Fifth Castillion POV
IWAS ang tingin ko sa babaeng kaharap ko ngayon, hindi ko magawang tumingin ng deritso sa kanya dahil pakiramdam ko ako na ang pinakamakasalanang tao sa buong mundo. I'm not guilty for what I've done dahil alam kong aksidente iyong nangyari sa train pero ang isiping isang babaeng nagbabalak na maging madre ang nabastos ko ay nakakapanghina.Nagkatinginan kami pero sabay din kaming nag-iwas ng tingin. Pakiramdam ko kahit na magbuhos ako ng holy water sa katawan ay hindi mawawala ang kasalanan ko."Ahem." Tumikhim ako para pawiin ang awkward atmosphere na nangingibabaw sa pagitan naming dalawa.Nandito kami ngayon sa isang maliit na café na una kong nakita ng makalabas kami pareho sa train station. Napagpasyahan ko siyang imbitahin dito para makausap dahil alam kong hindi na dapat patagalin pa. Hindi ko alam kong paano makikitungo sa mga banal na tao kaya para akong teenager ngayon na natotorpe sa crush niya.My goodness, ni pati libog ko tiklop kapag napapasadahan ko ng tingin ang suot niya. Though kahit balot balot ito ay kitang kita ko pa rin ang malalaking hulma ng kanyang hinaharap.Ilang ulit akong umiling. Pilit ang ngiting ibinalik ko ang tingin sa kanya. Magkaharap kaming dalawa ngayon at pati ito ay alam kong hindi mapakali basi sa pagkurot kurot nito sa mga daliri na nasa ibabaw ng mesa."Gusto kitang makausap tungkol sa perang ibinayad ko sa bidding." Panimula ko at bahagya kong inayos ang collar ng suot kong polo.Tumikhim ako at inayos ang pagkakaupo. Bakit ba ako maiilang sa kanya? Ako? Si Fifth Castillion naiilang sa isang babae? Never. Never. Never. Hindi dapat ako nagpapakita ng gan'on dahil pagyurak 'yon sa pagkatao ko. Ako pa naman ang pinakagwapo sa aming magkakapatid at kahihiyan sa lahi namin kapag makaramdam kami ng ilang sa mga babae.Sila dapat ang maintimidate sa'min, sila dapat ang lumuluhod sa'min lalo na sa'kin na pinakagwapo sa lahat ng mga Castillion. Alam ng lahat na ang lahi namin ay ang tinatawag na God's gift to women."T-Tungkol doon, babayaran naman kita pero gusto ko sanang humingi ng kahit kaunting palugit." Nakayuko pa rin ito at hindi makatingin ng diretso sa'kin.Ganyan nga Singco dapat siya ang mailang hindi ikaw. Remember, Castillion ka kaya wag mong ipahiya ang lahi mo."What do you mean? Hindi mo maisasauli agad sa'kin ang pera?" Hindi ko mapigilang pagtaasan siya ng perpektong kong kilay. Actually, lahat naman sa'kin perpekto at given na 'yon. Small thing kumbaga. "Look, hindi naman sa minamadali kita actually kahit hindi mo na iyon bayaran dahil mayaman naman ako. Sa sobrang yaman ko nga kahit banggitin mo lang pangalan ko sa kahit saang mall ay manginginig agad sila sa takot. But, but, wala naman akong dahilan na magwaldas ng isang milyon kung wala akong makukuhang benefits."Kitang kita ko ang pagkagat niya sa pulang pula niyang mga labi. Ilang ulit akong napalunok habang hinihiling na sana ako ang kumakagat n'on.Fuck! Napamura ako dahil nabubuhay na naman ang pagnanasa ko sa kanya tulad ng una ko siyang makitang nagsasayaw.Ano ka ba naman Singco, nakapangmadre na't lahat lahat tinatayuan ka pa rin."P-Pasensya na, nagastos ko na kasi ang pera sa isang napakaimportanteng bagay. Bagama't hindi ko naisakatuparan ang napagkasunduan." Mahinhing sagot niya.Napasentido ako at pilit ko pa ring inginiti ang perpekto kong mga labi dahilan para lumitaw ang perpekto kong mapuputing ngipin. "What now?"Mas lalo nitong iniyuko ang ulo. Hindi ko na nga nakikita ang mukha mas lalo pang yumuko kaya mas lalong naitago ang kagandahan niya."K-Kung nanaisin mo ay maaari kong ituloy ang napagkasunduan. Na tayo ay... tayo ay..."Sabay kaming napasign of a cross