang weird mo?”Natigilan ako. Weird nga ako ngayon. Hindi ko alam kung bakit. Kahapon ang init-init ng katawan ko kaya nga hanggang sa parking ay may nangyari sa amin ni Lukas. Ngayon naman ay masyado akong iritable.“Wala ka bang sakit?” na
Blair CastroANG lakas ng halakhak ni Ryu nang makalabas kami sa prosecutor's office. Nakasimangot ko siyang tiningnan. Tawa pa rin siya ng tawa at natigilan lang nang makitang hindi maganda ang timpla ng mukha ko.Tumikhim siya. “Ang angas mo sa loob, Blair,” aniya saka nilingon si Lukas. “Pero mas maangas pa rin ang buhok mo, Luke,” dugtong niya sabay halakhak.Hindi ko na pinansin si Ryu. Tinalikuran ko silang dalawa pero nahuli ni Lukas ang braso ko. “Where are you going?”Hinarap ko siya. “Hindi na ako sasabay sa inyo. May bibilhin pa ako e.”Nangunot ang niya. “Blair—”Tinaasan ko siya ng kilay. “May meeting ka diba?”Bumagsak ang balikat niya. Wala siyang nagawa kundi hayaan ako. Inutusan pa nga niya si Ryu na ihatid ako pero tinanggihan k
Blair CastroPABILING-BILING ako sa kama. Hindi talaga ako makatulog. Kung anu-anong naiisipan kong gawin na hindi naman pwede. Isa na doon ang puntahan ang mga bata saka papuntahin dito si Lukas para tingnan ang buhok niya. Bukas ay gusto kong pula naman ang kulay ng buhok niya, nagsasawa na ako sa rainbow at nababahala ako dahil baka magmukhang unggoy ang anak namin ni Lukas dahil tiyak na balbon ang bata paglabas. Bakit ba kasi buhok ni Lukas ang napapaglihian ko?Iritado akong bumangon pero agad ring napahiga at bumuntong-hininga. Inaantok na ako pero hindi ako makatulog. Ayaw pumikit ng mata ko at sobrang pasaway ng utak ko dahil kung anu-anong pumapasok dito.Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng kalabog mula sa kwarto ni Cloud. Kunot ang noo na bumangon akong muli at lumabas ng kwarto. Hindi na ako kumatok. Diretso akong pumasok sa kwarto ni Cloud. Wala siya sa kama kaya inilibot ko
Blair CastroUMIIRAL ang pagkabugnutin ko ngayong araw dahil sa pagbubuntis ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ako sa pagkakataong ito. Hindi naman kasi ako ganito kaselan noon. Sa sobrang selan ko nga ay pinababa ko si Ryu kanina sa sarili niyang kotse dahil ang tapang ng amoy ng pabango niya.Lihim nalang akong napailing habang katabi si Ryu. Inutusan siya ni Lukas na magpalit ng damit pero naaamoy ko pa rin ang pabango niya kanina. Hindi na lang ako nagrereklamo dahil baka may makapansin at makadagdag pa sa pwedeng ibato sa amin ni Alicia.Nandito kami sa trial court, hinihintay lang namin ang judge. Nang magsimula ang trial ay nakatitig sa akin si Alicia na para bang siyang-siya siya na nakikita niya ako ngayon.Unang tinawag si Alicia sa unahan. Nang makaupo siya ay tiningnan niya ako na para bang sigurado siya sa kalalabasan ng trial. Inirapan ko siya sa sobrang pag
Blair Castro-de MarcoPINAGMAMASDAN ko si Owen na tinuturuang tumugtog ng gitara si Lira. Abalang-abala sila sa sarili nilang mundo. Ganoon rin si Onyx na nakahiga sa sofa at nanunuod ng basketball. Nasa kabilang sofa naman si Brielle na hawak ang iPad niya at may kung anong ginagawa.Napangiti ako. It's been ten years since I gave birth to Brielle at ngayon ang tenth birthday niya.Hindi na nasundan si Brielle, ayaw na ni Lukas na magbuntis ako dahil baka himatayin na raw siya sa susunod. Ayoko na rin naman talagang sundan pa si Brielle, tama na ang apat na anak.“My,” ani Brielle na napansin ako. “Si dada, nasaan na po?”Bilang request kasi niya ay kakain lang kami sa labas ngayong 10th birthday niya. Pumayag naman si Lukas na may meeting lang sandali sa opisina.Tuluyan akong bumaba ng
