Blair Castro
“SIGURADO kang si Adrian ang nag-abot sa 'yo nito?” nagtatakang tanong ni Lukas nang sabihin ko sa kaniya ang ginawa ni Adrian at ibigay sa kaniya ang iniwan nitong brown envelope.
Tumango ako. “Yeah. Nagulat nga rin ako pero tama ako, hindi siya masamang tao.”
Dumilim ang mukha ni Lukas. “Nasaktan ka pa rin niya at hindi ko gusto 'yon.”
Hindi na ako nagkomento sa sinabi niya. “Mabuti pa ay puntahan mo ang dad mo. Kausapin mo siya. Sinabi ko naman sa 'yo diba, dapat kayong mag-usap.”
Tinitigan niya ako. Hindi ko alam kung anong iniisip niya pero nginitian ko siya at hinaplos ang pisngi niya. “Para sa mga anak natin.”
Humugot siya ng isang malalim na buntong-hininga saka marahang tumango. “Para sa inyo ng mga bata,” aniya at mabil
Blair CastroHINILA at niyakap ako ni Lukas nang dumating siya matapos kumalat ang news tungkol kay Alicia. Marahan niyang hinaplos ang buhok ko. “Hindi ba nakita ni Lira ang news?” pabulong na tanong niya.Umiling ako. “Hindi. Tinanggal ko ang saksak ng signal ng TV para hindi sila makapanuod. Baka kasi biglang lumabas sa news. Kinuha ko naman ang phone ni Onyx para hindi sila makapag-internet.”Tumango siya at bahagyang lumayo sa akin. “Ikaw? Okay ka lang ba? Anong nararamdaman mo?”Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi saka siya tinitigan. “Lukas, ginawa ni Alicia 'yon dahil nasasaktan siya. G-Ginawa niya 'yon kasi minahal mo ako at iniwan siya…” natigilan ako nang bitawan niya ako.Lumunok ako at sinalubong ang titig niya. Hindi ko maintindihan ang emosyon sa kaniyang mga mata.
Blair Castro“SIGE na, matulog na kayo,” sabi ko sa mga bata. Magkakatabi sila ngayon sa kwarto ni Onyx. Nasa gitna nina Owen at Onyx si Lira at nakasimangot si Onyx dahil ayaw niyang tumabi si Lira sa kanila kaso ewan ko ba at naisipan 'yon ng huli. Gusto siguro niyang lambingin ang kuya niya na inaabot na naman ng pagkabugnutin.“Goodnight, mommy!”Ngumiti. “Goodnight, babies.” agad kong pinatay ang ilaw kahit nagsasalita pa si Owen. Baka kasi kung saan na naman mapunta ang usapan nila at malate pa ako sa lakad ko.Nang isara ko ang pinto ng kwarto ni Onyx ay agad akong pumasok sa kwarto ko. Tiningnan ko ang oras at 8:15 pm na. Agad akong pumili ng damit saka inilatag sa kama at pumasok sa banyo.Ano kayang surpresa ni Lukas pa sa 'kin? Wala pa man ay kinikilig na ako sa surprise niya. Pero teka,
Blair CastroNAKARAMDAM ako ng kung anong malambot at mamasa-masang nakadikit sa mga labi ko. Kumunot ang noo ko nang gumalaw ito at nang magmulat ako ng mata ay mabilis kong naitulak si Cloud palayo sa akin.Bumaba ako ng kama habang gulat na gulat na nakatingin sa kaniya. B-Bakit niya ako hinahalikan?Mabilis siyang bumangon na tila ba natauhan at tumakbo palapit sa sakin. Hinawakan niya ang magkabila kong balikat. “B-Blair, sorry. H-Hindi ko sinasadya!”Hindi ako makapagsalita. Natulala ako sa kaniya habang unti-unting nagsisink-in sa akin ang lahat. N-Nakikita niya ako? Tama ang hinala ko noon. Tama ang sinabi ni Lukas.Mabilis akong umatras palayo sa kaniya habang umiiling. “N-Niloko mo ako, Cloud.”Muli siyang natigilan. Lumunok siya at umawang ang labi pero bago pa lumabas ang kung anong kasinun
Lukas de MarcoNAKATULALA lang ako habang nakahiga sa sofa. Amoy na amoy ko pa sa sarili ko ang alak na ininom ko kagabi at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magawang kumilos mula nang magising ako kaninang umaga.“Wala ka bang balak na umalis?”Hindi ko pinansin ang nagtanong. Masama pa rin ang loob ko kay Blair kaya mas mabuting dito nalang muna ako kaysa mag-away kami. Ayokong makipag-away sa kaniya dahil baka masaktan ko pa siya sa mabibitawan kong salita dahil sa tampo ko.Pabalyang naupo si Adrian sa kabilang sofa kaya napalingon na ako sa kaniya.“It's weird,” sabi ko habang nakatingin sa kaniya.“Malamang weird. Magkaaway tayo kaya bakit nandito ka?” pabalang niyang sagot.