kahit hindi niya pa natatapos ang sasabihin niyang alam kong labag na labag sa kanyang loob."Patawarin niyo po ako Panginoon." Nausal ko.Hindi ko masikmura ang pumapasok sa isip ko. Hindi ko kayang makipagsex sa kanya habang nakasuot siya ng pangmadre. Mapapadasal ako ng ama namin ng wala sa oras. Napabuntong hininga ako at pinilit ang sarili na makipag-usap sa kanya.Tinatayuan talaga ako ng balahibo dahil sa suot niya, pakiramdam ko halloween kapag naiisip ko ang pagkabanal niya."Ayokong pilitin ka sa bagay na iyon dahil alam kong labag iyon sa loob mo. I can't force someone to have sex with me 'coz I repect women. Tangna, napapaenglish ako." Napahilamos ako sa mukha ko.Nanlalaki ang mga mata nitong sa wakas ay tumingin sa'kin. "Patawarin ka nawa ng Diyos, napakadumi ng mga salitang lumalabas sa iyong bibig." Nagigimbal ang reaksyon niya habang tutop ang mapupulang labi.Nanggigigil akong napakagat labi. "Sarap mong kurutin sa u***g." Nasabi ko.Shit! Shit! Shit! Panay ang tahimik kong pagmumura sa sarili dahil naisatinig ang mga salitang sana'y sa isip ko lang.Napakamot nalang ako sa batok ko at hind na ako nagtaka ng mas lalong manlaki ang kayang mga mata. "Jusko! Napakabastos ng iyong bunganga." Aniya, dali dali itong may hinugot sa bulsa ng kasuotan.Kinilabutan ako ng naglabas siya ng isang rosary. Kulang nalang ay takasan ako ng dugo sa buong katawan nang abutin niya ang isa kong kamay at ipinatong iyon doon. Hinintay ko nalang na biglang magliyab ang buo kong katawan.Nang lumipas ang ilang minuto na hindi naman ako nasunog ay nakahinga ako ng maluwag."Gamitin mo ito at magdasal ka araw araw upang umalis sa iyong katawan ang masamang espiritu na nag-uudyok sa'yo na magsalita ng makasalanan." Payo niya.Dahil sa pagkataranta ay wala sa sariling agad kong isinilid sa bulsa ko ang bigay niyang rosaryo. Mabilis kong ininom ang isang baso ng tubig na nasa harapan ko.Napatingin ako sa kanya at natigilan ng makita ko ang masuyo niyang ngiti sa mga labi. Napakurap kurap ako dahil sa sobrang ganda niya. Walang maipipintas sa sobrang perpekto ng mukha, simula sa mga namumungay na mga mata, maliit ngunit matangos na ilong, mapupulang labi at mamula mulang mga pisngi. Mahahaba rin ang itim na itim na mga pilik mata."N-Naubos na ang pera kaya't humihingi ako ng palugit para makahanap ng ibang paraan para mabayaran ka." Kahit ang boses nito ay parang nagduduyan ng sanggol sa sobrang lamyos."Isang milyon? Paanong naubos agad?" Tanong ko ng makabawi sa pagkakatulala sa malaanghel niyang mukha.Ang kanina'y purong ngiti nito ay nabahiran ng lungkot. "Iginastos ko sa isang napakaimportanteng bagay." Sagot niya at dahil mukhang wala talaga siyang balak na magkwento ay hindi na ako nagtanong."Kung hihintayin kitang mag-ipon ay tiyak aabutin ka ng ilang taon." Napayuko ito dahil sa sinabi ko, napabuntong hininga nalang ako. "Anong pwede mong maibigay sa'kin bukod sa katawan mo?"Nagtaas ito muli ng tingin at bakas ang kaguluhan sa mga mata. "Bukod sa katawan ko?"Tumango ako. "Yup, you know I can't have sex with you so what can you offer?""W-Wala." Nahihiyang sagot niya.Tumayo na ako bago dinukot ang cellphone sa bulsa ko at inilahad sa kanya. "Ibigay mo sa'kin ang number mo at tatawagan kita kapag nakaisip na ako kung paano kita masisingil."Ilang minuto niya munang tinitigan ang cellphone ko bago napipilitang inabot at inilagay ang number niya. "Dapat kapag tinawagan kita available ka.""Ngunit--" agad kong itinaas ang palad ko para patigilan siya sa pagsasalita."Wag ka ng magsalita, dudugo ang ilong ko sa lalim mong managalog." Nagmano ako sa kanya bago ako tuluyang umalis sa lugar.Naiiling akong nasapo ang