Blair Castro
“SIGE na, matulog na kayo,” sabi ko sa mga bata. Magkakatabi sila ngayon sa kwarto ni Onyx. Nasa gitna nina Owen at Onyx si Lira at nakasimangot si Onyx dahil ayaw niyang tumabi si Lira sa kanila kaso ewan ko ba at naisipan 'yon ng huli. Gusto siguro niyang lambingin ang kuya niya na inaabot na naman ng pagkabugnutin.
“Goodnight, mommy!”
Ngumiti. “Goodnight, babies.” agad kong pinatay ang ilaw kahit nagsasalita pa si Owen. Baka kasi kung saan na naman mapunta ang usapan nila at malate pa ako sa lakad ko.
Nang isara ko ang pinto ng kwarto ni Onyx ay agad akong pumasok sa kwarto ko. Tiningnan ko ang oras at 8:15 pm na. Agad akong pumili ng damit saka inilatag sa kama at pumasok sa banyo.
Ano kayang surpresa ni Lukas pa sa 'kin? Wala pa man ay kinikilig na ako sa surprise niya. Pero teka,
Blair CastroNAKARAMDAM ako ng kung anong malambot at mamasa-masang nakadikit sa mga labi ko. Kumunot ang noo ko nang gumalaw ito at nang magmulat ako ng mata ay mabilis kong naitulak si Cloud palayo sa akin.Bumaba ako ng kama habang gulat na gulat na nakatingin sa kaniya. B-Bakit niya ako hinahalikan?Mabilis siyang bumangon na tila ba natauhan at tumakbo palapit sa sakin. Hinawakan niya ang magkabila kong balikat. “B-Blair, sorry. H-Hindi ko sinasadya!”Hindi ako makapagsalita. Natulala ako sa kaniya habang unti-unting nagsisink-in sa akin ang lahat. N-Nakikita niya ako? Tama ang hinala ko noon. Tama ang sinabi ni Lukas.Mabilis akong umatras palayo sa kaniya habang umiiling. “N-Niloko mo ako, Cloud.”Muli siyang natigilan. Lumunok siya at umawang ang labi pero bago pa lumabas ang kung anong kasinun
Lukas de MarcoNAKATULALA lang ako habang nakahiga sa sofa. Amoy na amoy ko pa sa sarili ko ang alak na ininom ko kagabi at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magawang kumilos mula nang magising ako kaninang umaga.“Wala ka bang balak na umalis?”Hindi ko pinansin ang nagtanong. Masama pa rin ang loob ko kay Blair kaya mas mabuting dito nalang muna ako kaysa mag-away kami. Ayokong makipag-away sa kaniya dahil baka masaktan ko pa siya sa mabibitawan kong salita dahil sa tampo ko.Pabalyang naupo si Adrian sa kabilang sofa kaya napalingon na ako sa kaniya.“It's weird,” sabi ko habang nakatingin sa kaniya.“Malamang weird. Magkaaway tayo kaya bakit nandito ka?” pabalang niyang sagot.
Blair CastroTINUPAD ni Lukas ang sinabi niya. Natulog ako na hawak ang kamay niya at nang magising ako ay magkahawak pa rin ang kamay naming dalawa. Tulog na tulog siya habang nakasubsob sa kama at nakadikit ang kamay ko sa pisngi niya.Tinitigan ko siya. Gamit ang libreng kamay ko ay hinaplos ko ang kaniyang buhok na hanggang ngayon ay dilaw pa rin.Ngumiti ako. Nahuli niya ang ngiti ko nang magmulat siya ng mga mata. Nagkatitigan kami at ilang sandali lamang ay ngumiti siya at umayos ng upo. He stretched his neck and looked at me again. “How's your sleep?”Sumilip ako sa labas ng bintana. “Masarap ang tulog ko. Inabot na tayo ng gabi.”Tumango siya habang nakatingin sa bintana. “You're right. Okay ka na ba? Sabi ni dok pwede ka nang lumabas kapag nagising ka na e.”Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko
Blair CastroNAKAUWI kami ni Lukas ng gabing 'yon. Tulog na ang mga bata at nagising lang namin si Jeanette. Alalang-alala siya habang kinukumusta ako. Hindi ko na rin siya hinayaang umuwi. Doon siya natulog sa kwarto ni Lira habang dumiretso naman kami ni Lukas sa kwarto ko.Yakap niya ako habang nakaunan ako sa braso niya.Hinaplos ko ang dibdib niya. “Saan ka pala nagpunta? Hindi ka raw mahanap ni Ryu e.”Hinaplos niya ang buhok ko saka hinalikan ang ulo ko. “Kay Adrian.”Nangunot ang noo ko at tiningala siya. “Kay Adrian? Okay na kayo?”Umiling siya. “Not really. Galit pa rin ako sa kaniya dahil sinaktan ka niya.”Ngumiti ako at idinikit ang pisngi ko sa dibdib niya. Niyakap ko siya ng mahigpit. “Thank you for everything, Lukas. Mahal
