Blair Castro
“MOMMY!” Napatingin ako sa batang tumawag sa 'kin. Mangiyak-ngiyak akong ngumiti nang makitang tumatakbo palapit sa akin ang tatlong batang magkakamukha. Kapuwa sila nakangiti habang paulit-ulit na tumatawag ng 'mommy'.
“Mga anak ko!” nakangiti akong humakbang para salubungin sila pero napasinghap at natigilan ako nang lumitaw sa likuran nila si Alicia.
Napahiyaw ako at napaupo sa gulat nang maglabas ng baril si Alicia at walang anu-anong binaril ang mga bata.
“AAAHHHH!” nagsisigaw ako habang umiiyak. Hawak ko ang ulo ko habang nagpapapadyak.
“Blair! Blair, wake up!”
Humigop ako ng hangin at napamulat ng mata. Sinalubong ako ng nag-aalalang mukha ni Cloud na agad sinapo ang pisngi ko. Lumamlam ang kaniyang mga mata. “Nananaginip ka,”
Napahikbi ako at
Blair CastroHINDI ako mapakali habang hinihintay ang pagbalik ni Lukas. Labis-labis ang kabang nararamdaman ko pero wala akong magawa kundi maghintay. Napalingon ako kay Cloud na pumasok sa kusina at paglabas ay inabutan ng juice si Jeanette. Inalok ako ni Cloud pero umiling ako.Pinagsiklop ko ang mga palad ko saka tumulala sa kawalan. Hindi pwedeng nandito lang ako.Naramdaman ko ang pagvibrate ng hawak kong cellphone. Pasimple kong tiningnan kung sino ang tumatawag. Tumayo ako nang makitang si Alicia ang tumatawag.Napatingin sa akin si Cloud.Tumikhim ako. “Sa kwarto lang ako.”Nang tumango siya ay agad akong tumalikod. Pumasok ako sa kwarto at inilock ang pinto. Sinagot ko ang tawag na nasa loob ako ng banyo.“Alicia.”[Let's meet.]Kumabog ng husto ang puso k
Blair Castro“WHAT is this, Lukas? Bakit may kasama kang mga pulis at sino ang babaeng 'yan?” masungit ang pagkakataong ng isang sopistikadang babae kay Lukas. Nakasuot siya ng mamahaling damit at kumikinang na mga alahas. Nasa bahay lamang siya ngunit maayos ang kaniyang suot at nakatakong na para bang pupunta sa isang magarang party.Nagtaas ng kilay ang babae sa akin. “Who the hell are you?”Kilala ko siya. Siya ang ina ni Alicia. Hindi niya ako kilala dahil kailanman ay hindi ako nakatuntong pamamahay nila noon at hindi ako ipinakilala ni Alicia sa pamilya niya bilang kaibigan. Dapat doon palang ay naisip ko na na hindi talaga kaibigan ang turing niya sa akin.“Mrs. Gonzales, we have a search warrant,” ani Lukas saka itinaas ang hawak niyang papel.Gulat na kinuha at binasa naman ito ng isang lalaking nakatayo sa lik
Blair CastroMARAHAN kong tinulak ang balikat ni Lukas palayo sa akin. Inayos ko ang damit kong nagulo at itinaas ito sa balikat ko dahil halos mahubaran na niya ako. Inayos ko rin ang mas nagulo kong buhok at tiningnan si Lukas sa mga mata. He was watching me. Namumula at basa ang kaniyang labi habang mainit pa ring nakatitig sa akin ang kaniyang mga mata.Umayos ako ng upo. Unti-unti namang bumalik sa ayos ang inuupuan ko. Ikinabit ko ang seatbelt ko saka ako tumikhim. “Umuwi na tayo.”Bumuntong-hininga si Lukas saka umayos ng upo. Bahagya akong nagtaas ng noo. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang labi niya sa akin. Napakainit pa rin ng katawan ko dahil sa mga halik niya at mayroon pa ring munting apoy na naglalaro sa kaibuturan ko pero mas nanaig ang pagiging ina ko kaya itinulak ko siya palayo.Hindi ako magiging masaya kapag wala ang mga batang iniluwal
Blair Castro“P-PAKAWALAN mo nalang sila, Alicia. Kung gusto mo patayin mo na ako.”“BLAIR!” sabay na umalma sina Cloud at Lukas sa sinabi ko pero nanatili ang tingin ko kay Alicia.Sarkastikong humalakhak muli si Alicia. Mas nanggigil siya sa akin dahil sa reaksyon nina Cloud at Lukas. “Bakit ba gustong-gusto niyo ang maruming babaeng 'yan?” tanong niya saka binalingan si Lukas. “Sinabi ko na sa 'yo, diba? Mukha siyang pera! Nagpabuntis siya sa 'yo dahil sa pera!”“You lied to me, Alicia!” Lukas growled at her which made her grinned.“Nagsinungaling ako sa 'yo dahil mahal kita pero punyeta ka dahil dumating lang ang babaeng 'yan ay nawalan ka na ng gana sa akin! Mas masarap naman ako kaysa sa kaniya diba?”Nilingon ko si Cloud. Dahan-dahang sumesenyas ang kamay niya d