pagkalalaki ko at napamura nalang ng maramdamang tigas na tigas iyon at mas tirik pa kaysa sa sikat ng araw.Madalas talaga akong mapahamak dahil sa kalibugan ko.HINDI MAPIGILAN NI Nette ang mapahugot ng malalim na hininga habang naglalaro sa kanyang isipan ang napag-usapan nila ng binatang Castillion.Ngayon lamang siya nakatagpo ng gan'oong lalaki dahil hindi naman talaga siya madalas makihalubilo sa mga adan, bawal iyon sa kinalakhan niyang kapaligiran. Napakabastos ng binata ngunit hindi niya madadaya ang sarili dahil sa kabila ng pagiging madumi ng mga salitang lumalabas sa bibig nito ay humahanga siya sa angking kakisigan at kagwapohan ni Fifth.Ibang iba ito sa mga lalaking nakikita niya kapag dumadalaw sila sa iba't ibang simbahan o nagkakaroon ng pagdiriwang ang kanilang kumbento. Sa isang tingin pa lang ay masasabing nabibilang ito sa mga taong marangya ang buhay at humihiga sa pera. Nakakahalina rin ang pagiging matikas ng katawan nito, ang paghapit ng suot na kamesita sa malapad nitong dibdib pati na ang pantalon na perpektong ipinakita ang hulma ng mga hita.Hindi rin matatawaran ang kagwapohan nito na kapag ngumiti ay matutulala ka na lamang. Perpektong perpekto ang makinis nitong mukha, natural na namumula ang pisngi na tila kapag kinurot ay madaling masugatan dahil sa sobrang lambot. Matangos ang aristokratong ilong at namumula ang mga maninipis na labi."Patawarin niyo po ako Panginoon dahil pinupuri ko ang isang adan, alam ko pong mali iyon gayong hindi ko ito kasintahan o asawa." Piping usal niya.Ilang ulit na ba siyang humingi ng kapatawaran ukol sa bagay na iyon simula ng magkrus ang landas nila ng binata? Hindi na niya mabilang dahil kusa na lamang itong lilitaw sa kanyang isipan, lalo na ang nakangiti nitong mukha."Ayos ka lang ba iha?" Pilit siyang ngumiti dahil sa tanong ni Sister Monica na siyang tumayong ina niya mula ng pumasok siya sa kumbento sa murang edad."Hindi ko lang ko mapigilan na isipin kung ano na ang kalagayan ng ate." Aniya, totoo iyon dahil kahit madalas sumagi sa kanyang isipan ang binata ay mas lamang sa kanyang isipin ang kalagayan ng nakakatandang kapatid."Sabi mo't nakagawa ka na ng paraan para sa kanyang operasyon? Hindi ba't iyon nga ang dahilan kung bakit nagpaalam ka sa'king lalabas muna pansamantala sa kumbento?" Masuyong tanong nito habang inaayos ang telang nakabalot sa kanyang ulo."Nakagawan ko na po ng paraan ang pera para sa kanyang operasyon ngunit hindi ko pa po alam kung pumayag po siya. Ayaw na po ng ate na mabuhay kaya't kahit may pera na ay nangangamba pa rin po ako para sa kaligtasan niya." Hindi niya napigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha.Ang pera para sa operasyon ng kanyang ate ang dahilan kung bakit napilitan siyang magsayaw na tila hubad kahit na labag iyon sa prinsipyong mayroon siya simula pagkabata. Ito ang dahilan kung bakit may malaking utang siya ngayon sa binatang Castillion.Galit sa kanya ang kapatid at ayaw na ayaw nitong lumalapit siya dito kaya ang kaibigan nalang nito ang pinagkatiwalaan niyang kukumbinse na magpaopera ito. Hindi rin biro ang isang milyon kaya ipinapanalangin niya na sana magbago ang isip nito, na sana gustuhin nitong magpaopera."Ipasadiyos na lamang natin na maging tama ang kanyang pagpapasya, halina't tayo'y manalangin para sa ikabubuti ng iyong kapatid." Nakangiting tugon ng kausap.Nagpatianod siya ng igiya siya nito papasok sa simbahan. Mabilis na gumaan ang kanyang kalooban ng mapatingin sa altar. Simula pagkabata ay iyon na ang nagpapagaan sa kanyang kalooban kapag may problema siyang iniisip. Ang simbahan ang nagiging takbuhan niya kapag pakiramdam niya ay gusto na niyang