Blair Castro
“DITO po tayo titira, mommy?” tanong ni Lira habang nakatayo kami sa harap ng malaking bahay na may dalawang palapag. Hindi naman binanggit sa akin ni Ryu na mansion pala itong bahay na sinasabi niya. Sobrang laki nito para sa aming apat. Kung tutuusin ay kasya ang limang pamilya dito.
“Kasama ka po ba namin, daddy?” muling tanong ni Lira na ngayon ay nakatingin na sa ama.
Sakay kami ng kotse ni Ryu at inihatid nila kami dito sa Clari Ville. Ang totoo ay nag-away pa sina Cloud at Lukas kung saan kami sasakay ng mga bata papunta dito pero nakiusap ako kay Ryu na siya nalang ang maghatid sa amin.
Sa totoo lang ay hindi na ako komportable sa pagpapagalingan ng dalawang 'yon. Alam ko naman kasi ang gusto nilang mangyari, kung ano ang pinagtatalunan nila at ano ang nararamdaman nila. Natatakot nga ako na komprontahin ang dalawa dahil ayokong mamili sa kanila. M
Blair Castro INAAYOS ko ang mga damit ni Owen. Nandito ako sa kwarto niya habang nasa kusina silang magkakapatid at kasama si Cloud. Nagluluto kasi ito ng hapunan habang iniwan ko naman sa sala sina Ryu at Lukas na nag-uusap. Maayos kong tinupi ang huling damit ni Owen saka inilagay sa closet. Napahawak ako sa tagiliran ko nang bahagyang kumirot ang sugat ko pero agad ring nawala. Napabuntong-hininga ako. Sinabi ni Lukas na ipinakulong na niya si Alicia at on-going na ang kaso nito pero gusto ko pa rin siyang makita at ipamukha sa kaniya na natalo ko siya dahil buhay na buhay ako. Sa isang araw ay plano kong pumunta sa hearing niya. Gusto kong makita kung paano siya hahatulan sa mga kasalanang ginawa niya. “Blair.” Napatingin ako sa pinto nang may kumatok at binuksan ito kasabay ng pagtawag sa pangalan ko. Si Lukas 'yon at agad nagtama ang paningin na
Blair CastroYAKAP ko si Lira habang nandito kami sa sala. Pahapon na nang matapos gumawa ng bahay ng kalapati sina Cloud at nanunuod na ng TV ang triplets. Nagpakalong kay Lukas si Owen habang si Onyx ay tahimik at prenteng nakaupo sa pang-isahang sofa. Nakasandal pa siya at parang haring nakatingin ng diretso sa TV.“Papa, bakit pareho kayo ni kuya ng mata tapos 'yung mata ko hindi masyadong green?” biglang tanong ni Owen sa ama.Napalingon ako kay Onyx nang tingnan niya ang kapatid. Akala ko ay magsasalita siya pero ibinalik niya lang ulit sa TV ang atensyon niya.Inayos ni Lukas ang buhok ni Owen. “Kasi, sa akin nagmana ang kuya mo.”“Bugnutin ka din po?” tanong pa ni Owen sa ama.Napatawa ako pero agad ring natigilan nang sabay akong tingnan nina Lukas at Onyx. Humagikhik naman si Lira na nakakalong
Blair CastroNAKAALIS na si Lukas. Napilitan siyang umalis nang sumapit ang alas tres dahil tinawagan siya ng sekretarya niya at sinabing nasa kompanya raw nito ang kaniyang ama. Ayaw pa nga sana niyang umalis at patingin-tingin pa kay Cloud na nasa tabi ko habang papaalis siya.Sumandal ako sa hagdanan saka tiningnan si Cloud na kaharap ko. Bakas pa rin sa mukha niya ang inis mula pa nang makita niya si Lukas sa loob ng kwarto ko.“Kayo na ba, Blair?” mababa ang tono niya na parang walang gana sa sarili niyang tanong.Marahan akong umiling. “Hindi.”Humugot siya ng malalim na buntong-hininga, tila nabunutan ng tinik sa dibdib. Tumango-tango siya. “Remember that he's still married, Blair. Ang mga bata ang dapat na asikasuhin mo.”Tinitigan ko siya. “At maayos na kami ng mga bata kaya dapat pamilya
