Blair Castro
MAAGANG umalis si Lukas kaninang umaga para sa business conference niya bukas. Pinasundan ko siya kay Mr. Kim para tiyaking ligtas siya. Pinacheck ko rin ang flight niya at ang mga posibleng paraan para saktan siya ng mga Gonzales o ng kung sino man. Sa bahay naman ay pinaiwan ni Mr. Kim ang ilang tauhan niya para magbantay. Tumawag nga sa akin si Jeanette kanina kasi akala niya raw ay kung sino ang mga tao sa labas pero sinabi ko naman sa kaniya na magbabantay ang mga ito sa kanila.
“Ma,”
Napatingin ako kay Onyx na lumabas ng banyo. Agad ko siyang nilapitan at kinuha ang toothbrush niya.
“Matulog ka na, 'nak,” sabi ko kay Onyx. Agad naman siyang tumango at sumampa sa kama.
Agad akong tumabi sa kaniya. Niyakap ko siya saka ako pumikit. Naramdaman ko ang paghaplos ng kamay niya sa pisngi ko bago ak
Blair Castro“MA!”Halos manginig ako pagkatapos ng malakas na sigaw ni Onyx. Naitulak ako ni Mr. Gonzales pero nahila ko siya at nauna siyang mahulog kaysa sa akin dahil nakahawak ako.Nangatal ang mga labi ko habang nakatingin sa ibaba. Mabilis rin akong napatingin sa itaas nang may humawak sa kamay ko.“Ma! Ma, 'wag kang bibitaw!”Napatakan ako ng luha ni Onyx at nagkaroon ng pagnanais sa loob ko na ilaban ang buhay kong pilit na hinihila ng kamatayan.Nginitian ko ang anak ko. “'Nak, hanap ka ng tulong, 'nak. Kailangan ni mama ng tulong.”Suminghot siya at tumango bago tumakbo paalis. Napalunok ako habang mahigpit na nakahawak sa gilid ng rooftop. Nangilid ang luha ko. Hindi ako pwedeng mamatay dito. Kailangan ako ng mga anak ko!Ki
Blair CastroNATAPOS ang 28 days na consolidation theraphy ni Onyx kaya nakauwi na ulit kami sa bahay. Naging masaya naman kami pagkatapos ng lahat. Lumipas ang pasko at ngayon ay sabay-sabay naming sasalubungin ang bagong taon na magkakasama.Napatingin ako kay Adrian nang pumasok siya sa kusina. Abala kami ni Jeanette sa pagluluto at kanina pa siya pabalik-balik dito dahil itinago ni Jeanette ang susi ng motor nito. Gusto kasi nitong umalis dahil may kikitain raw na babae pero ayaw siyang payagan ng pinsanin. Ayaw rin naman siyang pahiramin nina Ryu at Lukas ng sasakyan, maging dad nila na nandito rin ngayon sa bahay.“Jean, akina ang susi ko!” pagmamaktol niya sa pinsan.Namaywang si Jeanette. “Manahimik ka diyan, Adrian. Kaysa sayangin mo ang oras at pera mo sa mga babae, dito ka nalang ngayong gabi. Ibalato mo naman kay tito ang ba
Blair CastroKINABUKASAN ay pumunta kami sa puntod ng parents ko. Magkahawak kami ni Lukas ng kamay habang nauuna sa amin ang triplets. Nang makarating kami sa harapan ng puntod ng parents ko ay agad akong naupo sa damuhan. Umupo sa tabi ko si Lukas habang nanatiling nakatayo sa gilid namin ang mga bata.“Mama, sino sila?” tanong ni Owen na naupo sa tabi ko.Hinawakan ko ang ulo niya. Naupo naman sina Lira at Onyx sa kabilang gilid ni Lukas.Nginitian ko si Owen. “Sila ang mama at papa ko.”“Lolo at lola namin po? Marami kaming grandparents?” gulat at masayang tanong ni Lira.Tumango ako at hinaplos ang pisngi niya. “Yes, sweetie.”Tiningnan ko si Lukas na inakbayan si Owen. Parehong naka top knot ang buhok nila at lalo na silang naging magkamuk
Blair CastroINAAYOS ko ang mga bulaklak na naipon na sa vase sa kwarto ko dahil hanggang ngayon ay hindi pumapalya si Lukas sa pagbibigay sa akin ng bulaklak.“Mommy!!!!”Gulat akong napatingin sa pinto ng kwarto ko nang marahas itong bumukas. Pumasok si Lira na hingal na hingal at nanlalaki ang mga mata. Agad ko siyang nilapitan. Pawis na pawis siya. “Anong nangyari? Bakit ka sumisigaw?”“Si kuya Owen po, mataba na!”Natigilan ako. Ano raw? Tumayo ako ng tuwid at namaywang. “Niloloko mo yata ako e. Anong mataba? Kumakain ba si kuya Owen mo? Anong kinakain niya?”Ngumuso siya. “Mommy, tunay po! Nasa likod po kami kanina tapos nag-akyat po siya sa puno tapos bigla po siyang kinati tapos tumaba na siya. Malaki na pisngi ni kuya.”Nami
