Share

Kabanata 66

Blair Castro

INAAYOS ko ang mga damit ni Owen. Nandito ako sa kwarto niya habang nasa kusina silang magkakapatid at kasama si Cloud. Nagluluto kasi ito ng hapunan habang iniwan ko naman sa sala sina Ryu at Lukas na nag-uusap.

Maayos kong tinupi ang huling damit ni Owen saka inilagay sa closet. Napahawak ako sa tagiliran ko nang bahagyang kumirot ang sugat ko pero agad ring nawala.

Napabuntong-hininga ako. Sinabi ni Lukas na ipinakulong na niya si Alicia at on-going na ang kaso nito pero gusto ko pa rin siyang makita at ipamukha sa kaniya na natalo ko siya dahil buhay na buhay ako. Sa isang araw ay plano kong pumunta sa hearing niya. Gusto kong makita kung paano siya hahatulan sa mga kasalanang ginawa niya.

“Blair.”

Napatingin ako sa pinto nang may kumatok at binuksan ito kasabay ng pagtawag sa pangalan ko. Si Lukas 'yon at agad nagtama ang paningin na

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status