Blair Castro“DADDY!”Mabilis akong bumalikwas ng bangon nang nakarinig ako ng malakas na palahaw ng bata. Abot-abot ang kabang binuhay ko ang ilaw sa kwarto at tumakbo palabas. Boses ni Lira ang narinig ko kaya agad akong pumasok sa kwarto niya at inabutan siyang nagpapapasag sa kama.Agad akong sumampa sa kama niya. “Lira! Lira, anak, gising!”Marahan kong tinapik ang pisngi niya. “Lira, gising!”“DADDY! DADDY!”Halos mapaiyak na rin ako nang tuluyan siyang nagising pero nagwawala siya at paulit-ulit na tinatawag ang daddy niya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nanlalabo ang paningin ko dahil sa luhang nabubuo sa mga mata ko habang pilit na niyayakap si Lira.“Anak, tahan na. Tahan na! Nandito si mommy.” bulong ko sa kaniya saka napalingon sa gilid ko. Napan
Blair CastroNAPUYAT ako kaya naman tanghali na ako nagising. Alas diez na nang bumangon ako at naabutan ko si Lukas na nakabathrobe at buhat-buhat si Lira na nakasuot ng pink na bathrobe. Kasunod niya sina Owen at Onyx na kapwa nakasuot rin ng bathrobe na asul at itim. Basa ang buhok nilang apat habang umaakyat ng hagdan.Lumapit sa akin si Lukas at hinalikan naman ni Lira ang pisngi ko. “Good morning, mommy.”Ngumiti ako at hinalikan siya sa noo. Nilapitan ko sina Owen at Onyx at hinalikan sa noo ang dalawang bata.Tiningnan ko silang lahat. “Saan kayo galing?”“Sa swimming pool po, mama!” si Owen ang sumagot sa tanong ko.Nangunot ang noo ko. Pool? May pool ba dito? Nag-aalala kong tiningnan si Lira nang maalala ang nangyari kagabi. Napatingin naman ako kay Lukas nang haplusin niya ang kamay ko. Ngumi
Blair Castro“SASAMA ako, Lukas.” pagpupumilit ko. Ayaw niya kasi akong payagang sumama sa kaniya sa criminal trial ni Alicia. Gusto kong makita ang babaeng 'yon. Kahit masabunutan at masuntok ko manlang siya ng isang beses sa mukha para makabawi ako sa mga kasalanan niya sa akin.Bumabalik na naman ang matinding gigil at galit ko sa kaniya. Hindi ako titigil hangga't hindi ko siya nakikitang nasa loob ng selda. Kung tutuusin nga ay kulang pa ang pagkakakulong para pagbayaran niya ang mga kasalanan niya.“Blair, please. Baka kung ano pang mangyari sa 'yo.”Umiling ako. “Hindi, Lukas. Gusto kong makita siyang mahatulan sa mga kasalanang ginawa niya.”Sinapo ni Lukas ang sintido niya. “Paano ang mga bata? Wala silang kasama.”Tiningnan ko si Cloud na saktong kapapasok lamang ng bahay. Lumabas s
Blair CastroHABANG naghihintay ako sa kotse ni Lukas ay napatingin ako sa dalawang bata na nakaupo sa gilid ng kalsada at nakatingin sa dumaan na bata na may kasamang nanay at kumakain ng ice cream. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko nang makita ang inggit sa mga mata ng dalawang bata.Hindi na ako nagdalawang-isip. Bumaba ako sa kotse at agad na pumasok sa isang ice cream parlor. Bumili ako ng dalawang ice cream saka agad na nilapitan ang mga bata. Nag-squat ako sa harapan nila at gulat silang napatingin sa akin.Ngumiti ako at iniabot ang dalawang ice cream. “Para sa inyo 'to.”Hindi ako nagdalawang salita. Agad na kinuha at nilantakan ng dalawang bata ang ice cream. Ngumiti ako saka kumuha ng 200 pesos sa wallet ko. Iniabot ko ito sa batang babae na tingin ko'y siyang panganay sa kanilang dalawa. “Bumili kayo ng tubig at pagkain, okay? Para sa inyo it
Blair CastroINIHATID ko sa airport kinabukasan si Cloud gamit ang mismong kotse nito. Ayaw ayaw pa nga niyang umalis dahil nagbago raw ang isip niya pero hindi ko siya pinayagan. Sa huli ay napilitan siyang umalis habang lukot ang mukha. Agad naman akong umuwi pagkahatid ko sa kaniya dahil dadalhin namin ni Lukas ang triplets sa psychologist.Iisa ng doktor ang triplets at habang nasa loob ang mga bata ay nakaupo kami ni Lukas sa bleachers. Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa bigla niyang hawakan ang kamay ko. Napalingon ako sa kaniya. Diretso lamang ang tingin niya kaya hindi na ako nagsalita.Hinayaan ko siyang hawak ang kamay ko habang nakatitig lang ako sa kawalan.“I wanna kiss you.”Kumabog ang dibdib ko sa salitang bigla nalang binitawan ni Lukas. Napalingon ako sa kaniya habang nakaawang ang mga labi ko.Dahan-dahan