sumuko mula sa pagsubok ng buhay.Bata palang ay tinatawag na siya ng langit upangbpaglingkuran ang diyos kaya't ng magkaroon siya ng pagkakataon ay hindi na niya iyon pinaglagpas.Lumuhod sila sa harap ng altar at nagsimulang magdasal.Panginoon, narito po akong muli sa Iyong harapan upang manalangin. Sobra sobra po ang aking pasasalamat sa lahat ng mga bibiyang Iyong ipinagkaloob sa akin at sa mga taong nakapalibot sa'kin. Malaki po ang aking pasasalamat sa lahat lahat.Sa kabila po ng lahat ay hindi Niyo ako tinalikuran kahit dumating sa puntong nawalan ako ng tila sa pagmamahal Niyo sa'kin bilang anak. Ipinananalangin ko po na sana hindi rin Kayo magsawa sa pag-intindi sa aking kapatid.Nawa ay bigyan Niyo siya ng magandang kalooban at pag-iisip na hindi sayangin ang kanyang buhay.Buong puso ko pong ipinagkakaloob sa Inyo ang kanyang kaligtasan. Mahal na mahal ko po ang aking kapatid tulad ng kung paano ko Kayo mahalin. Maraming maraming salamat po.Sa ngalan ng Ama, ng Anak, ng Diyos, Ispiritu Santo. Amen.Nang idilat ko ang aking mga mata ay napatitig lamang ako sa altar, sa ilaw na nagbibigay liwanag sa buong lugar. Masuyo akong napangiti habang pinagmamasdan ang lugar kung saan nakilala ko Siya. Kung saan ako namulat na sa lahat ng parte ng ating buhay dapat ay bigyan natin Siya ng puwang doon. Dahil ang pagmamahal na kasama Siya ay hindi hindi basta natitibag ng kahit anong klase ng pagsubok.Gumaan ang kanyang loob sa simpleng pagtingin lamang sa paligid. Malaking bagay talaga ang araw na araw niyang pagpunta dito dahil tila may mahikang pumapawi sa bigat ng kanyang pakiramdam."Ayos ka na ba iha?" Muling tanong ni Sister Monica ng palabas na sila ng simbahan.Nakangiti siyang tumango. "Opo, palaging Siya naman po ang nagpapagaan ng aking damdamin.""Wag na wag mong kakalimutan palagi ang pasasalamat." Bilin nito."Opo." Tumingala siya sa maaliwalas na kalangitan ngunit ang ngiti niya ay nahaluan ng kaguluhan dahil tila nagporma ang ulap at nakikita niya doon ang nakangiting mukha ng binatang Castillion.Fifth Castillion POV"NASAAN SI SINGKO?" Ilang ulit akong napalunok nang marinig ang boses ni Mommy. Kagigising ko lamang kahit medyo tanghali na dahil napuyat ako sa pinuntahan naming party.Napapakamot sa batok na dahan dahan akong naglakad papuntang dinning. Tumikhim ako pagkarating ko doon dahilan para mapatingin sa'kin ang lahat, nasa hapag na sina Mommy at Daddy pati na rin ang mga kapatid kong wala pang pamilya na handa ng kumain ng agahan. Agad na sumilay ang mga ngisi sa mga gunggong kong kapatid, napapasipol pa si Sais. "Nasa hapag tayo!" Halos sabay kaming nagpigil ng tawa ni Seven ng sapukin ni Mommy si Sais. Wala itong nagawa kundi sumimangot nalang."Karma!" Bulong ko pagkadaan ko sa pwesto niya, dahan dahan akong pumunta sa pwesto ko habang ramdam ko ang matatalim na tingin ni Mommy, samantalang si Daddy ay ngingisi ngising nagsimulang kumain."Singko!" Malumanay ngunit puno ng diin na bigkas ng aking i
NAKAKUNOT ANG NOO at seryosong seryoso ako sa pagtatype sa laptop ko. 'Yong yamot ko sa paghahanap ng babaeng pwedeng dalhin sa anniversary nina mommy ay dito ko ibinubuhos. Nakakainis dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Pati pagiging pogi ko hindi ko na naasikaso dahil sa problema ko.My goodness, I don't even know where to find a material wife because I'm not even a material husband. Putiks! Napapaenglish na naman ako e, madami na namang maiinlove sa'kin kapag nalamang hindi lang ako saksakan ng kapogian matalino pa.Ano ba naman 'yan Sinco, bakit nasa'yo na ang lahat?"Abot hanggang sahig na ang paghaba ng nguso mo." Natatawang kantyaw sa'kin ni Sais. Hindi ko siya pinansin dahil hindi ako nakikipag-usap basta basta sa taong hindi ko kasing pogi. Pero kapag 'to sinapak ko mas lalo 'tong papangit."Wag mo 'kong simulan kasi baka masapak kita, marami akong problema at wag mo ng dagdagan." Yamot kong sabi pero mas lalo lang