Blair CastroNAPAG-USAPAN kaagad namin ni Lukas ang kasal pagkatapos niyang magpropose. Gusto niyang magpakasal na kaagad kami bago pa lumaki ang tiyan dahil mahihirapan na raw akong lumakad. Ang problema, ayoko pang makasal kaagad kami dahil hindi pa ako sigurado kung tapos na nga ba ang laban namin sa mga Gonzales. Oo, wala na si Alicia, pero para sa mga magulang niya na nangungulila ngayon ako ang may kasalanan ng lahat kaya tiyak akong hindi sila basta papayag na hindi ako pagbayarin.Isa pa, mas natatakot ako ngayong nananahimik ang pamilya ni Alicia. Baka mamaya, bigla nila kaming sugurin sa mismong araw ng kasal namin ni Lukas. Ayokong may mapahamak kaya magtitiis muna kami ng ilang panahon.“Mommy, may suprise po ako pag uwi niyo ni kuya Onyx,” nakangiting sabi ni Lira habang inaayos ko ang bag ko.Tapos na ang apat na linggong interv
Blair Castro “THANK you, Mr. Kim,” sabi ko bago patayin ang tawag. Nang ibaba ko ang cellphone ko ay agad kong tiningnan si Onyx. Ngumiti ako. “Okay lang ang papa at mga kapatid mo, 'nak.” Tumango siya. Gabi na ngayon at hanggang pag-uwi ni Lukas sa bahay ay pinabantayan ko kay Mr. Kim para mapanatag kami ni Onyx. Sa labas naman ng hospital ay pakalat-kalat rin ang mga tauhan ni Mr. Kim para pati kami ni Onyx ay tiyak na ligtas. Mababaw ang tulog ko nang gabing 'yon. Kinabukasan naman ay namulatan ko ng mata si Lukas na nakatitig sa akin habang nakahiga ako dito sa sofa. Ngumiti ako nang ngumiti rin siya at bumati. “Good morning.” Bumangon ako. Inalalayan niya naman ako saka ko lamang napansin sina Owen at Lira na nakaupo sa magkabilang gilid ni Onyx. Kumakain silang tatlo.
Blair CastroMAAGANG umalis si Lukas kaninang umaga para sa business conference niya bukas. Pinasundan ko siya kay Mr. Kim para tiyaking ligtas siya. Pinacheck ko rin ang flight niya at ang mga posibleng paraan para saktan siya ng mga Gonzales o ng kung sino man. Sa bahay naman ay pinaiwan ni Mr. Kim ang ilang tauhan niya para magbantay. Tumawag nga sa akin si Jeanette kanina kasi akala niya raw ay kung sino ang mga tao sa labas pero sinabi ko naman sa kaniya na magbabantay ang mga ito sa kanila.“Ma,”Napatingin ako kay Onyx na lumabas ng banyo. Agad ko siyang nilapitan at kinuha ang toothbrush niya.“Matulog ka na, 'nak,” sabi ko kay Onyx. Agad naman siyang tumango at sumampa sa kama.Agad akong tumabi sa kaniya. Niyakap ko siya saka ako pumikit. Naramdaman ko ang paghaplos ng kamay niya sa pisngi ko bago ak
Blair Castro“MA!”Halos manginig ako pagkatapos ng malakas na sigaw ni Onyx. Naitulak ako ni Mr. Gonzales pero nahila ko siya at nauna siyang mahulog kaysa sa akin dahil nakahawak ako.Nangatal ang mga labi ko habang nakatingin sa ibaba. Mabilis rin akong napatingin sa itaas nang may humawak sa kamay ko.“Ma! Ma, 'wag kang bibitaw!”Napatakan ako ng luha ni Onyx at nagkaroon ng pagnanais sa loob ko na ilaban ang buhay kong pilit na hinihila ng kamatayan.Nginitian ko ang anak ko. “'Nak, hanap ka ng tulong, 'nak. Kailangan ni mama ng tulong.”Suminghot siya at tumango bago tumakbo paalis. Napalunok ako habang mahigpit na nakahawak sa gilid ng rooftop. Nangilid ang luha ko. Hindi ako pwedeng mamatay dito. Kailangan ako ng mga anak ko!Ki