Blair Castro-de MarcoPINAGMAMASDAN ko si Owen na tinuturuang tumugtog ng gitara si Lira. Abalang-abala sila sa sarili nilang mundo. Ganoon rin si Onyx na nakahiga sa sofa at nanunuod ng basketball. Nasa kabilang sofa naman si Brielle na hawak ang iPad niya at may kung anong ginagawa.Napangiti ako. It's been ten years since I gave birth to Brielle at ngayon ang tenth birthday niya.Hindi na nasundan si Brielle, ayaw na ni Lukas na magbuntis ako dahil baka himatayin na raw siya sa susunod. Ayoko na rin naman talagang sundan pa si Brielle, tama na ang apat na anak.“My,” ani Brielle na napansin ako. “Si dada, nasaan na po?”Bilang request kasi niya ay kakain lang kami sa labas ngayong 10th birthday niya. Pumayag naman si Lukas na may meeting lang sandali sa opisina.Tuluyan akong bumaba ng
Blair Castro-de MarcoNAKANGITI kong pinagmamasdan ang mag-aama habang kumakain sila ng cake. Pagkatapos naming hiwain ni Lukas ang wedding cake ay sinubuan namin ang isa't-isa saka niya nilapitan ang triplets at pinakain. Karga-karga naman ng dad ni Lukas si baby Brielle.“Dad,” nilapitan ko ang ama ni Lukas. Ngumiti siya sa akin habang giliw na giliw sa bunso ng mga de Marco.“She's so beautiful, Blair,” aniya habang hinahalikan ang pisngi ni Brielle.Hinawakan ko ang kamay nito saka muling tiningnan ang ama ni Lukas. “Kumain ka na po muna, dad. Ako na muna kay Brielle.”Umiling siya at ngumiti. “Nope. I like carrying her. Doon ka na sa asawa mo. Enjoy your wedding.”Tumango nalang ako at iniwan silang maglolo matapos kong halikan ang noo ni Brielle. Nang bu
Lukas de MarcoWHO would've thought that I'll marry twice when I presumed then that no one will ever like me because I'm a rugged and snob man? I don't even have an ex-girlfriend. I drowned myself in studying and proving my worth to my father who hates me then after my mother died giving birth to me. Thinking about my previous life made me sigh. When I married Alicia, I was happy because at last, I found a woman who will love me but when I learned about her lies, my dreams shattered.Nakakapanghinayang lang na marami akong pangarap para sa aming tatlo nina Lira pero it turns out na mali palang nangarap ako kaagad dahil hindi pala totoo ang mga nakita at ipinakita niya sa akin. Although our love was real, it doesn't give her the rights to lie about my kids and made a fool out of me. I loved the wrong woman.“Dude!”&
Blair CastroISA sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko ay noong nasilayan ko ang triplets nang isilang ko sila. Kasunod niyon ay ang mga pangit na pangyayaring maituturing ko nalang na masamang panaginip. Isang panaginip na hindi maaaring iwasan at hindi ko inasahan.After everything that happened, hindi ko na alam kung tama bang sabihin ko na worth ang lahat ng paglaban at hirap ko gayong marami akong nasaktan at nasagasaang tao. Firsly, Alicia, na naghangad ng mas higit sa naabot niya. Ang kaniyang ama na nasaktan ng husto sa pagkawala ng kaisa-isang anak niya. Si Cloud na naghangad ng pagmamahal na hindi maaring masuklian at labis na nasaktan sa bandang huli at ang iba pang mga taong nadamay sa gulo namin ni Alicia. Gayunpaman, wala akong pinagsisisihan dahil naitama ko naman ang lahat at nabawi ang una palang ay akin na.Ngayon