Fifth Castillion POV"BAKIT kailangang ilagay na no criminal records? Sa pangit mong 'yan pati ba naman utak mo kinakalawang na rin, ano ba naman 'yan Sais." Nayayamot kong sita matapos kong basahin 'yong ginawa niya."Anong connect ng kinakalawang na utak sa pangit? Ikaw talaga maisingit mo lang talaga ang panglalait sa'kin e." Sabat niya at padabog na tumayo."Bakit nga kasi pati criminal record?" Ulit ko."Sige matanong kita, gusto mo ba ang ipakilala mo kay mommy ay magnanakaw? Mamamatay tao? Akyat bahay? Mandurukot? Ex-convict?" Tinaasan niya pa ako ng kilay na tila nanghahamon samantalang ako ay pinaningkitan siya."Ang OA mo wala naman sigurong babaeng gan'on." Grabe naman."Yan kasi mani lang nila ang gusto mo kaya hindi mo alam ang realidad na moderno na ang panahon at pati mga babae ngayon kayo nang gawin lahat ng ginagawa ng mga lalaki." Aniya."O sige tama ka na pero bakit nilagyan mo nitong dapat virgin
Fifth Castillion POV"AYOS na ba talaga sa'yo 'yong napili na'tin?" Pangungulit ko kay Sais habang nag-aayos ng necktie. Nandito kaming dalawa sa kwarto ko habang ang mga bisita ay nagsisimula ng magdatingan sa baba. Syempre paVIP kami dahil mga gwapo kami este ako lang pala dahil tulad ng palagi kong sinasabi napakapangit ni Sais. Sa sobrang pangit niya pinagkakamalan siyang hardeniro namin. "Kailangang hindi ako pumalpak dahil baka imbes na malutas ko ang atraso ko kay mommy ay baka mas lalong lumala." Sabi ko pa."Bakit ako tinatanong mo ako ba makakasama mamaya?" Pagtataray niya kaya hindi ko mapigilang batuhin ng sapatos, nakapangisi ako ng masapol ang ulo niya."Siraulo ka pinaghirapan na'ting hanapin 'yon halos malusyang ako sa kakainterview tapos ganyan sagot mo." Naku, ayokong maalala ang pinagdaanan ko sa interview dahil kahit sinong lalaki ay hindi nanaisin na pagkaguluhan ng naggagandahang mga babae. Napagod ako ka
Fifth Castillion POV"WAG KA na mapikon Singko dahil hindi naman 'yon seniseryoso ng mga tao, you are Castillion remember?" Nakangiting pag-aalo sa'kin ni Florence habang hinihimas himas ang hita ko. Sa gitna ng pagkainis ko ay naisip ng napakatalino kong utak na hindi dapat ako mahiya dahil sanay ako sa kahihiyan. Tama.Ngumiti ako kay Florence. "Can you kiss me?" Ngumisi siya at hindi na ako nagdalawang salita dahil agad na niyang inilapat ang kanyang mga labi sa labi ko. Agad na nilukob ng init ang aking buong katawan. Kinabig ko ang kanyang leeg upang mas lalong diinan ang pinagsasaluhan naming halik.Ilang araw din akong walang sex life and this is a fucking heaven. The party is stressing me out kaya ng umalis ako kanina ay hindi na ako bumalik.I don't want to see her.Dahil sa pagkakaupo ay madali ko siyang nakabig kaupo sa hita ko. Napangisi ako dahil alam na alam niya ang gagawin. She grap my cock and play it
Nette POVMatapos ang gulong nangyari sa maid's quarter ay hindi pinaalis ni Mrs. Castillion ang lahat, pinagbihis niya si Mr. Fifth at Ms. Florence syaka inimbitahan para kausapin samantalang ang kaba ko ay hindi maampat.Ramdam kong panganib na naman ang mangyayari. Puro na lamang ako kapalpakan."Hindi sinasaktan o pinapatay ni Singko ang kanyang nobya iha, kung iyon ang iyong nasa isip 'wag kang matakot dahi hindi siya masamang tao." Panimula ni Mrs. Castillion, hinawakan niya ang aking kamay at banayad na ngimiti. Kumunot ang aking noo dahil gustong arukin ng isipan ko kung hindi niya sinasaktan at gustong patayin ang kanyang nobya, ano ang ginagawa nila at nasa gan'ong posisyon sila?"Pasensya na po kung mali ang aking pang-unawa, ano po ba iyong ginagawa nila?" Lakas loob kong tanong.Kita ko ang reaksyon ng magkakapatid na tila nagpipigil ng tawa. "Hindi mo alam ang ginagawa namin ha? Nagsesex, nagkakantutan ka