Blair CastroTINUPAD ni Lukas ang sinabi niya. Natulog ako na hawak ang kamay niya at nang magising ako ay magkahawak pa rin ang kamay naming dalawa. Tulog na tulog siya habang nakasubsob sa kama at nakadikit ang kamay ko sa pisngi niya.Tinitigan ko siya. Gamit ang libreng kamay ko ay hinaplos ko ang kaniyang buhok na hanggang ngayon ay dilaw pa rin.Ngumiti ako. Nahuli niya ang ngiti ko nang magmulat siya ng mga mata. Nagkatitigan kami at ilang sandali lamang ay ngumiti siya at umayos ng upo. He stretched his neck and looked at me again. “How's your sleep?”Sumilip ako sa labas ng bintana. “Masarap ang tulog ko. Inabot na tayo ng gabi.”Tumango siya habang nakatingin sa bintana. “You're right. Okay ka na ba? Sabi ni dok pwede ka nang lumabas kapag nagising ka na e.”Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko
Blair CastroNAKAUWI kami ni Lukas ng gabing 'yon. Tulog na ang mga bata at nagising lang namin si Jeanette. Alalang-alala siya habang kinukumusta ako. Hindi ko na rin siya hinayaang umuwi. Doon siya natulog sa kwarto ni Lira habang dumiretso naman kami ni Lukas sa kwarto ko.Yakap niya ako habang nakaunan ako sa braso niya.Hinaplos ko ang dibdib niya. “Saan ka pala nagpunta? Hindi ka raw mahanap ni Ryu e.”Hinaplos niya ang buhok ko saka hinalikan ang ulo ko. “Kay Adrian.”Nangunot ang noo ko at tiningala siya. “Kay Adrian? Okay na kayo?”Umiling siya. “Not really. Galit pa rin ako sa kaniya dahil sinaktan ka niya.”Ngumiti ako at idinikit ang pisngi ko sa dibdib niya. Niyakap ko siya ng mahigpit. “Thank you for everything, Lukas. Mahal
Blair CastroNAPAG-USAPAN kaagad namin ni Lukas ang kasal pagkatapos niyang magpropose. Gusto niyang magpakasal na kaagad kami bago pa lumaki ang tiyan dahil mahihirapan na raw akong lumakad. Ang problema, ayoko pang makasal kaagad kami dahil hindi pa ako sigurado kung tapos na nga ba ang laban namin sa mga Gonzales. Oo, wala na si Alicia, pero para sa mga magulang niya na nangungulila ngayon ako ang may kasalanan ng lahat kaya tiyak akong hindi sila basta papayag na hindi ako pagbayarin.Isa pa, mas natatakot ako ngayong nananahimik ang pamilya ni Alicia. Baka mamaya, bigla nila kaming sugurin sa mismong araw ng kasal namin ni Lukas. Ayokong may mapahamak kaya magtitiis muna kami ng ilang panahon.“Mommy, may suprise po ako pag uwi niyo ni kuya Onyx,” nakangiting sabi ni Lira habang inaayos ko ang bag ko.Tapos na ang apat na linggong interv
Blair Castro “THANK you, Mr. Kim,” sabi ko bago patayin ang tawag. Nang ibaba ko ang cellphone ko ay agad kong tiningnan si Onyx. Ngumiti ako. “Okay lang ang papa at mga kapatid mo, 'nak.” Tumango siya. Gabi na ngayon at hanggang pag-uwi ni Lukas sa bahay ay pinabantayan ko kay Mr. Kim para mapanatag kami ni Onyx. Sa labas naman ng hospital ay pakalat-kalat rin ang mga tauhan ni Mr. Kim para pati kami ni Onyx ay tiyak na ligtas. Mababaw ang tulog ko nang gabing 'yon. Kinabukasan naman ay namulatan ko ng mata si Lukas na nakatitig sa akin habang nakahiga ako dito sa sofa. Ngumiti ako nang ngumiti rin siya at bumati. “Good morning.” Bumangon ako. Inalalayan niya naman ako saka ko lamang napansin sina Owen at Lira na nakaupo sa magkabilang gilid ni Onyx. Kumakain silang tatlo.