Lukas de MarcoI KEPT on walking back and forth. Paulit-ulit kong ginugulo ang buhok ko habang naghihintay sa delivery room. Sumilip ako at napalunok nang makita ang asawa ko na nakahiga at napapalibutan ng mga nurses. Sa paanan niya ay nakatayo ang babaeng doktor. Napatingin siya sa akin saka ngumiti. Alanganin naman akong gumanti ng ngiti saka nilingon ang mga bata.Mali si Blair, hindi magpapanic ang mga bata kapag narinig ang sigaw niya. Ako ang magpapanic at hihimatayin pa yata dahil ninenerbyos ako habang kalmado ang triplets na kausap sa telepono ang tito Adrian nila. They're calling everyone, telling them about the news.I took a deep sigh, and looked at Blair again. She was nodding whilst talking to the doctor. God, she looked so scared.I remember the article I've read. Hindi ko makalimutan kong paano ipinaliwanag ng article kung gaano kasakit
Blair CastroMABILIS na lumipas ang mga araw at buwan. Natapos ang theraphy ni Onyx at mayroon siyang regular monthly check-up. Maayos ang kalagayan niya at sinigurado sa amin ng doktor na magaling na siya. Ipagdasal nalang raw namin na 'wag magkaroon ng relapse kaya ganoon nga ang ginagawa namin.Napahawak ako sa tiyan ko at ngumiwi nang bigla itong humilab. Umawang ang labi ko nang sumipa rin ang munting de Marco sa tiyan ko.May na ngayon at kabuwanan ko na. Nag-advice ang doktor ko na palagi akong maglakad-lakad at gawin raw namin ni Lukas ang bagay na 'yon tuwing gabi lalo ngayong kabuwanan ko para daw hindi ako gaanong mahirapan sa pagluwal sa bata. Ang lalaking abusado naman, palaging idinadahilan ang bagay na 'yon sa akin.“DADDY!!!”Napatingin ako sa may pintuan nang magsisigaw si Lira. Pumasok siya sa bahay at n
Blair CastroKATATAPOS lang namin ni Lukas kumausap ng wedding planner. Talagang excited na excited siyang ikasal kami. Panay ang halik niya kamay ko bawat sagot niya sa tanong ng wedding planner na kinuha niya, hindi ko naman maiwasang mahiya at pamulahan ng mukha dahil panay ang ngiti sa amin ng babae.“Bakit ka ba halik ng halik?” Siniko ko si Lukas nang makaalis ang wedding planner.Binitawan niya ako at sumandal sa sofa. “Titig na titig kasi sa 'kin. Di ka ba nagselos?”Tumawa ako. Talaga ngang titig na titig sa kaniya ang babae kanina. Hindi ko nalang pinapansin dahil mabait at maayos naman siyang kausap.“Hoy!” Kinalabit ako ni Lukas. Nakasimangot siya. “Hindi ka ba talaga nagseselos?”Tinitigan ko siya. “Sino sa amin ang mas maganda?”
Blair CastroNATATAWA ako habang pinagmamasdan sina Adrian at Ryu na binubully si Owen. Nalaman kasi nila mula kay Lukas ang nangyari at sumama nga sila pag-uwi ni Lukas para tingnan ang makulit na bata. Ayon at inaasar nila.Medyo bumabalik naman na sa normal ang mukha at katawan ni Owen pero may pantal pa rin.“Mukha kang tinapay na umalsa, pareng Owen.” Tawang-tawa pa na sabi ni Ryu.Lumingon sa akin ang anak ko, humihingi ng tulong pero hindi ko rin napigilang matawa kaya lalong natawa ang mga tito niya.“Owen, sana sinabi mong gusto mong magpataba. Bukas pag okay ka na, hanap tayo ng basil,” pang-aasar naman ni Adrian.Bumaba mula sa itaas si Lukas na basa ang buhok at nakasuot nalang ng pambahay. Pag-uwi niya ay agad siyang naligo at hindi ko alam kung bakit excited na excited siya.
Blair CastroINAAYOS ko ang mga bulaklak na naipon na sa vase sa kwarto ko dahil hanggang ngayon ay hindi pumapalya si Lukas sa pagbibigay sa akin ng bulaklak.“Mommy!!!!”Gulat akong napatingin sa pinto ng kwarto ko nang marahas itong bumukas. Pumasok si Lira na hingal na hingal at nanlalaki ang mga mata. Agad ko siyang nilapitan. Pawis na pawis siya. “Anong nangyari? Bakit ka sumisigaw?”“Si kuya Owen po, mataba na!”Natigilan ako. Ano raw? Tumayo ako ng tuwid at namaywang. “Niloloko mo yata ako e. Anong mataba? Kumakain ba si kuya Owen mo? Anong kinakain niya?”Ngumuso siya. “Mommy, tunay po! Nasa likod po kami kanina tapos nag-akyat po siya sa puno tapos bigla po siyang kinati tapos tumaba na siya. Malaki na pisngi ni kuya.”Nami