Lukas de Marco“ANO kamo? Hindi anak ni Alicia si Lira?” tanong ni Ryu pagkatapos kalkalin ng hinliliit ang tainga niya.Bumuntong-hininga ako at uminom ng alak. Nagtiim-bagang ako habang inaalala kung paanong halos mabaliw-baliw ako sa paghahanap kay Alicia dahil inakala kong siya ang nakasiping ko noong gabing 'yon. In the end, it was all planned. Hindi ko akalaing malalansi ako ng ganoon ni Alicia.“Sinasabi mong iba ang babaeng hinabol mo sa babaeng nakasiping mo almost six years ago? It wasn't Alicia but Blair Castro? That chic?”Nangunot ang noo ko at tiningnan si Ryu. “Chic?”Ngumisi siya. “Dude, schoolmate natin si Blair Castro dati. Hindi ko lang matandaan kung highschool ba o college. Basta palagi ko siyang nakikita noon. She was darn hot!”Tiningnan ko siya ng matalim at nagtaas na
Lukas de Marco“YOU tricked me?!” halos hindi makapaniwalang tanong ni Alicia nang matanawan niya ang pagdating nina Blair kasama si Cloud McBride at Jean.Dali-dali siyang nagbihis habang ako ay kalmadong nagsuot ng damit. Kanina habang natutulog siya sa kama ay inalam ko kung nasaan ang mga anak ko. I had to blackmail her one ally so I can get the location of my kids. Tamang-tama na natapos ang pag-uusap namin ng isa sa tauhan ni Alicia ay nagising ito nang bulabugin ng isa pa niyang tauhan at sinabing may dumating.“BEAT HIM!” galit na utos ni Alicia sa mga tauhan niya. Hindi siya nagdalawang salita dahil agad akong sinukmuraan ng isa sa kanila.Sa laki ng katawan ng mga tauhan ni Alicia, hindi ako nakaganti manlang nang pagtulungan nila. Napaluhod nalang ako at napaubo habang patuloy sila sa pagsipa at pagsuntok sa akin.“
Lukas de Marco“MGA anak mo ba 'yang mga 'yan?” pabulong na tanong sa akin ni Ryu habang nakaupo kami pareho sa sofa. Sa malaking kwarto dito sa hospital ay magkakasama ang kama ng mag-iina ko. Pina-confine ko na rin si Lira at Onyx kahit ayaw ng mga ito para lang masiguro ko na ayos ang katawan nila. Next week, kakausap ako ng phychiatrist para sa therapy ng mga bata. Ayokong makaranas sila ng trauma dahil sa nangyari.Nilingon ko si Ryu na panay ang sipat kay Blair. It's been two days pero wala pa rin siyang malay. Ayos naman na si Owen at masigla siya. Kanina nga bago sila nakatulog ay kakwentuhan niya si Lira.“Takte, dude! Parang carbon copy mo 'yung triplets. Lupet mo! Isang gabi, tatlo agad. Kumusta kaya ang bahay-bata ni Blair, 'no? Parang inabot ng ano mo—Aray!”Kung anu-anong sinasabi, tadyakan ko nga sa balakang. Galit siyang tumayo
Blair CastroTHERE'S blood. Hindi ko alam kung kanino. Nagkalat ang dugo sa sahig kung saan nagising ako. Nasapo ko ang ulo ko at muling tumingin sa paligid. Sa muling pag-ikot ng paningin ko ay halos himatayin ako nang makita ko ang katawam ng mga anak ko na naliligo sa sariling dugo. Hindi kalayuan sa kanila ay si Alicia na parang baliw na nakangisi habang hila-hila ang katawan ng isang lalaki. S-Si Lukas!Napaiyak ako. No! No! Hindi! Hindi ganito ang nangyari! Hindi ganito! Hindi mawawala sa akin ang mga anak ko.Sinubukan kong gumalaw pero hindi ko magawa. Para bang may mabigat na pwersang pumipigil sa paggalaw ko at ang tanging nagawa ko lang ay um-ungol.“Hmm!” sinubukan ko muling gumalaw. Nanginginig ang mga katawan na ipinikit ko ang mga mata ko at sa muli kong pagmulat ay puti ang sumalubong sa akin.“Blair!”