Blair Castro-de MarcoPINAGMAMASDAN ko si Owen na tinuturuang tumugtog ng gitara si Lira. Abalang-abala sila sa sarili nilang mundo. Ganoon rin si Onyx na nakahiga sa sofa at nanunuod ng basketball. Nasa kabilang sofa naman si Brielle na hawak ang iPad niya at may kung anong ginagawa.Napangiti ako. It's been ten years since I gave birth to Brielle at ngayon ang tenth birthday niya.Hindi na nasundan si Brielle, ayaw na ni Lukas na magbuntis ako dahil baka himatayin na raw siya sa susunod. Ayoko na rin naman talagang sundan pa si Brielle, tama na ang apat na anak.“My,” ani Brielle na napansin ako. “Si dada, nasaan na po?”Bilang request kasi niya ay kakain lang kami sa labas ngayong 10th birthday niya. Pumayag naman si Lukas na may meeting lang sandali sa opisina.Tuluyan akong bumaba ng
Blair Castro-de MarcoNAKANGITI kong pinagmamasdan ang mag-aama habang kumakain sila ng cake. Pagkatapos naming hiwain ni Lukas ang wedding cake ay sinubuan namin ang isa't-isa saka niya nilapitan ang triplets at pinakain. Karga-karga naman ng dad ni Lukas si baby Brielle.“Dad,” nilapitan ko ang ama ni Lukas. Ngumiti siya sa akin habang giliw na giliw sa bunso ng mga de Marco.“She's so beautiful, Blair,” aniya habang hinahalikan ang pisngi ni Brielle.Hinawakan ko ang kamay nito saka muling tiningnan ang ama ni Lukas. “Kumain ka na po muna, dad. Ako na muna kay Brielle.”Umiling siya at ngumiti. “Nope. I like carrying her. Doon ka na sa asawa mo. Enjoy your wedding.”Tumango nalang ako at iniwan silang maglolo matapos kong halikan ang noo ni Brielle. Nang bu
Lukas de MarcoWHO would've thought that I'll marry twice when I presumed then that no one will ever like me because I'm a rugged and snob man? I don't even have an ex-girlfriend. I drowned myself in studying and proving my worth to my father who hates me then after my mother died giving birth to me. Thinking about my previous life made me sigh. When I married Alicia, I was happy because at last, I found a woman who will love me but when I learned about her lies, my dreams shattered.Nakakapanghinayang lang na marami akong pangarap para sa aming tatlo nina Lira pero it turns out na mali palang nangarap ako kaagad dahil hindi pala totoo ang mga nakita at ipinakita niya sa akin. Although our love was real, it doesn't give her the rights to lie about my kids and made a fool out of me. I loved the wrong woman.“Dude!”&
Blair CastroISA sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko ay noong nasilayan ko ang triplets nang isilang ko sila. Kasunod niyon ay ang mga pangit na pangyayaring maituturing ko nalang na masamang panaginip. Isang panaginip na hindi maaaring iwasan at hindi ko inasahan.After everything that happened, hindi ko na alam kung tama bang sabihin ko na worth ang lahat ng paglaban at hirap ko gayong marami akong nasaktan at nasagasaang tao. Firsly, Alicia, na naghangad ng mas higit sa naabot niya. Ang kaniyang ama na nasaktan ng husto sa pagkawala ng kaisa-isang anak niya. Si Cloud na naghangad ng pagmamahal na hindi maaring masuklian at labis na nasaktan sa bandang huli at ang iba pang mga taong nadamay sa gulo namin ni Alicia. Gayunpaman, wala akong pinagsisisihan dahil naitama ko naman ang lahat at nabawi ang una palang ay akin na.Ngayon