Nette POV"PASENSYA NA po talaga dahil kayo pa po ang naiyakan ko." Nakayuko ako habang nakatingin sa mga daliri ko na may band aid na ngayon. Hindi ako makatingin sa kanya dahil sa kabang nararamdaman ko. Sinasanay ko nalang ang sarili ko dahil tila iyon na ang normal na tibok ng aking puso sa tuwing maglalandas ang aming daan.May katagalan na rin ang huling pagkakataon na nagkita kami at akala ko'y iyon na ang huli ngunit tila ito na naman si tadhana.Sa kabilang banda ay may utang na loob ako at pera sa kanya kung kaya't sa ayaw at sa gusto ko ay magsasalubong ang landas namin."Ayos lang kahit sinumang tao ang makita ko gan'on talaga ako kaya wag kang mag-assume hindi porke't pinasandal kita sa malaki at macho kong dibdib ay gusto na kita. No, ayoko masunog. Mahilig ako sa sex, kantutan gusto ko." Madaldal pa rin siya.Patawarin niyo po ang kanyang mga salita. Tahimik kong usal.Hindi naman ako nag-aassume at ni minsan ay hi
Nette POVAKO'Y napangiwi nang maimulat ko ang aking mga mata dahil bumungad sa'kin ang larawan sa kisame. Patawarin nawa ako't napunta ako sa ganitong lugar. Hindi ko alam kung ito'y parusa o biyaya sa akin. Naalala kong nawalan ako nang malay kung kaya't napatingin ako sa paligid. Makalat pa rin at nandoon pa rin ang mga halos hubad na larawan na nagmumula sa iba't ibang aklat. Ang ikinasasakit ng aking ulo ay ang wallpaper na nakalarawan sa buong silid ay tulad rin ng mga larawang nasa libro.Ako'y nagkakasala at sa ipinapangako kong kapag ako'y nakabalik sa kumbento ay ang magkumpisal ang unang una kong gagawin. Nahahabag ako sa nakikita ng aking mga mata. Tahimik ang paligid kung kaya't napagpasyahan ko na bumangon. Nang makaupo sa kamang kinahihigaan ko na ay napatingin ako sa isang sulok at doon nakita ko si Mr. Fifth, nakatagilid ito mula sa pwesto ko at abala sa pagtipa sa kanyang laptop. Hindi ko ninais na lumikha ng ingay.Pi
Pain's POVI hate stupid people. Kulang nalang ay paikutin ko ang mga mata ko nang mapadaan sa dalawang teenagers na akala mo ay katapusan na ng mundo at huling araw na ng pagkakadiin ng mga labi nila sa isa't isa. Para silang mga suso na sinisipsip ang mga labi na akala mo ay nagtotoothbrush ng three times a day. Napailing nalang ako at itinuon ulit ang atensyon ko sa librong binabasa ko. A collections of Philippine Literature and I'm currently reading the work of Aida Rivera-Ford, the Chieftest Mourner. Tungkol sa tunay na asawa at kabit, namatay ang hero at pinagdedebatihan kung sino nga ba ang chieftest mourner sa dalawa, ang tunay na asawa na hindi nag-alaga sa lalaki habang naghihirap ito o ang kabit na siyang gumastos at sumubok na ipagamot ang hero. I don't know but personally, I can say that the chieftest mourner is the mistress. It's not that I'm normalizing adultery and mistress thing but in the story I can say that the mistress sacrificed more than the legal wife. Well,