Blair Castro-de MarcoNAKANGITI kong pinagmamasdan ang mag-aama habang kumakain sila ng cake. Pagkatapos naming hiwain ni Lukas ang wedding cake ay sinubuan namin ang isa't-isa saka niya nilapitan ang triplets at pinakain. Karga-karga naman ng dad ni Lukas si baby Brielle.“Dad,” nilapitan ko ang ama ni Lukas. Ngumiti siya sa akin habang giliw na giliw sa bunso ng mga de Marco.“She's so beautiful, Blair,” aniya habang hinahalikan ang pisngi ni Brielle.Hinawakan ko ang kamay nito saka muling tiningnan ang ama ni Lukas. “Kumain ka na po muna, dad. Ako na muna kay Brielle.”Umiling siya at ngumiti. “Nope. I like carrying her. Doon ka na sa asawa mo. Enjoy your wedding.”Tumango nalang ako at iniwan silang maglolo matapos kong halikan ang noo ni Brielle. Nang bu
Lukas de MarcoWHO would've thought that I'll marry twice when I presumed then that no one will ever like me because I'm a rugged and snob man? I don't even have an ex-girlfriend. I drowned myself in studying and proving my worth to my father who hates me then after my mother died giving birth to me. Thinking about my previous life made me sigh. When I married Alicia, I was happy because at last, I found a woman who will love me but when I learned about her lies, my dreams shattered.Nakakapanghinayang lang na marami akong pangarap para sa aming tatlo nina Lira pero it turns out na mali palang nangarap ako kaagad dahil hindi pala totoo ang mga nakita at ipinakita niya sa akin. Although our love was real, it doesn't give her the rights to lie about my kids and made a fool out of me. I loved the wrong woman.“Dude!”&
Blair CastroISA sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko ay noong nasilayan ko ang triplets nang isilang ko sila. Kasunod niyon ay ang mga pangit na pangyayaring maituturing ko nalang na masamang panaginip. Isang panaginip na hindi maaaring iwasan at hindi ko inasahan.After everything that happened, hindi ko na alam kung tama bang sabihin ko na worth ang lahat ng paglaban at hirap ko gayong marami akong nasaktan at nasagasaang tao. Firsly, Alicia, na naghangad ng mas higit sa naabot niya. Ang kaniyang ama na nasaktan ng husto sa pagkawala ng kaisa-isang anak niya. Si Cloud na naghangad ng pagmamahal na hindi maaring masuklian at labis na nasaktan sa bandang huli at ang iba pang mga taong nadamay sa gulo namin ni Alicia. Gayunpaman, wala akong pinagsisisihan dahil naitama ko naman ang lahat at nabawi ang una palang ay akin na.Ngayon
Lukas de MarcoI KEPT on walking back and forth. Paulit-ulit kong ginugulo ang buhok ko habang naghihintay sa delivery room. Sumilip ako at napalunok nang makita ang asawa ko na nakahiga at napapalibutan ng mga nurses. Sa paanan niya ay nakatayo ang babaeng doktor. Napatingin siya sa akin saka ngumiti. Alanganin naman akong gumanti ng ngiti saka nilingon ang mga bata.Mali si Blair, hindi magpapanic ang mga bata kapag narinig ang sigaw niya. Ako ang magpapanic at hihimatayin pa yata dahil ninenerbyos ako habang kalmado ang triplets na kausap sa telepono ang tito Adrian nila. They're calling everyone, telling them about the news.I took a deep sigh, and looked at Blair again. She was nodding whilst talking to the doctor. God, she looked so scared.I remember the article I've read. Hindi ko makalimutan kong paano ipinaliwanag ng article kung gaano kasakit