Lukas de MarcoI KEPT on walking back and forth. Paulit-ulit kong ginugulo ang buhok ko habang naghihintay sa delivery room. Sumilip ako at napalunok nang makita ang asawa ko na nakahiga at napapalibutan ng mga nurses. Sa paanan niya ay nakatayo ang babaeng doktor. Napatingin siya sa akin saka ngumiti. Alanganin naman akong gumanti ng ngiti saka nilingon ang mga bata.Mali si Blair, hindi magpapanic ang mga bata kapag narinig ang sigaw niya. Ako ang magpapanic at hihimatayin pa yata dahil ninenerbyos ako habang kalmado ang triplets na kausap sa telepono ang tito Adrian nila. They're calling everyone, telling them about the news.I took a deep sigh, and looked at Blair again. She was nodding whilst talking to the doctor. God, she looked so scared.I remember the article I've read. Hindi ko makalimutan kong paano ipinaliwanag ng article kung gaano kasakit
Blair CastroMABILIS na lumipas ang mga araw at buwan. Natapos ang theraphy ni Onyx at mayroon siyang regular monthly check-up. Maayos ang kalagayan niya at sinigurado sa amin ng doktor na magaling na siya. Ipagdasal nalang raw namin na 'wag magkaroon ng relapse kaya ganoon nga ang ginagawa namin.Napahawak ako sa tiyan ko at ngumiwi nang bigla itong humilab. Umawang ang labi ko nang sumipa rin ang munting de Marco sa tiyan ko.May na ngayon at kabuwanan ko na. Nag-advice ang doktor ko na palagi akong maglakad-lakad at gawin raw namin ni Lukas ang bagay na 'yon tuwing gabi lalo ngayong kabuwanan ko para daw hindi ako gaanong mahirapan sa pagluwal sa bata. Ang lalaking abusado naman, palaging idinadahilan ang bagay na 'yon sa akin.“DADDY!!!”Napatingin ako sa may pintuan nang magsisigaw si Lira. Pumasok siya sa bahay at n
Blair CastroKATATAPOS lang namin ni Lukas kumausap ng wedding planner. Talagang excited na excited siyang ikasal kami. Panay ang halik niya kamay ko bawat sagot niya sa tanong ng wedding planner na kinuha niya, hindi ko naman maiwasang mahiya at pamulahan ng mukha dahil panay ang ngiti sa amin ng babae.“Bakit ka ba halik ng halik?” Siniko ko si Lukas nang makaalis ang wedding planner.Binitawan niya ako at sumandal sa sofa. “Titig na titig kasi sa 'kin. Di ka ba nagselos?”Tumawa ako. Talaga ngang titig na titig sa kaniya ang babae kanina. Hindi ko nalang pinapansin dahil mabait at maayos naman siyang kausap.“Hoy!” Kinalabit ako ni Lukas. Nakasimangot siya. “Hindi ka ba talaga nagseselos?”Tinitigan ko siya. “Sino sa amin ang mas maganda?”
Blair CastroNATATAWA ako habang pinagmamasdan sina Adrian at Ryu na binubully si Owen. Nalaman kasi nila mula kay Lukas ang nangyari at sumama nga sila pag-uwi ni Lukas para tingnan ang makulit na bata. Ayon at inaasar nila.Medyo bumabalik naman na sa normal ang mukha at katawan ni Owen pero may pantal pa rin.“Mukha kang tinapay na umalsa, pareng Owen.” Tawang-tawa pa na sabi ni Ryu.Lumingon sa akin ang anak ko, humihingi ng tulong pero hindi ko rin napigilang matawa kaya lalong natawa ang mga tito niya.“Owen, sana sinabi mong gusto mong magpataba. Bukas pag okay ka na, hanap tayo ng basil,” pang-aasar naman ni Adrian.Bumaba mula sa itaas si Lukas na basa ang buhok at nakasuot nalang ng pambahay. Pag-uwi niya ay agad siyang naligo at hindi ko alam kung bakit excited na excited siya.
Blair CastroINAAYOS ko ang mga bulaklak na naipon na sa vase sa kwarto ko dahil hanggang ngayon ay hindi pumapalya si Lukas sa pagbibigay sa akin ng bulaklak.“Mommy!!!!”Gulat akong napatingin sa pinto ng kwarto ko nang marahas itong bumukas. Pumasok si Lira na hingal na hingal at nanlalaki ang mga mata. Agad ko siyang nilapitan. Pawis na pawis siya. “Anong nangyari? Bakit ka sumisigaw?”“Si kuya Owen po, mataba na!”Natigilan ako. Ano raw? Tumayo ako ng tuwid at namaywang. “Niloloko mo yata ako e. Anong mataba? Kumakain ba si kuya Owen mo? Anong kinakain niya?”Ngumuso siya. “Mommy, tunay po! Nasa likod po kami kanina tapos nag-akyat po siya sa puno tapos bigla po siyang kinati tapos tumaba na siya. Malaki na pisngi ni kuya.”Nami