Rain's POV"E, iiwan ko nalang dito ang almusal mo, ha? Baka malate kasi ako." Agad kong isinilid sa bag ko ang legder ko at notebook na gagamitin para sa mga klase ko ngayon araw. Tinignan ko ang oras. "Hala, 7:30 na. 8:00AM ang klase ko." Kinatok ko ang kwarto ni E. "E, baby. Papasok na ako." Bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang bagong ligo at nakangiting si E. Siya si E Castillion, we have been together for almost five years now and we have been living together for almost one year today. "Hindi mo na ako sasabayan sa pagkain?" Napanguso siya kaya napangiti ako. Mabilis kong dinampian ng halik ang labi niya."Male-late na po ako e. Mamaya, sabay tayong mag-dinner. Lulutuin ko ang paborito mong adobo."Mas lalong lumawak ang pagkakangiti ko nang hapitin niya ang bewang ko at mas lalong lumapit sa akin. Inayos ko ang kwelyo ng uniform niya, mabuti nalang nagkaroon ako ng oras kagabi na plantsahin ang mga uniform niya kaya maayos na maayos 'to ngayon. "Hintayin kita, isang su
Moowe POV"Nice game, Moowe." Nakangiting lumapit sa'kin si Coach Shen ng mailapag ko ang bat sa bench kung saan kami nagpapahinga."Alam mo naman coach na may dahilan ako," seryoso kong sagot. Inalis ko rin ang softball cap na nasa ulo ko at ipinaypay sa sarili.Tirik na tirik ang araw at nasa field kami dahil sa provincial meet na mismong ginaganap dito sa school namin. Isang simpleng probinsya na may magagaling na manlalaro ng baseball at softball. At isa ako sa member ng softball team."Mag-uusap usap kami mamaya kung sino ang maaaring magtry out sa University of Elite and Dreamers, para mapabilang sa team nila," tugon niya pa, inabutan niya ako ng tubig nang makaupo ako sa bench at diretso ang tingin sa diamond shape field kung saan nagpapatuloy ang laro.I'm Mowee Elicia Ventura, I'm a fourth year high school student. At matagal ko nang inaalagaan ang pangalan ko sa larangan ng softball para makapasok sa mga prestigious na university sa Maynila. Tapos na akong pumalo at naka-sc
Calosa's POV"HAPPY birthday to you, happy birthday day to you. Happy birthday, happy birthday, happy birthday to you~" Tuwang tuwa ako habang kumakanta sila ng 'Happy Birthday'. Today is my eighteenth birthday, November 27. I'm Calosa Serra Vuena El Cadesa, nag-iisang anak ng mommy at daddy ko. Finally, nasa legal age na ako, napakatagal ko nang hinintay na dumating sa edad na 'to para magawa ko na ang gusto kong gawin.My parents promised me na kapag dumating ako sa edad na 'to ay hindi na nila papakialaman ang mga desisyon ko. Mula pagkabata my parents spoil me with everything. Lahat ng gusto ko nakukuha ko, I'm an only child kaya lahat ng atensyon nila nasa akin. "Blow the candle, honey," masuyong sabi ni mommy. Natawa ako dahil maluha luha siya habang hawak ang camera at kinakuhanan bawat anggulo ko. My very supportive mommy.Mariin akong pumikit at pinagsiklop ang mga kamay ko. Lord, tulad po ng dati kong wish kada birthday ko. Sana po magkagusto na sa'kin si D. Pwede niyo na
Rae's POVI'M ETNASES Rae Lorente, seventeen years old taking Bachelor of Fine Arts in Ceramics. I'm first year college student now, bata palang ako gustong gusto ko na ang ceramic making or pottery making using clay. Hindi ko alam pero sobrang lapit ng puso ko sa ceramic making. Napaka-fulfilling sa pakiramdam kapag nakakatapos ako ng isa. Umusok ang ilong ko nang makaupo ako sa upuan at hindi na nakaalis dahil may nakadikit sa palda ko. Pinilit kong umalis, sa pagpupumilit ko nakarinig ako ng pagkapunit. Naikuyom ko ang mga kamay ko. "B Castillion!" sigaw ko. Lahat ng mga classmates ko umiwas ng tingin sa'kin. Nanggagalaiti ako sa inis dahil alam ko kung sino na naman ang may kagagawan nito. Kahit hindi na ako magtanong alam kong siya na naman ang may pakana nito. Hindi kompleto ang araw niya na hindi niya ako iniinis. Hinubad ko ang palda ko at inis na sinipa ang upuan. Buti nalang suot ko ngayon ang jogging pants ko na tinupi ko l