Blair Castro-de MarcoPINAGMAMASDAN ko si Owen na tinuturuang tumugtog ng gitara si Lira. Abalang-abala sila sa sarili nilang mundo. Ganoon rin si Onyx na nakahiga sa sofa at nanunuod ng basketball. Nasa kabilang sofa naman si Brielle na hawak ang iPad niya at may kung anong ginagawa.Napangiti ako. It's been ten years since I gave birth to Brielle at ngayon ang tenth birthday niya.Hindi na nasundan si Brielle, ayaw na ni Lukas na magbuntis ako dahil baka himatayin na raw siya sa susunod. Ayoko na rin naman talagang sundan pa si Brielle, tama na ang apat na anak.“My,” ani Brielle na napansin ako. “Si dada, nasaan na po?”Bilang request kasi niya ay kakain lang kami sa labas ngayong 10th birthday niya. Pumayag naman si Lukas na may meeting lang sandali sa opisina.Tuluyan akong bumaba ng
Blair Castro-de MarcoNAKANGITI kong pinagmamasdan ang mag-aama habang kumakain sila ng cake. Pagkatapos naming hiwain ni Lukas ang wedding cake ay sinubuan namin ang isa't-isa saka niya nilapitan ang triplets at pinakain. Karga-karga naman ng dad ni Lukas si baby Brielle.“Dad,” nilapitan ko ang ama ni Lukas. Ngumiti siya sa akin habang giliw na giliw sa bunso ng mga de Marco.“She's so beautiful, Blair,” aniya habang hinahalikan ang pisngi ni Brielle.Hinawakan ko ang kamay nito saka muling tiningnan ang ama ni Lukas. “Kumain ka na po muna, dad. Ako na muna kay Brielle.”Umiling siya at ngumiti. “Nope. I like carrying her. Doon ka na sa asawa mo. Enjoy your wedding.”Tumango nalang ako at iniwan silang maglolo matapos kong halikan ang noo ni Brielle. Nang bu
Lukas de MarcoWHO would've thought that I'll marry twice when I presumed then that no one will ever like me because I'm a rugged and snob man? I don't even have an ex-girlfriend. I drowned myself in studying and proving my worth to my father who hates me then after my mother died giving birth to me. Thinking about my previous life made me sigh. When I married Alicia, I was happy because at last, I found a woman who will love me but when I learned about her lies, my dreams shattered.Nakakapanghinayang lang na marami akong pangarap para sa aming tatlo nina Lira pero it turns out na mali palang nangarap ako kaagad dahil hindi pala totoo ang mga nakita at ipinakita niya sa akin. Although our love was real, it doesn't give her the rights to lie about my kids and made a fool out of me. I loved the wrong woman.“Dude!”&
Blair CastroISA sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko ay noong nasilayan ko ang triplets nang isilang ko sila. Kasunod niyon ay ang mga pangit na pangyayaring maituturing ko nalang na masamang panaginip. Isang panaginip na hindi maaaring iwasan at hindi ko inasahan.After everything that happened, hindi ko na alam kung tama bang sabihin ko na worth ang lahat ng paglaban at hirap ko gayong marami akong nasaktan at nasagasaang tao. Firsly, Alicia, na naghangad ng mas higit sa naabot niya. Ang kaniyang ama na nasaktan ng husto sa pagkawala ng kaisa-isang anak niya. Si Cloud na naghangad ng pagmamahal na hindi maaring masuklian at labis na nasaktan sa bandang huli at ang iba pang mga taong nadamay sa gulo namin ni Alicia. Gayunpaman, wala akong pinagsisisihan dahil naitama ko naman ang lahat at nabawi ang una palang ay akin na.Ngayon