Blair CastroNATATAWA ako habang pinagmamasdan sina Adrian at Ryu na binubully si Owen. Nalaman kasi nila mula kay Lukas ang nangyari at sumama nga sila pag-uwi ni Lukas para tingnan ang makulit na bata. Ayon at inaasar nila.Medyo bumabalik naman na sa normal ang mukha at katawan ni Owen pero may pantal pa rin.“Mukha kang tinapay na umalsa, pareng Owen.” Tawang-tawa pa na sabi ni Ryu.Lumingon sa akin ang anak ko, humihingi ng tulong pero hindi ko rin napigilang matawa kaya lalong natawa ang mga tito niya.“Owen, sana sinabi mong gusto mong magpataba. Bukas pag okay ka na, hanap tayo ng basil,” pang-aasar naman ni Adrian.Bumaba mula sa itaas si Lukas na basa ang buhok at nakasuot nalang ng pambahay. Pag-uwi niya ay agad siyang naligo at hindi ko alam kung bakit excited na excited siya.
Blair CastroKATATAPOS lang namin ni Lukas kumausap ng wedding planner. Talagang excited na excited siyang ikasal kami. Panay ang halik niya kamay ko bawat sagot niya sa tanong ng wedding planner na kinuha niya, hindi ko naman maiwasang mahiya at pamulahan ng mukha dahil panay ang ngiti sa amin ng babae.“Bakit ka ba halik ng halik?” Siniko ko si Lukas nang makaalis ang wedding planner.Binitawan niya ako at sumandal sa sofa. “Titig na titig kasi sa 'kin. Di ka ba nagselos?”Tumawa ako. Talaga ngang titig na titig sa kaniya ang babae kanina. Hindi ko nalang pinapansin dahil mabait at maayos naman siyang kausap.“Hoy!” Kinalabit ako ni Lukas. Nakasimangot siya. “Hindi ka ba talaga nagseselos?”Tinitigan ko siya. “Sino sa amin ang mas maganda?”
Blair CastroMABILIS na lumipas ang mga araw at buwan. Natapos ang theraphy ni Onyx at mayroon siyang regular monthly check-up. Maayos ang kalagayan niya at sinigurado sa amin ng doktor na magaling na siya. Ipagdasal nalang raw namin na 'wag magkaroon ng relapse kaya ganoon nga ang ginagawa namin.Napahawak ako sa tiyan ko at ngumiwi nang bigla itong humilab. Umawang ang labi ko nang sumipa rin ang munting de Marco sa tiyan ko.May na ngayon at kabuwanan ko na. Nag-advice ang doktor ko na palagi akong maglakad-lakad at gawin raw namin ni Lukas ang bagay na 'yon tuwing gabi lalo ngayong kabuwanan ko para daw hindi ako gaanong mahirapan sa pagluwal sa bata. Ang lalaking abusado naman, palaging idinadahilan ang bagay na 'yon sa akin.“DADDY!!!”Napatingin ako sa may pintuan nang magsisigaw si Lira. Pumasok siya sa bahay at n
Lukas de MarcoI KEPT on walking back and forth. Paulit-ulit kong ginugulo ang buhok ko habang naghihintay sa delivery room. Sumilip ako at napalunok nang makita ang asawa ko na nakahiga at napapalibutan ng mga nurses. Sa paanan niya ay nakatayo ang babaeng doktor. Napatingin siya sa akin saka ngumiti. Alanganin naman akong gumanti ng ngiti saka nilingon ang mga bata.Mali si Blair, hindi magpapanic ang mga bata kapag narinig ang sigaw niya. Ako ang magpapanic at hihimatayin pa yata dahil ninenerbyos ako habang kalmado ang triplets na kausap sa telepono ang tito Adrian nila. They're calling everyone, telling them about the news.I took a deep sigh, and looked at Blair again. She was nodding whilst talking to the doctor. God, she looked so scared.I remember the article I've read. Hindi ko makalimutan kong paano ipinaliwanag ng article kung gaano kasakit