Chette's POVI'M Franchette Mczee Aguenza, first year college student. I'm seventeen years old at kilala ako sa buong batch namin na stupid. Bobo lang ang hindi makakaintindi sa ibig sabihin ng salitang stupid. Sa buong klase namin ako palagi ang lowest at naghahabol ng grades, madalas bagsak din ang grades ko. Kung hindi dahil sa floorwax at walis tambo noon para sa make up project hindi ako makakatungtong sa college. Sino ba naman ang gustong maging bobo? Lahat ng tao sa mundo gustong maging matalino pero may mga estudyanteng tulad ko na kahit anong aral bobo pa rin talaga. Masipag naman akong mag-aral, feeling active pa ako palagi sa klase pero kapag nagdi-discuss na ang professors parang nagwo-walk out din ang brain cells ko. Walang cooperation kapag lessons na ang pinag-uusapan. Kung hindi ako magaling sumayaw siguradong wala akong silbi sa mundo. Medyo naawa ata sa'kin si Lord, kaya binigyan niya ako ng talent. Kaya palagi kong binibigay ang best p
Gaci's POVI ROLLED my eyes dahil nakita ko na naman ang mga bakekang na palaging nakatingin sa'kin. I don't know why they are always staring at me. I know that I'm gorgeous, but they should mind their own business especially kapag we are in school. "Ang gwapo niya talaga," I heard someone scream. My eyebrow tilt in disgust. Me? Gwapo? Like duh, I'm wearing my favorite neon Gucci corset dress and my nails are polished with glittery black. I'm holding my Chanel lambskin black with gold chain. Nakakairita, hindi nila nakikitang naka-make up ako? Like, they're stupid or blind?"Don't mind them, take it as compliment because our clan is epitome of good genes," saway sa'kin ni Sonata dahil balak ko silang lapitan at kompontrahin. "They're always screaming that I'm gwapo, it's insulting."Soledad just shrugged. "Hindi mo naman kasi mapipigilan na humanga sila sa'yo kasi kahit ang ganda mo ngayon alam nilang sa lahi ka natin nagmula.
SERYOSO AKONG pinagmamasdan si Gaci na nakaupo sa lounge chair sa gilid ng swimming pool. Kanina ko pa siya pinagmamasdan habang ang aking napakagandang asawa abala sa pagpupunas ng buhok niya. Nakaupo rin sa katabing lounge chair ni Gaci.It's been a decade since we got married. Sa bawat araw na lumilipas mas lalo kong minamahal ang aking asawa. Sino bang hindi, bukod sa napakabait niya palagi niya kaming inaasikaso at hindi pinapabayaan. May mga gabi pa ring napapatanong ako kay Lord kung anong mabuting nagawa ko sa buhay para bigyan niya ako ng asawang tulad niya. Wala na kong mahihiling pa. Napakawalang kwenta kung kong magloloko ako, ni isipin hindi ko magawa. Hindi ko kayang makita siyang masaktan. Naglakad ako papalit sa kanila. Wala akong pang-itaas na damit, sayang naman kung itatago ko ang nakapaglalaway kong abs. Ngumiti sa'kin ang aking asawa, natawa ako sa lakas ng tibok ng puso ko. Gan'on pa rin ang epekto niya sa'kin, sa tuwing ngingiti siya
MALAWAK ang aking ngiti habang binabasa ang huling pahina ng aklat. Puno ng saya ang aking puso sa kabila ng mga naging karanasan namin. Matapos kong mabasa ay itiniklop ko ang libro at ilang ulit na hinamas ang pabalat niyon.Mas lalong napalawak ang aking ngiti dahil sa pagbukas ng pinto at nakita ko doon ang pagpasok ng pinakagwapong lalaking nakita ko sa tanang buhay ko. Nagkasalubong ang aming mga tingin at kumindat ito habang may mga ngisi sa labi."Kumusta ang book signing mo?" Umupo ako mula sa pagkakahiga sa kami. Sumimangot siya habang tinatanggap ang butones ng kanyang polo. "Hindi okay dahil hindi ka pumunta. Unang beses ko iyon na magpakita sa mga readers ko at ireveal ang totoong author ng mga binabasa nila."Malalaki ang hakbang na lumapit siya sa akin at dinamba ako ng yakap. Tulad ng nakasanayan niya kapag nalalapit sa akin ay ang dibdib ko agad ang aabutin ng kanyang malikot na kamay. Sa limang taon naming pagiging mag-asawa ay