Share

Kabanata 58

Blair Castro

MARAHAN kong tinulak ang balikat ni Lukas palayo sa akin. Inayos ko ang damit kong nagulo at itinaas ito sa balikat ko dahil halos mahubaran na niya ako. Inayos ko rin ang mas nagulo kong buhok at tiningnan si Lukas sa mga mata. He was watching me. Namumula at basa ang kaniyang labi habang mainit pa ring nakatitig sa akin ang kaniyang mga mata.

Umayos ako ng upo. Unti-unti namang bumalik sa ayos ang inuupuan ko. Ikinabit ko ang seatbelt ko saka ako tumikhim. “Umuwi na tayo.”

Bumuntong-hininga si Lukas saka umayos ng upo. Bahagya akong nagtaas ng noo. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang labi niya sa akin. Napakainit pa rin ng katawan ko dahil sa mga halik niya at mayroon pa ring munting apoy na naglalaro sa kaibuturan ko pero mas nanaig ang pagiging ina ko kaya itinulak ko siya palayo.

Hindi ako magiging masaya kapag wala ang mga batang iniluwal

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status