Blair CastroMABILIS na lumipas ang mga araw at buwan. Natapos ang theraphy ni Onyx at mayroon siyang regular monthly check-up. Maayos ang kalagayan niya at sinigurado sa amin ng doktor na magaling na siya. Ipagdasal nalang raw namin na 'wag magkaroon ng relapse kaya ganoon nga ang ginagawa namin.Napahawak ako sa tiyan ko at ngumiwi nang bigla itong humilab. Umawang ang labi ko nang sumipa rin ang munting de Marco sa tiyan ko.May na ngayon at kabuwanan ko na. Nag-advice ang doktor ko na palagi akong maglakad-lakad at gawin raw namin ni Lukas ang bagay na 'yon tuwing gabi lalo ngayong kabuwanan ko para daw hindi ako gaanong mahirapan sa pagluwal sa bata. Ang lalaking abusado naman, palaging idinadahilan ang bagay na 'yon sa akin.“DADDY!!!”Napatingin ako sa may pintuan nang magsisigaw si Lira. Pumasok siya sa bahay at n
Blair CastroKATATAPOS lang namin ni Lukas kumausap ng wedding planner. Talagang excited na excited siyang ikasal kami. Panay ang halik niya kamay ko bawat sagot niya sa tanong ng wedding planner na kinuha niya, hindi ko naman maiwasang mahiya at pamulahan ng mukha dahil panay ang ngiti sa amin ng babae.“Bakit ka ba halik ng halik?” Siniko ko si Lukas nang makaalis ang wedding planner.Binitawan niya ako at sumandal sa sofa. “Titig na titig kasi sa 'kin. Di ka ba nagselos?”Tumawa ako. Talaga ngang titig na titig sa kaniya ang babae kanina. Hindi ko nalang pinapansin dahil mabait at maayos naman siyang kausap.“Hoy!” Kinalabit ako ni Lukas. Nakasimangot siya. “Hindi ka ba talaga nagseselos?”Tinitigan ko siya. “Sino sa amin ang mas maganda?”
Blair CastroNATATAWA ako habang pinagmamasdan sina Adrian at Ryu na binubully si Owen. Nalaman kasi nila mula kay Lukas ang nangyari at sumama nga sila pag-uwi ni Lukas para tingnan ang makulit na bata. Ayon at inaasar nila.Medyo bumabalik naman na sa normal ang mukha at katawan ni Owen pero may pantal pa rin.“Mukha kang tinapay na umalsa, pareng Owen.” Tawang-tawa pa na sabi ni Ryu.Lumingon sa akin ang anak ko, humihingi ng tulong pero hindi ko rin napigilang matawa kaya lalong natawa ang mga tito niya.“Owen, sana sinabi mong gusto mong magpataba. Bukas pag okay ka na, hanap tayo ng basil,” pang-aasar naman ni Adrian.Bumaba mula sa itaas si Lukas na basa ang buhok at nakasuot nalang ng pambahay. Pag-uwi niya ay agad siyang naligo at hindi ko alam kung bakit excited na excited siya.
Blair CastroINAAYOS ko ang mga bulaklak na naipon na sa vase sa kwarto ko dahil hanggang ngayon ay hindi pumapalya si Lukas sa pagbibigay sa akin ng bulaklak.“Mommy!!!!”Gulat akong napatingin sa pinto ng kwarto ko nang marahas itong bumukas. Pumasok si Lira na hingal na hingal at nanlalaki ang mga mata. Agad ko siyang nilapitan. Pawis na pawis siya. “Anong nangyari? Bakit ka sumisigaw?”“Si kuya Owen po, mataba na!”Natigilan ako. Ano raw? Tumayo ako ng tuwid at namaywang. “Niloloko mo yata ako e. Anong mataba? Kumakain ba si kuya Owen mo? Anong kinakain niya?”Ngumuso siya. “Mommy, tunay po! Nasa likod po kami kanina tapos nag-akyat po siya sa puno tapos bigla po siyang kinati tapos tumaba na siya. Malaki na pisngi ni kuya.”Nami