Lukas de MarcoI KEPT on walking back and forth. Paulit-ulit kong ginugulo ang buhok ko habang naghihintay sa delivery room. Sumilip ako at napalunok nang makita ang asawa ko na nakahiga at napapalibutan ng mga nurses. Sa paanan niya ay nakatayo ang babaeng doktor. Napatingin siya sa akin saka ngumiti. Alanganin naman akong gumanti ng ngiti saka nilingon ang mga bata.Mali si Blair, hindi magpapanic ang mga bata kapag narinig ang sigaw niya. Ako ang magpapanic at hihimatayin pa yata dahil ninenerbyos ako habang kalmado ang triplets na kausap sa telepono ang tito Adrian nila. They're calling everyone, telling them about the news.I took a deep sigh, and looked at Blair again. She was nodding whilst talking to the doctor. God, she looked so scared.I remember the article I've read. Hindi ko makalimutan kong paano ipinaliwanag ng article kung gaano kasakit
Blair CastroMABILIS na lumipas ang mga araw at buwan. Natapos ang theraphy ni Onyx at mayroon siyang regular monthly check-up. Maayos ang kalagayan niya at sinigurado sa amin ng doktor na magaling na siya. Ipagdasal nalang raw namin na 'wag magkaroon ng relapse kaya ganoon nga ang ginagawa namin.Napahawak ako sa tiyan ko at ngumiwi nang bigla itong humilab. Umawang ang labi ko nang sumipa rin ang munting de Marco sa tiyan ko.May na ngayon at kabuwanan ko na. Nag-advice ang doktor ko na palagi akong maglakad-lakad at gawin raw namin ni Lukas ang bagay na 'yon tuwing gabi lalo ngayong kabuwanan ko para daw hindi ako gaanong mahirapan sa pagluwal sa bata. Ang lalaking abusado naman, palaging idinadahilan ang bagay na 'yon sa akin.“DADDY!!!”Napatingin ako sa may pintuan nang magsisigaw si Lira. Pumasok siya sa bahay at n
Blair CastroKATATAPOS lang namin ni Lukas kumausap ng wedding planner. Talagang excited na excited siyang ikasal kami. Panay ang halik niya kamay ko bawat sagot niya sa tanong ng wedding planner na kinuha niya, hindi ko naman maiwasang mahiya at pamulahan ng mukha dahil panay ang ngiti sa amin ng babae.“Bakit ka ba halik ng halik?” Siniko ko si Lukas nang makaalis ang wedding planner.Binitawan niya ako at sumandal sa sofa. “Titig na titig kasi sa 'kin. Di ka ba nagselos?”Tumawa ako. Talaga ngang titig na titig sa kaniya ang babae kanina. Hindi ko nalang pinapansin dahil mabait at maayos naman siyang kausap.“Hoy!” Kinalabit ako ni Lukas. Nakasimangot siya. “Hindi ka ba talaga nagseselos?”Tinitigan ko siya. “Sino sa amin ang mas maganda?”
Blair CastroNATATAWA ako habang pinagmamasdan sina Adrian at Ryu na binubully si Owen. Nalaman kasi nila mula kay Lukas ang nangyari at sumama nga sila pag-uwi ni Lukas para tingnan ang makulit na bata. Ayon at inaasar nila.Medyo bumabalik naman na sa normal ang mukha at katawan ni Owen pero may pantal pa rin.“Mukha kang tinapay na umalsa, pareng Owen.” Tawang-tawa pa na sabi ni Ryu.Lumingon sa akin ang anak ko, humihingi ng tulong pero hindi ko rin napigilang matawa kaya lalong natawa ang mga tito niya.“Owen, sana sinabi mong gusto mong magpataba. Bukas pag okay ka na, hanap tayo ng basil,” pang-aasar naman ni Adrian.Bumaba mula sa itaas si Lukas na basa ang buhok at nakasuot nalang ng pambahay. Pag-uwi niya ay agad siyang naligo at hindi ko alam kung bakit excited na excited siya.
Blair CastroINAAYOS ko ang mga bulaklak na naipon na sa vase sa kwarto ko dahil hanggang ngayon ay hindi pumapalya si Lukas sa pagbibigay sa akin ng bulaklak.“Mommy!!!!”Gulat akong napatingin sa pinto ng kwarto ko nang marahas itong bumukas. Pumasok si Lira na hingal na hingal at nanlalaki ang mga mata. Agad ko siyang nilapitan. Pawis na pawis siya. “Anong nangyari? Bakit ka sumisigaw?”“Si kuya Owen po, mataba na!”Natigilan ako. Ano raw? Tumayo ako ng tuwid at namaywang. “Niloloko mo yata ako e. Anong mataba? Kumakain ba si kuya Owen mo? Anong kinakain niya?”Ngumuso siya. “Mommy, tunay po! Nasa likod po kami kanina tapos nag-akyat po siya sa puno tapos bigla po siyang kinati tapos tumaba na siya. Malaki na pisngi ni kuya.”Nami